Saturday, September 23, 2006

Ano bang nangyari sa Huwebes ko?

Oo nga! Ano nga ba nangyari sa Huwebes ko? Ang alam ko may Household kami ng 8.30 pm at syempre, 8pm ang out ko sa office plus Over Tawad pa, malamang sa malamang LATE akong makakarating ng Household.

7.30 pa lang may tumatawag na sa akin at eto ang kwento. Matapos ang mahabang pakikipag kulitan sa telepono, at 15 minutes extension sa office, sa wakas! Uuwi na ko.

Dial ng number:

Ako: Nasan kayo? Pauwi na ako. Sa bahay na tayo magkita para sabay sabay na tayo.

Kabilang Linya: Dumerecho ka na dito. Sunduin mo na kami.

Ako: Eh kakain muna ko ng hapunan sa bahay tapos saka ko kayo susunduin.

Kabilang Linya: Wag ka na kumain, dumerecho na kayo dito, may pizza dito.

Ako: Ok. Tawagan ko lang si Dan.

Baba ng fone. Dial ulit ng numero.

Ako: G! Wag ka munang kumain. Don na lang tayo kumain kina Ate Gina. May pizza daw don.

G: Ok. Nasan ka na?

Ako: Pauwi na ko. Sunduin mo na lang ako sa baba para derecho na tayo don.

G: Akyat ka na dito. Di ba sabi mo magpapalit ka muna ng damit?

Ako: Ayos sa lambing ha! Pahirap!

At mahabang kulitan pa...

Nakarating ako sa bahay, nagpahinga ng konti, nagpalit at niyaya na si G pumunta kina Ate Gina. Nasa baba na kami ng tumawag ako kay Lei para bumaba na. Habang naghihintay, patuloy pa rin ako sa pakikipagkulitan kay G ko.

Ng makababa ang mga hinihintay, sa di ko malamang dahilan, tila mga nakahithit ng mothballs ang mga ito o di kaya’y hindi naturukan ng gamot! Panay ang inglesan ng inglesan, kahit magkanda mali mali na ng grammar at pronounciation, sige pa rin sa ingles.

Ang akala ko noong una, ilang minuto lang ang lilipas at mawawala din ang mga kahibangan ng mga ito pero ano to?!?!?!!! Sa mahigit isang oras naming paghahanap ng masasakyan, ang dalawang naka-drugs eh patuloy pa rin sa pag-iingles!

Ako: Ano bang nangyayari sa inyo? Mga nakahithit ba kayo ng mothballs? Kumain naman kayo di ba?

Hibang: (Di ko na alam kung sino sa dalawang hibang ang sumagot basta ang alam ko, hibang ang sumagot sa akin) It is all because of the UNDELIVERED KFC.

Ako: Ano? Ano namang kinalaman ng KFC jan sa pagiging aning nyo?

Ate Gi: The story goes like this...
blah, blah, blah...

Nang matapos ang kwento, sige pa rin kami sa paglakad ang dalawang hibang palakas na ng palakas ang mga boses at nakakaagaw na ng atensyon! Kaya ako, napadasal ako kay Lord:

Lord, hindi po ito ang mga kaibigan ko... Ibalik nyo po sila sa normal na pag-uugali...

Sumagot ang isa “This is our normal, you know!” (si Lei).

Napahalakhak kaming 4 at napadasal ulit ako “Lord, kung yan po ang normal nila, ibalik nyo na lang po sila pagiging abnormal nila o kaya po wag nyo po kaming hayaan ni G ko na mahawa sa mga ito at patuloy nyo po kaming proteksyunan laban sa mga ito...

At malakas na halakhakan ang nakawala sa aming apat! Maya maya, biglang tumahimik... Akala ko, back to normal na ang lahat pero nagkamali ako! May mga kausap pala sa telepono. Ang hindi ko maintindihan, kapag may mga kausap sa mga telepono ang mga hibang, nagtatagalog ang mga ito at napakatinong kausap pero kapag naibababa na ang telepono at wala na ang kausap sa telepono, hala! Nagsisimula na naman ang dalawang hibang!

Napapakamot na lang sa ulo si G ko kapag nagsasalita na ang dalawang hibang. At ako, tinatanong ko ang sarili ko, “mga kaibigan ko nga ba ang mga ito?”.

Nakasakay na kami ng carlift at ang kahibangan ng dalawa ay nagpatuloy pa rin. Biruin nyo, pati driver na indiano natawa sa kakulitan nila lalo na sa kakulitan ni Ate G.

Ate G: Wat do you mean by Jaldi?

Ako: Jaldi sa tagalog, bilis!

Ate G: How about Yala?

Lei: Go!

Ako: Lets Go!

Ate G: Then why they are saying Yala Go?! So they’re saying Lets Go! GO! Why is that!?!

At ang driver, napatawa ng malakas dahil sa kalokohang iyon. Nakarating kami ng Al Baraha, pero ang dalawa, sige pa rin sa pagiging hibang. ORAS na ang nakakalipas pero matindi talaga ang epekto ng undelivered kfc dahil pati ang host ng household namin gayun din ang bunso namin sa household eh nahawa na! Ang bangis!! Bilis makahawa. Muli ko na namang napatunayang mahal ako ni Lord dahil hindi niya ako hinayaang masaniban ng kahibangan nila.

Pasado alas diyes na, ang aming Mommy Jho ay wala pa. At ang 4 na hibang na hindi ko na babanggitin sa mga pangalan nilang Ate Gi, Lei (mga pasimuno sa pagiging hibang), Lee at Thea (na nahawa sa pagiging hibang at ang isay malakas ang pagkahawa dahil nagkaron pa ng British Accent!) ay nagpatuloy sa pagiging hibang habang kumakain. Maya maya ng konti ang aming Mommy Jho ay dumating na!

Sa wakas!!!! May katulong na akong magpatino at magpabalik ng ugali ng 4 na hibang NGUNIT(hindi na pero :D) ano ulit ito??!!!!! Pati ang Mommy Jho, nahawa na!!! Graaabbbeee!!! Lima na silang hibang at ako na lang ang natitirang matino sa kanila! Ay! Meron papala, si Ate Ying! (Sorry ate ying! Muntikan na kitang di masali sa kwento, kasi ba naman, di ka nagsasalita eh pede namang magsalita noong araw na un, o baka di mo na kinakaya ung pagiging hibang nila???). Ang tagal bago mawala ang pagiging hibang ng mga ito. Akala ko nga sa fellowship na babagsak ang household namin dahil sa kahibang nilang lima pero powerful talaga si Lord dahil in last minute, napatino nya ang lima at nakapag simula na kaming pito sa pagha-household.
Nawala an pagiging hibang nila at pasado ala-una na kami nakauwi ng bahay.

No comments: