Tuesday, December 05, 2006

Kakaibang pangyayari ngayong araw na ito! (December 04th, 2006)

Kala mo tapos na, hindi pa noh! Syempre dahil di ko pa na-ikwe-kwento ang mga kakatwa at kakawindang na pangyayari ngayong araw na ito sa akin.

Masaya ako dahil finally, dumating na ang Appointment Letter na hinihintay namin ni G though may mga requirements pa na kailangang i-fill in o i-process but I know God will provide it. Alam kong ibinibigay na ni Lord ang trabaho na un dahil para kay Dan ang bagay na un. (Pagdasal nyo naman na walang maging problema sa medical examination at sa pagpapaalam nya sa current employer nya).

Masaya ulit ako dahil nakapag-bonding kami ng 3 sa pinakamalalapit na kaibigan ko at masasabi kong tunay na kaibigan ko. Kahit na ba madalas eh nagkakaroon kami ng asaran o mis-understanding lalong lalo na si Elie, eh, at least kinabukasan wala na ulit un.

Kala ko ung “GAP” na namagitan sa amin noon ni Elie eh hindi na maibabalik, buti na lang hindi! Siguro kasi parehas naming ayaw mawala ung friendship na naipundar namin for almost 2 years plus magkasama pa kami sa bahay kaya walang pagkakataong maghiwalay kaming dalawa at masira ang pagkakaibigan namin. Nandon na rin kasi siguro ung kahit asar kami sa isat isa eh iniintindi pa rin namin ang bawat isa. Tama ba ako?
So, ayun na nga… Nagbonding kaming 3. Si Elie, si Anak-Ate Gina at ako. Mega lakad kami sa kahabaan ng Al Riqqa kasi sabi nung isa, namnamin daw namin ang paligid ng Riqqa. Syempre pagsinabing namnamin, bagalan natin ang lakad. Ang dalawa sa amin, literal na ninamnam ang Al Riqqa. Sukat akalain mo ba naming pagmadaliin kami nung nagsabing namnamin namin ang daanan dahil magsasara na daw ang Al Ghurair (Mall sa Al Riqqa). Banat namin, sige, bilisan mo. Una ka na! Hintayin mo na lang kami don! Ayos di ba? Iwanan sa ere ito!

Nadatnan naman naming bukas ang Al Ghurair. Umikot ikot ng konti. Pumasok sa iilang shop at namintas tapos labas na ulit ng Mall.

Habang naglalakad, nagtanong ang isa, “Oh san na tayo pupunta?” Sagot ang isa “Mag Pizza naman tayo, maiba lang!” Bumanat ang isa “Ayoko ng Pizza!”. Sagot ang nauna “Oh sige, Burger King!” “Eeehhh….” Reklamo ng isa. Natawa ang lahat dahil sa reaksyong iyon. Dati rati kasi isa lang ang sinasabihan namin ng “Eeeehhhh…” at kanina lang namin napagtanto na dalawa na pala ang napagsasawaan naming kainan! Nagsawa na kasi kami sa Pizza Hut kaya Burger King na ang napagtatambayan namin at gaya ng nasabi, di na naming namamalayang nadadalas na pala ang pagtambay naming don! Kaya ganon na lang ang tawanan ng lahat. Pero ang bagsak! Coffee break muna kami! Saan ba mura, alangan namang magstarbucks pa kami di ba? Ano kami mayaman? Eh di don kami sa mura… Dunkin Donut.

Nang makapwesto, walang humpayang balik tanaw tawanan ang ginawa namin hanggang sa may… “Excuse me” tingin ang lahat… “Ikaw ba si Eriz?” Haha! Nagulat syempre kami at napagkatinginan. Di ko na matandaan kung sumagot ako ng “oo” o “bakit” ng nakangiti. Syempre naka-smile kami kahit windang kung sino ang nagtatanong, hanggang sa sinabi nyang “kapatid ako ni Michael” at ung totoo, sumagot ako ng “Cnong Michael? Marami kasi akong kakilalang Michael…” kahit na sinabi ko un, di pa rin tumitigil ang isip ko kung sino sino nga ba ang michael na kakilala ko. Hanggang sumagot ang nagtataray na si Lilay, “Al Tovar ba?” Hala! Nafreeze ung mind ko panandalian. Honest, hindi sumagi sa isip ko ang Michael Al Tovar, na kahit nakita ko na ang sagot sa mukha ni Elie eh hindi ko pa rin maisip kung sinong Michael. Basta ang alam ko lang, kilala namin ni Elie pero hindi ko alam kung sino.

Sagot sya, “Oo”. Sagot ulit si Elie “Bakit?”, Sagot ang kapatid na si Franco “Nandon si Kuya, tinanong kung pede daw makuha ung number mo, may itatanong lang daw.” Sabay tingin sa akin. Sagot ako ng “Ano nga bang number ko?” Sagot si Elie, “Eto number ko, 842 blah blah blah”. Tanong si Franco, “Anong name mo?” Sinagot ang di pa natatapos na tanong ng pataray “Kilala nya ako”. At si Franco, “Ok, sige, salamat.” Sabay alis. Pagkaalis, sabay sabay na nagtanungan, “bakit pa” at “para saan”. Ayos! Iisa ang mga nilalaman ng mga isipan. Pero ang pinakapanalo sa usapang ito, “Elie, ikaw si Eriz???” Panalo! Ang Taray!!! Ikaw kaya ang sumagot at nakipag-usap kahit ako ang tinatanong. Love mo talaga ako my friend! Hehehe… Luv you too… :D

Natapos ang kapehan sa Dunkin, pumunta sa kuya-pinsan ni Elie. Dito may panalo ring pangyayaring naganap… Sa Dunkin pa lang eh nabusog na kami sa coffee, hotchoco and donut na napagtripan namin. May naiuwi pa nga kaming donuts pangbaon nung dalawa. Pagdating sa kuya-pinsan ni Elie, pinapasok kami at pinaupo muna pansamantala. Maya maya may inaabot na! Hala! Ano ito? Pagkain na naman! Palibhasa mga busog pa, tinanggihan namin ang cake na binibigay pero syempre food un at mapilit si ate-pinsan ni Elie, sige kunin na natin. Di ko nabawasan ang cake ko dahil bukod sa busog pa ako, di ako kumakain ng ube-macapuno (may buko kaya!) Kaya ang nilantakan namin ni Elie eh ung cake nya na binawasan nya. Para hindi nakakahiya, sige subo tayo ng isa sa cake ni Elie pero talagang di ko na kaya kasi di naman talaga ako kumakain non! Tiningnan ko ang anak-ate kong si Gina, ayun, di pa rin nababawasan ung cake pero may diskarteng ginagawa. Tanong sa batang babae, “you like?” ayun! Si batang babae na anak ni kuya-pinsan, lumapit at ngumanga! Ayos! Nakakuha ng tagakain! Sige, mandaya. Pakainin ang bata. Maya maya, napatingin naman ako sa likod ko. Kamustahin naman natin si Elie. Haha! Kinalabit ko ang anak-ate gina ko at tinuro si Elie. Sabay kaming natawa kasi pilit na inuubos ni Elie ung cake. Alam nyo ba ung itsurang un? Ung ayaw ng kumain ng bibig pero kailangan maubos ung food. Ung tipong nauuya ka na at nagluluha na ang iyong mga mata para lang maubos ung cake. Sarap picturan ni Elie pero wag na! Bukod sa wala kaming dalang camera eh baka maasar pa sa amin ang loko.

Natapos ang kaininan. Natapos na ring magbonding, Derecho na sa kani kanilang bahay at derecho bukas ng laptop. Tinapos ang pagblo-blog hanggang 1:45 am (actually duktong na lang ito ngayon 05th December, ang huling araw ko sa pagbabakasyon). Pero di pa rin ako makatulog sa di ko malamang dahilan. Bakit nga kaya? Nagbasa ako ng Bible natapos ko ang libro ng Genesis pero di pa rin ako makatulog. Maya maya eh nagising si G, nagkulitan panandalian at pinatulog ko na dahil maaga pa ang pasok nya. Pero ikot din sya ng ikot sa higaan dahil di na rin sya makatulog pero kailangan nyang matulog dahil may pasok sya. Kaya ako, mag-isa na namang dilat ang mata. Binuksan ang digicam at binalik tanaw ang mga kuha noong nakaraang MEC at nang nang matapos, di pa rin makatulog. Sige, celfone naman ni G ang pagtripan. Pinaglaruan ang 3D Snowboard ng magsawa, ung snake naman. Maya maya nakaramdamn na ako ng antok. Binitawan ang celfone. Niyakap si G at nagsign off ako ng 5 am.

No comments: