Wednesday, February 11, 2009

i thank God coz we're still blessed

These past few days, lalo kong na-a-appreciate ang buhay ko... despite sa mga nangyayari sa paligid ko, masaya ako at thankful dahil sobrang blessed kami ng family ko.

Dati rati, panay ang reklamo ko sa trabaho na kesyo ang baba ng sahod ko, kesyo masakit sa ulo ang trabaho ko, yadah... yadah... yadah... At ang lagi kong solusyon sa mga ganitong pagkakataon ay ang lumipat ng trabaho...

Minsan naman, masyado akong nagpapaapekto sa mga taong wala namang magawa sa buhay kundi galitin at asarin lang ako, wherein di naman dapat ako magpa-aekto dahil alam ko namang wala akong ginagawang masama sa kanila...

Pero dati yun... Ngayon, unti unti ko ng na-a-appreciate ang lahat sa paligid ko... Yun ay dahil sa mga kwento at experience na naririnig ko...

I thank God dahil patuloy ang pagbagsak ng blessings sa amin.

"... ang trabahong dati rati'y kinaiinisan ko... ngayon, minamahal ko na..."
Dahil sa pandaigdigang krisis, marami ang naapektuhan... kahit naman ang kumpanya namin, apektado... Di man ako makapag-demand sa amo ko na taasan ang sahod ko, gaya ng plano ko noong naka-leave ako, eh ok lang (sa ngayon?) dahil may trabaho ako at sumasahod ako...

"... ang mga taong walang magawa sa buhay... ngayon, ok na... tanggap ko na ganon talaga ang ugali nila.."
Akong nakakaintindi kaya dapat ako ang umintindi... at hanggang ngayon, patuloy ko pa ring ipinagdadasal na habaan pa ang pasensya at pag unawa ko sa kanila... at kung sakaling di ko na kaya, maipahayag ko sa kanila sa maayos na paraan ang mga bagay na nais kong iparating sa kanila...

"... ang patuloy na paglaki at magandang pangangatawan ni Angel, ni Amber at nang buong pamilya namin.."
Thankful ako dahil lumalaki silang malusog at matalino... and I know, lalaki silang may takot sa Diyos... same with our Family na mayroong maayos na pangangatawan..

"... ang matibay na pagsasama naming mag-asawa..."
Na kahit na madalas subukin ng panahon ang pagsasama namin, eh nahaharap namin iyon ng magkasama at di bumibitaw sa isa't isa...
I thank God for being the CENTER of our relationship.. I thank HIM for holding and keeping us together... and also, I thank my Husband for giving his best and understanding in everything...

"... ang pagiging instrumento namin sa iba para makatulong..."
We have to share our blessings... Yun lang kasi ung way namin para maibalik kay God yung mga blessings na natatanggap namin...

No comments: