Its been a year since the last time I experience the “Nosebleed” joke.
I was with our Branch Manager then, when I first encounter the “Nosebleed” term…
Iba pala ang feeling kapag ang kausap mo is born and raised in Britain na super naman maka-accent… nakaka-“Brain Freeze”!!!!
Sumakit ang ulo ko sa pakikipag usap ko sa kanya. Sa billis ng salita nya na may British Accent, ewan ko na lang kung saan ako pinulot nung mga panahong yun..
Anyway, as years goes by, na-used din naman ako sa kanya especially with his British Accent and thanks to him dahil kaya ko ng makipagsabayan ng English sa kanila kahit wala akong accent ng katulad sa kanila and for sure di na ako mangangapa at magwa-wonder kung ano ung mga pinagsasasabi nila.
Pero akala ko lang pala un… kasi may tumalo pa sa Branch Manager naming Briton…
Proud to be Pinoy pa naman ako,,, Im not against naman sa mga taong di marunong mag English,,, kahit din naman ako minsan na-o-off grammar or spelling ako. What to do kung un lang ung kaya nila di ba.. respeto sa mga kabayan natin na sumusubok na magsalita ng ingles para makasabay sa mga ibang lahi...
Pero naman kasi.. may mga kabayan tayo na nakapunta lang sa ibang bansa, kung maka-ingles eh bonggang bongga… masabi lang na nanggaling sila sa ibang bansa o nasa ibang bansa sila, kahit mali mali na at nagkanda buhol buhol na ang dila nila sa pag sasalita ng inglres, sige pa rin sila, maisingit lang ang pag-i-ingles…
Ok lang sana kung ang salitang ingles na lang ang paraan para maintindihan sila, ang kaso hindi eh… pwede din naman silang magtagalog kasi pinoy naman din ang kausap nila..
Ok lang din kung ibang lahi ang kausap nila dahil kahit naman ang ibang lahi minsan na-o-off grammar din naman, pero naman, kapag kabayan na ang kausap, sana man lang magtagalog na lang lalo pa’t sa email, bb or sms lang naman kau nag uusap…
Ok lang naman kung haluan ng ingles ang mga sinasabi mo, pero naman, ilugar naman.. di kasi nakaka-impress..
Eto, iilang mensahe na nareceived ko na sadya namang nakapagpasakit ng ulo ko…
"I know hard to believe me but the truth it is?”
(Ano daw?)
“I’ll wait to guess you later…”
(Hihintayin mo ako para hulaan mamaya???)
Hay naku!!! Iilan lang ito sa mga mensaheng natanggap ko, nabura ko na kasi ung iba.. pero promise, masakit sa ulo kapag ang kausap mo, ganito…