Sunday, February 08, 2009

Friendship

Sabi nila...

A FRIEND should be RADICAL
They SHOULD love you WHEN you're unlovable
Hug you WHEN you're unhuggable
And BEAR you WHEN you're unbearable

Pano kung di magawa ng kaibigan mo ito sayo? O di kaya, ako sa kaibigan ko? Ibig bang sabihin nito, hindi ako kaibigan ng kaibigan ko?

A FRIEND should be FANATICAL
They SHOULD cheer WHEN the whole world boos
Dance WHEN you get good news
And cry WHEN you cry too

Hmmm... so, it looks like you're sharing the same feelings??? kapag galit ka galit din dapat friendship mo? Pag di ka kinakausap ng friendship mo, di mo rin sya kakausapin? If that is the case, well, it answered my question...

But MOST OF ALL... A FRIEND should be MATHEMATICAL
They should MULTIPLY your JOY
DIVIDE your SORROW
SUBTRACT the PAST
and ADD to TOMMOROW

But what's happening right now is, it MULTIPLY MY SORROW
DIVIDE MY JOY
SUBTRACT TOMMOROW
and ADD TROUBLE

Calculate the NEED DEEP in your HEART and ALWAYS be BIGGER
than the SUM OF ALL your PARTS

Deep need of my heart already calculated... hay...

Thursday, February 05, 2009

Be Particular in What You're Asking

Waaaahhhh!!!!

That's the lesson for today...

Simula ng magreport ako from my Maternity Leave... I asked God's help... I asked him to make me more usable and fuctionable at work... Sabi ko pa nga, I wanted to be productive sa trabaho ko kasi I wanted to prove to my boss na efficient ako...

Heto na.. si God, nagreply... and I thank him for giving me what I asked... kaya lang... ginagamitan ng utak ung ni-reply sa akin ni God... Di ko naman sinasabing wala akong utak, pero kasi minsan di gumagana...

Tulad ngayon, natutuyo na ang utak ko dahil di ko alam kung pano ang gagawin ko sa iniwang trabaho ni Amo... Gets ko kung ano instructions nya.. pero di ko alam kung pano ko i-pu-pull out at ididistribute ito... Ang malupit pa dito... huhuhu... me time limit palagi!!! And take note, walang halong pressure kasi before evening lang naman palagi ang time limit na binibigay...wwwaaaaahhhh!!!! pano kaya un???

Kaya kayo mga friendster, if your asking something to God, be particular, be specific... and bear in mind na we dont have the right to ask God why... Like me... I did not ask God kung bakit ganito ung binigay nya, instead, I thank him and at the same time, I also asked him to help me in solving this task...

No Comment

"No Comment"
- sagot ng mga taong ayaw magbigay ng kahit anong impormasyon sa mga taong nagtatanong...

Pero alam nyo ba... ang No Comment ay nagbibigay ng samu't saring kasagutan sa mga taong nagtatanong? Nakakapagbigay ng iba't ibang klase ng reaksyon at nakakapagbigay balisa sa isang taong nais ng kasagutan...

Ako.. ayoko ng magsalita at magbigay ng komento sa mga bagay bagay na aking naririnig... Sabi nga ni Jologs... "Ate... Hamuna..." Kaya ako.. hamuna ko na lang ang mga taong 'yong! iinisin ko lang ang aking sarili...

Simple advise sa mga taong mahilig magsabi o gawin ang NO COMMENT... "Ui! Artista lang ang gumagawa non... Panindigan kung sasabihin o gagawin ang NO COMMENT... kasi minsan ang NO COMMENT napapasama kapag di napapanindigan..."

a deep sigh...

ang daming gumugulo sa aking isipan ngayon...
hindi ko alam kung pano ko ba iisahin sa inyo ang mga iyon..
dahil sa dami nila, hindi ko alam kung pano ko sisimulang ilabas ang mga iyon sa aking isipan...

hay.. ang hirap ng ganito...
masakit sa ulo...
masakit din sa puso...
naduduling lang ako sa harap ng monitor ko kakaisip kung pano ko palalabasin sa aking daliri ang nilalaman ng isip ko...

Wednesday, May 21, 2008

Missing you... Philippines...

As of this very moment, ilang minutes na lang ang hinihintay ng mga tito ko't lalapag na ang kanilang eroplanong sinasakyan sa Airport ng Pilipinas...

Kahapon, di ko maiwasang huwag mainggit dahil makikita na naman nila ang Pilipinas lalong lalo na ang mga taong mahal namin sa buhay.

Naalala ko tuloy ang naunang plano naming mag-asawa.. hindi na sana kami magkanda-ugaga sa pag-aayos ng mga gamit namin ngayon dahil kami'y naghahanda na ng aming mga gamit na i-uuwi sa Pilipinas. Naka-schedule na kasi kaming umuwi ngayong Thursday sa Pilipinas, pero bago un, dadaan muna kami sa Singapore para mag punta sa Disneyland. Kaya lang, dahil sa ako nga'y nagdadalang tao, naudlot ang plano naming 'yon.

Tatlong bwan palang kasi ang tyan ko ngayon at para sa mga katulad kong nagdadalang tao, masyado pang maselan para magkikilos ako ngayon, lalo na't mababa ang placent ko. Hindi rin naman kami mapapahinga sa Pilipinas dahil siguradong panay ang byahe namin sa Pampanga - Manila dahil syempre, dadalawin namin ang aming mga mahal sa buhay.

Ngayon, heto ako, kami ng asawa ko, magtitiis at magtya-tyagang hintayin ang isang taon para makauwi ng Pilipinas. Pero ok lang dahil sa pagkakataong iyon naman, kasama na namin ang aming munting anghel na bunga ng aming pagmamahalan.