Sunday, August 26, 2007

Para Sayo

Sa tagal ng ating pagsasama,
Kilalang kilala na kita...
Saksi ako sa mga luha at pasakit,
Nang nakaraan mong naging malupit..

Lungkot at hirap,
Na noon ay iyong hinarap..
Nasa likod mo lang ako,
Aking pinapaalala..

Marahil masyadong sarado ang iyong isipan,
Sa mga kaganapan ng iyong nakaraan..
Kaya di mo nalalaman,
May mga tao sa iyong kapaligiran..

Sa paglipas ng ilang taon,
Sa wakas, nakita rin kitang maligaya..
Huwag mo sanang sayangin,
Ang sayang iyong natatamasa..

Masaya akong makita kang nakatawa,
At ninanamnam ang saya…
At lalo akong magiging masaya,
Kung mawala ng lubusan ang natitirang lungkot sa iyong mga mata…

Di natin alam kung paano maglaro ang tandahana..
Di natin alam kung ano ang susunod na kapalaran..
Pero sana tandaan mo, ano man ang dumaan,
Nandito lang ako para ika’y gabayan..

Harapin mo ang pagsubok,
Maging matatag ka sa paghamon,
Papaalala ko lang sayo,
Ang sinabi mo sa akin noong hindi pa kayo..

Lahat ng bagay, may katumbas na paghamon,
Lahat ng bagay ay may roong dahilan..
Wala kang dapat ikabahala,
Sa pagsubok na sa iyo’y dumadaan..

Maganda nga ang iyong kinabukasan,
Ngunit magiging masaya ka ba naman?
Simpleng buhay lang ang meron sya,
Pero alam ko namang abot langit ang iyong saya..

Ikaw ang nakakaalam,
Ikaw ang nakakaramdam..
Ikaw ang magiging tauhan,
Sa sinasabi nilang kinabukasan..

Marami akong gustong sabihin,
Marami akong gustong iparating,
Pero tanging ikaw pa rin,
Ang taong makakapagsabi..

Sabi nga nila,
Di masamang magsalita..
Maiintindihan ka naman nila,
Sapagkat ika'y mahal nila...

Kausapin mo sila,
Ipaalam mo kung anong meron ka,
Wag mong limitahan ang kakayahan nilang umunawa,
Lalo na’t alam naman nilang, doon ka magiging maligaya...

Huwag kang matakot,
Huwag kang mangamba..
Andito kami at nandito lang SYA,
Di ka bibitawan sa mga pasaning iyong dala-dala...


Kapatid...
Hindi ko masabi sayo ito ng harapan sa kadahilanang wala akong lakas ng loob na ika'y pagsabihan.. Matanda ka na at alam mo kung saan ka magiging masaya.. Matuto kang ipaglaban kung anong alam mong tama..

Hindi masama magdesisyon ng para sa sarili mo pero sa tingin ko, ang mahabang panahong nilaan mo para kanila ay sapat na at panahon mo namang bigyan ng tuon ang buhay mo.

Di ka tumatanda ng pabata, kaya nga may salitang tumatanda di ba? Kaya sana, matuto kang magsalita.. Wala namang mawawala kung kakausapin mo sila.

Buhay mo yan.. Minsan lang sayo ibibigay ng Poong May Kapal.. Wag mong sayangin, gawin mo ang dapat mong gawin... Paalala ko lang sayo, hiram lang natin ito... Ayokong makita kitang nanghinayang pagdating ng araw ng kukunin na NYA ito.

Mahal ka naman nila eh, alam kong maiintindihan nila ang gusto mo. Maaaring manghihinayang sila pero sa umpisa lang naman ito.

Hiling ko sa Poong May Kapal na ika'y gabayan sa desisyong iyong bibitawan..

Ikaw na ring nagsabi "Nagdesisyon ka ng ganyan... Successful man o unsuccessful, wala kang panghihinayanganan dahil alam mong sa sarili mong naging masaya ka.. Lahat ng bagay, kailangan mong mag-take risk, may consequences.." Eto na ang consequences, aatras ka na ba?


*** Ma-iba lang... Yahoooo!!! New record!!! 5 – 10 mins in the making! Nax! Mahaba haba din ang sulatin kong un ha kumpara sa dati kong sulatin na 5 mins din..

No comments: