Tuesday, August 28, 2007

Ang Aking Sentimyento

~ Repost ~
18.08.2007 - 1:01 pm


Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang aking nararamdaman,
Takot at pagkabahala sa aking mga nalaman...
Akala ko’y wala kang muang sa iyong kapaligiran
Ngunit ang lahat pala ng ito’y pawang kabulaanan...

Hindi ako nagdaramdam sa mga bagay na aking nalaman,
Sapagkat iyon ay bahagi ng iyong nakaraan..
Ngunit ilang bagay pa ang aking matutuklasan,
Para maging dahilan ng aking pag-kabahala...

Tinanggap mo ako ng kung ano at sino ako,
Tatanggapin rin kita ano man ang naiwan mo..
Ngunit sana’y sabihin mo kung anong totoo,
Sino ka at anong meron ka sa nakaraan mo..



Related Links: My Sentments (English Version)

Eto para naman sayo...

Oo, sayo na hindi ko malaman kung anong meron sayo
At kung bakit ka masyadong apektado!

Simple lang ang sasabihin ko,
Sana maintindihan mo..
Siguro naman marunong kang magbasa,
At siguro rin naman malawak ang pag-unawa mo..

Huwag mong ikumpara ang sarili mo sa iba,
Lalong lalo na kung sa akin pa..
Iba ka, mas lalong iba ako,
Kaya wag mo kong itulad sayo..

Plastic ka, Tao ako..
Mataray ka, Maldita ako..
Kung maganda ka, ano naman ako???
Hay.. sabi ko naman sayo, magkaiba tayo!

Tahimik na ang mundo ko at planado,
Kaya wag mo na akong idamay,
Sa gumuguho mong mundo..

Ang taray di ba?!?!!
Kausapin mo ko, kakausapin naman kita..
Ako na ngang lumapit sayo, ikaw pang kumawala..

Sunday, August 26, 2007

..Happy Ending..

Hindi naman lingid sa inyong kaalaman ang mga pinagdaanan ko sa buhay.. Hindi rin lingid sa inyo ang estado ko ngayon sa buhay..

Kanina, naisipan kong kamustahin ang mga taong naging parte ng buhay ko…
Masaya akong nakausap sila at lalo akong naging masaya noong malamang kong masaya “sya”.

Bonus pa nito, nandoon din ung taong gusto ko “sanang” makausap pero hindi ako nabigyan ng pagkakataong sya ay makausap. Oh well.. ok lang… Pero gusto ko sanang iparating sa kanya na harmless naman ako.. Un nga lang, nakakamatay ang tingin ko.. hehehe… Joke!

Sana nga “welcome” pa rin ako sa “inyo”… Sana nga, “kayo pa rin ung dating” kakilala ko.. Although may mga sari sarili na tayong buhay nagyon, pero masaya akong mabalitaang masaya kayo ngayon.

At sayo, oo sayo.. di man naging maganda ang katapusan ng ating kwento, naging masaya naman ang katapusan ng kwento ng bawat isa.

Di ba Happy Ending!!! Dalangin ko ang katuparan ng pagplaplano nyo at hiling ko ang habang buhay na kasiyahan ninyong dalawa.


Paalala: Huwag mo sanang kalimutan ang responsibilidad mo bilang AMA. Ingatz! At masaya akong malaman na masaya ka sa piling nya! *winks*









Para Sayo

Sa tagal ng ating pagsasama,
Kilalang kilala na kita...
Saksi ako sa mga luha at pasakit,
Nang nakaraan mong naging malupit..

Lungkot at hirap,
Na noon ay iyong hinarap..
Nasa likod mo lang ako,
Aking pinapaalala..

Marahil masyadong sarado ang iyong isipan,
Sa mga kaganapan ng iyong nakaraan..
Kaya di mo nalalaman,
May mga tao sa iyong kapaligiran..

Sa paglipas ng ilang taon,
Sa wakas, nakita rin kitang maligaya..
Huwag mo sanang sayangin,
Ang sayang iyong natatamasa..

Masaya akong makita kang nakatawa,
At ninanamnam ang saya…
At lalo akong magiging masaya,
Kung mawala ng lubusan ang natitirang lungkot sa iyong mga mata…

Di natin alam kung paano maglaro ang tandahana..
Di natin alam kung ano ang susunod na kapalaran..
Pero sana tandaan mo, ano man ang dumaan,
Nandito lang ako para ika’y gabayan..

Harapin mo ang pagsubok,
Maging matatag ka sa paghamon,
Papaalala ko lang sayo,
Ang sinabi mo sa akin noong hindi pa kayo..

Lahat ng bagay, may katumbas na paghamon,
Lahat ng bagay ay may roong dahilan..
Wala kang dapat ikabahala,
Sa pagsubok na sa iyo’y dumadaan..

Maganda nga ang iyong kinabukasan,
Ngunit magiging masaya ka ba naman?
Simpleng buhay lang ang meron sya,
Pero alam ko namang abot langit ang iyong saya..

Ikaw ang nakakaalam,
Ikaw ang nakakaramdam..
Ikaw ang magiging tauhan,
Sa sinasabi nilang kinabukasan..

Marami akong gustong sabihin,
Marami akong gustong iparating,
Pero tanging ikaw pa rin,
Ang taong makakapagsabi..

Sabi nga nila,
Di masamang magsalita..
Maiintindihan ka naman nila,
Sapagkat ika'y mahal nila...

Kausapin mo sila,
Ipaalam mo kung anong meron ka,
Wag mong limitahan ang kakayahan nilang umunawa,
Lalo na’t alam naman nilang, doon ka magiging maligaya...

Huwag kang matakot,
Huwag kang mangamba..
Andito kami at nandito lang SYA,
Di ka bibitawan sa mga pasaning iyong dala-dala...


Kapatid...
Hindi ko masabi sayo ito ng harapan sa kadahilanang wala akong lakas ng loob na ika'y pagsabihan.. Matanda ka na at alam mo kung saan ka magiging masaya.. Matuto kang ipaglaban kung anong alam mong tama..

Hindi masama magdesisyon ng para sa sarili mo pero sa tingin ko, ang mahabang panahong nilaan mo para kanila ay sapat na at panahon mo namang bigyan ng tuon ang buhay mo.

Di ka tumatanda ng pabata, kaya nga may salitang tumatanda di ba? Kaya sana, matuto kang magsalita.. Wala namang mawawala kung kakausapin mo sila.

Buhay mo yan.. Minsan lang sayo ibibigay ng Poong May Kapal.. Wag mong sayangin, gawin mo ang dapat mong gawin... Paalala ko lang sayo, hiram lang natin ito... Ayokong makita kitang nanghinayang pagdating ng araw ng kukunin na NYA ito.

Mahal ka naman nila eh, alam kong maiintindihan nila ang gusto mo. Maaaring manghihinayang sila pero sa umpisa lang naman ito.

Hiling ko sa Poong May Kapal na ika'y gabayan sa desisyong iyong bibitawan..

Ikaw na ring nagsabi "Nagdesisyon ka ng ganyan... Successful man o unsuccessful, wala kang panghihinayanganan dahil alam mong sa sarili mong naging masaya ka.. Lahat ng bagay, kailangan mong mag-take risk, may consequences.." Eto na ang consequences, aatras ka na ba?


*** Ma-iba lang... Yahoooo!!! New record!!! 5 – 10 mins in the making! Nax! Mahaba haba din ang sulatin kong un ha kumpara sa dati kong sulatin na 5 mins din..

Thursday, August 16, 2007

Ang Kwento ng aking “Isang” Kaibigan

Ang katunayan nito, di nya alam na muli ko na naman siyang ibinibida sa king mundo ng pagbla-blog! At sa pagkakaalam ko, hindi nya rin mababasa ang mga pinagsususulat ko tungkol sa kanya. Mabasa nya man ito, malamang huli na at marami nang nakabasa’t nakaalam ng tungkol sa kwento nyang ito.

Itong si Kaibigan kong ito, masaya ako kapag kapag kausap ko sya. Madalas, kapag may problema ako, sa kanya ako lumalapit kasi nakakalimutan ko ang problema ko. Minsan naman, kapag lungkut lungkutan ang drama ko, sya ang tinatawagan ko, kasi marami syang kwentong mai-kwekwento sayo.

Sa kanya ko nakita na puede nating tawanan ang problema.. Iyak ng konti kapag mabigat na, at huwag kalimutang humingi ng tulong sa “KANYA” at magpasalamat sa mga blessings na natatanggap natin.

Sa kanya ko rin nakukuha ang mga istoryang kakatawa at sa kanya ko naririnig ang halakhak ng isang donya! Bwahahaha!!!

Pero nitong nagdaang araw, bihira ko na sya makita. “Busy” daw sya, sabi nya. Ikaw na kasing maging sikat, tingin mo di ka ba mabi-busy. Malalaman ko na lang na nanjan kapag may kakatok sa kwarto naming mag-asawa ng disoras ng gabi, kasi alam nya na gising pa kami o kaya naman eh, pakikiramdaman naming mag-asawa kung sya nga ung nagkwe-kwento sa kabilang kwarto gaya ng nasasabi sa kwentong ito.

O ano, nabasa nyo na??? Kaya kahit san kami magpunta ng asawa ko, di namin makakalimutan ang aming panggulo este, si Kaibigan kasi ikaw nang mabulahaw ng madaling araw di mo ba mamimiss yun lalo na’t may manggugulo sa aming mga patulog na diwa.. hehehe..

Una-unahan lang Kaibigan! Pasensya na, na-una ako eh.. Baka kasi makalimutan ko pa eh.. :P

Sabi ko naman sayo mah friend, you always put smile on my face and made me laugh everyday eh, especially with those moments I have with you. I love you mah friend! Mwah!

Peace! :P

Related Links:
You Made Me

Monday, August 06, 2007

Ako at ang nag-iisang ako...

Simple lang naman ang nag-iisang ako at di ko na kailangan isa isahin un, ipaliwanag at idepensa sa inyo.

Simple, mataray, mabait, maldita at prangka/totoong tao.. pero kahit kailan, hindi ako pumapatol sa mga taong kinaaasaran ko..

Kaya kong intindihin ang lahat ng tao, lahat ng bagay hanggang sa malalim na hukay na kakayanin ko.

Tahimik lang ako kapag galit.

Suplada, walang kibo, magpaparamdam na ako'y asar o inis pero di ako gumaganti o kahit pumapatol sa pagiging asar ko lalo na kung walang kakwenta kwenta ito.

MALDITA lang AKO pero HINDI AKO BASTOS!

Lahat ng bagay sa mundo, may hangganan... may katapusan... nagbabago... Kahit ang tao, nagbabago.. Gaano man ito kabait, napupuno rin... sumusuko...

Minsan sa buhay ng tao, hindi lahat ng bagay papabor sayo..
Hindi lahat ng pagkakataon nasa sa iyo.
Kailangan din nating amining nagkamali tayo at matuto sa mga pagkakamali.
Huwag natin isisi sa ibang tao ang mga pagkakamaling tayo ang nakakagawa.

Hindi ako plastik na tao... Kung ayoko sayo, ayoko sayo.
Pero gaya ng nasabi ko, lahat ng bagay nagbabago...
Puedeng ang "ayoko sayo" eh maging "okay tayo",
Hindi dahil sa ako ay plastik, un eh dahil may nabago...

Simple lang ako.. simple pero totoong tao...

Sino nga ba ako sa akala nyo???

First Impression :
Antipatika, maarte, maldita, suplada, mataray, hindi accomodating na tao, at palaban!

Oh well, yun ang sabi ng ibang tao, at hindi lahat ng ng first impression eh nag-la-last!

Pero ang sabi ng mga nakakakilala sa akin, sobrang genereous, mahaba ang pasensya, supportive sa mga kaibigan at pamilya, masayahin, makulit, totoong tao, iyakin, mabilis o malakas ang mood swing, maldita nga pero mabait.

Pero sino nga ba talaga ako sa akala nyo? Yung first impression o yung sabi ng mga nakakakilala sa akin?

Friday, August 03, 2007

Me and Dheebho

"Kung ang mahiwagang mug nga ng ibang tao, naipagmamalaki ko, un pa kayang pag-aari ko???"









Presenting.....































ME and DHEEBHO

Gift yan sa akin ng Hubby Ko...
I Love You G!!!
Mwah!
Thank You po!


Wednesday, August 01, 2007

You are the JOY of MY HEART

Alam mo nagsisimula ka na naman,
Actually, kahapon mo pa sinimulan...
Pero dahil sa gustong kong i-improve ang personality ko,
Mas palalalimin ko pa ang pasensya’t pag-intindi ko...

Sabi nga sa Discover Weekened Talk no. 4 na inatenad ko..

You are the JOY of MY HEART
kasi
I SEE my JOY in YOU :)


GOD BLESS!