Monday, December 25, 2006

Ang Bus at ang Gitgitan sa Day 4

Day 4 – 18th December 2006, Monday
Sa bus stop ko na sisimulan ang kwento ko ha... Syempre, di naman kasi ako nagkwe-kwento ng mga pangyayari during Mass, lahat laging after the mass diba?

So sa bus stop, di matatawaran ang dami ng tao at ewan ko ba sa mga bus driver mukhang naiskoran kami dahil halos magkakasabay sila kung magdatingan ngayong araw na ito, at dahil lahat ng mga taong nasa bus stop ay gusto ng makauwi kaagad, lahat ng bus na dumaan na dadaan sa kung saan man sila papunta, eh tinatakbuhan o sinasalubong (syempre sa mga tumatakbo, kasama kami sa mga un). Hanggang sila eh nagkakagulo sa isang bus ng may isang bus na walang laman na biglang dumating, sinalubong ng iba, ang bus na iyon, at kami, kasama ang mga housemates eh pumwesto na kaagad sa lugar na alam naming hihinto ang bus. May sumisigaw pa nga sa kaibigan ko na wag syang aalis don dahil don hihinto ang bus at sya namang hindi rin umalis sa kinatatayuan nya (masunuring bata... pano kung dadaan sa kinatatayuan nya ung bus, aalis kaya sya???)

Bumukas ang bus, sumakay ang masunurin kong kaibigan pero ang hindi namin maintindihan eh kung anong nais iparating ni mamang driver dahil bukas-sara bukas-sara ang pintuan na tila natutuwang makitang naiipit ang masunurin kong kaibigan.

At dahil sa marami ngang tao na nais nang makauwi, eto, ang isang housemate namin, malapit na sa pintuan eh napupunta pa sa likuran! Kakaiba di ba? At ang hindi ko kinayang pangyayari sa kwentong ito ay yung may nagalit na isang pasaherong babae sa akin at sinabing wag ko syang gitgitin dahil naiipit sya. Syempre papalagpasin ko pa ba ang pagkakataong ito, natural, OO dahil galing akong simbahan eh. At kahit masama ang loob ko dahil pinagbintangan nya akong ginigitgit ko sya, sige, patatawarin na kita at si Lord na ang bahala sayo pero kung mapadaan ka sa bahay ko at mabasa mo ito, gusto ko lang iparating sayo, “Kapatid, hindi ako ang nangigitgit sayo, obvious ba, daming tao??? Di nga ako gumagalaw pero nakakagalaw pa rin ako di ba? At saka, ako kayang ginigitgit mo at tinatapakan mo? Kaya, sana ok ka lang...”

Kita kitz sa Day 3!!!

Day 3 – 17th December 2006, Sunday
Walang blooper sa gabing ito. Normal at wala masyadong kakatwang pangyayari. Di rin namin nakita ang mga kahousemate namin kahit isa man lang sa kanila. Ngunit kahit ganon pa man, nakita naman namin sina Mama Emma (finally) at hindi na nagrereklamo ang Anak ate Gina ko na hindi na nya makita ung mga taong gusto nyang makita dahil nakita na nya sina Mama. After ng konting picturan, ayun umuwi na kami.

Si Kuya at ang 5 Dhs sa Day Two!

Day Two – 16th December 2006, Saturday
Walang masyadong makulit na pangyayari sa araw na ito, maliban sa isang ‘to! Syempre, natapos na ulit ang misa at panahon na para maglakad muli papuntang bus stop pero sa pagkakataong ito, di na namin kasabay sila berto.

Sa paglalakad, naiiwan kaming dalawa ni Ate Gina, pero ok lang kasi ako lang naman ang kayang sumabay sa lakad ni Ate Gina eh kaya ako na lang ang sasabay sa lakad nya! So ayun na nga, dalawa kaming naiiwan hanggang sa ang Ate Gina ay nagtanong ng “Di ba pera un?”

Ako : Asan?
Ate G : Ayun oh!
Ako : Ha? Nasaan?
Ate G : Ayun!
Ako : Oo, pera nga!

Habang sinasabi ni Ate G ang mga salitang un, may kasabayan din kaming 2 lalake noong marinig nyang nagtatanong si Ate G, huminto sya at nag-aalangang pulutin ang pera at dahil ikaw nang pinariringgan nang nakakita, malaman nitoy, maalangan ka na talagang kunin ung pera! Sa kabuuan ng kwento, si Ate G pa rin ang pumulot at ang halaga ng napulot, AED 5 (67 pesos).

At sa bus stop, ayun! Nakita naming muli ang mga kahousemate naming pero sa pagkakataong ito dalawa na lamang sila.

"Nagkaigihan"

Totoo pa lang ang biruang minsang naging sikat na sa amin ng mga ka-household ko! Ung tipong, “Oo boyfriend ko sya un nga lang kapag nalaman nya break na kami!” o di kaya’y “Ah sya ba! Naging kami nyan eh!” na kahit ang totoo eh hindi naman talaga!

Sa unang araw ng simbang gabi namin, may ganong kwento kaming nasagap! Nakakawindang ang storya dahil ang SSB kong anak-ate eh hindi na pala SSB ngayong 28 na sya dahil at the age 27, nagkaron pala sya ng kaigihan!

Ang kwento,...
Matapos magkwento, na-open ni Thea ang sa amin ang sinabi ni Bro E kay Bro S. Hirit ni Thea, “Ate Gina, nakwento ko ba sayo na nagkausap si Bro E at Bro S nung isang araw? Naikwento kasi ni Bro S sa amin na nagkausap nga daw sila ni Bro E. Nagtanong kasi si Bro S kung naging kayo ni Bro E dahil ang kwento ni Bro E kay Bro S eh sinabi daw ni Bro E na “nagkaigihan” daw kayo.” (Syempre, hindi yan ung saktong sinabi ni Thea, di ko na kaya matandaan kung pano nabrought up ang usapan na un! Basta ang eksaktong alam kong sinabi ni Thea at inaksyon nya ay yung sinabi ni Bro. E kay Bro S, “nagkaigihan”. Quote and Unquote!)

Natawa kaming bigla sa sinabi ni Thea! Kakawindang kasi eh! Dahil hindi namin alam na may nakaigihan na pala ang anak – ate kong si Gina! Ayos!

Syempre, dahil don nagkaroon ng konting asaran! At dahil mabenta sa akin ang kwentong iyon, hindi ko mapigilan na ikwento rin ito sa kapatid ni Bro E, si Ver. Nang marinig ni Ver ang kwento, tinawag si Gina sabay sabing “Quote nagkaigihan Unquote, bllaaagg!!!” Ayos! Lakas ng hagikgikan namin!

Maya maya si Ate T nakigulo na! Di nya pala alam ang tungkol sa quote! Hahaha!!! Pero may sarili pala siyang version ng mga pinaggagagawa ni Bro. E. Nwei, di ko na sasabihin kasi di na naman connected yung version ni Ate T sa “nagkaigihan” story.

Nwei, to finish this entry, may isang mensahe lang ako sa Anak – Ate ko...
“SSB ka lang pala ng 27 yrs at kahit hindi mo alam, naranasan mo na ring magkaroon ng “kaigihan”! At higit sa lahat, ang lesson, ang mga lokohan pala natin noon eh maaring magkatotoo ng di natin namamalayan!”

Up LATE!!!

Sa wakas!!! After how many days of not posting a blog, finally, nakapag blog din ako!!! Bukod sa dami ng trabaho ko, ilang araw na rin kayang nagloloko ang blog spot?!?!? Sumasama na nga ang loob ko sa Blogspot dahil huli na nga ako sa pag-a-update ng blog ko eh nagloloko pa ito!
Anyway, ang mahalaga, maipopost ko na ang blog ko kahit pasingit lang! Akalain mo, ang dami ko ng napalagpas na pangyayaring hindi ko pa naibla-blog! Gaya nito, nito, nito at eto pa! Iilan nga lang yan sa mga pangyayaring naganap sa nagdaang Simbang Gabi noh! Pero kahit tapos na ang Simbang Gabi at huli na ako sa mga kwento, ipo-post ko pa rin ang side ng kwento ko!

Tama na ang pasakalye! Magagalit nanaman kasi si Elie dahil daw pag nagblo-blog ako eh ang daming pasakalye! (Eh syempre para naman malaman nila kung ano, pano at bakit nangyari! Hmp! Isa pa, gaya ng mga karaniwang sagot natin sa isat isa “walang paki-alamanan! Blog ko ‘to eh!”)

Day One – 15th December 2006, Friday
Nagsimula na ang Simbang Gabi and luckily, naumpisahan ko ang simbang gabi ko ng maaga kami sa Simbahan. Yung tipong di pa ganon kadami ung tao, nakapwesto kami sa harapan kahit na nakatayo at nangangaroling pa ang mga choir sa mga taong nandoon na.

Di pa man nagsisimula ang misa, eh marami ng pangyayaring kaaliw aliw, kasindaksindak at kakaloka!

Supposedly, kasama kami sa magpe-perform ng sayaw sa simbahan before o during o after Lightning the Christmas Tree, kaya lang dahil nga sa ayaw naming sumayaw, naging pasaway kami! Maaga kami sa venue pero di kami sumunod sa tamang rules ng pagsayaw! Sabi nila, maong at white shirt plus ung ginupit naming damit nung sumayaw kami ng opening sa MEC! Although, naka maong naman kami, un nga lang hindi kami naka-white shirt at wala kaming dalang pangpatong na damit. Buti na lang di sila nakasayaw dahil hindi gumana ung CD sa player ng simbahan dahil pagnagkataon, patay patay na naman kami nito!

Sige, pwesto na tayo sa harap. Kasama kong pumwesto sa gilid ngunit parting harapan ang mga friendly friends ko (Thea, Lei, Gina) plus ang GG ko at ang pinsan ni anak ate Gina ko. Habang naghihintay, syempre, ano pa ba ang gagawin namin kundi ang magchickahan muna!

Unang Chicka! (itsismis natin sila...)
Ang LQ ng bunso naming si Thea. Nag-karon kasi ng LQ ang bunso naming si Thea at si My Friend Jerome! Kung bakit, hmmm... tanong nyo na lang sa kanya!

Pangalawang Chicka! (itsismis pa rin natin sila... pero ibang “sila” na!)
Matapos ang paglalabas ng sama ng loob ni Bunso, nagkwento naman sya ng kawindang windang na kwento. Meron kasi kaming isang ka-bro sa Singles na noon ay tumatawag sa anak-ate kong si Gina. (Uulitin ko! Tumatawag hindi nagtetext, nanliligaw o nagpaparamdam kundi, TUMATAWAG!)... Ang kwento,... eto...

Habang nagchi-chickahan, ang mga Infinity actors and actresses ay isa isang nagdaratingan! Halos lahat nakangiti at binati kami maliban sa dito sa isang ito! Akalain mo, nang dahil kay Bamboo at Parokya Ni Edgar, eh kinalimutan nyang may kaibigan syang kagaya namin. Di naman namin kasalanan kung bakit hindi sya nakasama sa Rakrakan! Sya itong pumasok pasok sa trabaho sa araw ng Biyernes gayong off naman ng mga normal na tao ang ganong araw! Maliban na lang kung di sya normal di ba?

Nwei, yun na nga, at dahil di kami pinansin, eh di hayaan na lang natin!

Nagpatuloy kami sa kwentuhan, hanggang ang isa kong kaibigan, sa di ko malamang dahilan eh ginusto nyang pumwesto sa likuran dahil nasisikipan daw sya sa kung saan kami nakapwesto. Bukod sa akin, may isa pa akong kaibigan na ayaw namang pumwesto sa likuran dahil maraming distraction doon (dahil ang karamihan ng SFC eh doon nakapwesto) at di sya makakapagconcentrate! Bukod pa doon, ang kaibigan kong ito eh talagang kapag mahalaga para sa kanya ang pangyayari, gusto nya doon sya nakapwesto sa harap para makinig. So ayun na nga, 2 taong hindi magkasundo kung saan pumwesto, at kahit ayoko rin sa harap din a ako nakigulo dahil nakakaramdam na ako ng pagtatalo sa dalawang taong ito. Kaya ang isa kong kaibigan na napapagitnaan din nila, eh, hinila ko sa tabi ko. Ikaw na kayang pagitnaan ng 2 taong nagtatalo, ewan ko lang kung di ka marindi! (Actually, hindi lang sa oras na ito nagtalo ang dalawa, kahit noong pauwi kami galing Citicenter eh may maliit na silang pinagtalunan).

Ang nanalo, ung gustong pumwesto sa likod kaya ang nangyari, ako personally ha! Walang samaan ng loob, di ako nakapag-concentrate sa pagdadasal ko at ang gumusto, ayun, naiwang mag-isa, hindi dahil sa iniwan namin sya ha, un eh dahil nandon nga ang karamihan ng SFC, syempre ang iba don eh kalapit namin kaya tinawag kami.

Hanggang sa nanahimik na pansamantala dahil nagsisimula na ang misa. Liturgy of the Eucharist na, kaya ang bawat isa sa amin, taimtim nang nagdadasal upang itaas sa Panginoong ang nilalaman ng puso ng namin, ang mga kahilingan at dasal namin. Hanggang ang isang kaibigan naming ay lumuha, umiyak at humingi ng tissue sa mga taong malapit sa knya (syempre, kapwa singles din). Hanggang ang isang lalake ang napaghingian nya ng tissue at sagutin sya ng “saglit lang, ihihingi kita ng tissue kay Gina. Hintayin lang natin syang matapos. Lahat yata pati kapitbahay nya ipinagdarasal...” (syempre, hindi ko alam kung ano talagang eksaktong sinabi dahil wala naman ako doon basta ang alam ko lang na sinabi eh ung pinagdarasal nga daw ni Anak-ate Gina ko pati kapitbahay nya) Kaya ang nagdarasal ng taimtim, nawala sa concentration at tinapos na pagdarasal dahil di na sya makapagconcentrate.

Natapos na ang misa kaya kami, nagsimula na ring mag-uwian. Naglakad kaming apat (Ako, Lei, Gina at G) papuntang bus stop hanggang sa makita namin ang mga housemates namin (Bert, Anton, Blue at Ron) at sumabay na sa aming maglakad.

Sa bus stop, maraming taong naghihintay at sa pangunguna ko, ayun! Nakakita ako ng Bus 41! Syempre, dahil alam kong dadaan ng Deira un, sumakay kami. Sabi pa ng isa sa amin, swerte dahil wala nga daw tao. Nakasakay na kaming 4 at ang natitirang apat na ka-housemate namin, kausap pa rin ang driver. Nauna si Ron, tinanong ko kung bakit, sagot nya, di nya daw alam. Maya maya, sumunod si Blue, tinanong ko ulit kung bakit, sagot nya, “double ride daw papuntang deira”! Napatingin tuloy kami sa ticket at oo nga, double ride nga kami dahil ang ticket naming ay bayad lang hanggang Wafi! Katawa talaga! Syempre at dahil may history na nag dalawa kong kasama sa Dubai Police, bumaba na kami.

Grabe! First day palang yan at ibat ibang klase ng emosyon na ang naipakita!

Monday, December 18, 2006

"Dr.Phil's Test, I'm a 36 Dr Phil's Test: Here you go Try this!”

Below is Dr Phil's test. (Dr. Phil scored 55; he did this test on Oprah - she got a 38.) Some folks pay a lot of money to find this stuff out!

Read on, this is very interesting!

Don't be overly sensitive! The following is pretty accurate and it only takes 2 minutes. Take this test for yourself and send it to your friends.

The person who sent it placed their score in the e-mail subject box. Please do the same before forwarding to your friends (send it back to the person who Sent it to you.) Don't
peek, but begin the test as you scroll down and answer.

Answers are for who you are now...... not who you were in the past. Have pen or pencil and paper ready. This is a real test given by the Human Relations Dept. at many of the major corporations today. It helps them get better in sight concerning their employees and
prospective employees. It's only 10 Simple questions, so...grab a pencil and paper, keeping track of your letter answers to each question.

Make sure to change the subject of the e-mail to read YOUR total. When you are finished, forward this to friends/family, and also send it to the person who sent this to you. Make sure to put YOUR score in the subject box.

Ready??

Begin...

1. When do you feel your best?
a) in the morning
b) during the afternoon &and early evening
c) late at night

2. You usually walk...
a) fairly fast, with long steps
b) fairly fast, with little steps
c) less fast head up, looking the world in the face
d) less fast, head down
e) very slowly

3. When talking to people you..
a) stand with your arms folded
b) have your hands clasped
c ) have one or both your hands on your hips
d) touch or push the person to whom you are talking
e) play with your ear, touch your chin, or smooth your hair

4. When relaxing, you sit with..
a) your knees bent with your legs neatly side by side
b) your legs crossed
c) your legs stretched out or straight
d) one leg curled under you

5. When something really amuses you, you react with...
a) big appreciated laugh
b) a laugh, but not a loud one
c) a quiet chuckle
d) a sheepish smile

6. When you go to a party or social gathering you...
a) make a loud entrance so everyone notices you
b) make a quiet entrance, looking around for someone you know & nbsp;
c) make the quietest entrance, trying to stay unnoticed

7. You're working very hard, concentrating hard, and you're interrupted......
a) welcome the break
b) feel extremely irritated
c) vary between these two extremes

8. Which of the following colors do you like most?
a) Red or orange
b) black
c) yellow or light blue
d) green
e) dark blue or purple
f) white
g) brown or gray

9. When you are in bed at night, in those last few moments before going
to sleep you are..
a) stretched out on your back
b) stretched out face down on your stomach
c) on your side, slightly curled
d) with your head on one arm
e) with your head under the covers

10. You often dream that you are...
a) falling
b) fighting or struggling
c) searching for something or somebody
d) flying or floating
e) you usually have dreamless sleep
f) your dreams are always pleasant

POINTS:
1. (a) 2 (b) 4 (c) 6
2. (a) 6 (b) 4 (c) 7 (d) 2 (e) 1
3. (a) 4 (b) 2 (c) 5 (d) 7 (e) 6
4. (a) 4 (b) 6 (c) 2 (d) 1
5. (a) 6 (b) 4 (c) 3 (d) 5 (e) 2
6. (a) 6 (b) 4 (c) 2
7. (a) 6 (b) 2 (c) 4
8. (a) 6 (b) 7 (c) 5 (d) 4 (e) 3 (f) 2 (g) 1
9. (a) 7 (b) 6 (c) 4 (d) 2 (e) 1
10. (a) 4 (b) 2 (c) 3 (d) 5 (e) 6 (f) 1

Now add up the total number of points.

OVER 60 POINTS: Others see you as someone they should "handle with care." You're seen as vain, self-centered, and who is extremely dominant. Others may admire you, wishing they could be more like you, but don't always trust you, hesitating to become too deeply involved with you.

51 TO 60 POINTS: Others see you as an exciting, highly volatile, rather impulsive personality; a natural leader, who's quick to make decisions, though not always the right ones. They see you as bold and adventure, someone who will try anything once; someone who takes chances and enjoys an adventure. They enjoy being in your company because of the excitement you radiate.

41 TO 50 POINTS: Others see you as fresh, lively, charming, amusing, practical, and always interesting; someone who's constantly in the center of attention, but sufficiently well-balanced not to let it go to their head. They also see you as kind, considerate, and understanding; someone who'll always cheer them up and help them out.

31 TO 40 POINTS: Others see you as sensible, cautious, careful & practical. They see you as clever, gifted, or talented, but modest. Not a person who makes friends too quickly
or easily, but someone who's extremely loyal to friends you do make and who expect the same loyalty in return. Those who really get to know you realize it takes a lot to shake your trust In your friends, but equally that it takes you a long time to get over if that trust is ever broken.

21 TO 30 POINTS: Your friends see you as painstaking and fussy. They see you as very cautious, extremely careful, a slow and steady plodder. It would really surprise them if you ever did something impulsively or on the spur of the moment, expecting you to examine everything carefully from every angle and then, usually decide against it. They think this reaction is caused partly by your careful nature.

UNDER 21 POINTS: People think you are shy, nervous, and indecisive, someone
who needs looking after, who always wants someone & nbsp; else to make the
decisions & who doesn't want to get involved with anyone or anything! They
see you as a worrier who always sees problems that don't exist. Some people
think you're boring. Only those who know you well know that you aren't.

Now forward this to others, and put your score in the subject box of your
e-mail, like this: "Dr.Phil's Test, I'm a 36 Dr Phil's Test: Here you go Try this!”

Monday, December 11, 2006

Senti Muna Tayo

Here we go again.
Bothered, self pitied and confused!
I shouldn’t feel this way but I couldn’t resist it!

I’m a happy woman living in a simple life.
I have a loving father and an understanding mother.
I got cool siblings, beautiful angels, true friends and good work!
I’m on a long term relationship and by next year, in God’s will, we’ll get marry.
And above all, I have “YOU”… My Protector, my Guide, my Teacher, my Redeemer… MY EVERYTHING!

See… How grateful I am to have these blessings!
How blessed I am to have them!

But why?!!!
Why in the world I do feel this emptiness, insecurities or even feeling of ungrateful?!!!
I shouldn’t be bothered on what other people have that I don’t have!
I shouldn’t be insecure on how successful they are or what kind of work they have!
Coz I have everything I need!
I have everything I want!

Oh God! Please help me to let go this feeling…
Help me to appreciate those blessings…
And help me to see how happy I am in my life right now…

Saturday, December 09, 2006

Happy Weekend!

December 08 – JAM PACKED Friday kami at wala talagang pahingahan ito! Maaga kaming nagising ni G. 7 am pa lang gising na kami. Di nga lang kami bumabangon kasi kakatamad pa pero ng makaramdam ng gutom, ayun! Isa isang nagtayuan!

Nagluto, kumain, nag-ayos ng gamit pero isa lang ang hindi namin nagawa, ang maglaba! Dahil kailangan naming makarating 12.30 pm sa simbahan kung gusto naming makaupo. Pero syempre dahil sa SFC Choir ang kakanta (kami un pero dahil hindi ako nakapagpractice sa kadahilanang pumapasok na ako at inuubo (sus! Puro paliwanag! Tama na ang paliwanagan!) hindi na ako nakasama sa kanila para kumanta) makakupo kami katabi mga choir!

Ayos! Natapos ang misa! Sa halip dumerecho ng bahay, sumaglit muna kami sa mga nag-si-C.O. (Covenant Orientation) na Batch 23 ng Singles For Christ. Talagang saglit lang. Matapos magpakita, nagpaalam na rin kaagad.

Pagdating sa bahay, kain lang saglit, maya-maya larga ulit! RAKRAKAN naman ang pupuntahan namin!

Umalis kami sa bahay ng 4 pm pero nakarating na kami sa venue ng pasado 5 pm na. Hindi dahil sa traffic (kung tutuusin, wala ngang traffic), un eh dahil sa nag-joy ride pa kami from Deira – Satwa (Al Diyafa) – Satwa (Station) – Al Boom (part of Jumeirah and Satwa) – Crown Plaza and finally, Dubai Country Club! Whew! Nakarating din kami! Daming kakatawang pangyayari pero syempre di ko na idedetalye! Ang mahalaga don, nakipag-RAKRAKAN kami kina Bamboo at Parokya Ni Edgar

First Day!

First day ko ngayon (06th December 2006) sa office simula noong magbakasyon ako at medyo na windang ako sa dami ng nabago sa opisina.

Pagpasok ko pa lang ng office, ibang tao na agad ang sumalubong sa akin. Syempre pag upo ko sa puwesto ko, pinakiramdaman ko muna ung sarili ko bago ako magsalita. Kala ko walang pending na trabaho na iniwan si Madam dahil maayos ang lamesa ko, un nga lang patong patong ang mga nakalagay na mga papel sa gilid ng printer ko. Di ko muna un binigyan pansin at pinagtuunan ang paligid. May plastic sa gilid ng cabinet ko, well, I assume na letters yun for all branches kasi usually, doon ko nilalagay ung mga letters na ipapadala sa branches. Tapos, tingin ako sa tray ko. Ayos! Wala akong i-fa-file! Maya maya, nag ring ang telepono, si Amo ang nasa kabilang linya. Welcome welkaman ang dating sabay pahanap ng email, may ipapagawa daw sya sa akin at kung ano ano pa.

Palibhasa wala ung susi ko dahil na kay Amo… So, petiks muna tayo. Wag pansinin ang nagpatong patong na papel sa tabi ng printer at ang plastic na nasa tabi ng cabinet!

Maya maya, dumating si Amo, update updeytan ang drama! After mag update, binigay na sa akin ung susi at pinabuksan ang filing room namin. Nagulat ako sa nakita ko. As in nagulat!!! Di ko akalaing babalikan ko ng ganon ang filing room namin! Graaabbeee!!!

Kahit yata si Amo, kahit alam na nyang ganon ang itsura ng filing room namin eh di kinaya ang gulo! Para kasing dinaanan ng tsunami! Di organize! Daming nakatambak! Nakakasakit ng ulo! (Actually, sumakit talaga ulo ko!)

Nang matapos i-explain ang gustong mangyari ni Amo, eto na, binigyan pansin ko na ang mga bagay na di ko binigyang pansin. Haayyyy… Parang gusto ko ng magbakasyon ulit dahil ang mga nagpatong patong na mga papel ay mga papers palang i-fa-file at ang plastic na nasa tabi ng cabinet eh mga post mails na isasayos at ipadadala sa mga branches! Langya! Ayos ka Madam! Naisahan mo ako don! Parang ilang araw mong hindi ginawa ang pag-fa-file at ilang araw ng nakatengga ang mga post mails na un!

Syempre… Wala naman na akong magagawa don kundi ayusin dahil ako rin naman ang mahihirapan. Sa madaling salita, nangangapa pa ako sa unang araw ko (as if namang kaka-join ko lang sa kanila at di ko sila kilala! Hahahah!!!)

Last Day - Part II

Saglitan lang ‘to…

Bilang pagtatapos ng bakasyon ko, may kakatawang pangyayaring naganap sa akin noong gabi! Hehehe… Pagdating namin ni G sa bahay, hinanap ko si Roy. Nagsalita pero hindi ko matanto kung anong ginagawa sa lugar nila Rose. Di ko na sya sinilip baka kasi mamaya nagbibihis may masilip pa akong kakaiba… Hahahah! Pero nagtataka ako dahil ilang minuto na syang nandoon. Maya maya nakarinig ako ng isang tunog na pamilyar na pamilyar sa akin at kapag naririndi ako eh pinapatay ko ang tunog na un! Napasigaw ako ng “Ang daya mo!!! Naka-connect ka jan!”. At dahil nasa akin ang laptop na hiniram ko sa admirer ng kaibigan ko (syempre gamitin natin ang pagiging malapit na kaibigan di ba?!?!) connect din agad ako! Pero di pa nag-iinit ang kamay ko nang si kaibigan eh biglang dumating! Ayos! Saglit lang daw pero inabot ng 2 oras na nakaupo don! Galing di ba??? Pero ok lang kasi nakapamalantsa naman ako ng damit na susuoting ni G at nabawasan bawasan ang plantsahin ko!

Tuesday, December 05, 2006

Last Day...

My gulay!!!! Last day ko na! Kailangang sulitin ang nalalabing oras! Naiintriga ako kung anong mangyayari sa huling araw ng pag babaksyon ko! Well, as you know, 5 am na ako nakatulog at 11.30 am na ako nagising! 6 hours sleeping, ok na un! Pero mamaya kailangan maaga akong matulog dahil may pasok na ako bukas!

Itinerary ko ngayong araw na ito:
11am – 4.15pm : Hindi ko alam… hehehe… basta ang alam ko lang nakaharap ako sa laptop at panay ang takatak. Pero malamang sa malamang nito eh mag net ako at magpost ng blog para pagpasok ko, updated na ang mga pinopost ko. Malamang din mamalantsa ako after kong mag takatak dito.

4.15 pm : Aalis na ako ng bahay kasi manunundo pa ako kay G pero bago un, dadaan muna ako sa Branch namin sa Al Falah dahil ibibigay ko ung pinadala ni Elie para sa nanay nya. After non, di ko na alam kung saan na ako pupulutin. Hehehe…


Actual time: 4.30 pm na! Andito pa rin ko sa Computer Shop for my last Entry for this day… O sha! Sige na! Bukas normal na ulit buhay ko… update na update na talaga kayo! Ahihihi….

Kakaibang pangyayari ngayong araw na ito! (December 04th, 2006)

Kala mo tapos na, hindi pa noh! Syempre dahil di ko pa na-ikwe-kwento ang mga kakatwa at kakawindang na pangyayari ngayong araw na ito sa akin.

Masaya ako dahil finally, dumating na ang Appointment Letter na hinihintay namin ni G though may mga requirements pa na kailangang i-fill in o i-process but I know God will provide it. Alam kong ibinibigay na ni Lord ang trabaho na un dahil para kay Dan ang bagay na un. (Pagdasal nyo naman na walang maging problema sa medical examination at sa pagpapaalam nya sa current employer nya).

Masaya ulit ako dahil nakapag-bonding kami ng 3 sa pinakamalalapit na kaibigan ko at masasabi kong tunay na kaibigan ko. Kahit na ba madalas eh nagkakaroon kami ng asaran o mis-understanding lalong lalo na si Elie, eh, at least kinabukasan wala na ulit un.

Kala ko ung “GAP” na namagitan sa amin noon ni Elie eh hindi na maibabalik, buti na lang hindi! Siguro kasi parehas naming ayaw mawala ung friendship na naipundar namin for almost 2 years plus magkasama pa kami sa bahay kaya walang pagkakataong maghiwalay kaming dalawa at masira ang pagkakaibigan namin. Nandon na rin kasi siguro ung kahit asar kami sa isat isa eh iniintindi pa rin namin ang bawat isa. Tama ba ako?
So, ayun na nga… Nagbonding kaming 3. Si Elie, si Anak-Ate Gina at ako. Mega lakad kami sa kahabaan ng Al Riqqa kasi sabi nung isa, namnamin daw namin ang paligid ng Riqqa. Syempre pagsinabing namnamin, bagalan natin ang lakad. Ang dalawa sa amin, literal na ninamnam ang Al Riqqa. Sukat akalain mo ba naming pagmadaliin kami nung nagsabing namnamin namin ang daanan dahil magsasara na daw ang Al Ghurair (Mall sa Al Riqqa). Banat namin, sige, bilisan mo. Una ka na! Hintayin mo na lang kami don! Ayos di ba? Iwanan sa ere ito!

Nadatnan naman naming bukas ang Al Ghurair. Umikot ikot ng konti. Pumasok sa iilang shop at namintas tapos labas na ulit ng Mall.

Habang naglalakad, nagtanong ang isa, “Oh san na tayo pupunta?” Sagot ang isa “Mag Pizza naman tayo, maiba lang!” Bumanat ang isa “Ayoko ng Pizza!”. Sagot ang nauna “Oh sige, Burger King!” “Eeehhh….” Reklamo ng isa. Natawa ang lahat dahil sa reaksyong iyon. Dati rati kasi isa lang ang sinasabihan namin ng “Eeeehhhh…” at kanina lang namin napagtanto na dalawa na pala ang napagsasawaan naming kainan! Nagsawa na kasi kami sa Pizza Hut kaya Burger King na ang napagtatambayan namin at gaya ng nasabi, di na naming namamalayang nadadalas na pala ang pagtambay naming don! Kaya ganon na lang ang tawanan ng lahat. Pero ang bagsak! Coffee break muna kami! Saan ba mura, alangan namang magstarbucks pa kami di ba? Ano kami mayaman? Eh di don kami sa mura… Dunkin Donut.

Nang makapwesto, walang humpayang balik tanaw tawanan ang ginawa namin hanggang sa may… “Excuse me” tingin ang lahat… “Ikaw ba si Eriz?” Haha! Nagulat syempre kami at napagkatinginan. Di ko na matandaan kung sumagot ako ng “oo” o “bakit” ng nakangiti. Syempre naka-smile kami kahit windang kung sino ang nagtatanong, hanggang sa sinabi nyang “kapatid ako ni Michael” at ung totoo, sumagot ako ng “Cnong Michael? Marami kasi akong kakilalang Michael…” kahit na sinabi ko un, di pa rin tumitigil ang isip ko kung sino sino nga ba ang michael na kakilala ko. Hanggang sumagot ang nagtataray na si Lilay, “Al Tovar ba?” Hala! Nafreeze ung mind ko panandalian. Honest, hindi sumagi sa isip ko ang Michael Al Tovar, na kahit nakita ko na ang sagot sa mukha ni Elie eh hindi ko pa rin maisip kung sinong Michael. Basta ang alam ko lang, kilala namin ni Elie pero hindi ko alam kung sino.

Sagot sya, “Oo”. Sagot ulit si Elie “Bakit?”, Sagot ang kapatid na si Franco “Nandon si Kuya, tinanong kung pede daw makuha ung number mo, may itatanong lang daw.” Sabay tingin sa akin. Sagot ako ng “Ano nga bang number ko?” Sagot si Elie, “Eto number ko, 842 blah blah blah”. Tanong si Franco, “Anong name mo?” Sinagot ang di pa natatapos na tanong ng pataray “Kilala nya ako”. At si Franco, “Ok, sige, salamat.” Sabay alis. Pagkaalis, sabay sabay na nagtanungan, “bakit pa” at “para saan”. Ayos! Iisa ang mga nilalaman ng mga isipan. Pero ang pinakapanalo sa usapang ito, “Elie, ikaw si Eriz???” Panalo! Ang Taray!!! Ikaw kaya ang sumagot at nakipag-usap kahit ako ang tinatanong. Love mo talaga ako my friend! Hehehe… Luv you too… :D

Natapos ang kapehan sa Dunkin, pumunta sa kuya-pinsan ni Elie. Dito may panalo ring pangyayaring naganap… Sa Dunkin pa lang eh nabusog na kami sa coffee, hotchoco and donut na napagtripan namin. May naiuwi pa nga kaming donuts pangbaon nung dalawa. Pagdating sa kuya-pinsan ni Elie, pinapasok kami at pinaupo muna pansamantala. Maya maya may inaabot na! Hala! Ano ito? Pagkain na naman! Palibhasa mga busog pa, tinanggihan namin ang cake na binibigay pero syempre food un at mapilit si ate-pinsan ni Elie, sige kunin na natin. Di ko nabawasan ang cake ko dahil bukod sa busog pa ako, di ako kumakain ng ube-macapuno (may buko kaya!) Kaya ang nilantakan namin ni Elie eh ung cake nya na binawasan nya. Para hindi nakakahiya, sige subo tayo ng isa sa cake ni Elie pero talagang di ko na kaya kasi di naman talaga ako kumakain non! Tiningnan ko ang anak-ate kong si Gina, ayun, di pa rin nababawasan ung cake pero may diskarteng ginagawa. Tanong sa batang babae, “you like?” ayun! Si batang babae na anak ni kuya-pinsan, lumapit at ngumanga! Ayos! Nakakuha ng tagakain! Sige, mandaya. Pakainin ang bata. Maya maya, napatingin naman ako sa likod ko. Kamustahin naman natin si Elie. Haha! Kinalabit ko ang anak-ate gina ko at tinuro si Elie. Sabay kaming natawa kasi pilit na inuubos ni Elie ung cake. Alam nyo ba ung itsurang un? Ung ayaw ng kumain ng bibig pero kailangan maubos ung food. Ung tipong nauuya ka na at nagluluha na ang iyong mga mata para lang maubos ung cake. Sarap picturan ni Elie pero wag na! Bukod sa wala kaming dalang camera eh baka maasar pa sa amin ang loko.

Natapos ang kaininan. Natapos na ring magbonding, Derecho na sa kani kanilang bahay at derecho bukas ng laptop. Tinapos ang pagblo-blog hanggang 1:45 am (actually duktong na lang ito ngayon 05th December, ang huling araw ko sa pagbabakasyon). Pero di pa rin ako makatulog sa di ko malamang dahilan. Bakit nga kaya? Nagbasa ako ng Bible natapos ko ang libro ng Genesis pero di pa rin ako makatulog. Maya maya eh nagising si G, nagkulitan panandalian at pinatulog ko na dahil maaga pa ang pasok nya. Pero ikot din sya ng ikot sa higaan dahil di na rin sya makatulog pero kailangan nyang matulog dahil may pasok sya. Kaya ako, mag-isa na namang dilat ang mata. Binuksan ang digicam at binalik tanaw ang mga kuha noong nakaraang MEC at nang nang matapos, di pa rin makatulog. Sige, celfone naman ni G ang pagtripan. Pinaglaruan ang 3D Snowboard ng magsawa, ung snake naman. Maya maya nakaramdamn na ako ng antok. Binitawan ang celfone. Niyakap si G at nagsign off ako ng 5 am.

The Story of Twos - 2 days before

At syempre, dahil 2 days na lang ang nalalabi sa akin, kailangan ko ng sagad sagarin ang drama ko! Kailangan ko ng i-enjoy ang mga gabing nalalabi pero syempre ung huling gabi bago ako pumasok kailangan ipahinga ko ng maigi ang katawan ko dahil susugod na ako sa matinding labanan noh!

Gaya ng nasabi, i-enjoy nating ang nalalabing araw…

Excited na ba akong pumasok kaya ako nagkasakit kaninang madaling araw? Out of nowhere nang bigla akong lagnatin! Ayos! Kakaiba?! Di ko akalain na ganon ang mangyayari sa akin! Kasi parang nung umaga at patapos ang gabi eh ang lakas lakas ko pa’t nakikipag asaran pa ako sa anak-ate kong si Gina at pagdating ng madaling araw eh magising ang aking habibi at sabihing may nilalagnat ako. Tingin ako sa thermometer (syempre di ko alam kung pano kaya tumingin ng may sakit sa pamamagitan ng kamay) at 38 degrees ang temperature ng katawan ko! Meaning, may sinat ako… Kaya ang aking habibi, painom kaagad ng gamot sa akin… Bago pumasok, pinainom ulit ako ng gamot. 11 am na ako nagising dahil chineck ako ni G at parang nag drama lang ang sinat ko dahil wala na akong sakit! Galing talaga ng habibi ko! Galing mag-alaga…

At dahil nawala na ang sakit ko pede na akong mag-gagagala! Pero gagala ako eh wala naman akong datung! Wala nga kasi akong pasok noh! Syempre ang magandang gawin, mag marathon tayo ng “Charmed”. Tapusin natin ang Charmed hanggang sa kaduluduluhan nito.

Habang nanonood, tumawag na naman ang G ko… May pinagagawa. Mag-internet daw ako dahil sinend na daw ung Appointment Letter nya. (Thank you Lord!) Kailangan nya munang mabasa ito bago nya pirmahan. Sige, lalabas ako mamaya pero tatapusin ko muna ang Charmed (Nasa Season 8 Disc 8 na kaya ako).

Natapos ang Charmed, naligo (kahit galing sa sakit), nagbihis at derecho sa internet shop. Nagdadalawang isip kung dadalhin ba itong laptop o hindi kasi kapag dinala ko, parang kay aga aga ko namang mang-tap ng network noh pero nakatipid ako, un nga lang mag isa lang akong nagta-tap. Kaya ang kinalabasan, iwan ang laptop, dalhin ang usb at derecho sa internet shop. Internet ng dalawang oras dahil namiss ko rin ang pagcha-chat, pag checheck ng emails at pag bra-browse ng profile ng ibang tao.

Natapos ang pagnenet… Uwi sa bahay at syempre, walang magawa. Sinalang ang vcd “Baby’s Day Out” na kahit matagal ko ng napanood sige lang kasi wala na akong mapanood. Nang maisalang, iniwang umaandar ang dvd player, lumabas at, nagsaing muna, nilabas ang manok na iluluto maya maya at bumalik sa kama. Habang nanonood, nagbukas ng laptop at nagbasa ng offer letter na hindi naman para sa akin.

Natapos ang pagbabasa. Nagbububukas ng ibang file at napagtripang buksan ang mga pictures hanggang sa dumating na si G at binasa na ang mga dokumentong nabasa ko na.

Natapos magbasa, humiga at nagpapagising after 1 hr dahil magluluto pa. Di ko alam kung after 1 hr na ba ang nakakalipas ng makarinig akong may kumakalampag na sa ibabaw ng aming kama.. Maya maya pa’y may nag-iingay na at nakikipag kulitang sabihin ang pangalan. Bumangon ako’t nakitang may kausap sa celfone ang aking nagdadalagang si Lilay! Lumabas ako para ihanda ang mga sangkap na gagamitin sa pagluluto, pagbalik ng kwarto, ang nagdadalagang si Lilay eh nag-iiingles n! Grabe! Di ko na sya ma-reach! Promise… Maya maya, nahinto ng konti ang usapin, at may kinausap na namang iba.. Ayos! Daming nagmamahal sa kanya ngayong araw na ito.

Natapos ang paghahanda, nagluto at kumain. Nag-aya si Lilay lumabas ng bahay. Sige samahan natin sya anak-ate Gina. Nakalabas. Nakarating sa Al Ghurair at nagkape sa Dunkin Donut.

Tumawag ang kuya-pinsan ni Lilay, after 10 mins pede na daw kaming pumunta sa kanila. 10 mins na siguro ang nakakalipas at nag-aya na si Lilay pumunta sa mga kuya-pinsan nya. Nagtagal lang ng konti at sumibat na rin kami kaagad.

Balik Dunkin. Nakipagkwentuhan ng konti dahil nakita namin ang mga kasambahay namin tapos layas na uli. Sumaglit sa Mobile shop, bumili ng kung ano ano at finally, umuwi na rin.

Di ba, masyadong sinagad ang oras. Ngayon, 12:52 am na… at kailangan ko ng magsign off dahil baka mapagalitan na ako ng G ko pero anong magagawa ko eh namiss ko ang pagbla-blog ko noh!

The Story of Twos - 2 days na lang!

Yeah right! 2 Days na lang ang natitira and back to normal na ang drama ng buhay ko! Kaazar (ika nga ni Roy)! Kasi parang ayoko pang pumasok, pero kapag di ako pumasok, wala ding datung na papasok! Getz! Syempre noh! Ganun talaga pag nagtratrabaho!

Hay… Yung totoo, natatakot o mas magandang sabihing kinakabahan ako sa pagpasok ko… Syempre, matagal tagal din akong nawala sa office at sa pagbabalik ko, panibago na namang adjustment ang mangyayari. Di ko na alam kung anong pinaggagagawa ni Madam sa computer ko.. Kung anong kalokohan na ang nangyayari sa office at kung ano na ang panibagong haharapin ko…

Kamusta na kaya ang mga iniwan kong trabaho? Nagkaproblema kaya? Siguro naman wala, nandito lang naman ako kung sakaling may problema di ba? Madali lang naman nila akong matatawagan kung saka sakali…

Well, no need to worry kung ano ng nangyari nung wala ako, and I hope wala ding dapat ika-worry ngayong papasok na ako! Hayyyy….


MEC 8 – 8th Middle East Conference

We, the Singles For Christ, awaiting for this Big Event that was held last 30th November to 01st December at Hatta (Margham Desert).

This Big Event was participated by the Foreign Delegates from different places like Bahrain, Yemen, Saudi Arabia, Netherlands, USA and of course UAE (kaya nga foreign di ba?)

The Conference does well though there’s a lot of harassment during the conference (rain, electricity shut down, loosing of some props, etc.).

For more stories, please click here, here and here!

Paki-usap! Wag ng maghanap ng mga related stories as they are tired to share their experiences... hehehe...

Ang Pagbabalik…

It’s been a long time since the last time I made a blog! Grabe di ba?!?!! Morethan a month na rin ang nakakalipas, its just that teka mag explain daw ba?!?! Hehehe… Well, what’s going on na ba while im out of the net? Marami rami na rin akong napalagpas na balita around the net. In short, di na ko updated and at the same time, di na rin kayo updated sa akin, aiyt?

Tama na ang pasakalye! Simulan na nating mag-alis ng agiw sa aking tahanan at magsimulang patuluyin ang mga tao sa aking kapaligiran!