Monday, January 22, 2007

Nakakainip!

Parang ilang minuto lang ang lumipas matapos ang mataas na pagfa-file na aking ginawa. Ngayon, pasado 5:29pm na ng hapon pero ang pakiramdam ko, di pa rin nabago. Tinatamad pa rin ako’t walang ganang magtrabaho kahit naigugol ko na sa trabaho ang ilang minuto.

Hindi ko alam kung bakit ganito ang pakiramdam ko. Di ko nga rin alam kung anong gusto ko! Inaantok, tinatamad, naiinip at kung ano ano pa! Wala akong makita o maisip na pedeng pagkaabalahan! Di tulad noon, kaya kong gawing busy ang sarili ko, kaya kong libangin ang sarili ko at kaya kong patayin ang oras ko ng di ko namamalayan.

Ngayon, hay... matatapos na lang lahat ng trabaho ko, ang oras iilang minuto lang ang idinagdag! Kainis! Naiinip talaga ako! Di ko alam kung pano ko masusulusyunan ang mga ito!

Missing Me???

Tumawag si Ate Jinky ngayong umaga para sabihin sa aking pinatatawag ako ni Tito Jhun jhun sa pinas mamayang alas-sais ng gabi. Bakit? Kasi daw kasama daw ni Tito Jhun jhun ang mga kapatid ko. Pupunta daw muna sila sa Memorial Park tapos derecho ng MOA - Mall of Asia.

Ok, ala-sais pa naman di ba? Eh di mamayang alas-dos na ako dito sa Dubai tatawag para off peak.

Maya maya nagring yung fone ko pero di ko nasagot dahil nasa loob ako ng file room. Nang matapos ako sa ginagawa ko sa loob, tiningnan ko muna saglit ung fone ko kung sinong tumawag....... Si Tito Jhun jhun pala! Nagulat ako dahil sa tagal ko dito sa Dubai, may kamag-anak din akong tumawag sa akin, un nga lang hindi ko alam kung bakit.

Di muna ako tumawag kasi busy nga ako. Tinapos ko muna lahat ng trabaho ko na dapat kong tapusin ngayon para kung makita man ako ng amo kong wala akong ginagawa, di sya magtataka kung bakit.

Maya maya may tumatawag ulit pero di ko alam kung sino kaya napilitan akong tumawag sa numerong binigay ni Ate Jinky para tawagan si Tito Jhun.

Pagkatawag....

KL: Hello? Hello Cess! Hello!
KL1: Cess! Kumpleto kami! Ikaw lang ang wala!
KL: Hello Cess! Hello!


Binaba ko ang telepono dahil di nila ako marinig. Maya maya ng konti, tumawag ulit ako.
KL: Hello Cess!
Cess: Tito!
KL: Nasan ka?
Cess: Haller nasan pa ba? Eh di nasa office pa!
KL: Andito kami sa sasakyan! Pupunta kami ng Mall of Asia
Cess: Sino sino kayo?
KL: Lahat kami! Kumpleto! Ikaw lang ang wala!


Ha? Ano Daw!?!?! Ako lang ang wala???? Lahat ng mga chikiting kasama! Pati matatanda, kasama! Ano ba naman ito!!! Ako lang ang wala... nakakalungkot... gusto ko tuloy umiyak sa pagkakataong iyon pero hindi! Naisip ko, sa May, sama sama ulit kami! KUMPLETO NA!!! Wala ng wala. Wala ng iinggitin at walang aasarin.

Hay... nakakamiss talaga sila lalo na kung maririnig mo ang masasayang tinig nila. Ung mga kakulitan ng mga bata na noong nakaraang uwi ko eh mga babies pa. Ang kulit! Ang saya! Gustong gusto ko na silang makita!

Saturday, January 20, 2007

Fallen Apart

Fallen Apart

I wake in the morning with the smile on my face
Knowing in few months time, I will be in his care
Naïve on the day that’s coming
And no idea that things will be flouting

Normal day, normal life
Used to get along with the people from day to night
Believing things will be alright
And concluding the day ends right

Looking things in an optimistic way
Assuming things will fall according to its place
Made me certain, made me blind
Never see the things slowly turning to gray

I feel stunned, shattered and disappointed
Seeing our dreams fallen into pieces
Never thought that this will be happen
Giving up on the dreams we’ve shared


*** sabi nila bitin daw... siguro nga bitin kasi di ko alam kung paano tatapusin...

Wednesday, January 17, 2007

Emote Mode!

Ang sama ng pakiramdam ko ngayon... kasi pakiramdam ko, di kayang i-appreciate ng mga taong nasa paligid ko kung anong ibinigay o ginawa kong mabuti. Alam mo un? Ung gawa ka ng gawa, lakad ka ng lakad, pero wala ka namang natatapos o nakikitang liwanag. Para bang ikaw lang ang may gusto ng lahat. Para bang di mo sila masatisfied sa mga bagay na nagawa mo at nabigay mo.

Minsan naisip ko, pede bang maglaho na lang ng parang bula, o kaya pumunta muna sa lugar na walang ni-isang nakakakilala sa akin. Naiinis talaga ako at sobrang nadidis-

"Dreams"

Nabasa nyo ba ung Wedding Preparations na blog ko?? Di naman dapat un ang isusulat ko eh, pero dahil sa naumpisahan ko na sa ganong panunulat, di ko na naisulat ung isusulat ko ngayon dahil hindi ko alam kung pano ko sisimulan ang pagsusulat tungkol sa pangyayaring ito at di ko alam kung paano ko ikukunekta.

Kagabi sa pag-uwi namin ng bahay, doon ako nagka-idea kung pano ko sisimulan ang kwento ng napanaginipan ko.

Sabi nila, lahat daw ng panaginip eh may dahilan o kahulugan. Gaya na lang nung napanaginipan nung isang friend ko na “ahas”. Sabi sa Psychology, ang ibig sabihin ng panaginip na ahas eh s*x. Tapos sabi naman nung friend kong isa, kapag nanaginip ka daw ng nakikipag-s*x sa isang artista, ibig naman daw sabihin non eh, nirerepresent nung artista ung ideal man mo. Pero walang kaugnayan ang panaginip ko sa kahulugan na s*x, pero medyo nalalapit sa salitang iyon kung tatanggalin mo ang S at maiiwan ang EX.

Nagwa-wonder lang ako na for how many years na nagdaan at wala kaming communication, noong isang gabi eh napanaginipan ko sya. At kahit tulog ako, ramdam ko ang kaba na naramdaman ko sa panaginip ko. Napatanong tuloy ako sa sarili ko, bakit at sa anong dahilan para mapanaginipan ko sya. Bakit sa pagkakataong ito?

Di ko naman ipagkakaila na sa mga taon na sya ang kasintahan ko, sadyang maganda ang naging takbo ng relasyon namin. Di naman siguro kami tatagal ng ilang taon kung hindi di ba? Kaya lang dahil siguro sa sobrang intimate namin sa isat isa, naging masama ang epekto sa kanya. Naging selfish, seloso at over protective na ultimo barkada naming babae eh pinagseselosan.

Sa panaginip, nung makita ko sya, talagang kinabahan ako. Gaya ng naisulat ko, kahit tulog ako talagang naramdaman ko ang kaba lalo na nung kausapin nya ako. Parang totoo ang lahat, although, aware naman ako na panaginip lang yun. Sa panaginip kong iyon, parang may pangyayaring kailangan naming gawin na hindi namin nagawa at sa pagkikita naming muli sa panaginip na yon, parang kailangan naming ituloy ang naputol na pangyayaring hindi namin natuloy. Ang gulo di ba? Hindi ko rin kasi ma-explain kung ano nga ba. Wala naman kaming unfinished business sa isat isa at nagkahiwalay naman kami ng maayos, and I guess, tinuturing nya naman akong kaibigan. Pero bakit nga? Parang ginulo ng panaginip kong un kung ano mang meron ako ngayon. Bothered ako? Di masyado pero nagwawonder lang ako kung bakit.

Kinausap ko ung friend ko, pero sabi nya, pagsubok lang daw un. Well, di ako papatalo sa pagsubok na un dahil masaya na ako sa kinalalagyan ko ngayon at ung panaginip na yun, hanggang panaginip na lang un at “sana” wag nang magkatotoo.

Wish me lots of good lucks na lang sa mundong pinili ko...
*** anong konek??? wala... hehehe...

Bagsakan daw?!?!?!

Sabi nila di daw nila kinakaya ang blog ko dahil kapag nag post ako, isang bagsak lang daw! Totoo, isang bagsak nga lang, sa hirap ba namang pumasok sa blogspot sa di ko malamang dahilan at sa bising mundo ng akong trabaho, sadyang magiging isang bagsakan talaga ang pagbloblog ko. (bising means busy – di ko kasi alam kung pano ko lalagyan ng N G ang busy na salita).

Kung inyong mapapansin, simula nung pumasok ang bwan ng nobyembre sa taon ng 2006, naging matumal na ang pagbla-blog ko. Madalas pa sa mga post ko eh up-late na at hindi update! Tapos matagal ulit bago masundan. Ibang iba sa mga bwan bago ang bwan na un. Kaya kapag nagkakaroon ng pagkakataong malibre ang oras ko at saktong nakapasok naman ako sa blogspot, nagiging isang bagsakan tuloy ang nangyayari sa blog ko. (Nangangatwiran pa eh...)

Pero dahil sabi ko nga noon sa mga kausap ko, at sa blog ko, “walang paki-alamanan! Blog ko ‘to eh!” pero dahil din sa di nila matiis ang maki-alam, sasabihin at sasabihin pa rin nila ang gusto nilang sabihin!

Hayyy... Nga pala, may dalawang bagay akong napatunayan kahapon.

Una, talagang mas mautak ang tao sa teknolohiya. Kanina lang kasasabi ko lang na hirap akong pumasok sa blog spot, pero dahil mas mautak nga ang tao sa teknolohiya (at kinukunsidera kong tao naman ako kahit papaano), naging matagumpay ang eksperimento ko! Inad ko sa favorites ung site o http ng blog spot na pede na akong mag sulat ng bagong blog. Yezzzz... ung page na un ang sinave ko para di na ako dadaan sa dashboard, pagka-sign in, derecho agad sa create a post at paste kaagad ng blog na ginawa ko sa MS word! Ang utak no? Effective naman sya, kaya nga nakapagblog ako ng madami kahapon eh (obvious naman di ba???)

At ang pangalawa, napatunayan ko ang isang bagay dun sa isang ka-sis na bukod sa isang napatunayan nya sa sarili nya eh wala rin pala syang sense of direction!

Noong unang nangyari ang pangyayari kagaya ng kagabi, pede pa syang makalusot dahil maaring nalito lang sya, dahil minsan nakakalito naman talaga ang magbigay ng direksyon, pero dahil sa pangyayari kagabi, wala syang lusot!

Balik tanaw.... Sa loob ng taxi...
Sis: Turn left my friend, turn left!
Sabay ang kanang kamay ay itinuturo sa kanang direksyon, kaya si mamang driver, ayun! Nalito! Buti mabait si mamang driver at hindi sya nasigawan dahil pagnagkataon, kakahiya ka naman sis! Okay lang din sana kung walang kadating dating ung pagbitaw nya ng salita pero kaso meron! Tila ipinagmamalaki nya pa na ang alam nya ang kaibahan ng kanan at kaliwa! Adik di ba???

At kagabi... Sa loob ng 4 x 4 na sasakyan...
Sis1 – ang may hawak ng manibela
Sis2 at Sis3 – mga nakikisakay lang sa 4 x 4
Sis4 – isa rin sa mga nakikisakay at tinaguriang bida ng kwento

Sis2: Ay!
Sis1: Bakit?
Sis3: Kasi dumerecho ka.
Sis1: Ay! Ano ba dapat?
Sis2: Dapat kumaliwa ka dito. Ayan, sa Karama na tuloy labas natin.
Sis1: Wala bang u-turn dito?
Sis3: Hmmm...
Sis3 & Sis4: Meron! (nagkasabay)
Sis4: Meron dito kami dumaan noon nung nagparty kami sa Sheraton.
Sis2: Ay! Oo nga pala meron palang daan dito. Stay ka lang sa left lane kasi kakaliwa tayo.
Sis3: Oo, tapos may round about doon.

Pagdating sa round about...
Sis2: Derecho!
Sis3: Hindi, kaliwa! Labas natin jan Maktoum Road
Sis2: Ay, oo nga, ipasok mo na lang dito.
Sis1: (nalilito) tapos saan tayo dito eh parking lot ‘to.
Sis3: Sige derecho ka lang tapos right turn ka sa dulo.
Sis4: Anong right turn? One way lang kaya yan, bawal mag right turn don!

Si Sis3 nalito dahil madalas syang dumadaan sa lugar na un at alam nya kung ano ang pasikot sikot na daanan sa lugar na un. Nang malapit ng magdulo, doon napagtanto ni Sis3 kung bakit nasabi ni Sis4 na walang right turn doon.

Sis3: Ano ka ba! No left turn ung nasa board!
Sis4: Ha? Ai! Oo nga!
Sis3: Ano ba yan! Nagmamagaling ka pa! Wag ka na ngang maki-alam sa mga direksyon! Panggulo ka lang eh!

Ang galing di ba? Ang right sa kanya eh ung left natin at ung left sa kanya eh ung right natin! Ayos talaga! Isang bagsak sayo kapatid!

Tuesday, January 16, 2007

Wedding Preparations

Four months from now, makikita ko na ulit ang family ko. Bakasyon ko kasi non and in God’s will, kasal ko na rin kung saka – sakali (parang di pa sure noh??). Kasi di pa naming alam kung papayagan si Dan na mag emergency leave sa bwan na un.

Almost ok na ang lahat. Kapag na ayos na ung papers namin ni Dan, wala ng problema. Nakapag-inquire na kasi ako sa mga Top 3 Church na pagpipilian ko at napili ko nga ung 2nd choice ko. Bakit yung second choice ung napili ko at hindi 1st choice? Kasi ung 1st choice na gusto ko, mali ung contact number na ibinigay sa akin. Eh ayoko namang maging pahirap sa mommy ko (mommy ko lang kasi ang mag-aayos ng wedding ko sa pilipinas) kaya ung natitirang 2 na lang ung pagpipilian ko.

Church Venue – CHECK! Nakita ko na rin ung lalakaran ko (through net nga lang) at nainquire ko na sa kanila kung doon nga ako mismo maglalakad. Well, gaya ng lagi kong sinasabi sa mga kwentuhang nagaganap sa paligid regarding wedding dream, mahaba haba ung lalakaran ko, kaya pag dating sa harapan baka hingal na ako.

Requirements – ALMOST check! Bakit? Kasi ung mga minor requirements pa lang ung meron kami.

Birth certificate, Baptismal certificate, Confirmation certificate – ako meron na, si Dan... hmmm, ipapacheck pa nya (buti na lang nagbla-blog ako dahil ipapaalala ko sa kanyang ipahanap na kila nanay ung baptismal at confirmation certificates nya).

Marriage Seminar Certificate “PRE CANA” – sa Friday a-attend kami nun dito. Ang aga nga eh starts ng 9.00 am, matatapos ng 4.00 pm. 1 day seminar lang kasi, hindi na kailangang magpabalik balik and at the end of the seminar, makukuha na rin namin ung certificate.

Marriage License – eto medyo dito kami matatagalan! Kailangan kasi namin ng appearance dito pero dahil mabait ang Local Civil Registry ng Lungsod namin, magagawan naman ng paraan. Sa pagbalik ni Tito Symon, dala na nya ung original form para fill up an namin ni Dan pagkatapos, kukumpletuhin namin ung iba pang requirements para sa Marriage License then ibabalik namin sa Pilipinas. Ipapa-courier ko na lang para sigurado at mabilis.

Reception – ahhhmmm... hinahanapan pa ni mommy kung saan may magandang ambiance ng reception. Pero gaya nga ng sinabi ng mga friendly friends ko, marami daw magagandang lugar sa intramuros na pedeng pagdausan ng salo salo.

Flowers – sabi ni mommy, magpapaayos na lang daw sa dangwa (tama ba?) pero tingnan natin kung may mababago kasi ayoko ng magpagod sina mommy dahil baka pag-uwi ko eh kumuha ako ng flower arranger na mag-aayos sa simbahan at sa reception.

Dress and Accessories – hmmm ulit! Magulo kasi utak ko. Kailan lang sabi ko, gusto ko Lilac ang motif ng kasal ko pero dahil nga sa sobrang exposure ko sa internet, mas gusto ko pa rin ung kulay ng blue parang ganito at ganito. Ang ganda di ba? At kapag nakita na nila ung kulay, pede na silang magpagawa ng damit nila sa ninang ko.

Wedding dress ko??? Malamang sa malamang, sa divisoria na bagsak ko. Di ko kasi alam kung kayang gawin ng ninang ko ung damit ko in 3 weeks time! Tapos di pa ako tumitingin ng design ng wedding gown ko. (bakit di ko kaya subukang magbrowse sa net para pagdating ko ng pilipinas eh materyales na lang ung hahanapin namin! Aysus! Adik talaga!)

About accessories naman, madali un! Kayang kaya ng bilhin ng mommy ko un!

Souvenirs – isa sa mga souvenir na gusto ko eh ung glass tower ng burj al arab pero dahil nga 10 dhs ang isa (135 php) at 200 pcs ang bibilhin namin, eh di 2,000 dhs na kaagad un (27,000 php) parang sa dalawang simbahan pa kami nagpakasal di ba? At sa 27k na un, marami na akong mapapakaing tao nun!

Invitation – improvise na lang un... syempre sino pang gagawa kundi ako pa rin! Nakakagawa nga ako ng invitation ng ibang tao, sarili kong invitation di ko magawan? (Syempre, ganun talaga un! Gusto mo kasi maganda pa sa gawa mo ung invitation mo!).

Photographer – madali na lang un! Pero ang totoo, di pa ako nakakapamili kc gusto ko ung magaling talagang kumuha. Hehehe...

Ano pa ba??? May nakalimutan pa ba ako??? Kung meron pa, sabihin nyo lang, ayoko kasing maging kakatawa ang wedding day ko! Sige, sa susunod ulit!

Monday, January 15, 2007

TOP 3 to DROP a CONVERSATION!

TOP 3: Huwag sagutin ang mga tanong!
Sis1: Gwapo ba sya?
Sis2: Ahmmm, mabait naman sya!
Hehehe… ang ganda ng sagot di ba? Pahirapan pa ba natin??? Pede namang ganon diba?

TOP 2: Kung kausap sa Celfone... Ibaba ang celfone
Syempre, para hindi halatang binaba talaga ung telepono...
Bro: Alam mo ang bait bait mo, pwede bang manligaw sayo?

Si Sis, iritado na kay Bro dahil sa mga pambobola nya kaya kahit malakas pa ang signal ng celfone nya...

Sis: Hello Bro! Hello? Hello?? Choppy ka! Hello? Hello??
Sabay baba ng telepono.

Puwede ding...
Sis: Hello bro! Malolobat ako, tawag ka na lang ulit? Naku!!!!
Sabay baba ng telepono at patay ng celfone! Ayos di ba???


TOP 1: Pero sa lahat, eto ag pinaka-malupit! Tulugan mo ang kausap mo!
Sis: Eh yun ung sabi nila eh, papuntahin mo daw sa bahay.
Bro: Eh hindi ba puedeng kapag nandon ka na lang?
Sis: Eh gusto nga nilang makausap muna sila.
Bro: Eh!
Sis: Bahala ka! Eh di ikaw makipag-usap sa kanila tapos sabihin mo ung gusto mo.
Sabay tingin sa katabi. Pagkatingin, ayun! tulog! Ayos di ba? Pamatay!

Madami pang pedeng gawin eh, kaya lang may pagkabrutal na kasi ung iba, nanjan ung pede mong takpan na lang bigla ang bibig ng kausap mo, iwan mo na lang sa ere o kaya, batuhin mo o sakalin mo na lang kapag di pa nakahalata! Pero syempre, di ko i-a-advise yun, bad kasi un! Baka sa halip magkaayos kayo eh lalo pa kayong magkagalit at di na magbati.

Friday Get A Way!

Thursday pa lang medyo nagkakainitan na kami ni G ko, kaya pati ang household namin, di ko na-attenan dahil sa pangyayaring ito. Pero siguro, dahil sadyang mahal talaga ako ni G, naayos din naman.

Umaga pagkagising, kinukulit na ako ni Danilo. Parang tutang nagsusumiksik sa tabi ko para lang gisingin ako at dahil bad trip bad tripan ang drama ko bago matulog, di ko pinagpapapansin ang paglalambing nito.

Siguro pansin nyang wa-epek ang ginagawa nya kaya naisipan nyang humiga sa tabi ko at yakapin ako. Maya maya ng konti, hinawakan ang kamay ko sabay kanta ng “mag-exercise tayo tuwing umaga, tuwing umaga, tuwing umaga. Mag-exercise tayo tuwing umaga para ang katawan natin ay sumigla!” Kaazar diba??? Akalain mo, napatawa ako ng ganon ganon lang! Sabagay, di ko naman makuhang magalit ng tuloy tuloy sa kanya at di ka naman maniniwalang galit ako sa kanya sa kadahilanang pagnakita ko na sya eh napapangiti na ako. Ayos di ba?

So, ayun nga, dahil nagising na ako. Pinabangon na ako ni Dan sabay tanong ng “anong gusto mong almusal?” Haha! Naglalambing. Palibhasa alam nyang may kasalanan syang nagawa kagabi! Nagluto sya, ako naman nagsimula ng maglaba. Maya maya sya na ring nag-open tungkol sa pagtawag kina mommy.

Nagdial ng telepono, si Daddy ang sumagot, wala ng paligoy ligoy, pinakausap kaagad kay Dan. Matapos ang ilang minuto binaba na naming dahil tatawag ulit kami mamaya para si Mommy naman ang kausapin.

Matapos ang isang oras, dumial ulit at kinausap na si Mommy. Matapos ang mahabang pakikipag-usap ni Dan, binigay na ulit sa akin at finally, nakuha na namin ang blessings nila mommy pero may isa pang kahilingan sila mommy, papuntahin ang magulang ni Dan kahit wala ako sa bahay.

Another issue! Another topic! Di na muna namin pinag-usapan. Matapos maglaba, naligo, nagpatuyo ng buhok at natulog muna pansamantala, at nang magising, naghilamos, nagtoothbrush, nagbihis at nagsimba.

Maraming pangyayaring naganap pero di ko na iisa isahin dahil hindi na kasali sa kwentuhan un!

Sa church, naiyak ako sa mga pangyayaring naganap nitong araw na ito. Natouched ako sa mga kaganapang ibinigay sa akin ni Lord.

Sa bahay, kala ko, magtutuloy tuloy na ang kasiyahan ko pero ang mokong, nang pag-usapan ulit ang tungkol sa pagpunta nila nanay sa bahay, parang walang naririnig at sa madaling salita, nasira ang biyernes ko at natapos ng alang kakwenta kwenta.

Sadden Thursday

At dahil sa nakaset na ang araw ng kasal ko, sino pa bang mangangarag sa paghahanda nito kundi ako lang dahil sabi nga nila “kasal lang ng babae ang kasal”. Bakit kanyo? Kasi daw ang lalake, kahit anong klaseng set up ang gawin, mapasimple man yan o mapabongga, di magsasalita yan dahil ang importante lang sa kanya ay ang mabasbasan ng pari.

Dahil nga sa normal na sa babae ang mangarap ng magagandang pangyayari sa buhay nya, syempre, gusto nya, best lahat ang mga pangyayaring magaganap sa kanya. Kagaya nga kasal.

Sa sitwasyon namin ni Dan, both sides alam naming papayagan kami ng magulang namin. Pero syempre, alam nyo naman ang matatanda di ba? Ang daming pang seremonyas na gustong gawin, lalo na kung babae ang nasa kanila.

So sa madaling salita, hindi pa namin ganap na nakukuha ung blessings ng magulang ko kaya mahirap sa aming magsimula ng paghahanda. Ung totoo, nakakausap ko naman ang daddy ko tungkol sa planong ito pero hindi ang mommy ko. Bakit? Kung kilala nyo ko, alam nyo kung anong dahilan kung bakit di ko nakakausap sa mga ganong bagay ang mommy ko. At dahil sa ganong rason, nakikibalita na lang ako sa mga kapatid ko kaya mahirap para sa akin ang sitwasyon.

Tulad ng balitang ito: “Pano ka naman papayagan ni Mommy kung di pa namamanhikan sina Kuya Dan? Buti sana kung ulila na si Kuya Dan eh hindi naman.” Oo nga naman! Pano nga naman ako papayagan nila Mommy eh ang makausap nga si Dan di pa nagagawa. (Eh ayaw rin naman kausapin ni Mommy si Dan ha.) Sus! Nangatwiran pa!

“Gusto nilang makita muna si Kuya Dan bago ka payagan...” Huh??? Ano daw?? Eh Emergency Leave nga lang ang gagawin ni Dan eh! Niloloko na nga ako sa bahay na sila na daw ang magiging “phone bearer”. Dib a, hi-tech ung kasal ko, phone patch ito!

See... pano ko masisimulan ung preparations kung ganon ganon na lang. Syempre, para maayos ito, kakausapin ko muna si Dan.

Ako: G, nakausap ko sina Jologz regarding sa reaction nila Mommy. Kailangan mamanhikan ka daw muna. Kahit sila nanay na lang muna ang pumunta sa bahay.
G: Ha? Ganon? Bakit? Pede bang sa internet na lang?
Ako: (Syempre, nagalit ako dahil kung ano ano na nga ang prinoproblema ko tapos ganon ang isasagot nitong mokong na ‘to sa akin!) Eh kung sa internet na lang rin kaya tayo magpakasal?
G: Eh G pano un? Sa webcam pede na ba un?
Ako: Ewan ko sayo! Nahihirapan na nga ako kung ano ano pang pinagsasabi mo!

Syempre, binaba ko na ung fone at talagang naiyak ako! May household pa naman kami ngayon pero dahil sobrang upset ako sa mga sagot ni Dan mas ginusto ko munang mag-isa, kasi natatameme ako dahil sa mga naiisip ko.

At dahil asar talaga ako, ginive up ko sa text ung pagplaplano. Lahat pinaubaya ko kay Dan. Asar kasi ako eh!

Pagdating sa bahay, cold summer night ang dating! Parang walang nangyari! Ayaw pag-usapan. Biruin mo, Thursday na Thursday, ang aga naming natulog dahil lang doon. Kaya tuloy ako, lalo akong naasar!

HAPPY BIRTHDAY KUYA!

Actually, last Thursday pa ung birthday ni kuya at sinelebrate nung Wednesday kaya lang dahil sa kasipagan ko dito sa opisina, ngayon ko lang mababati si kuya sa blog!

Kaya para sayo kuya, HAPPY BIRTHDAY!!! Salamat sa regalo ha! Na-appreciate ko po un! Sa susunod na birthday mo ulit!

Monday, January 08, 2007

Bagsakan na ito!!!

Day Six??? Ah... eh... Hahaha!!!
21st December 2006, Thursday
At dahil Thursday na, walang masyadong kaganapan pagkatapos ng misa.

Actually, di na nga namin natapos ung mass, hanggang communion lang kami, matapos magcommunion at magdasal, hala, tawagan na kami dahil kailangan na naming makarating ng chowking ng 10pm.

Ako, badtrip-badtripan ang drama dahil ung contact naming sasakyan, aba! Hindi sumasagot ng telepono! Gaya ng lagi nyang sinasabi... BULAAN KA PALA EH!

Pero syempre, sirain mo pa ba ang gabi mo, natural hindi na di ba kaya magconcentrate na lang tayo sa mga bloopers.

Paglabas ng Church compound (sa tapat ng bakery)
Nakatayo si Bro. Binati nung isa pang Bro. “Huy! Bro! Musta? Sige una na kami!”
Ang ang nakatayong si Bro, di na nabigyan ng pagkakataong magsalita o sumagot sa tanong na “kamusta”... hehehe...

At dahil wala kaming masakyang taxi, nag-carlift na kami.

Sa loob ng carlift...
Sis1: Kinakabahan ako sa driver na ‘to. Baka bigla tayong isumbong sa pulis.
Sis2: Sus! Kung ano ano na naman ang iniisip mo.
Pagkaraan ng ilang minuto nang may nakainitan ng ulo si Mamang Driver.
Sis1: Sabi ko sa inyo eh, masama kutob ko sa driver na ‘to eh. Baka mamaya mapaano pa tayo.
Sis2: Masyado ka namang nerbyoso. Hayaan mo na lang sila.
Sabay baling si Sis2 kay Sis3 at nagkwentuhan ng husto.
Haha! Iwanan daw ba sa pagiging nerbyoso ang isang sis?

Sa reception...
Sis1: Kinakabahan ako. Ano bang kakantahin ko? Wala pa akong practice. Alam nyo naman ako, hindi nagtatapos ng kanta.
Sis2: Kailangan may ganon?
Emcee: May we call on sis1 to sing blah, blah, blah, blah, while the newly wed blah, blah, blah...
Wala pa sa middle ng kanta.
Emcee: May we call on sis2 to start the program with prayers.

Ayos! Tama ka sis1! Wala ka ngang tinatapos na kanta! Hanggang sa reception ba ng kasal ganon pa rin ang style mo???

Sa reception ulit... Sa table...
Sis1: kapatid *** (bulong...)
Si kapatid biglang sumayaw sabay kanta: “don’t you wish your girl friend is hot like me...”
Sis1 at sis2: nagtawanan!
Sis3: Ano un?
Sis2: Hina mo naman pumik-up!
Sis3: Malay ko ba kung anong pinag-uusapan nyo.
Sis1: Wala ka bang napapansing kakaiba? May miyembro ng pussycat doll dito.
Sis3: Ah yun ba? Style nya un care nyo ba!
Sabay tawanan...
Si pussycat doll kasi nasa reception pero ang suot miniskirt na na may leggings sa loob. Ok lang sana kung suutin sa reception pero ibagay naman natin sa edad diba???

Sa reception pa rin...
Oras na para magbigay ng mensahe sa bagong kasal. Nagsalita si Ate “Groom, dapat alagaan mo si Bride dahil bibihira lang ang kagaya ni Bride...”
Sis1: (Baleng kay Sis2) Oh sis2, dapat alagaan mo si Bro kasi bibihira lang ang kagaya ni Bro.
Si Sis3, out of nowhere biglang nakigulo at nangantyaw sabay tawag si Emcee
Emcee: May we call on Sis3 for blah, blah, blah...
Ayan! Bilis ng karma no sis3?!?! Sasali Sali kasi sa usapan di naman kasali! (joke!)

Tapos na ang handaan. Nagliligpitan na nang...
Sis1: Sis2, tara! Kanta tayo!
Sis2: Tara!
Sis3: Sali ako!
Nang makatayo at pumwesto sa harap.
Kapatid: Nahihiya daw pero nagkakakanta sa gitna at di pa nakuntento, nag-aya pa si Sis1 sumayaw!
Kainis di ba???

After ng handaan, ang isa naming ka-sis eh nakipagkita sa Burger King.

Sa Burger King...
Pakitingnan na lang dito ung kwento...



Para sa kwento ng Day Seven (7), Day Eight (8) at Day Nine (9) na kwento, paki-click na lang ito at ito. (Pasensya na... tinatamad na akong magkwento eh! Basta ang mahalaga nakumpleto namin ang SIMBANG GABI!!!)

Huli man daw at magaling naihahabol pa din!

Not Again sa Day Five!
Day 5 - 19th December 2006, Tuesday
Sa gabing ito, di ko alam kung anong pangyayaring nagaganap dahil sa dami ng kapalpakan!

Sa kagustuhan kong suportahan ang SFC (Singles For Christ), nagpumilit akong pumasok sa loob kahit na alam kong madaming tao pero di ko akalaing don kami makakapwesto sa unang araw na pinuwestuhan namin. As usual, alam kong hindi ako makakapag-concentrate doon dahil doon ang tambayan ng SFC pero dahil sa kagustuhan ko ngang makapagconcentrate, galit galit muna tayo ha?

Nang makarating sa pwestong 'yon, si Bro. Ver, lumapit at sinabing, "bakit ngayon lang kayo? di nyo tuloy napanood ung sayaw namin!" Sagot ako, "As if namang nakasayaw kayo?!!". Barado kaagad di ba? Kasi nga, galit galit muna tayo (bad ko noh? Kaya ako nabla-black list sa creative dance eh).

Pero ang totoo, sa pangalawang pagkakataon na inanyayahan ang Creative Dance Ministry na sumayaw ng dalawang (2) tugtog bago magsimula ang Panglimang Araw na Misa ng Simbang Gabi, kagaya ng naunang kwento, hindi sila nakasayaw at kagaya ulit ng ikalawang dahilan, hindi na naman kasi tumugtog ang CD na dala dala nila. (Pasaway din ‘tong cd nila eh o baka, ayaw silang pasayawin dahil wala daw kami doon... Hahaha!! As if...) Di ba ang malas??? Hindi ko nga alam kung chineck ba muna nila yung CD na dala nila bago nila ipinasalang para hindi naman kahiya-hiya o talagang hindi nagbabasa ng hindi original ung local player... haha!

Nagsimula na ang misa. Kumanta na ang SFC Choir pero ano 'to? Eto ba talaga ung susuportahan ko?? Sorry ha, hindi naman sa nanglalait ako, pero alam nyo naman siguro ang resulta ng pagkanta nyo di ba? Isa pa, kailan pa nagkaroon ng 2 kumukumpas sa iisang chorale? Di kaya nalito ang mga singers nyo??? Di lang yun, ilang beses na ba tayo kumanta sa simbahan pero bakit ganito? Parang di nyo alam kung anong kakantahin at kung kailan at saan papasok? Kaya tuloy ang ung mga kapwa nyo SFC Choir eh nagpapasalamat at hindi sila kumanta... Hay... sorry pero un talaga ang nasasabi’t naganap.

Natapos ang misa. Naglabasan na ang mga tao pero dahil sa naghahanapan pa kami, lumugar muna kami sa kung saan kami may nakita na kakilala, syempre, chika chika ulit (ngayon di na tayo galit kasi tapos na ung misa). Maya maya ng konti nakita ko ang bunso namin, syempre, beso beso muna, hanggang sa may bigla kaming nakita na ikinagulat ko.

Lumapit kasi sa amin si Bro at si Sis. Nagulat ako nang ibeso beso ako ni Sis at si Bro naman eh bigla akong tanungin “tila nag-iisa ka yata? Nasan ang mga katoto mo?” Una di ko pa magetz pero syempre sino pa bang katoto ko kundi ung mga Avid Readers ko rin di ba? So, sumagot ako na nasa loob pa sila, chika chika ulit ng konti at nagpaalam na rin sila.

Habang naglalakad palabas ng simbahan, si Bro. nakita ulit kami at sabay banat “O ayan kumpleto na kayo! Etong tatlong (3) kayang mabuhay ng sila sila lang eh. Pedeng umakyat ng stage at maging stand up commedienne.” Sagot naman si Sis “Oo nga eh.” Sabay salo ulit si Bro. “Gaya nung sa MEC, sila sila lang ok na sila...”

Wow!!! Namangha naman ako kasi alam na alam ni Bro kung ano anong pinaggagagawa naming 3 sa mundo ng Singles... hahaha!!!

At finally, after 10000000000 years na chickahan at napag-isipan din ng mga kasama kong magpaalam na sa mga kachikahan nila.

Matapos ang 10000000000 years na chickahan nila sa loob ng compound ng simbahan, pagdating ng bus stop, parang di nabawasan ang dami ng taong naghihintay ng bus, kaya tuloy sa inip namin, ayun, nagkahamunan ang grupo namin at ang mga ka-housemate kong maglakad (syempre, doon lang kami nagkikita kita di ba?). Naunang maglakad ang mga ka-housemate namin at kami, nagdadalwang isip pa kung maglalakad kami o hindi. Tutal nakita naman naming hindi nagtataxi ang mga tao, at madaling nakasakay ng taxi sina Ver at Nanan, bakit pa naming pahihirapan ang mga sarili namin di ba? Pero dahil nga napagkasunduan namin at ng mgakahousemate naming maglakad, na nauna na, sige lakad na lang tayo, hanggang sa walang kaabog abog nang makakita ng taxi, ang mga kamay nagpupumara sa taxing papunta sa lugar naming. Pero dahil nauna nga ang mga ka-housemate namin, syempre, sila ang unang nakakita ng bus, pero dahil kami ang nasa right place para paghintuan nang taxi, syempre, pahihirapan pa ba namin silang bumalik sa lugar na kung saan eh malayo layo na sa kinalalagyan namin, syempre, hindi na dib a? Kaya kami na ang sumakay sa taxi na pinara naming lahat! Ang galing diba???

Pagdating sa bahay, pagod paguran na ang drama namin kaya ang beauty, pagkatapos maghilamos, sign off na agad.

Para sa karagdagang bloopers sa gabing ito, paki click na lang ito at ito.