Thursday, August 16, 2007

Ang Kwento ng aking “Isang” Kaibigan

Ang katunayan nito, di nya alam na muli ko na naman siyang ibinibida sa king mundo ng pagbla-blog! At sa pagkakaalam ko, hindi nya rin mababasa ang mga pinagsususulat ko tungkol sa kanya. Mabasa nya man ito, malamang huli na at marami nang nakabasa’t nakaalam ng tungkol sa kwento nyang ito.

Itong si Kaibigan kong ito, masaya ako kapag kapag kausap ko sya. Madalas, kapag may problema ako, sa kanya ako lumalapit kasi nakakalimutan ko ang problema ko. Minsan naman, kapag lungkut lungkutan ang drama ko, sya ang tinatawagan ko, kasi marami syang kwentong mai-kwekwento sayo.

Sa kanya ko nakita na puede nating tawanan ang problema.. Iyak ng konti kapag mabigat na, at huwag kalimutang humingi ng tulong sa “KANYA” at magpasalamat sa mga blessings na natatanggap natin.

Sa kanya ko rin nakukuha ang mga istoryang kakatawa at sa kanya ko naririnig ang halakhak ng isang donya! Bwahahaha!!!

Pero nitong nagdaang araw, bihira ko na sya makita. “Busy” daw sya, sabi nya. Ikaw na kasing maging sikat, tingin mo di ka ba mabi-busy. Malalaman ko na lang na nanjan kapag may kakatok sa kwarto naming mag-asawa ng disoras ng gabi, kasi alam nya na gising pa kami o kaya naman eh, pakikiramdaman naming mag-asawa kung sya nga ung nagkwe-kwento sa kabilang kwarto gaya ng nasasabi sa kwentong ito.

O ano, nabasa nyo na??? Kaya kahit san kami magpunta ng asawa ko, di namin makakalimutan ang aming panggulo este, si Kaibigan kasi ikaw nang mabulahaw ng madaling araw di mo ba mamimiss yun lalo na’t may manggugulo sa aming mga patulog na diwa.. hehehe..

Una-unahan lang Kaibigan! Pasensya na, na-una ako eh.. Baka kasi makalimutan ko pa eh.. :P

Sabi ko naman sayo mah friend, you always put smile on my face and made me laugh everyday eh, especially with those moments I have with you. I love you mah friend! Mwah!

Peace! :P

Related Links:
You Made Me

1 comment:

G said...

kilala ko to...the best yan! love ko yan!

eriz, ang sarap sabihin ng 'asawa ko" hay... hehehe!!!
mwah!