Monday, January 15, 2007

Sadden Thursday

At dahil sa nakaset na ang araw ng kasal ko, sino pa bang mangangarag sa paghahanda nito kundi ako lang dahil sabi nga nila “kasal lang ng babae ang kasal”. Bakit kanyo? Kasi daw ang lalake, kahit anong klaseng set up ang gawin, mapasimple man yan o mapabongga, di magsasalita yan dahil ang importante lang sa kanya ay ang mabasbasan ng pari.

Dahil nga sa normal na sa babae ang mangarap ng magagandang pangyayari sa buhay nya, syempre, gusto nya, best lahat ang mga pangyayaring magaganap sa kanya. Kagaya nga kasal.

Sa sitwasyon namin ni Dan, both sides alam naming papayagan kami ng magulang namin. Pero syempre, alam nyo naman ang matatanda di ba? Ang daming pang seremonyas na gustong gawin, lalo na kung babae ang nasa kanila.

So sa madaling salita, hindi pa namin ganap na nakukuha ung blessings ng magulang ko kaya mahirap sa aming magsimula ng paghahanda. Ung totoo, nakakausap ko naman ang daddy ko tungkol sa planong ito pero hindi ang mommy ko. Bakit? Kung kilala nyo ko, alam nyo kung anong dahilan kung bakit di ko nakakausap sa mga ganong bagay ang mommy ko. At dahil sa ganong rason, nakikibalita na lang ako sa mga kapatid ko kaya mahirap para sa akin ang sitwasyon.

Tulad ng balitang ito: “Pano ka naman papayagan ni Mommy kung di pa namamanhikan sina Kuya Dan? Buti sana kung ulila na si Kuya Dan eh hindi naman.” Oo nga naman! Pano nga naman ako papayagan nila Mommy eh ang makausap nga si Dan di pa nagagawa. (Eh ayaw rin naman kausapin ni Mommy si Dan ha.) Sus! Nangatwiran pa!

“Gusto nilang makita muna si Kuya Dan bago ka payagan...” Huh??? Ano daw?? Eh Emergency Leave nga lang ang gagawin ni Dan eh! Niloloko na nga ako sa bahay na sila na daw ang magiging “phone bearer”. Dib a, hi-tech ung kasal ko, phone patch ito!

See... pano ko masisimulan ung preparations kung ganon ganon na lang. Syempre, para maayos ito, kakausapin ko muna si Dan.

Ako: G, nakausap ko sina Jologz regarding sa reaction nila Mommy. Kailangan mamanhikan ka daw muna. Kahit sila nanay na lang muna ang pumunta sa bahay.
G: Ha? Ganon? Bakit? Pede bang sa internet na lang?
Ako: (Syempre, nagalit ako dahil kung ano ano na nga ang prinoproblema ko tapos ganon ang isasagot nitong mokong na ‘to sa akin!) Eh kung sa internet na lang rin kaya tayo magpakasal?
G: Eh G pano un? Sa webcam pede na ba un?
Ako: Ewan ko sayo! Nahihirapan na nga ako kung ano ano pang pinagsasabi mo!

Syempre, binaba ko na ung fone at talagang naiyak ako! May household pa naman kami ngayon pero dahil sobrang upset ako sa mga sagot ni Dan mas ginusto ko munang mag-isa, kasi natatameme ako dahil sa mga naiisip ko.

At dahil asar talaga ako, ginive up ko sa text ung pagplaplano. Lahat pinaubaya ko kay Dan. Asar kasi ako eh!

Pagdating sa bahay, cold summer night ang dating! Parang walang nangyari! Ayaw pag-usapan. Biruin mo, Thursday na Thursday, ang aga naming natulog dahil lang doon. Kaya tuloy ako, lalo akong naasar!

No comments: