Tuesday, March 19, 2013

Tao po ako

The last time I checked myself, sa pagkaka-alam ko, tao naman ako... may buhay, may pakiramdam.

Hindi ako bato, metal o kahoy na walang buhay para di makadama ng kahit anong sakit.

Hay... bakit may mga taong insensitive sa feelings ng ibang tao?

Un bang papasukin nila ang isang sitwasyon at kapag pakiramdam nila eh maiipit na sila, bigla na lang nila iiwanan ung sitwasyon.

Di na nila naisip ung mga taong involve o kasama nila sa sitwasyon na un dahil ang mahalaga lang sa kanila, makawala sila.

Wapakels kung nakasakit sila o hindi, kung nagdadalamhati ung mga taong naiwan nila o hindi,,, ang importante, di sila naipit at masaya sila.

Alam ko iba iba ang ugali ng tao pero di ba, pare-parehas na may puso ang mga ito?

At sa pagkakaalam ko, ang mga taong may puso lahat un may konsensya...

Ayoko nang magmakaawa at magpaapekto dahil di naman dapat.

Sana lang maging matatag pa ako sa mga araw na dadaan, dahil madami pa akong araw na haharapin at inaasahan ko na sa lalong madaling panahon, mawala na ang lahat ng ito.

Iwan na lang sa nakaraan kung ano man ang nangyari sa loob ng dalawang linggo at wag nang alalahanin pa. Kahit ang masasayang araw na kasama sila, dapat ibaon na... At dalangin ko, di sana sila balikan ng karma dahil sa ginawa nila.

No comments: