Sunday, December 30, 2007

Wala lang

Hindi ko alam kung pano ko i-e-express kung ano mang nararamdaman ko ngayon..
Hindi pa rin ba ako "get over" sa mga pangyayari?
Oh well.. sabi nga nila.. "bahala na sila" at "hayaan na lang sila"
Kung "sila" nga eh hindi apektado, ako pa kayang ginalit nila..

Pero hindi ko masisisi ang sarili ko kung bakit ako nagkakaganito.
Hindi kasi ako ung tipo ng taong inaakala nyo.
Ang sakit kasing isipin na na-judged agad ako ng hindi ako kinikilala at nagkakaganon "sila" ng hindi man lang nila nalalaman kung anong pangyayari, ng hindi man lang nila nararamdaman kung anong nararamdaman ko.

Anywayz, sabi ko nga sa mga surveys ko, di ako papaapekto sa kanila.
"They treated me as if Im not existing, eh di let's treat them the way they treated me..."
Hindi nila ako kawalan, so, di ko rin sila kawalan. I've done my part, so i guess nasa sa kanila na ung next step...

Sunday, December 23, 2007

Flash Back

Nabuhay ang dugo ko sa katawan ng maramdaman kong basa ang sahig ng aming kwarto at lubog ang mga paa ko sa tubig... Napasigaw ako sa kadahilanang mutikan na akong madulas...

Dali - dali tumayo ang aking asawa at nagtanong ng "Sinong naglalaba???!!!" At sunod sunod na pangyayari na ang naganap...

Sa aking pagkakainip... sinimulan kong ihawalay ang mga damit labahin ng ayon sa kanilang kulay... Kinuha ang mga itim at isa isa itong binasa...

Habang ako'y nagkukusot... may ilang taong pumasok sa aking isipan. Hindi ko malaman kung paano nagsimulang "sila'y" aking isipin pero natitiyak kong may nagtrigger sa aking isipan para sila'y aking kamustahin...

Kamusta na kaya ang babaeng aking tinulungan? Huling balita ko'y nasa Qatar na sya... Kamusta naman kaya ang relasyon nya sa pamilya nya? Tila wala na yata syang balak bumalik sa lugar kung saan sya ay nagsimula...

Eh ang mga taong una kong nakasama noong ako'y baguhan pa sa lugar ng Dubai... kamusta na kaya sila? Oh well... ilang araw ko na rin silang nakikita sa simbahan... pero wala akong lakas ng loob na kausapin sila sa kadahilanang umiiral ang aking "pride".. mali ko mang sabihing ipinagsa-KANYA ko na ang lahat... pero talagang di ko kayang ako ang mangungunang mangusap sa kanila. Di nga nila ako kinikibo so bakit ko rin naman sila kikibuin? Ah... marahil mas masaya silang di nila ako kausapin o di kaya'y hiya nilang ako'y kanilang pansinin dahil sa kalokohan o kasalanan nilang nagawa sa akin. Pero ang totoo nito... kausapin lang nila ako, kakausapin ko rin naman sila.. di ko na babalikan ang pangyayari na dinulot ng nakaraan.

Hay... eh sya kaya... kamusta na kaya sya? Ilang mensahe na ang aking pinadala ngunit wala pa ring sagot mula sa kanya.. tingin ko... ok naman sya... kita ko naman sa mga litratong ina-upload nya... Siguro, kaya ganon.. katulad din "nila", mas masaya siyang di akong nag-eexist sa buhay nya... Anyways, dahil masaya naman sya ngayon, dko na "muling" guguluhin ang nanahimik nyang mundo...

Minsan sa buhay ng tao, may pagkakataong minsan, binabalikan natin ang nakaraan, lalo na kung ang nakaraan na yon ay may mga masasayang pangyayaring pinagsaluhan... Nakakatuwang isipin na minsan sa buhay mo, dumating ang mga taong bumahagi ng sayang nararamdaman mo, ng lungkot at unos na pinagdaanan mo, di man nagtagal, sigurado namang pinahalagahan mo... Ngunit nakakalungkot din isiping ang mga taong bumahagi sa nakaraan mo eh ngayon eh wala na sayo...

Monday, December 03, 2007

Pasko sa Piling Nila..

Bagamat sobrang namimiss ko na ang Pamilya ko sa Pilipinas, masasabi ko pa ring "blessed" ako sa mga taong kasama kong magdiriwang ng pasko... Kahit malayo ako sa Pamilya ko, sa piling "nila" eh masasabi kong "AT HOME AKO DITO"...

Ilang taon na rin ang inilagi ko sa lugar na ito, pero sa piling lang nila ko naramadaman na masaya ako.. Marahil, mas maayos ang buhay ko ngayon kumpara noon... at alam kong walang luhang lalabas sa aking mga mata.. Kung meron man, marahil dahil sa sayang aking mararamdaman..

Kailan lang, nasabi sa akin ng aking kaibigan, isang malaking transformation daw ang aking sarili.. o well, isang bagsak sa iyo kaibigan dahil akin itong sinasang-ayunan.. dahil alam kong wala akong proproblemahin kundi kung paano ako papayat ulit.. hehehe...

Seryoso... Nagpapasalamat akong ipagdiriwang ko ang pasko kong kasama ko kayo.. Di ko na kayo iisa-isahin baka kasi may makalimutan ako, eh magtampo pa sa akin.. basta, nilu-look forward ko ang masayang pasko nating lahat...

Pasko na naman..

Pumasok na ang buwan ng Disyembre at ang simoy ng pasko ay akin ng nararamdaman. Kung nasa Pilipinas lang ako, haha! Malamang nito'y abala na ako sa pag-iisip kung anong aking ipangreregalo sa aking mga inaanak, pinsan, kamag-anak at syempre, pede bang mawala ang mga taong mahal ko sa buhay??? Syempre hindi di ba?! Ang Mommy at Daddy ko, mga kapatid ko at anak ko...

Sa panahong ito, kinukulit ko na ang aking Ninang at si Mommy na mag-set ng araw papunta ng divisoria para makapamili ng ipangreregalo.. pero madalas nito, lagi na lang plano ang nangyayari kaya ang bagsak, Metropolis na lang o kaya Filinvest..

Kasabay sa mga pagplalanong ito eh ang pagplaplano naming magpipinsang pumunta ng Star City... Eto rin ung panahon na kukulitin namin si Daddy na sumama sa amin, at panahon na susuhulan ko ang Daddy ng kung ano ano para lang sumama sa amin.. Si Mommy.. lagi namang susunod na lang un pero syempre, hahayaan ba ng Daddy ang Mommy??? Kahit magka-traffic traffic ang Daddy, susunduin at susunduin pa rin ng Daddy ang Mommy sa trabaho.

Inaabangan ko rin ang Simbang Gabi na kahit maraming sagabal para hindi ko makumpleto ang pagsisimba ay nagpupumilit pa rin akong buuin ito! December 15 pa lang eh ngarag na ako kung sino ang yayakagin kong magsibang gabi.. Dahil sa hirap akong mangpilit ng kasama, susuhulan ko ang mga kapatid ko para lang pumayag sila..

Ano pa bang i-eexpect mo matapos magsimba, eh di ang makikipaggitgitan sa mga tao para lang makabili ng "puto bungbong" at "bibingka" para pasalubong kay Mommy, at mainit na pandesal para kay Daddy.. At dahil nanuhol ako, idadaan ko ngayon ang mga kapatid ko sa Jollibee o kaya McDo kung saan ibibili ko sila ng almusal.

Pagpasok ng abente... Dito ko na yayayain ang mga kapatid ko na mamimili kami ng pamasko nila.. na kung saan, akala nila, un na ang regalo ko sa kanila.. pero syempre, pede ba namang wala silang mabuksan galing sa akin pag dating pasko, syempre meron noh! Ako lang naman ang laging walang binubuksan na regalo eh.. meron man eh para na sa baby ko un! Joke! Syempre, mahal ako ng mga kapatid ko at ng parents ko, kaya kahit papaano eh may mabubuksan ako...

Pagdating ng bisperas ng pasko, magpupuntahan na kaming mag-anak sa bahay ng mga tiyahin ko sa Alabang at doon ipagdiriwang ang pasko..

Hay.. sobrang namimiss ko ang panahon ng pasko na kapiling ko ang mga mahal ko sa buhay..

Sabagay, kahit naman malayo ako, still, in spirit, magkakasama pa rin kami and soon, by next year, isa-isa ko silang makakasama sa araw ng pasko, at anak ko, kada pasko, makakasama ko na rin sya dito..

Saturday, November 03, 2007

Sabi nila..

Sabi nila, kung mahal mo ang isang tao, pakawalan mo ito.. Kung bumalik man ito sayo, ibig sabihin sya ay para talaga sayo..
Sabi nila, tunay na kaibigan, di ka iiwan sa ere.. Dadamayan ka’t susuportahan sa kahit na anong meron ka.
Sabi nila, lahat ng bagay may dahilan.. Lahat ng katanungan eh may kasagutan..
At sabi nila, mahalin mo ang mga taong galit sayo..

Pero bakit ganon, may “contradiction”?

Pano mo mamahalin ang isang taong bumalik sayo kung may mahal ka ng iba?
Bakit may mga tunay na kaibigan na dinadamayan ka’t sinusuportahan pero nilalaglag ka rin naman kapag nakatalikod ka..
Kung may kasagutan ang lahat, bakit may mga tanong pa ring naitatanong??
At pano mo mamahalin ang taong galit sayo eh galit nga sila sayo.

Simpleng bagay.. masyado nating ginagawang kumplikado..
Hindi naman mahirap mamuhay ng simple di ba?

Kung binalikan ka ng taong minahal mo sa maling panahon, isa lang ibig sabihin non.. Sinusubukan lang ulit ng Panginoon ang pagmamahal mo sa taong mahal mo sa kasalukuyan.. Doon mo malalaman kung mahal mo nga ba ang kasalukuyan mo o “fall back” mo lang ito.

Sa mga kaibigan mong nandon sila para damayan ka’t suportohan pero nilalaglag ka, hay.. di sila tunay na kaibigan.. Yung iba, kunwari “concern” sila pero ang totoo.. Oo, concern nga sila, concern sila kung anong chismis sa buhay mo para maichismis naman nila sa iba.

Kaya may mga katanungan pa, kasi di naman lahat ng tao alam ang kasagutan.. Dahil maaaring may alam ako na hindi mo alam at may alam ka na hindi ko alam kaya may nagtatanong.

Sinasabi lang naman nilang mahalin mo ang mga kaaway mo para maintindihan mo sila. Ano bang mapapala mo kung papatulan mo ang kaaway mo? Wala rin naman di ba, magkakasala ka pa.. so, much better kung mahalin mo na lang sila.. di ka pa magkakaron ng kasalanan kasi inintindi mo na sila (dahil ikaw ang nakakaintidi), minahal mo pa sila.. Malay mo dahil sa pagmamahal mong un sa kanila, mabago ang ugali nila. Ang dating kaaway mo noon eh ngayon eh kaibigan mo na.