Sunday, May 18, 2008

Hotel California at Paano Kita Iibigin sa Eat Bulaga

Kahapon, sa Eat Bulaga.. may katanungan sa Taktak mo o tatakbo na

“Sinong American Band ang kumanta ng lyrics na ito: Welcome to the Hotel California.. Such a lovely place, such a lovely face.. Plenty of room at the Hotel California.. Any time of year, you can find it here…

Natawa ako sa narinig ko dahil naalala ko na naman ang napanood kong movie nila Piolo at Regine na na-i-blog na ni Pie and ni Jeanette ang Paano kita iibigin na kung saan may part doon na palagi nilang inuulit ang mga katagang ito...

“Welcome to Heaven Resort, where you can rest in peace forever..
Welcome to Heaven Resort, such a lovely place, such a lovely face..
Plenty of room at Heaven Resort, Any time of year, you can find it here...


O di ba? Kahapon ko lang na-realize na kinuha pala ng scriptwriter ang mga katagang ito sa kanta ng Eagles… Panibagong dagdag kaalaman na naman ito sa akin =D.

Thursday, May 15, 2008

The Surprise Gift

Dahil sa wala akong ginagawa dito sa office (or should I say, tinatamad akong gumawa ng office works ngayon), at sawa na rin akong mag bukas-sara ng friendster at e-buddy, naisipan kong mag blog hopping...

Sa kakablog hopping ko, napunta ako
dito, at may nakita akong isang bagay na nakapag-paalala noong Mother's Day...

Naalala ko na naman ang surprise gift ko sa aking mommy na inabang - abangan nya sa labas ng bahay namin, at nang makita ang LBC, eh di na nakapaghintay at sinalubong na ang courier sa kanyang surprise gift.

Eto ang unang gift na pinadala ko ke mommy...



Sabi nya, di daw nya expected na bulaklak ang matatanggap nya (walang pagpapasalamat!), akala daw nya eh isang cake ang ipapadala ko sa kanya (ayaw kasing maghintay, susunod na un!!!) pero at the end naman ng kwento nya kung pano nya inabangan ang surpresa ko, oh well, naramdaman ko sa mga boses ni Mommy kung pano nya na-a-appreciate ang mga surpresang binibigay ko sa kanya sa twing birthday nya o kaya Mother's Day.

At dahil sa sobrang naiinip na ako sa cake delivery ng Red Ribbon, inutusan ko na lang ang kapatid kong i-pick up ung cake sa Red Ribbon Festival Mall, at kahit magkanda ubos ubos ang load ko sa pagtawag sa Pilipinas para lang sa cake na hindi naman makukuha noong araw na un, eh sige pa rin ako sa pagtawag at pangangangaway... Pero at the end of the day, pinauwi ko na ang kapatid ko dahil pina-cancel ko na ang inorder kong cake.

Bigo man si Mommy sa cake nya noong araw na un, eh masaya pa rin naman nilang pinag hati-hatian ang ferero rocher chocolate na kasama ng mga roses na idiniliver sa kanya.

Kinabukasan, sa hindi inaasahang pagkakataon, sinurpresa ulit "namin" si Mommy with our second surprise gift... ang...


Opo... Natuloy po ang cake na inorder ko, pero this time, hindi na sya online order, sinadya na talaga ng kapatid ko ang paborito ni Mommy na Black Forest Cake ng Red Ribbon... kaya lang, we know na di nya ma-eenjoy ng husto ang cake dahil sa paalis na sila that day.. And di naman nya madadala ang cake dahil masisira lang sya sa byahe nilang 10 hours flight.. tagal di ba?

Nwei Mom, bawi na lang kami sa'yo on Daddy's Day naman... This time, I'll make it sure na everything will be turned into a perfect surprise.. hehehe...


*** Sayang, di ko nasabi sa mga kapatid kong kuhaan si Mommy with the gifts we gave to her... and sorry wala po akong malinaw na picture ni Mommy.. to follow na lang po... =)

Tuesday, May 13, 2008

Pwede po ba?

Sa aking pag-kakaasar, parang gusto kong manubalik sa dating kong ugali, ito ay dahil sa mga taong walang paki-alam sa mga saloobin ng ibang tao.
Alam nyo ba ung feeling na "di na nga kayo tumulong, kayo pa itong may ganang magalit"? Di ko kasi ma-gets na kapag nahiya ka ba sa ibang tao, sa halip na tulungan mo eh iiwanan mo sa ere? O di kaya, lalayasan mo?
Hay... heto na naman tayo... kaya ganon kasi iba iba ang ugali ng mga tao. Meron talagang matitigas ang mukha at meron naman na marunong makiramdam.
Pero alam nyo, kaninang umaga, ang dami kong iniisip!!! Hindi ko alam kung paranoid lang ba ako o talagang totoo ang lahat ng iniisip ko... Oh well.. bahala na nga lang kayo sa mga buhay nyo!!! Pero kapag hindi ako nakatiis, sorry sorry na lang tayo...

Monday, May 12, 2008

Hay....

Gusto kong maasar ngayong araw na ito, sa mismong oras na ito…
Hindi ko talagang maintindihan kung bakit ganon…
Sinasabi mo lang naman kung anong opinion mo, ikaw pa itong galit…

Actually, di sya opinion eh.. saloobin ko un… Nakakapikon na kasi eh… kung sa ibang tao, nahihiya kayo eh pag-aari nyo naman un, pero pagdating sa akin, di kayo nahihiya..

Sige.. sige.. sige… Ako nang sasagot… kaya ganon kasi kakilala nyo ako… kaibigan nyo ako.. kalapit nyo ako… pero syempre, may mga bagay din naman na kailangan nyong matutong tumanggi at kunin naman ang mga bagay na kayo ang bumili o gumastos.

Hindi ako nagmamadamot, to clear things, naiinis lang talaga ako sa mga dahilan ng mga taong “nahihiya” sa mga oras na sila na ang nangangailangan.

Sorry sa mga taong nainis o naasar sa akin,,, pero kasi talagang nakakainis at nakakaasar na…

Monday, April 21, 2008

Mga PAMATAY

Mga PAMATAY na HIRIT
"Kumain ka ba ng asukal? Ang tamis kasi ng ngiti mo!"
"May lahi ka bang keyboard? Type kasi kita!"
"Ipapupulis kita! Ninakaw mo kasi ang puso ko!"
"Are you a dictionary? Kasi, you add meaning to my life."
"Meron ka bang lisensya? Kasi, you drive me crazy."
"I lost my number. Can I have yours?"
"Angel ba ang name mo? Kasi, you look like one."
"I forgot your name. Can I call you mine?
at ang PAMATAY na REPLY: "Excuse me, kumain ka ba ng mais? Ang corny mo kasi!"