Wednesday, May 21, 2008

Missing you... Philippines...

As of this very moment, ilang minutes na lang ang hinihintay ng mga tito ko't lalapag na ang kanilang eroplanong sinasakyan sa Airport ng Pilipinas...

Kahapon, di ko maiwasang huwag mainggit dahil makikita na naman nila ang Pilipinas lalong lalo na ang mga taong mahal namin sa buhay.

Naalala ko tuloy ang naunang plano naming mag-asawa.. hindi na sana kami magkanda-ugaga sa pag-aayos ng mga gamit namin ngayon dahil kami'y naghahanda na ng aming mga gamit na i-uuwi sa Pilipinas. Naka-schedule na kasi kaming umuwi ngayong Thursday sa Pilipinas, pero bago un, dadaan muna kami sa Singapore para mag punta sa Disneyland. Kaya lang, dahil sa ako nga'y nagdadalang tao, naudlot ang plano naming 'yon.

Tatlong bwan palang kasi ang tyan ko ngayon at para sa mga katulad kong nagdadalang tao, masyado pang maselan para magkikilos ako ngayon, lalo na't mababa ang placent ko. Hindi rin naman kami mapapahinga sa Pilipinas dahil siguradong panay ang byahe namin sa Pampanga - Manila dahil syempre, dadalawin namin ang aming mga mahal sa buhay.

Ngayon, heto ako, kami ng asawa ko, magtitiis at magtya-tyagang hintayin ang isang taon para makauwi ng Pilipinas. Pero ok lang dahil sa pagkakataong iyon naman, kasama na namin ang aming munting anghel na bunga ng aming pagmamahalan.

Sunday, May 18, 2008

Hotel California at Paano Kita Iibigin sa Eat Bulaga

Kahapon, sa Eat Bulaga.. may katanungan sa Taktak mo o tatakbo na

“Sinong American Band ang kumanta ng lyrics na ito: Welcome to the Hotel California.. Such a lovely place, such a lovely face.. Plenty of room at the Hotel California.. Any time of year, you can find it here…

Natawa ako sa narinig ko dahil naalala ko na naman ang napanood kong movie nila Piolo at Regine na na-i-blog na ni Pie and ni Jeanette ang Paano kita iibigin na kung saan may part doon na palagi nilang inuulit ang mga katagang ito...

“Welcome to Heaven Resort, where you can rest in peace forever..
Welcome to Heaven Resort, such a lovely place, such a lovely face..
Plenty of room at Heaven Resort, Any time of year, you can find it here...


O di ba? Kahapon ko lang na-realize na kinuha pala ng scriptwriter ang mga katagang ito sa kanta ng Eagles… Panibagong dagdag kaalaman na naman ito sa akin =D.

Thursday, May 15, 2008

The Surprise Gift

Dahil sa wala akong ginagawa dito sa office (or should I say, tinatamad akong gumawa ng office works ngayon), at sawa na rin akong mag bukas-sara ng friendster at e-buddy, naisipan kong mag blog hopping...

Sa kakablog hopping ko, napunta ako
dito, at may nakita akong isang bagay na nakapag-paalala noong Mother's Day...

Naalala ko na naman ang surprise gift ko sa aking mommy na inabang - abangan nya sa labas ng bahay namin, at nang makita ang LBC, eh di na nakapaghintay at sinalubong na ang courier sa kanyang surprise gift.

Eto ang unang gift na pinadala ko ke mommy...



Sabi nya, di daw nya expected na bulaklak ang matatanggap nya (walang pagpapasalamat!), akala daw nya eh isang cake ang ipapadala ko sa kanya (ayaw kasing maghintay, susunod na un!!!) pero at the end naman ng kwento nya kung pano nya inabangan ang surpresa ko, oh well, naramdaman ko sa mga boses ni Mommy kung pano nya na-a-appreciate ang mga surpresang binibigay ko sa kanya sa twing birthday nya o kaya Mother's Day.

At dahil sa sobrang naiinip na ako sa cake delivery ng Red Ribbon, inutusan ko na lang ang kapatid kong i-pick up ung cake sa Red Ribbon Festival Mall, at kahit magkanda ubos ubos ang load ko sa pagtawag sa Pilipinas para lang sa cake na hindi naman makukuha noong araw na un, eh sige pa rin ako sa pagtawag at pangangangaway... Pero at the end of the day, pinauwi ko na ang kapatid ko dahil pina-cancel ko na ang inorder kong cake.

Bigo man si Mommy sa cake nya noong araw na un, eh masaya pa rin naman nilang pinag hati-hatian ang ferero rocher chocolate na kasama ng mga roses na idiniliver sa kanya.

Kinabukasan, sa hindi inaasahang pagkakataon, sinurpresa ulit "namin" si Mommy with our second surprise gift... ang...


Opo... Natuloy po ang cake na inorder ko, pero this time, hindi na sya online order, sinadya na talaga ng kapatid ko ang paborito ni Mommy na Black Forest Cake ng Red Ribbon... kaya lang, we know na di nya ma-eenjoy ng husto ang cake dahil sa paalis na sila that day.. And di naman nya madadala ang cake dahil masisira lang sya sa byahe nilang 10 hours flight.. tagal di ba?

Nwei Mom, bawi na lang kami sa'yo on Daddy's Day naman... This time, I'll make it sure na everything will be turned into a perfect surprise.. hehehe...


*** Sayang, di ko nasabi sa mga kapatid kong kuhaan si Mommy with the gifts we gave to her... and sorry wala po akong malinaw na picture ni Mommy.. to follow na lang po... =)

Tuesday, May 13, 2008

Pwede po ba?

Sa aking pag-kakaasar, parang gusto kong manubalik sa dating kong ugali, ito ay dahil sa mga taong walang paki-alam sa mga saloobin ng ibang tao.
Alam nyo ba ung feeling na "di na nga kayo tumulong, kayo pa itong may ganang magalit"? Di ko kasi ma-gets na kapag nahiya ka ba sa ibang tao, sa halip na tulungan mo eh iiwanan mo sa ere? O di kaya, lalayasan mo?
Hay... heto na naman tayo... kaya ganon kasi iba iba ang ugali ng mga tao. Meron talagang matitigas ang mukha at meron naman na marunong makiramdam.
Pero alam nyo, kaninang umaga, ang dami kong iniisip!!! Hindi ko alam kung paranoid lang ba ako o talagang totoo ang lahat ng iniisip ko... Oh well.. bahala na nga lang kayo sa mga buhay nyo!!! Pero kapag hindi ako nakatiis, sorry sorry na lang tayo...

Monday, May 12, 2008

Hay....

Gusto kong maasar ngayong araw na ito, sa mismong oras na ito…
Hindi ko talagang maintindihan kung bakit ganon…
Sinasabi mo lang naman kung anong opinion mo, ikaw pa itong galit…

Actually, di sya opinion eh.. saloobin ko un… Nakakapikon na kasi eh… kung sa ibang tao, nahihiya kayo eh pag-aari nyo naman un, pero pagdating sa akin, di kayo nahihiya..

Sige.. sige.. sige… Ako nang sasagot… kaya ganon kasi kakilala nyo ako… kaibigan nyo ako.. kalapit nyo ako… pero syempre, may mga bagay din naman na kailangan nyong matutong tumanggi at kunin naman ang mga bagay na kayo ang bumili o gumastos.

Hindi ako nagmamadamot, to clear things, naiinis lang talaga ako sa mga dahilan ng mga taong “nahihiya” sa mga oras na sila na ang nangangailangan.

Sorry sa mga taong nainis o naasar sa akin,,, pero kasi talagang nakakainis at nakakaasar na…

Monday, April 21, 2008

Mga PAMATAY

Mga PAMATAY na HIRIT
"Kumain ka ba ng asukal? Ang tamis kasi ng ngiti mo!"
"May lahi ka bang keyboard? Type kasi kita!"
"Ipapupulis kita! Ninakaw mo kasi ang puso ko!"
"Are you a dictionary? Kasi, you add meaning to my life."
"Meron ka bang lisensya? Kasi, you drive me crazy."
"I lost my number. Can I have yours?"
"Angel ba ang name mo? Kasi, you look like one."
"I forgot your name. Can I call you mine?
at ang PAMATAY na REPLY: "Excuse me, kumain ka ba ng mais? Ang corny mo kasi!"

Thursday, January 24, 2008

White Elephant

It was January 22, 2008 nang makareceived ako ng text from my Nanay Lei. It was an invitation for our Upper Household. Matagal tagal na rin akong hindi nakakapag household.. Kaya I decided na magpaalam sa asawa kong si Dan na kung pede, pupunta ako. Syempre, kahit papaano nag-think twice sya, dahil it was my Upper Household sa Singles and we are already serving Couples For Christ. Siguro, alam nyang naiinip ako sa bahay at sobrang namimiss ko ang Upper Household ko, kaya positively, pumayag ang asawa ko.

Same day, nagtext si Nanay na may exchange gift daw kami. Bring something na important sa amin na willing naming i-let go.

Nag-isip ako kung ano ano ung mga bagay na importante sa akin na alam kong ma-tre-treasure ng taong makakakuha non. Binuksan ko ang aparador namin (aparador talaga eh..) pero wala akong makitang importanteng bagay. Kung may makita man ako, well, documents un at syempre, hindi ko naman pedeng ibigay sa kanila un at di rin naman nila mapapakinabangan un.

Umupo ako saglit sa kama namin.. Nakatulalang nakaharap kay Dheebho at patuloy na nag-iisip ng “ano bang gamit ko na pede kong ibigay na kaya ko ng i-let go?”. Inikot ko ang paningin ko at napatingin sa tabi ng tv.

Mga stuff toys na ibinigay sa akin ng “mga taong” mahahalag sa akin… Isa isa ko itong kinuha.. Nilagay sa kama..

Una kong nadampot, si churipot.. ang maliit na batang lalakeng manika na kita ang ano na binigay sa akin ng kapatid ko na ibinigay din sa kanya ng babaeng mahalaga din sa kanya. Ibinilin sa aking ingatan ko at bago pa ibigay sa akin ng tuluyan eh nilagyan muna ng mommy ko ng diaper para di naman daw nakakahiya.. hehehe..

Pangalawa eh si Jona, ang maliit na asong binigay ni Gina na natanggap nya noong Christmas Party nila. Mahalaga sa akin un dahil isa un sa mga ala-ala ko noong Christmas with Pie. Dahil halos lahat ng matanggap ni Pie during their Monito – Monita eh ako ang nakikinabang =D

Pangatlo, si Sleeping Bear na bigay ni Nanay nung Birthday ko noong 2007, si Bunny na binigay sa akin ng pinsan ko noong 2005, si Kit na isang aso ulit na natanggap ni Dan during their Christmas Party noong 2007, si Hearty na binigay ni Ruel noong bday ko noong 2005, at si Sylvester na binigay ng Ex ko noong 2006.

Ang mga nasabing stuff toy ay mga ala ala ng mga taong sadyang aking pinahalagahan. Sobrang i-tri-neasure at masasabi kong kahit stuff toy lang sila, di ko kayang ipamigay ang mga un.

January 23, nagtext ang nanay na papunta na sya sa bahay para sunduin ako. Naghanda.. Naligo.. Nagbihis at kinuha ang aking ipang reregalo. Pagdating sa kanila, dahil sa after 100 years, eh muli na naman akong nagparamdam sa Upper Household ko. Ang karamihan sa kanila eh nagulat dahil nandon ako, at nag-iisa lang ang talagang alam nyang pupunta ako dahil sa ito’y kanya “daw” ipinagdasal.
Matapos mag chikahan, kumain at magdasal, sinimulan na ang sinasabi nilang “White Elephant”.. Though ang kwento ng White Elephant eh negative (dahil sa you’re throwing away things that its useless) eh ginawa daw nila itong positive.

Bago mag bunutan, ipinalabas muna ni Nanay ang mga regalong bitbit. Pina-kilala at inexplain kung bakit naging mahalaga, importante at bakit mo nilelet go.

Ako ang nagsimula dahil ako ang katabi ng Nanay.

“Eto naging mahalaga ‘to sa akin dahil binigay ito ng isang taong sobrang pinahalagahan ko na hanggang ngayon eh trinetresure ko. It’s a gift na nagshow ng respect nya sa akin at talagang pinakita ang tunay na intensions..”

At ang mga makulit na kapatid ay pinagpilitang ikwento ang buhay ko.. kahit sa pinakamaiksing kwento daw.. Dahil sa hindi ako tinantanan, ito’y aking ipinagpatuloy..

“Actually, galing to sa Ex ko.. We had a good starts pero sinira nya ung tiwala ko dahil sa ibang babae.. It was 2006, galing ako ng bakasyon, he gave me this gift.. with a bag and something, syempre di ko na dinala pati un, pero above all, those things eh, eto ung pinaka-nagustuhan ko.. Nagstart ung pagbabago nya after nyang ibigay ung gift sa akin, naging matino sya, ni-respect nya ako at ang mga decisions ko, pero it was too late to work it out kasi wala na ung tiwala ko sa kanya. So, kahit mahal ko sya, di ko na maibalik ung dating pagmamahal na meron ako sa kanya. And obviously, I let it go of him na dahil kasal na ako.. Since, na let go ko na sya, so I guess, I have to let it go also his memory.. Having memories with him, di mawawala un.. nandito na un pero ung mga bagay na kasama ng memories, siguro, isasama ko na un sa mga things na kailangan kong i-let go. Kaya eto, si Sylvester, ibinibigay ko na sya sa inyo. Sobrang mahal ko itong stuff toy na ito dahil sobrang naging mahalaga ung taong nagbigay nito sa akin. So paki-alagaan na lang..”

And followed by others with their own stories…

Naging masaya ang mga pagpapalitan ng regalo’t pag-aagawan.. And that night, I really feel that I relieved from everything coz once more, I learned to let go again.

I let go of Sylvester the way I let go my Ex.. BUT after letting go of them, I have someone, something new in my life.. I let go of my Ex but I have blessed with a loving Husband.. I let go of Sylvester but I have ARJAY in return.

As a conclusion…

For every things that God has ask us let go.. Let us them go.. as God has better plan for us.. As HE will gave us something, someone better that what we let go..

Letting go of something or someone doesn’t mean we don’t care, it such that we just have to let things like that so that we could embrace the new blessings that will be given to us.

Sunday, January 20, 2008

Matapos ang Nakaraan...

Hindi ko alam kung sa paanong paraan ko sisimulan ang blog kong ito.. basta ang alam ko, after 1 year and half, masaya akong nagkausap ulit tayo.

Gumaan ang loob ko sa muli nating pag-uusap.
Natanggalan ng tinik ang aking puso at muling nakahinga na maayos.
Sa dami ng mga pinagdaanan natin sa buhay, masaya akong nakausap muli kita.

Marahil maraming magtataka, magugulat dahil sa ikalawang pagkakataon, eto na naman tayo, nag-uusap.
Masasabihan na naman tayo ng mga kaibigan nating matigas ang ulo natin pero keber, eto tayo nagpapasaway at di makuntento.

Hindi ko alam kung bakit di kita makalimutan.
Hindi ko alam kung bakit kaduktong ka pa rin ng aking kasalukuyan.
Ano bang meron ka at di kita mabitawan?
Taon na ang lumipas, pero anjan ka pa rin naman.

Sigurado ako, wala ng kinalaman ang ating mga nakaraan.
Dahil ang nakaraan na un ay mananatiling na lang nakaran.
Balikan man natin ito, sigurado akong di na tayo masasaktan,
Dahil alam kong ang nakaraan ay atin ng kinalimutan.

Sana pagkakataong ito, di mo na ko iiwan.
Kasi ako, sigurado ako, di na kita iiwan.
Sana sa panibagong yugto ng buhay natin, wala ng iwanan.
Sana ang pagkakaibigan nating ito ay wala ng katapusan.

Hay.. ngayon naman di ko alam kung pano ko tatapusin ang blog ko.. alam kong uulitin ko lang ulit kung anong alam ko.

Sana mapunuan natin ung mga bwan na hindi tayo nag-usap.
Sana makapagsimula tayo ng wala ng samaan ng loob o tampuhan sa isa’t isa.
At sana, ang nakaraan eh nakaraan na.

Sa mga bagay na hindi natin nagawa dahil natatakot tayong makita ang isa’t isa, ngayon, pede na nating gawing magkasama.
Aalalayan ang isa’t isa.. Susuportahan gaya noong una.
At magsaya na para nang wala ng bukas pa…

Tuesday, January 15, 2008

The OLD Me..

Dahil sa na-a-acces ko na ang Friendster Blog, binalik balikan ko ang mga istorya sa blog kong iyon. Muli, nakita ko ang sarili ko noon.. Ibang iba kung ikukumpara ko ngayon!

Kung noon, blog lang katapat ng galit ko sa mundo, although ganon pa rin naman ngayon pero marunong na akong kumontrol ng emosyon ko!

Kung noon, sobrang taray kop ala! Haha! Although mataray pa rin naman ako ngayon, pero kahit papaano, nababawasbawasan ko na ang pagtataray ko.. sa madaling salita, kahit papaano, nakokontrol ko na ngayon.

Kung noon, kahit marami akong friends, nakakalimutan kong nandyan lang sila palagi sa paligid ko, naghihintay ng pagpaparamdam ko, pero ngayon, I do always exists on their life, para bang wala ng bukas na maabutan.

Kung noon, masyadong magulo, masalimuot at walang direksyon ang buhay ko, NGAYON, haha! I’m proud to say na “I AM TOO PROUD OF WHAT I AM, OF WHO I AM and OF WHAT I HAVE right now!!! Dahil sobrang organize ng life ko ngayon at sobrang happy kasama ng mga REAL FRIENDS ko at ng ASAWA ko…

Iilan lang yan sa mga pagbabagong naganap sa buhay ko.. pero best part of it, masayang isipin na after all of those incidents, situations and trials, nakita ko ang sarili kong nag-grow at nag-mature sa paghahawak ng buhay ko, although may mga swings pa rin, pero hindi na tulad ng dati…

And I thank God for that!!!

Why Like That ANSWERED!

OPO! Tama po ang nabasa nyo, sumagot na po ang tanong ko sa Friendster Blog ko! I had my very first post in 2008 in my Friendster Blog!!! Haha! Di naman sya halatang na-excite ako at namiss ang pagblo-blog sa Friendster Blog ko kasi di sya ganon kahabaan! Wahahahha!
Pero whew! What a blog! Namiss ko talaga ang pagbla-blog sa Friendster Blog ko! And aside from that, namiss ko din ang pagbabasa nang kung ano ano sa blog kong iyon!
Nandon kasi ung mga poems na ginawa ko.. Don ako unang nagkaron ng interest sa pagsusulat at naging bisyo ang pagbla-blog! haha! Kala ko di ko na sya mabubuksan pero eto ako, di ko lang sya nabasa, nakapagpost pa! At naka DALAWANG post agad! Wwhohohooho talaga!

Un nga lang, di naging madali ang pagbla-blog ko sa Friendster Blog dahil kinailangan ko pang mangapa ulit don dahil di naman nya dina-download lahat ng keys sa new posts area, kaya tyaga, tayaga ng konti.
So, sa mga tagapagbasa ko, 4 na po ang blogsite na dadalawin nyo.. dalawin nyo nalang po lahat ng blogsite ko kasi kahit ako di ko po alam kung saang blogsite nyo po aabangan ang susunod na entry ko!

Sana po di kayong magsawang basahin at suportahan ang mga entries ko..

Salamat!!!

God Bless po sa ating lahat! =)

Why Like That?

Tonight.. I can open other people’s blog from friendster and even my friendster blog! But whenever I wanted to update it… “Network Error” ang laging lumalabas! Hay.. dami ko pa namang ikwekwento related sa last blog na ginawa ko sa Friendster..

Nwei, Im still typing pa rin naman nung entry ko for Friendster Blog at EXCLUSIVE for friendster blog ko lang yung i-po-post! At kalian naman kaya un? Hintay hintayin nyo na lang..

For the mean time, mag tra – trial and error muna ako sa Friendster Blog! Chao!