Monday, March 30, 2009

halo - halo

Si Lenard, Si Amber at ang Butterfly

Lenard : Murmur - murmur - murmur
Amber : Mumble - mumble - mumble
Lenard : Murmur - murmur - murmur
Amber : Mumble - mumble - mumble

Maya maya....

Butterfly : Aray ko! aray ko! aray ko! tulong!!! tulong!!! tulong!!!
Lenard : Murmur - murmur - murmur
Amber : Mumble - mumble - mumble

at ang kawawang butterfly hawak ng dalawang babies na nag-aagawan... (Siguro naiimagine nyo kung ano ang minu-murmur at mina-mumble ng dalawang babies...

Chechen at Chechup

Mommy at Ate... nagchachat...

Mommy : Kamusta na si Chechen?
Ate : Ok lang... Masaya naman si Chechup eh, pero napagsabihan ko kanina...
Mommy : Bakit?
Ate : Eh di ba sinabihan ko na nga siyang wag PDA sa bahay kasi baka si "feel ko ang tsinelas ko" eh makakita ng dahilan para gumawa ng istorya...
Mommy : Oo nga.. pero ano ba ang nangyari bakit mo pinagsabihan?
Ate : Kasi ba naman eto si Chechup, biglang humiga sa lap ni Chechen kahapon eh nandon si Kuya
Mommy : Sinasabi ko na nga ba eh.. yang kapatid mo ang babantayan mo hindi si Chechen, baka halayin ni Chechup si Chechen...

Note: Paki-check ang site na ito para malaman kung sino Chechen at Chechup... (Chechup, anak ni Mommy)... imaginin nyo na lang ang reaksyon ni Ate...

Ang DMs at Employees

DM (1) : Hi! Good morning! How are you?
Employee (1) : Hi! Im ok.. and you?
DM (1) : (Smiled...)

DM (2) : Hi! Good afternoon! How are you?
Employee (2): Hi! Im ok.. and you?
DM (2) : (Smiled...)

Employee (3) : Hi! How are you?
Employee (4) : Im ok.. how about you?
EMployee (3) : (smiled..)

and so on...

Bakit ganon? Automatic bang laging ganyang ang simula ng conversation ng mga tao dito sa opisina?? Pambihira!

Yan na muna.. next time na yung iba.. hehehe..

Tuesday, March 17, 2009

... Speechless ...

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.................................................................................................................................

Sunday, March 15, 2009

The Five Luminous Mysteries

Habang ako'y abala sa pag-aayos ng aking mga dasalin... naisipan kong isama na rin ang rosary sa aking covenant with Papa God... Dahil kailangan ko ng kodigo... humingi ako ng tulong kay Pareng Google...

Sa aking pagkakabigla... ang dating alam kong 15 Mysteries ay naging 30 na...

TOTOO po bang may Luminous Mysteries na???

please check this website: The Five Luminous Mysteries

Kung totoo man po... pagpaumanhin nyo na po't hindi ko po alam..

Monday, March 09, 2009

... which of which ...

Are you in a service becuase you loved to serve the Lord?

OR

Are you in a service because of the people you are with while serving the Lord?

Which of which???

This question always pops up in my mind... does anyone care to answer it for me?

.... place were we belong ....

Villa No. 21 is a blessing in disguise to everyone of us...

Unti unti kasing nabago ng bagong tahanan namin ang mundo ng bawat isa sa amin... I mean, dito ko naramandaman ung matagal ko ng hinahanap na tahanan... un bang magiging comfortable ako sa lahat ng bagay, although, comfortable naman ako sa ibang naging tahanan namin, pero dito kasi ramdam kong at home ako...

Iba ung paki-ramdam ng nasa malawak na galawan ka.. hindi ka nasasakal at parang lagi na lang naghahabol ng hininga... Sa umaga, ang liwalas ng paligid... hindi mo kakakitaan ng lungkot o ano man... ang sarap magpahinga... kahit nga si Amber na aming anghel, lalong nagmistulang anghel sa bawat hagikgik na umaalingawngaw sa buong bahay... sa bawat himbing ng pagtulog nya sa araw araw... ibang iba kaysa sa dati naming tahanan...

Ang mga tao sa bahay, laging masigla... laging excited umuwi ng bahay at umupo sa sofa, habang sabay sabay kaming nanonood ng dvd at nagpapasahan ng makakain...

Nabago ng tahanan namin ang bonding ng bawat isa... lalong tumibay at lalong naging masaya... para bang sobrang tagal na naming magkakasama, as in literal na sobrang tagal...

Pero ang pinakagusto ko sa lahat... naayos ng Villa 21 ang mga problemang meron kami... kung ano mang hinaharap namin ngayon, alam ko at ng mga kasama ko sa Villa na iyon na malalagpasan namin un.. dahil ako, sila at kami, ay napagbuklod ng Bagong Tahanan namin...

Monday, March 02, 2009

parting time

Ganun yata talaga sa mundong ibabaw
Lahat ng bagay, pansamantala lang
Dalawang taong pinagsamahan
Tila ngayo'y hanggang doon na lang

Eto lang ang mga katagang kayang abutin ng aking isipan sa ngayon.. hindi ko maipahayag ng maayos ang aking nararamdaman... Yung totoo, hindi ko alam kung ano bang dapat kong maramdaman... Mixed ung emotions ko eh... Marahil, dahil mali ang naging expectations ko kaya ako nalulungkot ngayon.

Alam ko, maraming pagbabagong mangyayari at alam ko, di rin malayong mawalan na ako ng balita sayo... mawalan ako ng connection sa SFC at sa mga Kaibigan ko sa SFC... dahil din lang laman sayo kaya nila ako naaalala...

Pero ano namang magagawa ko, kapakanan mo lang naman ang iniisip mo at naiintindihan ko un... Alangan namang isakripisyo mo ang sarili mong kapakanan para lang sa amin di ba? Siguro di lang ako sanay na may muling mamamaalam..

At sa ating paghihiwalay... baunin mo ung saya ng ating samahan at ung pag-aalaga na ibinigay namin sayo... Maging masaya ka sa mga bago mong kasama at pamilya...

Paalam sa iyo kaibigan... Hanggang sa muli nating pagkikita.. Hangang sa muling pagbabasa ng ating mga blog...