Wednesday, October 24, 2007

Ang Responsibilidad ni Inday

Tumagal ako ng 3 taon sa trabaho kong ito nang madalas akong nagrereklamo dahil sa mga kasama ko trabaho, pero kapag ang trabaho ko at ang responsibilidad ko mismo, di ko naman natatandaang idinaing ko ito sa mga kaibigan ko.

Nung malaman nga ng iba ko pang kaibigan ang pagreresign na ginawa ko, eto ang mga kalimitang sinabi nila “Si Dan lang pala ang makakapagpatigil sayong magtrabaho sa Redha Al Ansari” dahil alam nila kung anong hirap at pagod meron ako sa kompanya kong ito.

Pero ganon pa man, di ko naman nakalimutan ang responsibilidad ko sa mundo. Im sure, “kahit papaano”, nagagawa ko naman ang mga responsibilidad kong bilang asawa, ina, anak, kapatid, kaibigan, at alagad ni Ama.

Tinanggap ko ang alok ni G nung yayain nya akong magpakasal at kasama don ang pagtanggap ng responsibilidad ko bilang “may bahay”. Kaya nang makasal, kahit pagod galing sa trabaho, kailangan ko pa ring kumilos at gawin ang tinanggap ko responsibilidad. Napagsisilbihan ko ang asawa ko, nagagawa ko naman ang mga dapat kong gawin bilang asawa nang may ngiti at sayang na nanalantay sa aking buong katawan.

Gayun pa man, kahit ako’y kasal na, di ko pa rin nakakalimutan ang responsibilidad ko bilang Anak.

Wala naman kaming usapan ni Dan na kapag kinasal kami ay parehas na naming tatalikuran ang aming mga pamilya, bagkus, kasama pa rin sa plano ang pagtulong namin sa mga kapatid at magulang namin, di man gaya ng dati ang aming pagtulong, sigurado naman kaming di namin pababayaan ang mga pamilya namin na syang aming nakalakihan, kinilala’t gumabay sa amin.

Bukod sa bwan bwan na sustento, malayo man ako sa anak ko, sinisigurado kong palagi akong tumatawag sa kanya, madalas pa sa inaakala ng iba.. Kahit na ba kulit na kulit sa akin ang anak ko at kahit kung tumawag ako eh madalas eh may sumpong, ok lang, dahil ang mahalaga sa akin ay ang ipadama sa kanya ang aking presensya at malamang malayo man ako ay andito akong “Mommy” nya.

Sabi nila, ang tunay na kaibigan ay sinasabi kung anong pagkakamali ng kanyang kaibigan. Nagsasabi kung anong nararamdaman nya at nagpapayo ng mga bagay na tama na kahit alam nyang makakasakit sa kanyang kaibigan ay sasabihin pa rin nya ito.

Tama.. kaya lang minsan, dahil sa kakilala na natin ang ating kaibigan, alam natin kung pano at ano ang mga bagay na makakasakit at ikakasakit sa kanila. Pero gaya ng nasabi ko, kailangan mo ring ituwid kung anong tama, kung anong nararapat.

Mangyaring marami sa aking mga kaibigan ang nagsasabing ang sungit ko.. Hindi dahil sa napagtritripan ko sila, kundi dahil mali sila. Actually, depende kasi sa tao kung paano mo i-aapproach ang mga bagay bagay na naririnig mo. Hindi na kasi tayo mga bata para umupo sa isang tabi at mag-usap. Kung kaya naman nating ituwid ang mali, eh di ituwid natin agad. Huwag na nating hintaying mapuno tayo at saka natin pagsasabihan. Ngayon, kung mamasamain nila ang mga bagay na sinasabi ko, wala naman akong magagawa eh.. di ko man nasabi sa kanila sa sobrang mahinahon na salita (na parang ang kausap ko ay isang bata), mahalaga, naiparating ko sa kanila kung anong nararapat.

January, 2007.. isang mahalagang pagdedesisyon ang kinailangan kong bitawan, pero dahil na rin sa kagustuhan kong manilbihan sa KANYA, kinulit at tinanggap ko ang responsibilidad ko bilang alagad ni Ama.

Kasama ng pagtanggap ko bilang facilitator ng SFC Dubai – Batch 26 ay ang mga responsibilidad ko bilang Miyembro, Lider at Alagad ni Ama.

Alam kong nakakapagod ang mga sunod sunod na aktibidades ng SFC pero madalas, di ko pinagsisisihan ang mga natatakdang activities dahil doon ako kumukuha ng lakas at doon ko na-ililift up sa mga pagkakataong iyon ang mga hinaing ko sa buhay.

Ang pagdalo ng mga Teachings ay isa sa mga nakakapagpabago ng pananaw ko sa mundo. Sa aminin man natin o hindi , di lahat ng speakers ay may kakayanang maka-engganyo nang tagapakinig pero bilang Lider at Miyembero ng SFC, responsibilidad nating tugunan ang kanilang mga panawagan.

Sa Household.. Alam ko noong ako’y isang di hamak na miyembero pa lamang at di pa nalalaman ang kahulugan ng “responsibilidad”, naging pasaway ako, pero ngayon isang Household Leader na rin ako, kahit sobrang pagod na ako, kailangan ko pa ring umattend ng Household, hindi lang dahil responsibilidad ko ito, kundi, dito lang rin ako nagkakaron ng tahimik na pananampalataya, tahimik at kumpletong pananampalataya.

Ngayon, di ko man matugunan ang ibang panawagan ng SFC, iyon ay may sarili na akong dahilan..

Tatawid na ako sa panibagong yugto ng buhay ko at panibagong pahina ng SFC, bilang CFC Member, at dahil dito, ilan sa mga SFC activities ay akin nang iiwanan.. pero ang responsibilidad ko bilang SFC Active Member and Lider eh mas pagtitibayin ko pa bilang CFC Activer Member.

Sana, kung ano mang responsibilidad ang nakikita ko ay makita rin ng ibang tao. Sana, makita rin nila kung anong nakikita “namin” sa twing nagagampanan namin ang responsibilidad namin sa kahit ano mang aspeto.

No comments: