Friday, June 29, 2007

Ang Mahiwagang Mug

Today is Friday and I’m in front of my hubby’s laptop... Obviously, gumagawa ng blog pero this isn’t my reason why I’m sitting here and doing some blog! May pinabasa kasi ang hubby ko sa aking related sa work kaya I read and applied. Wala namang masama di ba? At least I tried.

While browsing, muli ko na namang dinalaw ang aking “mga” bahay ng maalala kong may nasabi nga pala ako sa aking mga nagdaang blog.

Well, mga Kaibigan, gaya ng ipinangako’t sinabi ko, ilalagay ko ang “famous mug" na madalas naming gamitin dito sa bahay at madals kong mabanggit sa aking nagdaang blog.

Malugod ko pong ipinakikilala ang isang bagay na napakahalaga sa buhay namin dito sa bahay at nadadalas na BIDA ng aking mga nagdaang blog…


... ang “MAHIWAGANG MUG” ni Ate Gina...

(pasensya na po at may laman ung mug… ginagamit ko kasi sa aking sariling version ng Perrier, dis tym, strawberry ang garnish na ginamit ko :D)


Actually, wala namang masyadong mahalaga sa blog na ito maliban sa gusto ko lang ipakilala sa inyo ang “famous mug" na ito na lagi kong naii-share sa inyo ;)























Ooooppppssss... di pa tapos... eto nga pala ang may ari ng mahiwagang mug... Oh well, malamang hindi nyo sya makilala kasi sadyang yan ang kinuha kong pic nya para di naman masyadong obvious na sya si Ate Gina... hehehe.. peace! Labsh u!

(see the similarities??? hehehe...)

Thursday, June 28, 2007

Ang Version ko ng Perrier (Part 2)



Hay.. Akalain nyo?!?!!! May part 2 ang version ko ng Perrier.. well, to be fair with them naman kasi na-enjoy ko ung pag-inom ko ng Perrier with the help of Mr. Ted Allen, the food and wine specialist for Bravo's television...

May Drink Recommendation kasi syang inadvice and one of them eh ginawa ko on the same day na nagbla-blog ako regarding sa version ko ng Perrier. I may say na nakatulong si Mr. Allen para di masayang ang Perrier na binili ko.

One of the suggested serving is the Perrier Mimosa. May konting binago lang ako sa recipe na ito kasi naalala ko lang i-try nung nasa bus stop na ako. Syempre, dahil sa maliit na tindahan lang ako bumili, orange lang ang nabili ko.

Pagdating ko sa bahay, inayos ko lang gamit ko at nagpunta na ako sa kusina para gawin ang Perrier Mimosa. Syempre, wala naman akong champagne glasses kaya ang BIG MUG na lang ni Ate Gina ang ginamit ko. Nagcut ng dalawang orange, piniga sa malaking mug (oo as in malaking mug sya) at ng matapos, binuhos ko ang isang bote ng Perrier (yupz! Isang bote. Kasi di ko naman halos na inom un ng un lang di ba? kasi nga di ko gusto kaya para di masayang eh sinunod ko nga advise ni Mr. Allen).

Sabi sa instruction, maglagay daw ng 4 chilled raspberries or 4 frozen grapes pero dahil orange lang ang nabitbit ko, gumawa na lang ako ng sarili kong version ng Perrier Mimosa. Since madalas namang ‘syang” makita na kasama ng orange, bakit hindi na lang “sya” ang gawin kong garnishing di ba. So, ginawa ko at di naman ako nagkamali. Na-enjoy ko naman kahit papaano ang Perrier Mimosa ni Mr. Allen.

Kahapon, dumaan ako sa Al Ghurair at bumili ako sa Santinos ng lasagna. Pagbaba ko sa elevator, pumasok ako sa spinneys para makidaan pero sa di ko malamang dahilan, dinala ako ng mga paa ko sa water section at dumampot ng isang bote ng Perrier at derecho sa juice section sabay dampot ng Delmonte Four Season.

Pagdating sa bahay, nag-experimento kaagad ako! Kinuha ang dambuhalang mug ni ate gina, naglagay ng napagkarami-raming yelo, ibinuhos ang isang lata ng Delmonte Four Season at sabay buhos din ng Perrier. Hinalo, at lagyan ng konting fruit cocktail! Hmmm! Yum!! Sarap! Sa ikalawang pagkakataon, muli ko na namang naenjoy ang Perrier.

Hay.. Adik na nga ata ako sa mahiwagang Perrier, sana wag naman! Pero mamaya ulit, gagawa ulit ako ng sarili kong version ng Perrier!!! Ung “sya” pala na tinutukoy sa Perrier Mimosa na ginamit ko is APPLE at ung image ng mahiwagang “MUG” ni Ate Gina, sa susunod na blog ko na lang ipapakita.. hehehe... ;)






Wednesday, June 27, 2007

Ka-BLOG!!!


Ano ba ang BLOG?
Bakit maraming tao ang aliw na aliw at adik na adik sa pabla-blog???

Well, bilang blogger, madami kasing napapaligaya ang pagbla-blog dahil sa mga nababasa nila. Enhancer, Teachings/Tutorial, Search Engine, Komiks, Quotes, Advices at kung ano ano pa.. pero sa mga blogger na taong katulad ko, well, maihahalintulad namin ang blod sa isang: DIARY ; LOG ; JOURNAL ; RECORD : MEMOIR at kung ano ano pa!

Para sa akin, halos na ata lahat ng pangyayari sa buhay ko, maganda man o panget, nakakalungkot man o masaya, na-i-bla-blog ko.. Parang diary kasi dito ko sinasabi ung mga kaganapan sa buhay ko. Log, Journal kasi nakatago dito ang mahahalagang okasyon na nasaksihan ko. Record, nailalagay ko ang mga tula, conclusion at realizations ko.

Hay... sa pagtanda ko kaya eh maalala ko pa ring isa pala akong blogger??? Siguro pag binalikan ko ang mga araw na isa akong blogger, tatawanan ko lang ang mga panahong magdadaan, at sasabihing “ang simple simple ng buhay pero bakit parang napakakumplikado noong mga panahon na un?” o kaya magiging proud ako sa sarili ko dahil ang dami dami ko ng nasulat at naibahagi ko sa inyo ang kaganapan sa buhay ko.

Advance masyado ang isip ko pero masayang malaman na sa pagtanda ko ay may mababasa akong naging bahagi ng buhay ko… ang pagbla-blog.

Tuesday, June 26, 2007

Happy Monthsary

Sayang at di nyo na mababasa ang Love Moves in Mysterious Way na ginawa ko sa Friendster Blog para malaman nyo kung pano kami nagsimula ng Hubby ko. Well, do I have to go back from the time we started, well, why not di ba?? I love telling stories how G and I met.

It was on the month of March when the first time I saw Dan at Poblete’s Residence in Hor Al Anz. To be exact, 09th March 2006. Practice ng Choir for Tagalog Mass and at the same time for the CLP ng Batch 23. Sa ilang beses kaming nagpra-practice ng Choir, I never recognize Dan’s face, hindi nga sya familiar sa akin. Ang weird di ba? Pero he’s always there naman. Nagulat nga ako when he goes down para mag-practice ng choir. Anyway, it all started nung magtawag sila Ate I for CLP Song Practice. Since nakapahinga naman ang choir, umakyat muna kami nila lilai. Naiwan ako sa baba dahil sa kadaldalan ko at kachickahan ko sa mga kasama ko sa choir at dahil naka-second call na, umakyat na ako. Sa hagdanan, may kasunod din akong umaakyat. At dahil nga friendly ghost ang inyong lingkod, nauna na akong magtanong kung anong pangalan nya. I guess wala namang masama don dib a kasi we’re in one community. Sagot naman sya sa tanong ko pero alang kasunod. Kung baga, isang tanong, isang sagot. WEIRD ang unang impression ko. Kasi di ba ang mga normal na tao, kapag tinanong ka kung anong pangalan mo, tatanungin mo rin sya kung anong pangalan nya. Hay… Grabe sa kawirdohan! Sabi ko nga weird na, suplado pa!

Pagdating sa taas, nagpray muna kami bago namin sinimulan ang practice. Sa natatandaan ko, sya lang ang bukod tanging nakatayo sa isang sulok. Kakaiba talaga! As time passed by, namalayan ko na lang ang sarili kong wala ng kopya at hindi naman lahat ng kanta eh saulo ko, kaya ang nangyari, “may I share” ang ginawa ko. Since ung mga ka-hh ko eh may kanya kanya ng ka-share, wala na akong magagawa kundi kausapin si wirdo na makikishare ako. Natapos ang CLP Choir Practice and the Tagalog Mass Choir Practice ng hindi ko nalalaman pangalan ni wirdo.

Biyernes, kakanta na ang SFC Choir for Tagalog Mass at si Wirdo, haha! Di ko alam kung anong nakain pero binati ako. Tamang tanguan lang tapos na. Nang matapos ang Tagalog Mass, siyempre, paalamanan na at itong si Wirdo, biglang nagsalita ng “Kita kitz na lang sa CLP”. At dahil friendly ghost nga ako, syempre, sumagot naman ako ng “ok! Kita kitz na lang”.

Sa CLP, haha! Feeling close na ang loko. Tama bang makipag-asaran sa akin at kumuha pa ng kakampi. Pero syempre, kapag nasa mood ang lingkod nyong makipag-asaran, well, game ito! Di nagtagal, dahil sa may pupuntahan kami ni Lilay, hiningi nya ung numero namin para incase na kakanta ulit kami at wala pa kami eh matatawagan nya kami. Would you believe??? Matapos makipag-asaran lahat sa akin at feeling close closan eh doon ko lang nalaman ang pangalan nya. DAN ung ang sinabi nya nung kailangan ko ng isave ang numero nya sa celfone ko.

Dumaan ang ilang araw, sa di ko malamang dahilan, hay... lagi na kaming nagkikita ni Dan. Di ko alam pero cnong makakapagsabi na doon na pala magsisimula ang lahat. Wala sa isip kong magkakagusto ako sa kanya o sya ang magiging asawa ko. Basta ang alam ko, si Dan sya, kaibigan ko.

Ilang linggo pa lang ang nakakalipas nang tanungin kami ni Ate Janytte (kung ano man ung tanong na un, kami nalang nakaka-alam don) na kung saan nakapagpabago sa akin, sa amin... Di nagtagal, buong SFC Family na ang nagtanong sa amin, kaya ang solusyon, kailangan na naming mag-usap.

April 10th, 2006 – Finay-nalize na namin ni Dan. Eto ung start na kung saan kami naging mag GG (God’s Gift) na ngayon eh GGG (God’s Greatest Gift).

After three month, he proposed. Syempre, bakit ko tatanggihan di ba? Kaya now, our relationship stays 1 year and 2 months and 16 days to be exact pero as Husband and Wife, today is our FIRST Monthsary.

Kaya G...


HAPPY FIRST MONTHSARY!!! You’re the BEST “BABI” I have. I LOVE YOU!!!





Eto yung araw na nagpractice kami ng CLP Songs sa Poblete's Residence, kita nyo naman di ba kung gaano kami ka-close maliban sa kanya...


First Picture namin - April 10th, 2006

Todo na ito!!!

May 26th 2007 - St. Peregrine Laziosi Parish











Ang Version ko ng Perrier


One week ago, muli na naman nabuhay ang pagkatao ko sa likod ng mga “surveys”. Doon, nakita ko at nalaman ko ang mga gusto at ayaw ng mga “kaibigan” ko. May isa akong friend na “reyna” ng surveys. Dami kong nalalaman sa kanya sat wing sumasagot sya ng survey and one thing that caught my attention is the water that she used to drink. Lagi nya kasing sagot etong uri ng tubig na ito, which is the Perrier kaya I wonder what’s with this water.

Nakainom na rin naman ako ng ibang tubig at ang pinaka-mahal na water na nainom ko is the “Evian”. Wala rin namang pinagkaiba sa ibang tubig na iniinom ko so why I should pay more di ba? Pero ng dahil sa sagot ng “kaibigan” kong ito, well, na-curious ako kung bakit itong tubig lang na ito ang iniinom nya.

Kanina, dumaan ako sa Spinneys... Wala lang, tamang ikot lang pero habang nag-iikot, nagkukukuha na ako ng mga bagay bagay. Nung nasa counter na ako, nakita ko, ung mga bagay na kinuha ko eh di pa aabot ng 10 dhs. At pagtingin ko sa wallet ko, haha! Hindi naman sa nagmamayabang, 500 dhs na buo ang laman ng wallet ko at wala akong kabarya barya maliban sa 3 dhs coins ko.

Syempre, alangan namang isoli ko ang mga pinagkukukuha ko o kaya ibayad ang 500 dirhamo na buo baka patayin pa ako ng kahera na sa halagang 7 dhs., 500 na buo ang ibabayad ko. Ayos! Kaya ang ginawa ng lola nyo, nag-ikot ulit. Since, puro pagkain ang binitbit ko, umikot ako sa juice section.. Tingin tingin.. pero bakit ako bibili ng juice eh ang dami kong stock ng juice sa bahay. So, ikot ulit. Kuha ng ganito, kuha ng ganon, hanggang sa mapunta ako sa water section. Nakita ko ang “Perrier” na kina-aadikan ng “kaibigan” ko. Sabi ko, adik sya sa tubig na ito, so, tikman ko kaya, and since adik nga sya, sabi ko ung malaki na ang bibilhin ko, baka pati kasi ako maadik don.

Ok. Nagbayad sa counter, lumabas, naglakad. Habang naghihintay ng sasakyan, kain muna ako ng kung ano ano, syempre, nauhaw ako, naalala ko, meron pala akong biniling tubig. Binuksan ko, uy! Parang softdrink! May spirit! Syempre, na-excite ako, kaya ayun, mega inom ako agad. Pag-inom ko, ewan ko ba kung may nakakita sa itsura ko.. Ang alam ko kasi, di maipinta itsura ko! Kasi ba naman wala syang lasa pero para syang beer! Siguro dahil sa fortified gas ung tubig na un.

Sabi ko baka umpisa lang, kaya maya maya ng konti.., inulit ko ulit, oh well, hindi ko talaga sya trip! Mag-e-evian na lang ako! Umiinom naman ako ng soda, malt, spring water pero kung soda, malt or anything ito, hindi ko talaga sya trip!

Hay.. Lesson: Trip nya, trip nya! Walang paki-alamanan! Trip nya un eh!

Si “kaibigan” pala eh sya ung sinasabi ko sa blog na ito.

Related Links: Eto at eto.

Sunday, June 24, 2007

Sadden Evening

Last week, my hubby informed me that he and his team will going to Uganda for business reason. The company send them there to attend some things which are related to their work.

I thought it’ll be ok with me coz he’ll be gone for 4 days only, and at the same time, this is the time I’ll be having a good time with my “closest” friends, where I can spend all time with them without worrying that someone was waiting for me.

Today morning, Dan flew to Uganda. He left home at 5:45 am and still, Im okay. I just hugged him and kissed him before he left and return back from my sleep.

Morning passed and afternoon comes, still, I’m okay. Nothing’s change, only just thinking what am I going to do when I reached home.

Evening arrives, I suddenly feel that I am alone. Gina and Lei were not at home, they have their own activities tonight. No one’s there waiting for me. Or even to hug me and kiss me, to ask me “how’s my work?” or “how’s my day”. I suddenly feel that I’m missing “him”, my hubby, my G, my Dan. I suddenly felt that I can’t seize it. I’m missing him a lot as if he already left for so long.

Oh my, oh my, thought I can but I couldn’t.

Monday, June 18, 2007

After long time ago…

Sa wakas!!! Nakapag sulat din ako sa aking blogspot! Ilang bwan ding nawalan ng tao dito at kailangan ng agiwan! Well, to clear things up, di naman po ako nawala, naglipat bahay lang ako sa pag-aakalang di ko na maaaccess ang blog kong ito. But since, nakita ko sa aking kapwa blogger na blog spot ang ginagamit na blog engine, muli ko na namang triny ang blog spot and viola!!! Eto nga at nakapag-blog ako.

For any updates, puede nyong matunghayan ang kaganapan ng aking buhay sa blog na ito. Maari nyo ring i-add ang blogsite kong iyan kasi upto now, d ko alam kung saan ako mag-ko-concentrate ng blog kasi there are some qualities that shoutpost has na wala naman ang blogspot. I guess, ayus ayusin ko lang ‘to masasatisfied din ako.

Well, enjoy reading on my 3 blog sites!!! God Bless!!