Tuesday, September 26, 2006

Alas Diyes nanaman!

Alas Diyes na naman! As usual ang aking utak ay muli na namang naglalakbay. Pakiramdam ko tuloy, para akong si Cinderella na pagpatak ng alas dose bumabalik na sa normal ang lahat. Pero syempre, “parang” marikina lang naman ung sinabi ko di ba?! Na ang kaparehas lang eh pag dating sa oras na yon, tila may kung anong kababalaghan nang nangyayari!

Syempre, sa scenario lang ang parehas sa amin, pero ang oras at pangyayari, magkaibang magkaiba na!

Kung si Cinderella eh bumabalik sa normal ang lahat pagdating ng alas dose, ako naman eh tila pagtuntong ng alas diyes eh kailangan nang kumilos ang aking isipan at tumipa ang aking mga daliri.

Di ko alam kung bakit pero may tumatakbo na namang sulatin sa aking isipan. Ewan ko nga lang kung kagaya din ito noong mga nakaraan kong naisulat. Ilang araw na rin kasi akong nagbabalik sa aking nakaraan at tila pakiramdam ko’y may pangyayari akong gustong balikan. Marahil dahil may parte sa aking nakaraan na natapos sa maling pangyayari.

Kagabi sa aking paglalakad, tila akong isang ibong lumilipad sa kalangitan.
Pakanta kanta, pasipol sipol, parang timang sa kalagitnaan ng daan.
Pero paki-alam ba nila, wala silang magagawa kung un ang aking pakiramdam.

Masaya, maaliwas at kahit medyo masama ang aking pakiramdam, di ito naging dahilan para pigilan tuwang inyong masisilayan!
Ngunit sa isang iglap lang, ang lahat ng ito’y bigla na lang nawala.

No comments: