Wednesday, October 24, 2007

Ang Pagdating

Sa wakas! Dumating na rin ang pinakahihintay kong asawa mula sa bansa ng Chile at Brazil.. Syempre bukod sa miss na miss ko sya, nakabukas ang aking dalawang palad para sa pasalubong na mula sa kanya..

Ang Hikaw.. nasa airport pa lang si G nang sabihin nya sa aking “HIKAW” ang pasalubong nya sa akin, pero sa kasamaang palad, bukas ang kanyang bag kaya ito’y nahulog pero wag daw akong magtampo dahil may Havayanas naman daw ako mula sa Brazil (Ang Sandwich mula sa LPG Talk no. 4).

Ang Havayanas.. dahil nga nahulog ang hikaw, pilit na pinagmamalaki ng aking asawang si Danilo ang Havayanas na binili nya mula sa Brazil. Kaya pagdating sa bahay, super pakita sya ng Havayanas.. Dumilim ang paningin ko sa kanya lalo dahil ang Havayanas na ibibigay nya sa akin ay sa pag-angat pa lang nya ay alam ko nang para lang ito sa paa ng anak-ate kong si Gina Pie!!! Pinagpilitan pa rin ni G na sukat daw ang Havayanas ko sa aking paa, kaya sige, para ipakitang nagkamali sya, isukat natin.. at Viola! Tama ang aking hinala! Hindi kasya sa aking paa ang Havayanas at para ito sa paa ni anak-ate Gina na sinukat nya rin nung gabing un at hustong husto sa kanyang paa. Binato ko sa kanya ang Havayanas, sabay sabi ng “ako ba talaga ang binilhan mo ng tsinelas o ibang babae..

Ung totoo.. dismayado ako sa uwi ng asawa kong iyon.. pero may pangatlong hirit pa si Danilo sa akin.. Ang Singsing.. Pinakita nya sa akin ang 3 singsing at ang isa doon ay para sa akin. Sa pagkakatong ito, sukat na ito sa aking daliri pero ang tanong ko.. “Bakit 3 ang singsing na binili nya?” Aba, ang isagot ba naman sa akin, “Doon sa Driver na nagtuturo ko ibibigay ung isa..” Ayos! Masagot ko nga ng “Bakit Boyfriend mo?!?!

Kinabukasan.. habang nag-aalmusal ang akiing asawa, walang kabog abog kong tinanong ang “May babae ka ba? Sabihin mo lang..” Eto ang sagot nya.. ”Para kang sira! Ano bang tanong yan?! Syempre wala! Aning ka talaga..

Matapos ang tagpong un, nagkaron kami ng sari-sariling mundo. Syempre, malay ko ba sa mundo nya sa opisina kung anong kaganapan don, basta ako ang mundo ko sa opisina, alam ko..

Naglalakad ako papunta sa kitchen ng opisina namin ng may tumunog.. Yung singsing na binigay sa akin, nahulog! Natawa ako dahil un na nga lang ang kaisa-isang “akala” kong matinong ipinasalubong sa akin ng asawa ko eh hindi pa rin pala.

Kaya pagkakita naming dalawang mag-asawa, isinoli ko agad sa kanya ang singsing na hati sa dalawa sabay banat ng “O sige bigay mo na sa boyfriend mo ung singsing fake naman pala! Nababasag!” Sabay tawa ng malakas na may halong pang-aasar.

Syempre, ang lahat ng pangyayari at nasabi ay pawang mga asaran at katuwaan lang sa mga pasalubong daladala sa akin ng aking asawa. Part of the story.. OO kahit papaano gusto ko ring mapasalubungan ng material na pasalubong, sino ba naman ang ayaw di ba? Pero ang PINAKAMAHALAGANG pasalubong sa akin ng asawa ako ay ang sarili nya. Kahit isang linggo lang nawala ang asawa ko, ay mahirap na sitwasyon na sa akin yun.

Kaya Babi.. kahit sangkatutak na palpak na pasalubong pa ang ibigay mo sa akin mula sa mga lugar na iyong pinanggalingan, ok lang sa akin.. ang mahalaga, nakabalik ka ng maayos at malakas.

Mahal na mahal kita Babi Ko!!! Mwahugz! =)



*** Ung pictures.. to follow na lang... =D

Kadugtong ng kanyang hinaing ay Tanong

Maidugtong ko lang.. Kung si Kaibigan ay napapagod na, ako rin napapagod na sa mga daing at hinaing ng mga taong wala namang ginawa kundi ang punan ang ibang tao.

Tanong ko lang, bakit ba hindi nila tingnan ung mga positive side ng buhay nila? Bakit kailangan nilang i-relate sa mga kaganapan na nangyayari sa ibang tao kung anong nangyayari sa kanila? Bakit kailangang isisi sa iba ung mga bagay na malinaw na sila naman ang nagkamali? Hay.. ang buhay talaga! Parang Life..

Sabi ko nga sa isa ko pang kaibigan, di ko naman kasalanan kung mas pinili nila ang ganong buhay. Di ko rin naman kasalanan kung bakit hindi sila masaya sa buhay na sila naman ang pumili. At di ko rin naman kasalanan kung nag-eenjoy ako sa mga bagay na meron ako ngayon at sila, hindi..

May mga choices tayo.. Kung choice mo ang manahimik at magmukmok buong araw, at naging choice ko ang umalis at i-enjoy ang buhay ko sa labas, choice mo yan pero wag kang dadaaing sa akin walang nangyari maganda sa buhay mo.

Choice mong sumimangot ng walang dahilan, fine.. pero wag kang magtatanong kung bakit nangingilag ang mga taong nasa paligid mo..

At kung choice mong sumama sa akin at maglibot, sabay ika’y napagod.. huh! Di kita pinilit choice mo yan kaya wag kang magrereklamong masyadong busy ang schedule ko..

Simple lang ang gusto kong iparating sa blog kong ito.. Tayo ang kumokontrol sa buhay natin.. Ano’t ano man ang maging choice natin, planado na yan.. May nakatakdang plano na para jan.. May nakatakdang pangyayari sa mga choices na gagawin natin.

Kaya kung ako ikaw, pipili ako ng mga bagay na alam kong di ko pagsisimulan ng anong klaseng hinaing.

Ang Responsibilidad ni Inday

Tumagal ako ng 3 taon sa trabaho kong ito nang madalas akong nagrereklamo dahil sa mga kasama ko trabaho, pero kapag ang trabaho ko at ang responsibilidad ko mismo, di ko naman natatandaang idinaing ko ito sa mga kaibigan ko.

Nung malaman nga ng iba ko pang kaibigan ang pagreresign na ginawa ko, eto ang mga kalimitang sinabi nila “Si Dan lang pala ang makakapagpatigil sayong magtrabaho sa Redha Al Ansari” dahil alam nila kung anong hirap at pagod meron ako sa kompanya kong ito.

Pero ganon pa man, di ko naman nakalimutan ang responsibilidad ko sa mundo. Im sure, “kahit papaano”, nagagawa ko naman ang mga responsibilidad kong bilang asawa, ina, anak, kapatid, kaibigan, at alagad ni Ama.

Tinanggap ko ang alok ni G nung yayain nya akong magpakasal at kasama don ang pagtanggap ng responsibilidad ko bilang “may bahay”. Kaya nang makasal, kahit pagod galing sa trabaho, kailangan ko pa ring kumilos at gawin ang tinanggap ko responsibilidad. Napagsisilbihan ko ang asawa ko, nagagawa ko naman ang mga dapat kong gawin bilang asawa nang may ngiti at sayang na nanalantay sa aking buong katawan.

Gayun pa man, kahit ako’y kasal na, di ko pa rin nakakalimutan ang responsibilidad ko bilang Anak.

Wala naman kaming usapan ni Dan na kapag kinasal kami ay parehas na naming tatalikuran ang aming mga pamilya, bagkus, kasama pa rin sa plano ang pagtulong namin sa mga kapatid at magulang namin, di man gaya ng dati ang aming pagtulong, sigurado naman kaming di namin pababayaan ang mga pamilya namin na syang aming nakalakihan, kinilala’t gumabay sa amin.

Bukod sa bwan bwan na sustento, malayo man ako sa anak ko, sinisigurado kong palagi akong tumatawag sa kanya, madalas pa sa inaakala ng iba.. Kahit na ba kulit na kulit sa akin ang anak ko at kahit kung tumawag ako eh madalas eh may sumpong, ok lang, dahil ang mahalaga sa akin ay ang ipadama sa kanya ang aking presensya at malamang malayo man ako ay andito akong “Mommy” nya.

Sabi nila, ang tunay na kaibigan ay sinasabi kung anong pagkakamali ng kanyang kaibigan. Nagsasabi kung anong nararamdaman nya at nagpapayo ng mga bagay na tama na kahit alam nyang makakasakit sa kanyang kaibigan ay sasabihin pa rin nya ito.

Tama.. kaya lang minsan, dahil sa kakilala na natin ang ating kaibigan, alam natin kung pano at ano ang mga bagay na makakasakit at ikakasakit sa kanila. Pero gaya ng nasabi ko, kailangan mo ring ituwid kung anong tama, kung anong nararapat.

Mangyaring marami sa aking mga kaibigan ang nagsasabing ang sungit ko.. Hindi dahil sa napagtritripan ko sila, kundi dahil mali sila. Actually, depende kasi sa tao kung paano mo i-aapproach ang mga bagay bagay na naririnig mo. Hindi na kasi tayo mga bata para umupo sa isang tabi at mag-usap. Kung kaya naman nating ituwid ang mali, eh di ituwid natin agad. Huwag na nating hintaying mapuno tayo at saka natin pagsasabihan. Ngayon, kung mamasamain nila ang mga bagay na sinasabi ko, wala naman akong magagawa eh.. di ko man nasabi sa kanila sa sobrang mahinahon na salita (na parang ang kausap ko ay isang bata), mahalaga, naiparating ko sa kanila kung anong nararapat.

January, 2007.. isang mahalagang pagdedesisyon ang kinailangan kong bitawan, pero dahil na rin sa kagustuhan kong manilbihan sa KANYA, kinulit at tinanggap ko ang responsibilidad ko bilang alagad ni Ama.

Kasama ng pagtanggap ko bilang facilitator ng SFC Dubai – Batch 26 ay ang mga responsibilidad ko bilang Miyembro, Lider at Alagad ni Ama.

Alam kong nakakapagod ang mga sunod sunod na aktibidades ng SFC pero madalas, di ko pinagsisisihan ang mga natatakdang activities dahil doon ako kumukuha ng lakas at doon ko na-ililift up sa mga pagkakataong iyon ang mga hinaing ko sa buhay.

Ang pagdalo ng mga Teachings ay isa sa mga nakakapagpabago ng pananaw ko sa mundo. Sa aminin man natin o hindi , di lahat ng speakers ay may kakayanang maka-engganyo nang tagapakinig pero bilang Lider at Miyembero ng SFC, responsibilidad nating tugunan ang kanilang mga panawagan.

Sa Household.. Alam ko noong ako’y isang di hamak na miyembero pa lamang at di pa nalalaman ang kahulugan ng “responsibilidad”, naging pasaway ako, pero ngayon isang Household Leader na rin ako, kahit sobrang pagod na ako, kailangan ko pa ring umattend ng Household, hindi lang dahil responsibilidad ko ito, kundi, dito lang rin ako nagkakaron ng tahimik na pananampalataya, tahimik at kumpletong pananampalataya.

Ngayon, di ko man matugunan ang ibang panawagan ng SFC, iyon ay may sarili na akong dahilan..

Tatawid na ako sa panibagong yugto ng buhay ko at panibagong pahina ng SFC, bilang CFC Member, at dahil dito, ilan sa mga SFC activities ay akin nang iiwanan.. pero ang responsibilidad ko bilang SFC Active Member and Lider eh mas pagtitibayin ko pa bilang CFC Activer Member.

Sana, kung ano mang responsibilidad ang nakikita ko ay makita rin ng ibang tao. Sana, makita rin nila kung anong nakikita “namin” sa twing nagagampanan namin ang responsibilidad namin sa kahit ano mang aspeto.

“Pagod na rin ako”

Pansamantala ko munang inihinto ang aking trabaho sapagkat kating kati na ang aking mga daliri sa pagtipa.

Ilang araw na rin ang nakakaraan nang magsalita sa akin si kaibigan na “pagod” na syang makinig sa mga hinaing ng iba.. Nagawa ko pa syang biruin ng ganito “Ganon?!? Sige di na ako magsasabi sayo..” pero si Kaibigan pala’y seryoso ng nagkwekwento.

Lumipas ang ilang araw, at ang nararamdaman ni Kaibigan ay naramdaman ko rin.. “Napapagod na rin akong makinig sa hinaing nang ibang tao..

Gaya ni Kaibigan, ok lang namang makinig at mag-advise sa mga taong nagsasabi ng kanilang hinaing, pero ang makinig ng paulit ulit at mag-advise ng paulit ulit, haaayyy.. talagang nakakapagod na! Kahit na ba sabihin na nating “at the end of the day, tayo pa rin ang masusunod” pero hallerrrr.. “sana” pagdumaing naman ulit, not same story ulit.. dugo na tenga ko eh.. at di rin naman nababago ang advise ko..

Un ang kaibahan namin ni Kaibigan.. Si Kaibigan, kaya nyang kontrolin ang mga sasabihin nya sa mga taong lumalapit sa kanya.. kapag nangatwiran, at nagpaliwanag ulit si kaibigan, at nangatwiran ulit, di na sya magpapaliwanag.. Pero ako, maririnig mo sa akin ung mga bagay na ayaw mong marinig kasi un ung totoo.. Madalas, namimis-interpret ng ibang tao ang advise ko.. pero para sa akin, un ang opinion ko, at kung ako ang nasa kalagayan mo, un ang gagawin ko.

Pasensya na sa mga taong naging biktima ng pagiging prangka ko. May pagkakataon kasing kailangan mo ring manuplang nang matauhan naman.

Tuesday, October 16, 2007

2nd Day..

Nakalipas na ang isang gabi.. Sa pagod ko, madali akong nakatulog at iilang oras lang ang nilagi sa aking isip para mag-isip at makapag-sentimyento.

Salamat sa aking nag-kre-crave na kaibigan (itago na lang natin sa pangalang Lei). Kumain kami sa shabu shabu, nilakad ang pagkahaba habang daanan ng Creek Side Road hanggang sa aming tahanan. Todo bonding ang ginawa namin..

Salamat din sa aking mga anak na sina Ronnie at Emil.. Napasaya nyo ang inyong ina in your own little ways. Kay Ronnie na dahil sa kaantukan eh kung ano ano na ang tinutuklas sa sarili.. at kay Emil na patuloy sa pagsira ng celfone ko maikabit lang ang housing ng celfone ko. Salamat sa inyo..

Salamat din pala sa dalawang taong nakapagpaandar ng bapor ng mabilis kahit di pa ako bayad, kuya ed at russel, dahil sa inyo, nagkaron kami ng konting bagay para magtawanan. Hehehe..

Sa inyong lahat, maraming maraming salamat sa paglibang sa akin habang wala ang aking butihing asawa.

At gaya ng nasasaad sa pamagat ng aking blog, ngayon ay ikalawang araw na ng pagkawalay sa akin ng aking asawa at kaninang umaga, kadarating lang ni G sa Brazil (alas sais y media - oras dito sa lugar na kinalulugaran ko). Mahigit tatlong minuto rin ang aming pag-uusap.. matagal tagal na un kumpara sa mga pagtawag nya sa akin noong naandito pa sya.

Masayang malungkot ang boses ng asawa ko.. Masaya dahil “finally” after fourteen hours na nasa ere sila plus one and half hours eh nakarating din sila sa accommodation nila.

Naramdaman ko ang pagod ng asawa ko sa byahe ngunit kahit pagod, may sigla pa rin sa kanyang mga tinig (marahil nakausap nya kasi ang pinakamamahal at pinakagagandang babae sa buhay nya.. syempre sino pa, kundi ako un at wala ng iba! Wag nang umangal pa! Blog ko ‘to!).

Naramdaman ko rin ang lungkot na kanyang dala dala dahil sa muling pagkakataon, magkalayo na naman kaming dalawa. Kung pede nya lang akong isama sa lugar na kinalulugaran nya bakit hindi, di ba? Pero dahil trabaho un at may trabaho din ako dito, di pedeng mangyari ang gusto namin.

Ngayon.. Lilipas na naman ang araw ko ng hindi ko sya maaalala dahil sa mga trabahong nakakalat sa lamesa ko.. PERO mamayang gabi, hindi ko na naman alam ang gagawin ko para libangin ang aking sarili.

Sana, anjan pa rin sila.. Ang “ADIK” na si Lilai, “ANING” na Ronnie, “BALIW” na Emil para libangin at patawanin ako.. gayun din ang pinsan kong “ABNOY” na kagabi eh seryosong nanonood ng Animal Planet at ang dalawang “BAPOR” na sina kuya ed at russel.

Sana, mapagod ulit ako para wala ng pagkakataon ang aking pagkalumbay na lumugar sa aking isipan.

Monday, October 15, 2007

My Intelligent Angel

Iilan lang ito sa mga cute na sagot ng 5 year old kong anak, sa akin at sa mommy ko.. sama na rin natin ung sa kapatid ko =D

Singular - Plural
Ilang bwan na rin ang nakakalipas nang turuan ng kapatid kong si Jologs si Pamsie ng Singular – Plural. Minsang naglakad sila Mommy (kasama ang buong pamilya, syempre, maliban sa akin), nakakita si Pamsie ng kabayo.

Pamsie: Ai! Horse! Madaming madaming horse.. Di ba Lola, pag madaming horse, tawag sa kanila horse?
Lola Mommy: Hindi. Pagmadaming horse, horses ang tawag sa kanila.
Pamsie: Hindi Lola. Horse lang.
Lola Mommy: Horses.
Pamsie: Eh bakit ang dog pagmadami, dogs at saka ung cat pagmadami, cats? Kaya dapat ung horse pagmadami horse, pag-isa lang hor lang tawag sa kanya.



****************

Nag-tuturuan ang dalawang magtito tungkol sa assignment ni Pamsie, nang biglang magtanong si Pamsie sa kanyang tito.

Pamsie: Tito Arjie, anong tawag sa katawan kapag madami?
Tito Arjie: “Mga” katawan.
Pamsie: Mali!
Tito Arjie: Ano, katawans?
Pamsie: Ai si Tito nagpapatawa..
Tito Arjie: Eh ano nga?
Pamsie: Eh di Kata-Two =D



Mathematics
Syempre, saan pa ba manggagaling ang mga istorya ng mga kakaibang sagot ng aking anak kung di sa mga turuan sessions lang naman nila.

Ang kwento sa akin ng aking ina, matalino daw si Pamsie sa Math. Gustong gusto daw nitong mag-add at mag-subtract, kaya nung minsang umuwi si Mommy at may dalang pasalubong sa kaniya, sinubukan ni Mommy ang talino ni Pamsie sa Math.

Lola Mommy: Angel, may pasalubong ako sayo.
Pamsie: Wow! Apple! Hugas mo po lola. Please..
Lola Mommy: Hugasan ko yan kapag nasagot mo tanong ko.


Tumango si Pamsie bilang sagot sa sinabi ni Mommy

Lola Mommy: Di ba may pasalubong ako sayong 5 apples tapos si Lolo Daddy merong 3 saging, pag pinagsama, at ibinigay sayo, anong isasagot mo?
Pamsie: Thank you Lola Mommy, Thank you Lolo Daddy, I love you (sabay kiss at hug sa kanilang mag-asawa).

Naman kasi mommy, di mo nililinaw tanong mo.. malay nya bang related na pala sa math ung tanong mo.. hehehe..


Celfone
Bago kami bumalik dito ng asawa ko mula Pilipinas, nag-usap kami ni Pamsie.. Hiningi ni Pamsie number ko kasi sabi nya itetext nya daw ako. Paglapag ng eroplano ditto sa bansang ito at pagkabukas ng roaming ko, may nareceive akong text na di ko malaman kung ano, galling ito sa mommy ko. Nagtext ako sa mommy, sabi niya wala daw siyang tinetext, baka daw si Angel un dahil kanina pa niya hawak celfone ni Mommy. Ilang bwan akong nakakareceive ng ganong text at the same timings ko kung mareceive ung message pero bigla na lang itong nawala.

Minsang nagkausap kaming mag-ina, tinanong ko sya..

Ako: Pamsie, sabi mo itetext mo ko, bakit di mo ko tinetext?
Pamsie: Bakit may celfone ba ko? Wala naman akong celfone Mommy, pano po kita itetext?

(Nga naman! Wala syang celfone, kaya di ako tinetext.. syempre, hirit pa rin si Mommy)

Ako: Eh di makitext ka kina Lolo Daddy at Lola Mommy..
Pamsie: Wala naman silang load mommy eh. Bibigyan mo ba sila? Bili mo na lang ako celfone tapos lolodan mo para don na lang ako magtetext sayo.


Talino di ba? Panalo ang mga sagot!


Ang kaibahan ng Bahay at ng School
Binalita sa akin ni Mommy na hindi daw masyadong nagpaparticipate si Pamsie sa PE Subject nya.. Ang katwiran eto..

Lola Mommy: Apo, bakit di ka nagpaparticipate sa PE mo?
Pamsie: Eh kasi po, ang bilis bilis nila. Baka madapa ako kapag tumakbo po ako ng mabilis. Magkakasugat ako.
Lola Mommy: Ok lang un. Natural lang sa bata un. Eh ikaw pa, ang likot likot mo. Sige na makilaro ka na sa kanila.
Pamsie: Ayaw ko pa rin po lola. Dito lang ako, mag-aaral.
Lola Mommy: Cge na, Sali ka na sa kanila. Ung PE part din ng pag-aaral un.
Pamsie: Ayaw ko po. Sa bahay lang ako maglalaro.
Lola Mommy: Bakit?
Pamsie: Kasi Lola, kapag nasa school, dapat nag-aaral ka, hindi na naglalaro. Sa bahay lang po ikaw maglalaro. Di ko nga po sila maintidihan kasi nasa school sila, di sila nag-aaral. Dapat nag-aaral sila, sa house na lang sila maglaro.

Galing ng sagot no?!?!

First Day!

Kakatapos ko lang maglinis ng kusina, at kani-kanina lang eh kaaalis lang ng asawa ko patungo sa malayong lugar =(
Matagal tagal din syang mawawala at sa ngayon, hindi ko pa nararamdaman ang pagkalayo nya sa akin sa kadahilanang di pa ganon katagal ang pagkalayo nya sa akin..
For sure, mahihirapan nanaman ako nito.. Hindi kasi ganon kadaling mag-adjust lalo nang alam mong matagal mawawala sa tabi mo ang taong mahal mo...
Iba kasi ung alam mong nanjan lang sya sa trabaho, at maya maya ng konti eh magkasama na kayong kakain, mag-aaway at magkukulitan hanggang sa makatulog.. Eh ngayon.. kahit magdamag bukas ang mata ko sa paghihintay sa kanya, di siya darating dahil di naman sya nagpunta jan jan lang..
Mawawala kasi si G ng isang Linggo mahigit.. At malamang nito, adjusted na ako pagbalik nya.. Sa lahat ng bagay, eto ang ayokong nangyayari sa akin.. Tama na ung ilang oras mo lang hindi kasama ang mahal mo pero ang matagal mong hindi makasama, hay... nakakamiss..

Friday, October 12, 2007

Missing you!

*First day (Late Post) - from the draft section of my mobile, on my way to Satwa, past 2 pm, sa bus)


First day pa lang nawawala si pie... Actually, wala pang 24 hours eh namimiss ko na sya.. Last day na nakita ko si pie, kahapon ng umaga, as in umag, tapos di ko pa kasabay maligo.. So talagang glance lang.. Sa telepono lang kami nagkausap at kahit sagabi di na nya ako naabutan dahil nagsimba kami ni G ko.

Hay... ngayon, papunta ako ng Satwa.. Sa mga ganitong pagkakataon, si Pie ang naghahatid sa akin kahi telepono lang..

Hay pie... Nasan ka na kaya? Kamusta naman jan sa kinalalagyan mo? Sana ok lang kayo... Sana maging success ang mission nyo (claimed na ito!) at sana... natawagan mo na si Ina bago ka sumakay ng eroplano kaninang madaling araw..

Love you Pie! Miss na kita!!! =(