Monday, July 30, 2007

?!???

Ngayong araw na ito, sa di ko malamang dahilan, masyadong mabigat ang araw kong ito sa akin. Nakakatamad, nakakawalang gana at nakakainis. Maaaring nagiging baul na naman kasi ako ng kaalaman kaya nagkakaganon o dahil lang sa ako’y nagugutom na?

Hay.. ang hirap magsulat ng walang laman ang tyan mo dahil hindi umaandar ang utak mo.. Kanina pa ako umorder ng food pero isang oras na, di pa dumarating.

Matapos ang isang oras at trenta minutos, sa wakas, ang pagkain ko’y dumating na.. Naka-kain na ako’t nakapagpahinga ngunit tila walang pagbabago sa aking pakiramdam. Mabigat pa rin ang aking kalooban.

Sa sobrang dami kong nalalaman sa paligid ko, tila nararamdaman ko na rin ang nararamadaman ni jewel sa twing nag-uusap kami, sa twing sinasabi nyang mahirap magdala ng mga istorya’t kaalaman tungkol sa mga taong nakapaligid sayo.

Pakiramdam ko, isa na akong “baul ng kaalaman” na para bang kapag tinanong mo ako ng isang bagay eh masasagot kita ng “hindi yan totoo..” o kaya ng “mag-usap na lang kayo!”. Ang hirap, ang bigat..

Nakakairita kasing isipin na sila sila may sinasabi sa isat isa pero kapag nagkita naman, parang walang sinabi.. Ayoko kasing nakakarinig at nakakakita ng ganon, na nagplaplastikan o kaya’y nakikipaglokohan. Ayoko kasing ginagawa din sa akin un kaya siguro ayoko ng ganon.

Kung puede ko lang sabihin sa inyo kung anong alam ko, sana sinabi ko na, pero dahil hindi pede, patuloy ko pa ring dadalhin ang mga ito khit nabibigatan na ang aking loob.

Paki-usap: Mangyari lamang pong wag nyo na akong tanungin baka kasi kapag tinanong nyo pa ako eh matarayan ko lang kayo.. pasensya na po..

No comments: