Sunday, July 29, 2007

If You..

“If you have given the chance to go back from your past, would you?”

Isang tanong na hindi maalis alis sa aking isipan.. And I guess it’s another wakeup call nanaman sa akin ni Lord ‘to para magising sa isang pangyayaring nangyaring alam kong hindi naman mangyayari (ang gulo di ba???)

Kung nababasa nyo ang mga write ups ko sa blog na ito at ito, oh well, I can say na makakarelate kayo. Alam ko sa sarili kong kung maaari lang na balikan ko ang nakaraan ko, babalikan ko ngunit mas minabuti ko pang wag nang balikan ang mga ito sa kadahilanang, hindi ako magiging ganito kung hindi dahil sa nakaraan ko.

Kapag bumalik ako sa panahon na gusto kong balikan, alam ko maraming magagandang bagay na mangyayari sa akin.

- Hindi ako mamrumrublema sa trabaho dahil alam kong isa akong dakilang taong bahay lang na sinusuntetohan.
- Wala akong credit cards at loan na binabayaran.
- Hindi ako magwoworry sa mga bagay na dapat kong asikasuhin
- Sa madaling salita, ako’y magmimistulang buhay reyna dahil sa karangyaang meron ako.

Ngunit sa kabila ng magagagandang bagay na un at kaginhawaan sa buhay ko, alam ko, mas mawala ang lahat sa akin na meron ako ngayon...

- Unang una dito ang anak kong mahal na mahal ko. Makulit, bibo, matalino’t malambig.
- Mawawala ang mga kaibigan kong pasaway, aking kachukaran sa oras na akoy nalulungkot at nagdadalamhati, na alam kong mahal na mahal ako’t susuportahan sa lahat ng bagay.
- Mawawala ang sfc community na kung saan ako’y masayang naglilikod sa “KANYA”, kung saan ko nakita ang aking kahinaan, kung saan ko nakilala ang aking sarili at kung saan ko natuklasan ang hangarin ko sa buhay.
- Hindi ko makikilala ang taong alam kong makakasama ko sa buhay at alam kong gagabay at mag-aaruga sa akin habang ako’y nabubuhay.
- Hindi ako magiging matatag sa mga pagkakataong ako’y sinusubok NIYA, dahil kung hindi dahil sa mga karanasan ko, hindi ako ganito.

Kaya bilang konklusyon ng aking blog… mabuti pang wag nang balikan ang nakaraan at hayaang ang multo ng kasalukuyang magparamdam dahil alam ko sa sarili kong kahit kailan hindi ako nagkulang at hindi ko sya kawalan.

No comments: