Tuesday, October 16, 2007

2nd Day..

Nakalipas na ang isang gabi.. Sa pagod ko, madali akong nakatulog at iilang oras lang ang nilagi sa aking isip para mag-isip at makapag-sentimyento.

Salamat sa aking nag-kre-crave na kaibigan (itago na lang natin sa pangalang Lei). Kumain kami sa shabu shabu, nilakad ang pagkahaba habang daanan ng Creek Side Road hanggang sa aming tahanan. Todo bonding ang ginawa namin..

Salamat din sa aking mga anak na sina Ronnie at Emil.. Napasaya nyo ang inyong ina in your own little ways. Kay Ronnie na dahil sa kaantukan eh kung ano ano na ang tinutuklas sa sarili.. at kay Emil na patuloy sa pagsira ng celfone ko maikabit lang ang housing ng celfone ko. Salamat sa inyo..

Salamat din pala sa dalawang taong nakapagpaandar ng bapor ng mabilis kahit di pa ako bayad, kuya ed at russel, dahil sa inyo, nagkaron kami ng konting bagay para magtawanan. Hehehe..

Sa inyong lahat, maraming maraming salamat sa paglibang sa akin habang wala ang aking butihing asawa.

At gaya ng nasasaad sa pamagat ng aking blog, ngayon ay ikalawang araw na ng pagkawalay sa akin ng aking asawa at kaninang umaga, kadarating lang ni G sa Brazil (alas sais y media - oras dito sa lugar na kinalulugaran ko). Mahigit tatlong minuto rin ang aming pag-uusap.. matagal tagal na un kumpara sa mga pagtawag nya sa akin noong naandito pa sya.

Masayang malungkot ang boses ng asawa ko.. Masaya dahil “finally” after fourteen hours na nasa ere sila plus one and half hours eh nakarating din sila sa accommodation nila.

Naramdaman ko ang pagod ng asawa ko sa byahe ngunit kahit pagod, may sigla pa rin sa kanyang mga tinig (marahil nakausap nya kasi ang pinakamamahal at pinakagagandang babae sa buhay nya.. syempre sino pa, kundi ako un at wala ng iba! Wag nang umangal pa! Blog ko ‘to!).

Naramdaman ko rin ang lungkot na kanyang dala dala dahil sa muling pagkakataon, magkalayo na naman kaming dalawa. Kung pede nya lang akong isama sa lugar na kinalulugaran nya bakit hindi, di ba? Pero dahil trabaho un at may trabaho din ako dito, di pedeng mangyari ang gusto namin.

Ngayon.. Lilipas na naman ang araw ko ng hindi ko sya maaalala dahil sa mga trabahong nakakalat sa lamesa ko.. PERO mamayang gabi, hindi ko na naman alam ang gagawin ko para libangin ang aking sarili.

Sana, anjan pa rin sila.. Ang “ADIK” na si Lilai, “ANING” na Ronnie, “BALIW” na Emil para libangin at patawanin ako.. gayun din ang pinsan kong “ABNOY” na kagabi eh seryosong nanonood ng Animal Planet at ang dalawang “BAPOR” na sina kuya ed at russel.

Sana, mapagod ulit ako para wala ng pagkakataon ang aking pagkalumbay na lumugar sa aking isipan.

No comments: