Saturday, October 28, 2006

Akala??? Puede...

Ang lahat po ng naisusulat ko ay ayon po sa mga pangyayaring naganap sa akin. Akala mo ikaw ang tinutukoy ko pero ang totoo, puedeng sarili ko lang ang kausap ko.


“Bato bato sa langit ang tamaan wag magagalit”

Ano nga ba?

Last week may nakausap ako. Problemado sya sa isang bagay na di naman dapat problemahin. Ang sitwasyon kasi naiipit sya sa isang bagay na di nya malaman kung anong solusyon. Di naman daw sya nakikialam sa mga gulong umiikot sa paligid nya. Tanging pakikinig lang naman daw ang ibinibigay nya. Ni ang magtanong nga daw di nya magawa, magreact pa kaya. Dahil alam na kasi nya kung anong magaganap. Alam na daw nya kung anong epekto. Gugulo lang daw ang mundo nya. Pero may isang sitwasyon na dumating sa kanya, at tanging isang tao lang ang kayang makaintindi ng ugali nya. Siguro kasi kayang i-explain ng taong iyon sa kanya kung anong nararamdaman nya, kung tama bang mainis sya, manahimik at magsakripisyo, o dapat bang magsalita sya kung anong opinion nya. Sinabi nya lahat ng hinaing nya sa paligid na sagot naman daw ng kakilala nya, “normal lang” yon.

Dumaan ang ilang araw, at nakausap ko na naman sya. Naiinis na naman daw sya sa paligid nya.

ako: Bakit?
sya: Kasi pakiramdam ko, ako pang pinaghihinalaan sa gulong nagaganap

ako: Guilty ka?
sya: Hindi, pakiramdam ko lang mali lang ung taong napagbuhusan ko ng sama ng loob sa mundo.

ako: Bakit mo naman nasabi un?
sya: Kasi “parang” ni relay niya ung sama ng loob ko sa gulong nagaganap, at kung pano tumingin ang mga kaibigan ko sa akin, parang may kinalaman ako sa mga pangyayari.

ako: Meron nga ba?
sya: Wala! Nakikinig nga lang ako sa kanila at di na nagrereact kasi hindi ko naman alam kung anong puno’t dulo ng lahat. Kung nakapagsalita man ako, di yun tungkol sa pangyayari, tungkol yun sa mga hinaing ko sa mga taong nakapaligid sa akin

ako: Aahhh... wag mo na silang problemahin. Mabuti pang ilayo mo na lang ang sarili mo sa mga sitwasyong alam mong makakapagpahamak sayo. Kung may bagong balita, hayaan mo na lang silang magtsismisan at palakihin ang problema. Kahit pakikinig wag mo na ring pakinggan kasi ikaw lang ang nag-iisip. Ikaw lang ang naaapektuuhan. Hayaan mo na lang silang gumawa ng sarili nilang gulo.
sya: Di puede kasi alam kong mali na ang ginagawa nila. Parehas ko kasing alam ang gusto nilang iparating.

ako: Ganon ba... Ganito na lang, kapag may gustong kumausap uli sayo tungkol sa gulong sinasabi mo, unahan mo na kaagad sila. Sabihin mo “kung tungkol yan sa gulo nyo, please wag nyo ng sabihin. Ayoko ng makarinig ng kahit ano tungkol jan”. Ang taray di ba? O kaya, ibahin mo na agad ung usapan para di na nila makwento sayo kung anong dapat nilang ikwento.

Tatawa tawa lang sya, siguro kasi akala nya nagbibiro ako, pero ung totoo, hindi. Kasi para sa akin, kung di mo naman alam parehas ang kwento bakit ka pa magsasalita. Di mo alam, nakakadagdag ka lang ng pressure o sama ng loob sa kanila. Di mo alam, di mo sila natutulungan, malamang, mapalala mo pa ang sitwasyon pero kung alam mo naman parehas ang kwento, at nadala ka na sa sitwasyon, siguro, iwasan mo na lang sila kung paulit ulit na usapin pa rin ang pinag-uusapan nila. Kahit gusto mong makinig, hayaan mo na lang sila. Ibaling mo sa iba ang atensyon mo, wag sa kanila, kung sakaling magkagipitan man, sigurado, di ikaw ang sisisihin nila, kasi wala ka namang alam sa gulong pinasok nila eh. At kung ikaw pa rin ang sisihin nila at pinaghihinalaan, hehehe... panget mang sabihin, hindi sila worthy para maging kaibigan mo.

Minsan, sarili mo naman ang isipin mo. Wag mo ng isipin ang iba, kasi kakaisip mo sa iba, di mo namamalayan, ikaw ng nagsasakripisyo, ikaw ang napapahamak. Kahit sama ng loob, wag ka na rin magsalita sa kanila. Siguro sa malapit na kamag-anak mo na lang ikaw magbuhos ng sama ng loob o kaya sa taong alam mong marunong magtago ng sekreto. Ung kakatapos mo lang ikwento nakalimutan na nya kung anong ikinuwento mo.

Minsan kasi sa halip na tulungan ka nila, pag-uusapan ka pa nila. Ikaw tuloy ang may kasalanan kasi nagsalita ka pa sa kanila. Kaya kung ako sayo, kung kaya mong sarilinin ang problema, sarilinin mo na lang, o kayak ay Lord mo na lang sabihin pero kung kailangan mo talaga ng makakausap, don na lang sa taong di kilala kung sino mang kaibigan mo.

Isa pa, di ka naman nagbago. Ikaw pa din yan at kung nagbago ka man, sila ang dahilan ng pagbabago mo. Kung hindi sila nagbago, di ka din magbabago, yun ang hindi nila alam.

Lahat na lang kasi sayo sinisisi, naisip ba nila yun? Minsan, aminin mo man o hindi, kung ano lang kasi ang gusto nating isipin yun lang iniisip natin. Ayaw nating palawakin ang pag-iisip na tin.

Bilang pagtatapos ng blog kong ito, gusto ko lang ipaalam sayo at sa inyong lahat,walang problemang hindi nabibigyan ng solusyon... tayo lang ang gumagawa ng problema natin at ikinasasakit ng loob natin kaya tayo lang din ang makakapagbigay solusyon sa problemang tayo rin ang gumawa”.

Isa pa, kung di mo naman alam ang buong kwento at kumpletong detalye, wag ka na lang magsalita kasi di nakakatulong sa mga taong nakapaligid sayo ang mga salitang binibitawan mo. Gaya ng sinabi ko, baka lalo mo lang mapalaki ang gulo”.

Manahimik ka na lang kung wala namang magandang idudulot ang magiging reaction mo.

Yun lang.

Thursday, October 26, 2006

Eto na

Eto na... nagsisimula na! Baliktanaw sa nakaraan...
Nag-iisip kung may natapakan ba o nasira?
Maling tao pa yata ang napagsabihan.
Para kumunektado ang nakaraan sa kasalukuyan.

Naisip ko lang

Paano malalaman ng isang tao kung di mo sasabihin?
Paano nila maiinitindihan kung di mo kakausapin?
At paano mo masosolusyunan kung di mo aayusin?

Ang problema, di naman nawawala yan, katulad din naman kasi ng pagsubok yan.
Ang sagot nanjan lang din naman, yun nga lang, nasa sayo na kung haharapin mo gagawin mo o babalewalain mo na lang.
Minsan naman kasi mas mabuti pang manahimik na lang para wala ng masabi.
Kaya lang pano mo maitutuwid ang isang mali kung anjan ka lang sa isang tabi.
Problema naman kapag nagsalita ka, di mo alam kung maiinitindihan ka nila.
Di mo na alam, kontrabida ka na pala!

Hay... Ang hirap! Ang bigat!
Nakakainis at nakakaasar...
Ang gulo gulo di mo maintindihan!
Patituloy ikaw naaapektuhan.

Eh paki-alam mo ba, buhay naman nila yan! Mahalaga ok ka! Ayos ka! Kaso di kita masisisi kaya ka apektado kasi mahal mo sila. Iilan na nga lang kayong magkakasama, ganyan pa ang mangyayari. Pero ganon talaga, nababago ng panahon ang lahat, yun nga lang tama ka, kung sa positibong bagay mo lang titingnan, di sana hahantong sa ganyan ang lahat.

Alam ko, di mo kayang mabuhay sa kung anong gulo meron sila. Pasalamat ka na lang pinagkakatiwalaan kanila. Yung nga lang, dahil sa pananahimik mo, nakikita mo kung anong tama at kung anong mali. Kaya tuloy ang epekto, naiinis, nabwibwisit at naiirita ka. Alam mong pagnagreact ka, di ka makakatulong sa kanila, malamang sa malamang pa nyan eh magulo mo pa ng husto kung anong gulo meron sila.

Di ka na nadala, minsan ka na ring na-involve sa ganyang sitwasyon.
Nanahimik ka lang non at nakinig lamang pero bandang huli, isinisi rin nila sayo ang gulong parehas naman sila ang may kagagawan.
Ngayon nasan ka, nasa malayo ka. Sila, kinalimutan na nila ang nakaraan pero sayo tila sariwa pa rin ang lahat.

Tapos eto ka na naman, mananahimik ka na naman at mag-iisip pero dahil ayaw mo ng makigulo, iiwasan mo na lang. Pinagkasya mo na lang ang sarili mong makinig na lang sa bawat hinaing ng lahat kasi nga ayaw mo ng makadagdag sa tension na namamagitan sa kanila.

Hay... ang hirap di ba? Yan tuloy ikaw ang nagsasakripisyo sa gulong sila naman ang nagsimula. Di ko naman kasi masabing hayaan mo na lang sila kasi alam ko, mahalaga sila sayo.

Kaya ko pala

Sa nagdaang Ramadan at Eid dito sa Dubai, may iilang bagay akong natuklasan na doon ko lang nalaman.

Kaya ko palang iparating sa tao kung anong gusto at ayaw ko sa pamamagitan ng pagpaparamdam.
Kaya ko palang manahimik ng dalawang araw.
Kaya ko palang ubusin ang araw ko sa pagtulog, panonood ng tv at paglalaro ng snake sa celfone ni G. Pede ding magluto, maglaba, magpunta sa citicenter at magwindow shopping o di kaya magpunta sa mga tiyuhin ko sa Satwa at manood ng Eat Bulaga, Bubble Gang, Startalk at Reach for the star, at mamalantsa bilang alternatibong gawain.
At higit sa lahat, kaya ko palang makasurvive ng isang pancit canton lang ang kakainin ko sa buong araw.

Ang galing di ba? Pero ang lahat ng yan eh kaya kong gawin kapag naiinis lang ako at nabwi-bwisit sa paligid ko. O di kaya’y naririndi o naiirita. Tingnan ko lang kung di pa ako pumayat sa lagay na yan! Ang saya di ba?

Think Twice...

Kanina lang ayoko ng umattend ng household pero pupunta ako sa Rashid Park mamaya.
Kanina lang di na ako sasayaw sa MEC pero pupunta ako sa practice sa Sunday ng Opening.

Ang gulo di ba? Bakit kasi kailangan ko pang magdalawang isip eh kung gusto ko naman.

Ito kasi ang epekto ng mga bagay na nakikita ko at naririnig ko. Pati tuloy ung pagseserve ko eh apektado. Care ko ba! Pero eto kasi ako! Kapag mabigat ang loob ko sa isang bagay, tumatahimik ako at gumigive up pero don ako masaya eh. Pano un?

Hay... ang hirap naman! Gusto mo pero ayaw mo. Ang gulo di ba?

Sunday, October 22, 2006

Flash Back

What would you feel if someone tells you this... “You know that I love you but I love someone else already... someone who replaced you in my heart... someone who came along on the time you weren’t here when I needed you, on the time you didn’t mean everything between us and on the time that you keep hurting me...

I really can’t imagine myself saying that to someone who became so special in my life. To someone I used to love for almost a year and half... To someone I’ve become so stupid because of the idea of falling in love.

Now, he finally realize that I am important to him, that he really cares for me, that he is ready to settled with me. I am pleased, I am happy and no one can ever explain what I’m feeling right now, but it’s all too late... I am not the old me who deeply in loved with him, who always there besides him, an idiot who keeps on waiting for the time that he will come and realize what’s my importance.

Yes, I feel sorry for everything, for me, as I cannot love the person that I have been in love with from my past and especially for him, that it’s too late for him to realize my existence.

Sunday, October 15, 2006

Blessings! Thank You!

Have you try to count your blessings instead of depressions, disappointments and failures?

Have you ever say “Thank You” from UP ABOVE concerning the good things and blessing that comes to you instead of complaining the things, which you don’t have?

You have to agree with me that most of the times, we used to count the bad things happens to us instead of the good things HE gave, and we used to complain about the things that we don’t have instead of asking why people doesn’t have what we have thinking that they need it more.

But don’t we realize that things happen for a reason? We might not see it today but in next coming days, you will know why.

The reason why this idea comes up to me is because I wanted to share things to you that usually happens to me.

Whenever I got problems, I never stopped thinking on how will I solve it. If unlikely things happen to me, I really feel disappointed.

I never complain and I rarely asked HIM “why” about those unlikely things BUT I used to talk to HIM and asked HIS help and guidance.

One day morning, all of my prayers were given to me. My wishes, my plans were falling according to what I want. I didn’t forget to thank HIM but slowly, I forgot to TALK to HIM about anything and slowly by slowly, everything’s changed to unwanted things in my life.

I didn’t asked HIM why, instead I say sorry to HIM for making HIM disappointed after the blessings HE gave to me. I say sorry for not having time for HIM and forgetting HIM.

After that incident, I changed.

I learned to lift up everything to HIM and trust HIM, believing that everything happens for a reason and everything will fall into places by HIS NAME.

Do you believe in the saying “pagkatapos ng unos, liwanag ang kasunod”? I believe in that. GOD plans our life already, but he didn’t plan it perfectly. GOD always put us in a trial and every response we have, it has equivalent consequences to face. HE always give us a “two” roads, a “straight road” and a “left-right road”.

Purposely, HE gives us a certain situation that our weaknesses are involved, and sometimes, we come to the point that we thought, it was really meant for us. But honestly, what we meant is the exact opposite of what HE wants. HE used to give that certain situation because HE wanted us to be strong, brave and tough in what the reality is. HE used to bring back the past, because HE wanted us to know if we have already learned from our mistakes.

Some cases, GOD gave us a problem and without the day ends that HE, HIMSELF, solved that certain problem using other situation.

Today, GOD’s love works with me once more! Unexpectedly, HE answered my prayers wherein G and I never expecting that HE will reply it immediately, and I thank GOD for the wonderful blessing HE gave to me.

Actually, even the trials HE used to give me, I always treat them blessings as HE gave me more patients and understanding.

GOD really loves us!

Instead of counting your depressions, disappointments and failures, instead of complaining, why don’t you TALK to HIM, not only for a purpose of asking but sharing of what you have right now in your life?

THANK HIM for the blessings HE gave to you.

Don’t ask HIM “why” but try to look out for your life. Think and learn something from your everyday life and afterwards, you will see how GOD loves us and works in our life!

Saturday, October 14, 2006

BADTRIP

Ang dami ko pa namang gustong i-blog ngayong araw na ito tungkol sa mga nakakatuwang pangyayari sa Huwebes at Biryernes ko pero nang dahil lang sa pangyayari ngayong umagang ito, nasira ang magandang mood ko!

Anong mararamdaman mo kung ang schedule mo nang paliligo ay di mo nasunod dahil sa may naliligo sa oras mo?

Ganito kasi yun, maagang bumangon ang kasama ko sa bahay, at sa di ko malamang kadahilanan, 30 minuto silang naghintay sa labas ng banyo kasama ang isang kasambahay namin sa kabilang kwarto. Matapos ang 30 minuto, doon lang nila napagtanto na WALA palang tao sa loob ng banyo kaya ang epekto ay nailahintulad sa isang domino.

Natural, huli ng nakaligo ang nauna kaya ang mga susunod, mahuhuli din!

Para sa akin, ok! Accepted! Di naman nila alam parehas eh! Ang problem ito!

Bumangon ako ng 6.45am at dahil 7.01am pa ang schedule ko, bumalik ako sa pagkakahiga. After 10 minutes, bumangon na ako para tingnan kung may naliligo at di ako nagkamali, may naliligo nga.

Pasado alas syete, pumasok yung kasang-kwarto ko at tinanong ko kung may tao pa, sumagot si kasang-kwarto, “Meron pa.” Anong gagawin ko? Syempre maghintay di ba??? Para naman kasing may magagawa pa ako.

Di ko na matandaan kung anong oras na, tinanong ko ulit si kasang-kwarto, “May tao pa ba?” Sagot sa akin, “Oo”. React naman ako, “Ang tagal naman non!” Sagot si kasang-warto, “Hindi, tapos na ung kanina, may sumunod na bago pagkatapos nung isa.”

Ayos! May sumunod na bago pagkatapos nung isa? Nag-schedule pa!

Syempre, ako, pagnagalit ba ako, lalabas ba ung tao don sa banyo, hindi naman di ba? Kaya tuloy don ako sa kabilang banyo maliligo na kahit ayoko don!

Eto na, pagkuha ko ng basket ng pampaligo ko, WALA ung sabon at shampoo! Naiwan ni kasang-kwarto ung mga gamit sa loob ng banyo. Ang galing diba? Paano ka maliligo nang ganon? Syempre, tendency, hintayin mo ung nasa kabilang banyo matapos para makuha mo ung gamit mo. Ang kaso, hindi puede, kasi kapag hinintay mo, mahuhuli ka na sa trabaho mo. Buti na lang may extra akong gamit sa loob ng kwarto.

Doon ako naligo sa kabilang banyo na sabi ng may ari ng flat eh pede naming gamitin. Sige, nagmamadali ako kasi nga nakikigamit lang ako ng banyo. Maya maya, may kumalabog sa pintuan ng banyo. Ang bwisit, muntikan na akong atakihin sa puso!

Hindi ba pedeng kumatok ng maayos hindi ung muntikan ng masira ung pinto ng banyo. Syempre, naalala ko, nakikigamit lang pala ako ng banyo nila, paglabas ko ng banyo, syempre, mega hingi ako ng pasensya na kahit ung mukha nya eh kung di lang ako babae baka sinapak na ako.

Kaya pag dating ng kwarto, don bumuhos lahat ng init ng ulo ko.

Reklamo ko, “Yang schedule na yan hindi yan masusunod! bakit hindi kasi maligo sa oras nila kahit na ba sabihin na after Ramadan masusunod ung schedule na un, alam nila sa ganitong oras, kabilang kwarto ang naliligo! Lagi na lang tayo nag-aadjust para sa kanila! Blah... blah... blah...”

Ok na. Bihis na ako at ung kasabay ko sa pagpasok di kumikibo. Paalis na ng bahay, nagtanong ako, “May panyo ka na?”. Di sumagot. Tanong ulit ako, “May panyo ka na ba?”. Di pa rin sumagot at tiningnan lang ako. Eh di wag! Kung ayaw mong sumagot, wag mo! Problema mo.

Ang pasok ko, 8 am, 7:40am na pero nasa baba pa lang kami! Normally, at that time, nandon na kami sa may UOMO Boss at malapit na kami sa office ko! Kaya sinabi ko sa kasabay ko, bilisan nyang maglakad kasi 7.40 na at mahuhuli ako! Ang loko, lalong binagalan ang lakad. Aba! Iwan nga kita! Kung hihintayin pa kita, lalo akong mahuhuli.

Syempre, sa inis ko, tinext ko ang loko!

Ako: Sa susunod kung di ka rin lang sasabay, wag ka ng maghintay! Pinabibilisan ko nga lakad mo kasi mahuhuli na ako.

Reply: sa susunud din... indi talaga ako sasabay sayo pag mainit ulo mo! Ayoko masira din araw ko sa pagiging badtrip mo!

(Nagtext ako sa amo ko at na-wrong sent ako sa kanya! Text sya!)

Sya: Kita mo? Sa pagiging badtrip mo, nadadala mo sa office! Wrong send ka po!

Ako: Alam ko! Pede ko bang habulin ung nasend na? Bakit kasalanan ko b ung nangyari? Anong gusto nyo, don ako sa pintuan umupo’t maghintay?

Sya: Bibili na lang ako ng lalagyan ng sabon at gamit ko as paliligo para ndi na nasisira araw mo dahil sa akin!

Ako: Di naman ako don nagagalit! Ung maghintay ka ng matagal sa labas dahil akala mo may tao at ung may maligo as oras ng paliligo mo, don ako nabadtrip. Ngayon, kung ganyan ang gagawin mo, pati pagkain at sa iba pang bagay na magkashare tayo humiwalay ka na! Ok?

Sya: Ndi mo ba naintindihan cnabi ko kanina?! Aga ko nagising din... naghahantay din kami nung nasa kabila, kala namin merong tao dahil bukas ilaw at sarado pinto, ala naman pala! Natural lang na late na din kami maliligo! At kung hindi mo pa nakukuha logic nun, syempre ung time na gagamitin mo sa paliligo, natural lang po na magagamit din! Hirap naman kc syo napakabilis mo magalit... hindi muna icipin kung may dapat bang ikagalit! Cnu ba hindi mababadtrip nun?

Ako: Sana binabasang maigi ung text ko! Naiinis ako dahil naghintay kayo sa labas dahil akala nyo may tao sa loob! Sana kahit isa man lang sa inyo, don sa kabila naligo pra khit papaano, nakatipid sa oras. Ikaw ng maligo sa kabilang banyo at katukin na parang masisira ung pinto, anong mararamdaman mo? Pasensya na ha. BOBO at TANGA kasi ako. SORI rin at di kasi ako kasing talino nyo para mag-isip ng logic! Ai! Hindi pala, ala pala kasi akong isip at utak kaya ganon ang reaction ko.

Sya: pasensya na din... ndi mo masisisi isang tao kung ayaw nya maligo sa kabila dahil bka ndi sya makapaligo ng mainit na tubig kaya minabuti na lang nya mag-antay sya kahit matagal...

Ako: Na hindi naman naicp na maraming maliligo? Na ok lang na maghintay kaysa makapaligo ng mainit at malate din ung susunod na maliligo? Selfish pala ung taong un!

Sya: ang galing! Selfish pala tawag dun! Ipipilit mo ba sarili mo sa ayaw mo kung makakapag-antay ka naman? Aminin mo na mali din sistema mo! Hindi tama na sakto lang ung time na binibigay mo sa sarili mo para magprepare! Tapos maghihimutok sa galit paglate na! Sabihin mo nga sa akin, tama ba yon?!

Ako: Bakit cno bang may gustong maligo sa kabilang banyo? Ang lagay, laging ganon? Ang lagay, laging ibang tao mag-aadjust para don sa taong un? Ang galing nga!

Sya: ung gusto lang maligo dun ung mga taong alam nilang male-late cla pag ndi pa cla naligo dun! Pero kung enough naman ung time mo, bakit ka naman maliligo dun sa hindi ka komportable?!!

Ako: Ganon ba un kahit alam mong maraming susunod na maliligo? C Lloyd, kaya ba naligo don dahil malelate na? Cmple lang, kung dmo sched, wag kang maligo sa banyo kung ayaw mong maligo sa kabilang banyo! For your info, 6.55 am, bumangon ako para maligo kaso may tao. Pumasok ka tinanong ko kung may tao pa! Sabi mo meron pa. Nung tanungin ulit kita kung may tao pa, sabi mo may bagong pumasok. Anong gusto mong gawin ko? Maligo ng alas-kwatro?! Di bale, simula ngayon di na ako dedepende sayo!


Di ba???? May oras ka pa pala eh... bakit hindi mo muna pina-una ung mga naka-schedule na??? Hayyyy... Ewan! Badtrip talaga ako! Mali ba ako??? Sige nga! Kung ako kaya ang gumawa non sa kanila. Schedule nila kukunin ko, ano kayang gagawin nila sa akin? Eto pa, ginamit mo na nga ung oras ng iba at alam nyo un, hindi ba pwedeng bilisan ang pagligo dahil alam mong may susunod sayo? Ang galing nga kung ganon! Manganagtwiran kayo, bulok naman!

Ako, pagmali ko at alam kong wala ako sa lugar, nananahimik ako pero kapag alam kong di na makatarungan yung pangyayari at maraming na-aagrabyado o paulit ulit ung sitwasyon na nakakainis, lumalaban ako!

Sana naiintindihan mo un! Mahirap ung lagi na lang kayong napagbibigyan. Minsan mag-adjust din kayo!

Thursday, October 12, 2006

Better to watch you Guyz! Goodluck!

Yesterday, I received an email from our “Leader” in Creative Ministry (updating me regarding the practices). She told me that they are not yet starting their practices related to the Opening number as they are going to change the song. She also told me that most of the dancers who are going to dance in the Opening are mostly Ate KC’s friends plus the bounce dancers. In short, “ALIEN” ako. (No one’s there whom I can call as my close friend...)

I even tried to change my assignment from Opening to One Day coz I wanted to be with my household when they dance BUT I remember someone who told me “Wag ka na sa One Day! Don ka na sa Opening, para kami naman ang panoorin mo!” I know she doesn’t mean anything to it, but I take it a bit serious.

I know that it might be possible that it’s their first and last dance, that’s why they wanted me to watch them but have they thought of that MEC is the last gathering that I am going to dance to and I wanted to dance with them on my last dance...

But anyway, it’s all over. Burn cant even assigned me to Dinner dance as they are too many already. Since that is their reason, I guess, I better not to dance in Opening as well since they are many also. Hehehe...

Still

Hide me now
Under your wings
Cover me
Within Your mighty hands

When the oceans rise and thunders roar
I will soar with You, above the storm
Father, You are king over the flood
I will be still and know You are God

Find rest my soul, in Christ alone
Know His power, in quietness and trust


~ Hillsong ~

Wednesday, October 11, 2006

Separated

I know we had some good times
It's sad but now we gotta say goodbye
You know I love you, I can't deny
I can't say we didn't try to make it work for you and I
I know it hurts so much but it's best for us
Somewhere along this windy road we lost the trust
So I'll walk away so you don't have to see me cry
It's killing me so, why don't you go"

Live your life, and I'll live mine
Cause we're better off, separated

~ Usher ~

What, Why, When, What, Bothered, Where, Maybe, Naaahhh!!!

It’s been a long time since the last day I visited my blog and write something here.

WHAT’s the reason anyway?

Duh! I can’t find any answers! I am still figuring it out WHY???? But there’s one more question bugging me. WHEN am I going to get back my senses in writing again???

It feels like I’m tired of writing anything about life or other side of me. I don’t even have any imagination, thoughts or view in my head! WHAT’s happening!?! I don’t have any interest or ideas from my past life or even on what’s going on in my life in past 11 days!

Baaddd... Still BOTHERED??? (from WHERE?!?) Just forget it! It’s from my past and I know, past is past and I am happy and very much happy with my life now!

MAYBE because of what I wrote last 1st of October??? NAAAAHHH!!!! I get over with it already! Now, I’m more beautiful than before! I just put myself in one place and made me realize that this is what I am and if there are any changes, it is God’s will. Why I should be bothered with other’s reaction?! I don’t have to get affected coz I have my own natural beauty!

Anyway, I know, I don’t make any sense now.

Till next blog! BrEak It DoWn!

Sunday, October 01, 2006

A BIT UPSET??? NAAAAHHH!!! I’M MORE THAN UPSET!

It was 3 am in the morning when we arrived at home from Mama’s and Nanay’s Double Birthday Celebration in Satwa. I was so tired and exhausted from being awake for almost 1 ½ day!

From home, Kuya Jonald is in our room mingling with Ate Carol and Ross which caused us to be awake for another hour!

In between, my cousin came to our room and had a little conversation with me about life. I know my cousin whenever he gets drunk, he can do everything he wants and can be much emotional! And as a drunk person, I believe that most of the words you’re telling were TRUE!

At start of the conversation, I knew that I am not the one he needed to talk to, it is Ross. And I knew, through me, he can easily find a way to talk to Ross but I didn’t give him any chance to open up whatever purposes he has as to personal reason.

Anyways, conversation doesn’t take too long as he saw me sleepy and not interested in whatever topics he brings up but what I know, in that conversation, he made me feel upset.

Friday, I received a text from Itay Del asking if we can pick him up in the airport at 12 am. Since, it is 12 am and we got lot of time. We planned our time in going some places which turn out to have lots of surprises! (Click for here for more stories!)

One of the places we went to is in my Auntie’s place in Karama. G and I visited her. We stayed for a while and leave the house with the same feeling that I had after talking to my cousin.

Exactly 00.15, we arrived in the airport. While waiting, I suddenly burst out “Talagang maliit lang ang Dubai...” considering that Dubai have a lot of places to go.

I saw an individual that I wasn’t expecting to see in the arrival section of the airport, and honestly, I got intimidated in seeing her! Praying that she will not see me coz I know if she saw me, I bet, she will laugh at me and insult me in front of my friends.

Anyway, Itay arrives and we spend 2 hours more with him.

Today morning, while sitting in front of my PC, thinking why these things happening, I can’t really find any answers. I knew from myself that I am comfortable with my style, the way I dressed, the way I carry myself in front of the other people. But from the time my Cousin told me that I am totally different, haggard, and in bad shape, where in my Auntie finds it as well, and seeing that girl in the airport, made me so uncomfortable and insecure!

I used to tell myself that THIS IS WHAT I AM. THIS IS WHERE I AM COMFORTABLE WITH. But because of those comments I’ve heard, I lost my esteem. I lost my confident and I lost my trust in myself. I feel so ugly, dirty and even don’t have the guts to face people surrounds me.

Lots of questions spinning on my head, lots of things going through my head. I don’t even know why I have to feel it this way. I’m having a dark, depressed and sadden mood today and I know it brings my confident low and down.