Monday, August 06, 2007

Ako at ang nag-iisang ako...

Simple lang naman ang nag-iisang ako at di ko na kailangan isa isahin un, ipaliwanag at idepensa sa inyo.

Simple, mataray, mabait, maldita at prangka/totoong tao.. pero kahit kailan, hindi ako pumapatol sa mga taong kinaaasaran ko..

Kaya kong intindihin ang lahat ng tao, lahat ng bagay hanggang sa malalim na hukay na kakayanin ko.

Tahimik lang ako kapag galit.

Suplada, walang kibo, magpaparamdam na ako'y asar o inis pero di ako gumaganti o kahit pumapatol sa pagiging asar ko lalo na kung walang kakwenta kwenta ito.

MALDITA lang AKO pero HINDI AKO BASTOS!

Lahat ng bagay sa mundo, may hangganan... may katapusan... nagbabago... Kahit ang tao, nagbabago.. Gaano man ito kabait, napupuno rin... sumusuko...

Minsan sa buhay ng tao, hindi lahat ng bagay papabor sayo..
Hindi lahat ng pagkakataon nasa sa iyo.
Kailangan din nating amining nagkamali tayo at matuto sa mga pagkakamali.
Huwag natin isisi sa ibang tao ang mga pagkakamaling tayo ang nakakagawa.

Hindi ako plastik na tao... Kung ayoko sayo, ayoko sayo.
Pero gaya ng nasabi ko, lahat ng bagay nagbabago...
Puedeng ang "ayoko sayo" eh maging "okay tayo",
Hindi dahil sa ako ay plastik, un eh dahil may nabago...

Simple lang ako.. simple pero totoong tao...

No comments: