Monday, December 25, 2006

Up LATE!!!

Sa wakas!!! After how many days of not posting a blog, finally, nakapag blog din ako!!! Bukod sa dami ng trabaho ko, ilang araw na rin kayang nagloloko ang blog spot?!?!? Sumasama na nga ang loob ko sa Blogspot dahil huli na nga ako sa pag-a-update ng blog ko eh nagloloko pa ito!
Anyway, ang mahalaga, maipopost ko na ang blog ko kahit pasingit lang! Akalain mo, ang dami ko ng napalagpas na pangyayaring hindi ko pa naibla-blog! Gaya nito, nito, nito at eto pa! Iilan nga lang yan sa mga pangyayaring naganap sa nagdaang Simbang Gabi noh! Pero kahit tapos na ang Simbang Gabi at huli na ako sa mga kwento, ipo-post ko pa rin ang side ng kwento ko!

Tama na ang pasakalye! Magagalit nanaman kasi si Elie dahil daw pag nagblo-blog ako eh ang daming pasakalye! (Eh syempre para naman malaman nila kung ano, pano at bakit nangyari! Hmp! Isa pa, gaya ng mga karaniwang sagot natin sa isat isa “walang paki-alamanan! Blog ko ‘to eh!”)

Day One – 15th December 2006, Friday
Nagsimula na ang Simbang Gabi and luckily, naumpisahan ko ang simbang gabi ko ng maaga kami sa Simbahan. Yung tipong di pa ganon kadami ung tao, nakapwesto kami sa harapan kahit na nakatayo at nangangaroling pa ang mga choir sa mga taong nandoon na.

Di pa man nagsisimula ang misa, eh marami ng pangyayaring kaaliw aliw, kasindaksindak at kakaloka!

Supposedly, kasama kami sa magpe-perform ng sayaw sa simbahan before o during o after Lightning the Christmas Tree, kaya lang dahil nga sa ayaw naming sumayaw, naging pasaway kami! Maaga kami sa venue pero di kami sumunod sa tamang rules ng pagsayaw! Sabi nila, maong at white shirt plus ung ginupit naming damit nung sumayaw kami ng opening sa MEC! Although, naka maong naman kami, un nga lang hindi kami naka-white shirt at wala kaming dalang pangpatong na damit. Buti na lang di sila nakasayaw dahil hindi gumana ung CD sa player ng simbahan dahil pagnagkataon, patay patay na naman kami nito!

Sige, pwesto na tayo sa harap. Kasama kong pumwesto sa gilid ngunit parting harapan ang mga friendly friends ko (Thea, Lei, Gina) plus ang GG ko at ang pinsan ni anak ate Gina ko. Habang naghihintay, syempre, ano pa ba ang gagawin namin kundi ang magchickahan muna!

Unang Chicka! (itsismis natin sila...)
Ang LQ ng bunso naming si Thea. Nag-karon kasi ng LQ ang bunso naming si Thea at si My Friend Jerome! Kung bakit, hmmm... tanong nyo na lang sa kanya!

Pangalawang Chicka! (itsismis pa rin natin sila... pero ibang “sila” na!)
Matapos ang paglalabas ng sama ng loob ni Bunso, nagkwento naman sya ng kawindang windang na kwento. Meron kasi kaming isang ka-bro sa Singles na noon ay tumatawag sa anak-ate kong si Gina. (Uulitin ko! Tumatawag hindi nagtetext, nanliligaw o nagpaparamdam kundi, TUMATAWAG!)... Ang kwento,... eto...

Habang nagchi-chickahan, ang mga Infinity actors and actresses ay isa isang nagdaratingan! Halos lahat nakangiti at binati kami maliban sa dito sa isang ito! Akalain mo, nang dahil kay Bamboo at Parokya Ni Edgar, eh kinalimutan nyang may kaibigan syang kagaya namin. Di naman namin kasalanan kung bakit hindi sya nakasama sa Rakrakan! Sya itong pumasok pasok sa trabaho sa araw ng Biyernes gayong off naman ng mga normal na tao ang ganong araw! Maliban na lang kung di sya normal di ba?

Nwei, yun na nga, at dahil di kami pinansin, eh di hayaan na lang natin!

Nagpatuloy kami sa kwentuhan, hanggang ang isa kong kaibigan, sa di ko malamang dahilan eh ginusto nyang pumwesto sa likuran dahil nasisikipan daw sya sa kung saan kami nakapwesto. Bukod sa akin, may isa pa akong kaibigan na ayaw namang pumwesto sa likuran dahil maraming distraction doon (dahil ang karamihan ng SFC eh doon nakapwesto) at di sya makakapagconcentrate! Bukod pa doon, ang kaibigan kong ito eh talagang kapag mahalaga para sa kanya ang pangyayari, gusto nya doon sya nakapwesto sa harap para makinig. So ayun na nga, 2 taong hindi magkasundo kung saan pumwesto, at kahit ayoko rin sa harap din a ako nakigulo dahil nakakaramdam na ako ng pagtatalo sa dalawang taong ito. Kaya ang isa kong kaibigan na napapagitnaan din nila, eh, hinila ko sa tabi ko. Ikaw na kayang pagitnaan ng 2 taong nagtatalo, ewan ko lang kung di ka marindi! (Actually, hindi lang sa oras na ito nagtalo ang dalawa, kahit noong pauwi kami galing Citicenter eh may maliit na silang pinagtalunan).

Ang nanalo, ung gustong pumwesto sa likod kaya ang nangyari, ako personally ha! Walang samaan ng loob, di ako nakapag-concentrate sa pagdadasal ko at ang gumusto, ayun, naiwang mag-isa, hindi dahil sa iniwan namin sya ha, un eh dahil nandon nga ang karamihan ng SFC, syempre ang iba don eh kalapit namin kaya tinawag kami.

Hanggang sa nanahimik na pansamantala dahil nagsisimula na ang misa. Liturgy of the Eucharist na, kaya ang bawat isa sa amin, taimtim nang nagdadasal upang itaas sa Panginoong ang nilalaman ng puso ng namin, ang mga kahilingan at dasal namin. Hanggang ang isang kaibigan naming ay lumuha, umiyak at humingi ng tissue sa mga taong malapit sa knya (syempre, kapwa singles din). Hanggang ang isang lalake ang napaghingian nya ng tissue at sagutin sya ng “saglit lang, ihihingi kita ng tissue kay Gina. Hintayin lang natin syang matapos. Lahat yata pati kapitbahay nya ipinagdarasal...” (syempre, hindi ko alam kung ano talagang eksaktong sinabi dahil wala naman ako doon basta ang alam ko lang na sinabi eh ung pinagdarasal nga daw ni Anak-ate Gina ko pati kapitbahay nya) Kaya ang nagdarasal ng taimtim, nawala sa concentration at tinapos na pagdarasal dahil di na sya makapagconcentrate.

Natapos na ang misa kaya kami, nagsimula na ring mag-uwian. Naglakad kaming apat (Ako, Lei, Gina at G) papuntang bus stop hanggang sa makita namin ang mga housemates namin (Bert, Anton, Blue at Ron) at sumabay na sa aming maglakad.

Sa bus stop, maraming taong naghihintay at sa pangunguna ko, ayun! Nakakita ako ng Bus 41! Syempre, dahil alam kong dadaan ng Deira un, sumakay kami. Sabi pa ng isa sa amin, swerte dahil wala nga daw tao. Nakasakay na kaming 4 at ang natitirang apat na ka-housemate namin, kausap pa rin ang driver. Nauna si Ron, tinanong ko kung bakit, sagot nya, di nya daw alam. Maya maya, sumunod si Blue, tinanong ko ulit kung bakit, sagot nya, “double ride daw papuntang deira”! Napatingin tuloy kami sa ticket at oo nga, double ride nga kami dahil ang ticket naming ay bayad lang hanggang Wafi! Katawa talaga! Syempre at dahil may history na nag dalawa kong kasama sa Dubai Police, bumaba na kami.

Grabe! First day palang yan at ibat ibang klase ng emosyon na ang naipakita!

No comments: