Sunday, January 20, 2008

Matapos ang Nakaraan...

Hindi ko alam kung sa paanong paraan ko sisimulan ang blog kong ito.. basta ang alam ko, after 1 year and half, masaya akong nagkausap ulit tayo.

Gumaan ang loob ko sa muli nating pag-uusap.
Natanggalan ng tinik ang aking puso at muling nakahinga na maayos.
Sa dami ng mga pinagdaanan natin sa buhay, masaya akong nakausap muli kita.

Marahil maraming magtataka, magugulat dahil sa ikalawang pagkakataon, eto na naman tayo, nag-uusap.
Masasabihan na naman tayo ng mga kaibigan nating matigas ang ulo natin pero keber, eto tayo nagpapasaway at di makuntento.

Hindi ko alam kung bakit di kita makalimutan.
Hindi ko alam kung bakit kaduktong ka pa rin ng aking kasalukuyan.
Ano bang meron ka at di kita mabitawan?
Taon na ang lumipas, pero anjan ka pa rin naman.

Sigurado ako, wala ng kinalaman ang ating mga nakaraan.
Dahil ang nakaraan na un ay mananatiling na lang nakaran.
Balikan man natin ito, sigurado akong di na tayo masasaktan,
Dahil alam kong ang nakaraan ay atin ng kinalimutan.

Sana pagkakataong ito, di mo na ko iiwan.
Kasi ako, sigurado ako, di na kita iiwan.
Sana sa panibagong yugto ng buhay natin, wala ng iwanan.
Sana ang pagkakaibigan nating ito ay wala ng katapusan.

Hay.. ngayon naman di ko alam kung pano ko tatapusin ang blog ko.. alam kong uulitin ko lang ulit kung anong alam ko.

Sana mapunuan natin ung mga bwan na hindi tayo nag-usap.
Sana makapagsimula tayo ng wala ng samaan ng loob o tampuhan sa isa’t isa.
At sana, ang nakaraan eh nakaraan na.

Sa mga bagay na hindi natin nagawa dahil natatakot tayong makita ang isa’t isa, ngayon, pede na nating gawing magkasama.
Aalalayan ang isa’t isa.. Susuportahan gaya noong una.
At magsaya na para nang wala ng bukas pa…

No comments: