Monday, March 30, 2009

halo - halo

Si Lenard, Si Amber at ang Butterfly

Lenard : Murmur - murmur - murmur
Amber : Mumble - mumble - mumble
Lenard : Murmur - murmur - murmur
Amber : Mumble - mumble - mumble

Maya maya....

Butterfly : Aray ko! aray ko! aray ko! tulong!!! tulong!!! tulong!!!
Lenard : Murmur - murmur - murmur
Amber : Mumble - mumble - mumble

at ang kawawang butterfly hawak ng dalawang babies na nag-aagawan... (Siguro naiimagine nyo kung ano ang minu-murmur at mina-mumble ng dalawang babies...

Chechen at Chechup

Mommy at Ate... nagchachat...

Mommy : Kamusta na si Chechen?
Ate : Ok lang... Masaya naman si Chechup eh, pero napagsabihan ko kanina...
Mommy : Bakit?
Ate : Eh di ba sinabihan ko na nga siyang wag PDA sa bahay kasi baka si "feel ko ang tsinelas ko" eh makakita ng dahilan para gumawa ng istorya...
Mommy : Oo nga.. pero ano ba ang nangyari bakit mo pinagsabihan?
Ate : Kasi ba naman eto si Chechup, biglang humiga sa lap ni Chechen kahapon eh nandon si Kuya
Mommy : Sinasabi ko na nga ba eh.. yang kapatid mo ang babantayan mo hindi si Chechen, baka halayin ni Chechup si Chechen...

Note: Paki-check ang site na ito para malaman kung sino Chechen at Chechup... (Chechup, anak ni Mommy)... imaginin nyo na lang ang reaksyon ni Ate...

Ang DMs at Employees

DM (1) : Hi! Good morning! How are you?
Employee (1) : Hi! Im ok.. and you?
DM (1) : (Smiled...)

DM (2) : Hi! Good afternoon! How are you?
Employee (2): Hi! Im ok.. and you?
DM (2) : (Smiled...)

Employee (3) : Hi! How are you?
Employee (4) : Im ok.. how about you?
EMployee (3) : (smiled..)

and so on...

Bakit ganon? Automatic bang laging ganyang ang simula ng conversation ng mga tao dito sa opisina?? Pambihira!

Yan na muna.. next time na yung iba.. hehehe..

Tuesday, March 17, 2009

... Speechless ...

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.................................................................................................................................

Sunday, March 15, 2009

The Five Luminous Mysteries

Habang ako'y abala sa pag-aayos ng aking mga dasalin... naisipan kong isama na rin ang rosary sa aking covenant with Papa God... Dahil kailangan ko ng kodigo... humingi ako ng tulong kay Pareng Google...

Sa aking pagkakabigla... ang dating alam kong 15 Mysteries ay naging 30 na...

TOTOO po bang may Luminous Mysteries na???

please check this website: The Five Luminous Mysteries

Kung totoo man po... pagpaumanhin nyo na po't hindi ko po alam..

Monday, March 09, 2009

... which of which ...

Are you in a service becuase you loved to serve the Lord?

OR

Are you in a service because of the people you are with while serving the Lord?

Which of which???

This question always pops up in my mind... does anyone care to answer it for me?

.... place were we belong ....

Villa No. 21 is a blessing in disguise to everyone of us...

Unti unti kasing nabago ng bagong tahanan namin ang mundo ng bawat isa sa amin... I mean, dito ko naramandaman ung matagal ko ng hinahanap na tahanan... un bang magiging comfortable ako sa lahat ng bagay, although, comfortable naman ako sa ibang naging tahanan namin, pero dito kasi ramdam kong at home ako...

Iba ung paki-ramdam ng nasa malawak na galawan ka.. hindi ka nasasakal at parang lagi na lang naghahabol ng hininga... Sa umaga, ang liwalas ng paligid... hindi mo kakakitaan ng lungkot o ano man... ang sarap magpahinga... kahit nga si Amber na aming anghel, lalong nagmistulang anghel sa bawat hagikgik na umaalingawngaw sa buong bahay... sa bawat himbing ng pagtulog nya sa araw araw... ibang iba kaysa sa dati naming tahanan...

Ang mga tao sa bahay, laging masigla... laging excited umuwi ng bahay at umupo sa sofa, habang sabay sabay kaming nanonood ng dvd at nagpapasahan ng makakain...

Nabago ng tahanan namin ang bonding ng bawat isa... lalong tumibay at lalong naging masaya... para bang sobrang tagal na naming magkakasama, as in literal na sobrang tagal...

Pero ang pinakagusto ko sa lahat... naayos ng Villa 21 ang mga problemang meron kami... kung ano mang hinaharap namin ngayon, alam ko at ng mga kasama ko sa Villa na iyon na malalagpasan namin un.. dahil ako, sila at kami, ay napagbuklod ng Bagong Tahanan namin...

Monday, March 02, 2009

parting time

Ganun yata talaga sa mundong ibabaw
Lahat ng bagay, pansamantala lang
Dalawang taong pinagsamahan
Tila ngayo'y hanggang doon na lang

Eto lang ang mga katagang kayang abutin ng aking isipan sa ngayon.. hindi ko maipahayag ng maayos ang aking nararamdaman... Yung totoo, hindi ko alam kung ano bang dapat kong maramdaman... Mixed ung emotions ko eh... Marahil, dahil mali ang naging expectations ko kaya ako nalulungkot ngayon.

Alam ko, maraming pagbabagong mangyayari at alam ko, di rin malayong mawalan na ako ng balita sayo... mawalan ako ng connection sa SFC at sa mga Kaibigan ko sa SFC... dahil din lang laman sayo kaya nila ako naaalala...

Pero ano namang magagawa ko, kapakanan mo lang naman ang iniisip mo at naiintindihan ko un... Alangan namang isakripisyo mo ang sarili mong kapakanan para lang sa amin di ba? Siguro di lang ako sanay na may muling mamamaalam..

At sa ating paghihiwalay... baunin mo ung saya ng ating samahan at ung pag-aalaga na ibinigay namin sayo... Maging masaya ka sa mga bago mong kasama at pamilya...

Paalam sa iyo kaibigan... Hanggang sa muli nating pagkikita.. Hangang sa muling pagbabasa ng ating mga blog...

Thursday, February 26, 2009

si Ate

E: Ate, alam mo ba ung kantang ITSY BITSY (di pa tapos ang sinasabi ng sumabat si Ate...)
Ate: (Pakantang sinabi...) "Itsy, bitsy, teenie, weenie, yellow polka-dot bikini..."

At natawa si E dahil ang itatanong ni E ay related pa rin sa kantang ITSY BITSY SPIDER...

a minute

E: Ate, alam mo ba ung kantang ITSY BITSY (di pa tapos ang sinasabi ng sumabat si Ate...)
Ate: (Pakantang sinabi...) "Itsy, bitsy, teenie, weenie, yellow polka-dot bikini..."

tamang lyrics

ITSY - BITSY SPIDER

The ITSY BITSY spider went up the water spout.
Down came the rain, and washed the spider out.
Out came the sun, and dried up all the rain.
And the ITSY BITSY spider went up the spout again.

Ayan ha.. di na kayo malilito... wala ng TINSY WINSY at INSY WINSY...

kayabangan at karma

G: Ui! Sino ba ung kumanta ng TINSY WINSY spider?
E: Secret... hehehe... Tanong mo jan kay ----
G: Eiiiwww... nakakahiya ka! Ikaw un? Hahaha!! TINSY WINSY ha... INSY WINSY kaya...
E: (tumawa ng malakas!!!) Isa ka pa eh! Itsy Bitsy nga! Di ko na nga na-edit ung last line ng blog ko eh... INSY WINSY ka pa jan!
G: Itsy Bitsy ba? Kala ko Insy Winsy eh.. un kasi ang alam ko (no face reaction... parang deadma lang, pero di nya lama kinabukasan na-ka-blog na sya... at ngayon un..)

Lesson: Huwag magyayabang dahil mabilis lang ang karma...

Tuesday, February 24, 2009

ang part 4

The TINSY WINSY spider went up the water spout.
Down came the rain, and washed the spider out.
Out came the sun, and dried up all the rain
And the itsy bitsy spider went up the spout again.



Konting adivse...
Kung di sigurado sa lyrics... wag kantahin sa harap ng ibang tao...

Thursday, February 12, 2009

I Love To Be

Yes...

I Love To Be...

... a shock absorber...
... a listener...
... an adviser...

NOT only because I can help them BUT also because...

... they made me feel I'm important to them...
... they trusted me...
... they made me see that I am gifted...

I thank God for giving me this gift because through this, I can ease people's burden...

Thank you God for making me your instrument

Wednesday, February 11, 2009

i thank God coz we're still blessed

These past few days, lalo kong na-a-appreciate ang buhay ko... despite sa mga nangyayari sa paligid ko, masaya ako at thankful dahil sobrang blessed kami ng family ko.

Dati rati, panay ang reklamo ko sa trabaho na kesyo ang baba ng sahod ko, kesyo masakit sa ulo ang trabaho ko, yadah... yadah... yadah... At ang lagi kong solusyon sa mga ganitong pagkakataon ay ang lumipat ng trabaho...

Minsan naman, masyado akong nagpapaapekto sa mga taong wala namang magawa sa buhay kundi galitin at asarin lang ako, wherein di naman dapat ako magpa-aekto dahil alam ko namang wala akong ginagawang masama sa kanila...

Pero dati yun... Ngayon, unti unti ko ng na-a-appreciate ang lahat sa paligid ko... Yun ay dahil sa mga kwento at experience na naririnig ko...

I thank God dahil patuloy ang pagbagsak ng blessings sa amin.

"... ang trabahong dati rati'y kinaiinisan ko... ngayon, minamahal ko na..."
Dahil sa pandaigdigang krisis, marami ang naapektuhan... kahit naman ang kumpanya namin, apektado... Di man ako makapag-demand sa amo ko na taasan ang sahod ko, gaya ng plano ko noong naka-leave ako, eh ok lang (sa ngayon?) dahil may trabaho ako at sumasahod ako...

"... ang mga taong walang magawa sa buhay... ngayon, ok na... tanggap ko na ganon talaga ang ugali nila.."
Akong nakakaintindi kaya dapat ako ang umintindi... at hanggang ngayon, patuloy ko pa ring ipinagdadasal na habaan pa ang pasensya at pag unawa ko sa kanila... at kung sakaling di ko na kaya, maipahayag ko sa kanila sa maayos na paraan ang mga bagay na nais kong iparating sa kanila...

"... ang patuloy na paglaki at magandang pangangatawan ni Angel, ni Amber at nang buong pamilya namin.."
Thankful ako dahil lumalaki silang malusog at matalino... and I know, lalaki silang may takot sa Diyos... same with our Family na mayroong maayos na pangangatawan..

"... ang matibay na pagsasama naming mag-asawa..."
Na kahit na madalas subukin ng panahon ang pagsasama namin, eh nahaharap namin iyon ng magkasama at di bumibitaw sa isa't isa...
I thank God for being the CENTER of our relationship.. I thank HIM for holding and keeping us together... and also, I thank my Husband for giving his best and understanding in everything...

"... ang pagiging instrumento namin sa iba para makatulong..."
We have to share our blessings... Yun lang kasi ung way namin para maibalik kay God yung mga blessings na natatanggap namin...

Tuesday, February 10, 2009

adik nga!

Matapos ang usapan, sisihan at pasahan ng kamalian... tila nawalan ata ako bigla ng sasabihin sa blog ko... Marahil tapos na ang pagbibigay mensahe ko sa isang kaibigang nagpakain sa kanyang pride na naging silbe ng pagiging paranoid nya?

Oh well... kahapon... habang kausap ko sya sa telepono... napatunayan kong malakas talaga akong makapikon pagdating sa kanya... akalain mo ung simpleng banat ko nainis na sya at take note, wala naman akong ibig sabihin sa aking mga nasabi.. Kahit ang refrigerator na walang kamalay-malay eh kanya ring nabigyan ng kahulugan...

Hay... Wala naman akong pinagbago pagdating sa pakikipag usap sa kanya pero di ko talaga mainitindihan kung bakit ganun na lang ang interpretasyon nya..

Aisus! Kung di ba naman adik di ba? O baka feel lang nyang mag-emote nung mga panahon na un at nagkataon lang na ako ang naging dahilan nya para masimulan ang pag-e-emote???

Nweiz, ok na kami ngayon... Naliwanagan na ang kanyang isipan sa mga agam agam na gumugulo sa kanyang isipan...

Sunday, February 08, 2009

Friendship

Sabi nila...

A FRIEND should be RADICAL
They SHOULD love you WHEN you're unlovable
Hug you WHEN you're unhuggable
And BEAR you WHEN you're unbearable

Pano kung di magawa ng kaibigan mo ito sayo? O di kaya, ako sa kaibigan ko? Ibig bang sabihin nito, hindi ako kaibigan ng kaibigan ko?

A FRIEND should be FANATICAL
They SHOULD cheer WHEN the whole world boos
Dance WHEN you get good news
And cry WHEN you cry too

Hmmm... so, it looks like you're sharing the same feelings??? kapag galit ka galit din dapat friendship mo? Pag di ka kinakausap ng friendship mo, di mo rin sya kakausapin? If that is the case, well, it answered my question...

But MOST OF ALL... A FRIEND should be MATHEMATICAL
They should MULTIPLY your JOY
DIVIDE your SORROW
SUBTRACT the PAST
and ADD to TOMMOROW

But what's happening right now is, it MULTIPLY MY SORROW
DIVIDE MY JOY
SUBTRACT TOMMOROW
and ADD TROUBLE

Calculate the NEED DEEP in your HEART and ALWAYS be BIGGER
than the SUM OF ALL your PARTS

Deep need of my heart already calculated... hay...

Thursday, February 05, 2009

Be Particular in What You're Asking

Waaaahhhh!!!!

That's the lesson for today...

Simula ng magreport ako from my Maternity Leave... I asked God's help... I asked him to make me more usable and fuctionable at work... Sabi ko pa nga, I wanted to be productive sa trabaho ko kasi I wanted to prove to my boss na efficient ako...

Heto na.. si God, nagreply... and I thank him for giving me what I asked... kaya lang... ginagamitan ng utak ung ni-reply sa akin ni God... Di ko naman sinasabing wala akong utak, pero kasi minsan di gumagana...

Tulad ngayon, natutuyo na ang utak ko dahil di ko alam kung pano ang gagawin ko sa iniwang trabaho ni Amo... Gets ko kung ano instructions nya.. pero di ko alam kung pano ko i-pu-pull out at ididistribute ito... Ang malupit pa dito... huhuhu... me time limit palagi!!! And take note, walang halong pressure kasi before evening lang naman palagi ang time limit na binibigay...wwwaaaaahhhh!!!! pano kaya un???

Kaya kayo mga friendster, if your asking something to God, be particular, be specific... and bear in mind na we dont have the right to ask God why... Like me... I did not ask God kung bakit ganito ung binigay nya, instead, I thank him and at the same time, I also asked him to help me in solving this task...

No Comment

"No Comment"
- sagot ng mga taong ayaw magbigay ng kahit anong impormasyon sa mga taong nagtatanong...

Pero alam nyo ba... ang No Comment ay nagbibigay ng samu't saring kasagutan sa mga taong nagtatanong? Nakakapagbigay ng iba't ibang klase ng reaksyon at nakakapagbigay balisa sa isang taong nais ng kasagutan...

Ako.. ayoko ng magsalita at magbigay ng komento sa mga bagay bagay na aking naririnig... Sabi nga ni Jologs... "Ate... Hamuna..." Kaya ako.. hamuna ko na lang ang mga taong 'yong! iinisin ko lang ang aking sarili...

Simple advise sa mga taong mahilig magsabi o gawin ang NO COMMENT... "Ui! Artista lang ang gumagawa non... Panindigan kung sasabihin o gagawin ang NO COMMENT... kasi minsan ang NO COMMENT napapasama kapag di napapanindigan..."

a deep sigh...

ang daming gumugulo sa aking isipan ngayon...
hindi ko alam kung pano ko ba iisahin sa inyo ang mga iyon..
dahil sa dami nila, hindi ko alam kung pano ko sisimulang ilabas ang mga iyon sa aking isipan...

hay.. ang hirap ng ganito...
masakit sa ulo...
masakit din sa puso...
naduduling lang ako sa harap ng monitor ko kakaisip kung pano ko palalabasin sa aking daliri ang nilalaman ng isip ko...