Saturday, September 08, 2007

...Ang aking HIMUTOK...

Tumanda ako ng ganito nang patas sa kapwa ko. Hindi nandadaya o nangugulang. Lumalaban sa tamang paraan, sumasagot nang ayon sa nararapat.

Pero sa dalawangpu’t limang taon na ako’y nabubuhay sa mundo, hindi ko malaman kung bakit sa lahat ng pagkakataon, lagi “akong” napapasama sa mga bagay na alam ko namang naging patas ako. Sa mga pagkakataong “ako” na ngang tumulong, “ako” pa itong naging masama.

Madalas, sa hindi ko malamang dahilan, matapos mo “silang” pakisamahan, tulungan at initindihin, bandang huli, ikaw pa itong nagiging masama. Hay.. Hindi naman ako nagbibilang ng mga bagay na itinulong ko sa kapwa ko.. Hindi din naman ako nanunumbat, ako’y nagtatanong lamang.

Nakakasama kasi ng loob ang mga bagay na katulad non. Hindi ko tuloy malaman kung sa kanila ba ako nagkamali, o ako ang nagkamali sa lahat ng pagkakataon na iyon. Alam ko namang sa sarili kong sobrang bait kong tao, na kaya kong magpatawad ng tao kahit gaano pa kalalim ang sugat na binigay nila sa akin. Kaya kong intindihin ang lahat kahit na alam kong sila’y nagkamali. Pero bakit ganito? Hindi ko malaman tuloy kung normal ba akong tao o sobrang tanga lang ako.

Kaninang umaga, may nag sabi sa akin na “masyado daw akong mabait kahit na isa akong maldita”. Natawa ako dahil parang contradict ang sinabi nya. Well, dinipensahan naman nya ang sagot nya, “nagmamaldita daw ako kapag alam ko daw na nadedehado na ako, ang pamilya ko at ang mga kaibigan ko. Lalo na daw ung mga taong sobrang trinetreasure ko. Pero kapag kabaitan naman daw ang pag-uusapan, ako na daw ata ang pinakamabait na taong nakilala nya...

Ilang segundo din akong nanahimik at sa pagbuka ng aking bibig, ito agad ang aking nabatid “kung mabait nga ako gaya ng sinasabi mo, ayoko ng maging mabait”.

Siguro, nasabi ko un dahil sa sobrang sama na ng loob ko sa mga taong nakapaligid sa akin. Siguro, kaya ko nasabi un dahil hindi ko na kayang manahimik na lang sa isang tabi na hindi ko man lang nadedepensahan ang aking sarili.

Hindi kasi ako plastic na tao na magpre-pretend na wala akong narinig, walang nangyayari. Hindi ako plastic na tao na kakausapin kita kahit na alam kong dahilan ka ng lahat ng ito at hindi rin ako plastic na tao para pakitaan pa kita ng kagaya ng dati.

Hay... ang hirap maging mabait...