Wednesday, February 28, 2007

Bloopers!

Wala akong masyadong sasabihin sa blog post na ito, kundi ang suportahan ang panibagong blog site na ginawa ng dalawang addict sa pag-bla-blog.
Ang pinagsamang pwersa ng dalawang addict, si Jewel at si Zire.
BLoopErs ang panibagong blog na inyong aabangan!
Tunghayan kung pano nila i-cherish ang mga kalokohan, katatawanan at kawalanghiyaan ng mga taong nakapaligid sa kanila.

Sunday, February 25, 2007

FRIDAY CELEBRATION! - 23rd February 2007

Hindi ko alam kung anong pumasok sa aming magkaka-household nang biglang tugtugin ang “GOD IS ENOUGH” bilang gathering song noong CLP.

Nagbatian kami ng HAPPY ANNIVERSARY at talagang inenjoy namin, ang pagkanta ng aming “THEME”.

Akala ko, hanggang doon na lang ang batiang iyon pero at the end of the program, nang kantahin ulit ang “GOD IS ENOUGH”, nagsimula na naman kaming magbatian, magwala, meron pa nga nakikipag-slamman. Ang saya! Lalo na kaming magkaka-household.

At dahil don, nagkayayaan kaming mag celebrate, kahit apat lang kami sa household ang magse-celebrate, eh marami namang sumama sa amin.

Ang saya! At ilang sa mga pangyayari eh mababasa dito.

Kita nyo naman kung pano naming sinelebrate ang anniversary namin di ba? Talagang binalikan namin ang lugar na sobrang kumita sa amin!

Marami pang katuwaang naganap pero saka ko na lang ikwekwento.

Para sa BATCH 20 ng SFC – DUBAI, HAPPY ANNIVERSARY!!!

At sa mga ka-household ko... HAPPY 2nd ANNIVERSARY!!!!

Mawawala??? Mawawalan???

Nahhhh!!!!

Gaya ng nasabi ng isa sa mga ka-sis ko, hindi kami mawawala at di rin kami mawawalan, bagkus madaragdagan pa!

Mawawala??? Oo! Mag-aasawa ang dalawa sa amin, magkakaroon ng kanila-kanilang mga sariling household ang apat sa amin, at kahit dadalawa na lang ang matitira sa household namin, still, magha-household pa rin kami! Tuloy pa rin ang asarin, laitan, barahan at lalaglagan namin! Tuloy pa rin ang damayan, iyakan, at dramahan ng isa’t isa. At tuloy pa rin ang sharing, discussion at pagpupuri sa “KANYA” na nagbind sa aming lahat.

Ang ORIGINAL HOUSEHOLD NAMIN... sama sama yan forever!

Mawawalan? Di siguro! Ngayon pa nga lang eh, sobrang dami nang kapuso at kapamilyang sumasama sa household namin, what more kung may mag-asawa at magkatuluyan sa mga kapamilya at kapuso na sumasama sa household namin? Mababawasan o mawawalan pa ba kami? Hindi di ba?

Gaya na lang nito. Nawalan ba kami? Hindi naman di ba?

2005 – 2006 – 2007

Bakit 2005 – 2006 – 2007? May koneksyon pa rin ito sa unang blog na naipost ko.

2005
Dito nagsimula ang lahat… Ang dalawa, naging anim, naging walo, naging siyam at naging sampu.

Eriz, Lie
Ate Jho, Eriz, Lee, Lie, Mae, Yong
Ate Jho, Ate Che, Eriz, Gina, Lee, Lie, Mae, Yong
Ate Jho, Ate Che, Eriz, Gina, Lee, Lie, Mae, Ying, Yong
Ate Jho, Ate Che, Eriz, Gina, Lee, Lie, Mae, Ying, Yong, Thea

2006
From Ten, naging siyam, naging walo, naging siyam, naging pito, naging walo...
Bakit kamo??? Kasi di kami makumple-kumpleto sa household, makumpleto man, bibihira lang.

To be fair naman sa aming 10, siyam-walo-pito na lang kaming natira ngayon, bakit siyam-walo-pito?

Siyam kasi ung isang ka-household namin, may sariling mundo! Joke! Hindi. After graduation, sabi sa amin ni Ate Jho na ang tawag ko na ngayon eh Mommy Jho, di na raw sya makontak.

Walo – dahil sa dalawa sa aking mga kapatid eh naging ina na rin ng ibang chapter, ang isa sa kanila eh nag-concentrate na muna sa Upper Household at Lower Household nya kaya naging walo na lang kami.

Pito – dahil madalas, di siya nakakasama sa household naming nitong 2006. (Ako ba un??? Joke!)


2007
Ilan na nga ba ang final count namin sa household??? 3 at magiging 2 na lang sila??? Hehehehe…

Kasi from nine noong 2006 na naging walo at naging pito, eh ngayon eh walo na ulit kami dahil si kapatid na madalas na hindi nakaka-attend ng household eh “I guess” makakaattend na.

Kaya lang… 4 sa walong un eh nag-fa-facilitate na at ilang bwan na lang ang lilipas eh magkakaroon na rin mga sari-sariling household.

So, 4 na lang ang natira. Eh sabi nung isa sa amin noong isa sa apat na natira noong huling household namin, eh mamamaalam na raw sya sa Original Household nya dahil magco-concentrate na daw sya sa Lower Household nya kahit na ba napag-usapan na kahit dalawa sa amin eh mag-aasawa na eh tuloy parin ang Household kahit maging fellowship na lang.

Ilan na lang sila??? Tatlo! Eh mag-aasawa na ung isa sa tatlo at ung mag-aasawa na un eh un ung mommy ng lahat, eh di dalawa na lng sila? Ano na kayang mangyayari sa kanila?

Hayyyy… pwede ba namang mapabayaan ang dalwang un? Syempre, bago iwan ng mommy namin un, ibibigay muna sila sa mabuting kamay hindi ba? Pero kahit na! Wala pa ring mawawala dahil ang ORIGINAL HOUSEHOLD NAMIN, ORIGINAL NA UN FOREVER! Mag-asawa man kami o hindi, sama sama pa rin kami!

Uy! Happy Anniversary na nga ba???

Teka, nag-iisip ako kung pano nagsimula ang lahat.

Sisimulan ko ba ang pagbibilang sa araw na nakita ko kayo, o sa araw na grumaduate tayo at nagsimulang mabonding-bondi-ngan???

Hay... Akalain mo, ung paiyak iyak, kabaliwan, at chicka-chickahan natin during discussion ng CLP (Christian Life Program) eh umabot sa ganitong taon? Hmmmm… Dalawang taon din pala tayong nagtitiisan sa isa’t isa???

Natiis ang kapasawayan ng bawat isa!
Natiis ang kadramahan at kawalanghiyaan.

Biruin mo, nasubukan rin pala ang pasensya namin sa isat isa ng ganon ganon lang nang di namin namamalayan.

Hay… buhay nga naman! Ang galing di ba? At Ang galing Lord! (Thank you po!) Dahil nabigyan ng ganong klaseng oportunidad ang aming pagkakaibigan.

Sayo, na nagbigay ng tribute... parang gusto mo na kaming mawala sa Household ha?? Ang aga pa para magbigay ng tribute! Pero salamat na rin sa maagang pagbibigay mo ng tribute sa amin un nga lang parang mali ang subject o title mo sa blog ha? Well, blog mo un kaya walang paki-alamanan, di ba?

At ikaw! Ikaw na nagpaiyak sa akin at di namansin ng 1 linggo! Hmp! Ang daya mo! Ang dami dami mong kinaiinisan sa paligid at ilang beses ka nang naaasar sa kapaligiran mo bakit sa akin, parang un lang, kinainisan mo na! Parang di mo ko kilala ha! Hmp! Pero to be fair with you, napikon kita! Yes! Wahahaha!!!

At sa mga ka-household ko, thank, thank, thank you… kahit ganito ako, ganito talaga ako! Hehehe… Dito lang naman ako, isang tawag ka lang! Dadamayan kita (kahit telepono lang! Di kasi kita ma-a-assure na masasamahan kita sa kadramahang haharapin mo, kasi you know!)

Well… para sa ating lahat… HAPPY 2ND ANNIVERSARY!!!

(Kapag nagcelebrate tayo, pede balikan naman natin ung mga kainan na kumita na sa atin! Joke! Hehehe…)

Tuesday, February 20, 2007

Wish I Could

I wonder where you are right now
Wish I could see you somehow
Can't seem to ease the pain
Since you've been gone nothing's been the same
How I wish you could've stayed awhile
How I wish that I could see you smile for me

Wish I could hold you in my arms
Keep you safe and keep you warm
But now all I can do
Is hope and long for you

You're in my mind every night and day
Wishing you're part of me in every way
'Coz all I wanted to do was to always be there for you
Wish that I could tell you just how much I love you

I guess I should not fear
'Coz I know God can hear (I know)
And He's telling me you're alright
And there's no need to worry
Oh my baby, I am so sorry (so sorry)
If I had known, maybe you could've been here with me

Wish I could hold you in my arms
Keep you safe and keep you warm
But now all I can do
Is hope and long for you, you, you, you

You're in my mind every night and day
Wishing you're part of me in every way
'Coz all I wanted to do was to always be there for you

How I wish I could hold you in my arms
Keep you safe and keep you warm
But now all I can do
Is hope and long for you

You're in my mind every night and day
Wishing you're part of me in every way
'Coz all I wanted to do (I wanted to do)
Was to always be there for you

Wish that I could tell you just how much I love you(Wish I could)

Wish that I could tell you...that I love you

Sunday, February 11, 2007

Eversince The World Begun

by The Survivors

I never knew what brought me here
As if somebody led my hand
It seems I hardly had to steer,
My course was planned.

A destiny that guides us all
And by it's hand we rise and fall;
But only for a moment time
Enough to catch our breath again.

And we're just another piece of the puzzle,
Just another part of the plan;
Oh, when life touches the other,
It's so hard to understand.

Still we walk this road together,
We travel through as far as we can;
And we have waited for this moment in time
Ever since the world begun.

Takin' in the times gone by
We wonder how it all began
We never know and still we try to understand.

And even though the seasons change
The reasons still remain the same;
It's love that keeps us holdin' on
Til we can see the sun again

And we're just another piece of the puzzle,
Just another part of the plan;
Oh, when life touches the other,
It's so hard to understand.

Still we walk this road together,
We travel through as far as we can;
And we have waited for this moment in time
Ever since the world begun.

And I stand alone, a man of stone, against the drivin' rain
And the night it's got your number, and the wind it passes your name;
And we search for truth, win or lose to whisper on again.
Where hopes still burns eternal,
We're the people of the plain.
And we're just another piece of the puzzle,
Just another part of the plan;
Oh, when life touches the other,
It's so hard to understand.

Still we walk this road together,
We travel through as far as we can;
And we have waited for this moment in time
Ever since the world begun.

Saturday, February 10, 2007

Noon at Ngayon

Ilang taon na rin tayong magkakilala at alam kong naging saksi ka bawat bagay na pagbabago ko. Ultimo ang pinaka maliit na pagbabago ko ay alam mo.

NOON, madali akong mayayaya sa mga lugar o okasyon dahil NOON, malaya akong magdesisyon ng kung anong gusto ko.

NOON, nasasabayan ko kung anong gusto ng mga kaibigan ko dahil NOON, mag-isa lang ako. (Kahit naman nasa isang relasyon ako na walang kwenta, kahit papaano, nakakasama ako).

NOON, kahit anong oras umuwi, okay lang dahil NOON wala namang naghihintay sa akin, at kung meron man, kayang kaya ko namang palusutan!

NOON, kapag nainis ka, nagalit o na-asar okay lang sa akin dahil NOON alam kong mali ang mga ginagawa ko at dahilan ka para magalit.

Pero NGAYON, nagbago na ako.
- di na ko nakikipagsabayan
- di na ko pwedeng makipagpuyatan
- di na ako mayayayakad ng walang alinlangan

dahil NGAYON...
- di na ako malayang magdesisyon ng sa akin lang
- di na ako nag-iisa
- at may dapat na akong ikunsidera na parte ng buhay ko


Di ba masyadong malaki na ang ipinagbago ko, at kung meron pa akong hindi nasabi, alam kong alam mo kung anong mag dahilan noon at ngayon.

Maiinis ba ako?

Minsan sa buhay ng tao, may pagkakataong kailangan mong mag-desisyon sa dalawang bagay.

May pangyayari sa buhay ko nitong mga nagdaang linggo na kinakailangan ng desisyon. Pero sa bawat desisyon na bibitawan ko, palagi na lang may iisang taong kailangang magreact o magalit.

Naranasan nyo na bang mamili kung saang direksyon kayo tutungo? Kung kanan ba o kaliwa? O kung dederecho ka ba o hindi? Gayong alam mo naman kung ano ang kahihinatnan ng bawat desisyong iyong bibitawan.

Gusto kong mainis kapag nasa ganong sitwasyon ako, pero bakit pa? Wala rin namang mangyayari kung maiinis ako di ba? Kaya lang minsan nakakapikon na...

Ang hirap kasi eh. Either way, may magagalit. Kapag sumama ka sa isa, magagalit ung isa. Kapag hindi ka naman sumama, ung isa naman ang magagalit.

Nakakapikon. Nakakainis.

Nahihirapan din ako kala nyo ba? Kapag nag-iinarte kayo na para bang isang malaking kasalanan na ang nagawa ko.

Masakit isipin na hindi naiintindihan ang bawat desisyon na binibitawan ko lalo na’t alam naman kung anong dahilan. Pero ano bang magagawa ko? Wala naman di ba. Kahit naman, humingi ako ng tawad at sabihing babawe na langa ko, bale wala rin naman kasi inis lang naman nila ang iniintindi nila pero di nila naiisip kung anong nararamdaman ko sa mga pagkakataong iyon.

Minsan para wala na lang gulo, i-give up ko na lang kayo. Walang kaibigang ituturing, walang mapapangasawang sasamahan. Tutal, parehas nyo namang hindi naiintindihan kung anong nararamdaman ko, parehas nyong hindi naiintindihan kung anong sitwasyon meron ako. Siguro kung wala na kayo, mas madali na para sa aking kumilos, walang iisipin na baka may magalit, na baka may mapikon o magtampo.

At least, kung i-give up ko silang parehas at magalit man sila, patas sila kasi wala sa kanila kung ano mang napagdesisyunan ko.

Sana, ganon lang kadali yun para hindi ko na tinatanong ang sarili ko kung ano bang gagawin ko? Kung ano bang magiging desisyon ko! At isipin kung ano bang dapat na maramdaman ko.

Thursday, February 08, 2007

Kamusta na ako?

Matapos ang ilang linggong pananahimik, kamusta na nga ba ako?

Ilang linggong pananahimik at ilang araw na wala sa sarili, ano kayang iisipin po kapag ganong tao ang makikita mo? Nababaliw? Torete? O nag-aadik???!!

Hindi naging maganda ang pasok ng Pebrero ko dahil sa maraming dahilan. Isang lingo pa lang ang nakakalipas pero pakiramdam ko ang laki na ng ipinayat ko. Ikaw nang mawalan ng gana sa pagkain, mag-isip ng mag-isip, at kung ano ano pa.

Nasagot ko ba ang tanong ko? Siguro hindi. Kayo na lang ang humusga dahil tatapusin ko na ang lathala kong ito. Nawalan kasi ako ng gana. May nilolook forward ako sa Friday pero pakiramdam ko, di na naman matutuloy at maghihintay na naman ako ng isa pang linggo.