Saturday, October 28, 2006

Ano nga ba?

Last week may nakausap ako. Problemado sya sa isang bagay na di naman dapat problemahin. Ang sitwasyon kasi naiipit sya sa isang bagay na di nya malaman kung anong solusyon. Di naman daw sya nakikialam sa mga gulong umiikot sa paligid nya. Tanging pakikinig lang naman daw ang ibinibigay nya. Ni ang magtanong nga daw di nya magawa, magreact pa kaya. Dahil alam na kasi nya kung anong magaganap. Alam na daw nya kung anong epekto. Gugulo lang daw ang mundo nya. Pero may isang sitwasyon na dumating sa kanya, at tanging isang tao lang ang kayang makaintindi ng ugali nya. Siguro kasi kayang i-explain ng taong iyon sa kanya kung anong nararamdaman nya, kung tama bang mainis sya, manahimik at magsakripisyo, o dapat bang magsalita sya kung anong opinion nya. Sinabi nya lahat ng hinaing nya sa paligid na sagot naman daw ng kakilala nya, “normal lang” yon.

Dumaan ang ilang araw, at nakausap ko na naman sya. Naiinis na naman daw sya sa paligid nya.

ako: Bakit?
sya: Kasi pakiramdam ko, ako pang pinaghihinalaan sa gulong nagaganap

ako: Guilty ka?
sya: Hindi, pakiramdam ko lang mali lang ung taong napagbuhusan ko ng sama ng loob sa mundo.

ako: Bakit mo naman nasabi un?
sya: Kasi “parang” ni relay niya ung sama ng loob ko sa gulong nagaganap, at kung pano tumingin ang mga kaibigan ko sa akin, parang may kinalaman ako sa mga pangyayari.

ako: Meron nga ba?
sya: Wala! Nakikinig nga lang ako sa kanila at di na nagrereact kasi hindi ko naman alam kung anong puno’t dulo ng lahat. Kung nakapagsalita man ako, di yun tungkol sa pangyayari, tungkol yun sa mga hinaing ko sa mga taong nakapaligid sa akin

ako: Aahhh... wag mo na silang problemahin. Mabuti pang ilayo mo na lang ang sarili mo sa mga sitwasyong alam mong makakapagpahamak sayo. Kung may bagong balita, hayaan mo na lang silang magtsismisan at palakihin ang problema. Kahit pakikinig wag mo na ring pakinggan kasi ikaw lang ang nag-iisip. Ikaw lang ang naaapektuuhan. Hayaan mo na lang silang gumawa ng sarili nilang gulo.
sya: Di puede kasi alam kong mali na ang ginagawa nila. Parehas ko kasing alam ang gusto nilang iparating.

ako: Ganon ba... Ganito na lang, kapag may gustong kumausap uli sayo tungkol sa gulong sinasabi mo, unahan mo na kaagad sila. Sabihin mo “kung tungkol yan sa gulo nyo, please wag nyo ng sabihin. Ayoko ng makarinig ng kahit ano tungkol jan”. Ang taray di ba? O kaya, ibahin mo na agad ung usapan para di na nila makwento sayo kung anong dapat nilang ikwento.

Tatawa tawa lang sya, siguro kasi akala nya nagbibiro ako, pero ung totoo, hindi. Kasi para sa akin, kung di mo naman alam parehas ang kwento bakit ka pa magsasalita. Di mo alam, nakakadagdag ka lang ng pressure o sama ng loob sa kanila. Di mo alam, di mo sila natutulungan, malamang, mapalala mo pa ang sitwasyon pero kung alam mo naman parehas ang kwento, at nadala ka na sa sitwasyon, siguro, iwasan mo na lang sila kung paulit ulit na usapin pa rin ang pinag-uusapan nila. Kahit gusto mong makinig, hayaan mo na lang sila. Ibaling mo sa iba ang atensyon mo, wag sa kanila, kung sakaling magkagipitan man, sigurado, di ikaw ang sisisihin nila, kasi wala ka namang alam sa gulong pinasok nila eh. At kung ikaw pa rin ang sisihin nila at pinaghihinalaan, hehehe... panget mang sabihin, hindi sila worthy para maging kaibigan mo.

Minsan, sarili mo naman ang isipin mo. Wag mo ng isipin ang iba, kasi kakaisip mo sa iba, di mo namamalayan, ikaw ng nagsasakripisyo, ikaw ang napapahamak. Kahit sama ng loob, wag ka na rin magsalita sa kanila. Siguro sa malapit na kamag-anak mo na lang ikaw magbuhos ng sama ng loob o kaya sa taong alam mong marunong magtago ng sekreto. Ung kakatapos mo lang ikwento nakalimutan na nya kung anong ikinuwento mo.

Minsan kasi sa halip na tulungan ka nila, pag-uusapan ka pa nila. Ikaw tuloy ang may kasalanan kasi nagsalita ka pa sa kanila. Kaya kung ako sayo, kung kaya mong sarilinin ang problema, sarilinin mo na lang, o kayak ay Lord mo na lang sabihin pero kung kailangan mo talaga ng makakausap, don na lang sa taong di kilala kung sino mang kaibigan mo.

Isa pa, di ka naman nagbago. Ikaw pa din yan at kung nagbago ka man, sila ang dahilan ng pagbabago mo. Kung hindi sila nagbago, di ka din magbabago, yun ang hindi nila alam.

Lahat na lang kasi sayo sinisisi, naisip ba nila yun? Minsan, aminin mo man o hindi, kung ano lang kasi ang gusto nating isipin yun lang iniisip natin. Ayaw nating palawakin ang pag-iisip na tin.

Bilang pagtatapos ng blog kong ito, gusto ko lang ipaalam sayo at sa inyong lahat,walang problemang hindi nabibigyan ng solusyon... tayo lang ang gumagawa ng problema natin at ikinasasakit ng loob natin kaya tayo lang din ang makakapagbigay solusyon sa problemang tayo rin ang gumawa”.

Isa pa, kung di mo naman alam ang buong kwento at kumpletong detalye, wag ka na lang magsalita kasi di nakakatulong sa mga taong nakapaligid sayo ang mga salitang binibitawan mo. Gaya ng sinabi ko, baka lalo mo lang mapalaki ang gulo”.

Manahimik ka na lang kung wala namang magandang idudulot ang magiging reaction mo.

Yun lang.

No comments: