Wednesday, September 13, 2006

Heto nanaman ako...

Heto nanaman ako, nagsusulat dahil walang magawa... Daming tumatakbo sa aking isipan at nag-uunahang lumabas para itipa ng aking mga daliri pero dahil sa nag-uunahan nga sila, wala akong masimulan dahil hindi ko alam kung pano ko sisimulan at kung saan ako magsisimula!

Hay... ngayon naman nabla-blangko na ko! Labo talaga! Ang gulooo!!! Di naman ako humithit ng mothballs kanina para magkaganito ako ha. Ano ba!!!

Ewan ko, simula noong may mangyaring di maganda sa akin nitong taong ito, pakiramdam ko, malaki na ang pinagbago ko lalo na sa pakikitungo sayo. Hindi ko alam kung bakit pero lahat na lang napapansin ko at pagdating sayo napaka – overly sensitive ko! Nahawa ba ako?

Minsan tuloy pati ung mga taong mahal ko na wala namang kinalaman sa mga pangyayaring nagaganap sa buhay ko, eh, nadadamay dahil sa maling pag-unawa mo. Dati ang dali mo lang sabihan ng problema pero ngayon, parang ang hirap mo nang kausapin. Hay… 3 is a crowd talaga! Never talaga akong nakapagstay sa 3 o baka kasi may ibang mundo na akong ginagalawan ngayon kaya ganon?

Minsan gusto kitang kausapin pero madalas, di ko na magawa dahil sa di ko alam kung makikipag-usap ka ba o hindi. Dati, madali mo lang sabihin ang problema mo sa akin pero ngayon, iba na ang nagsasabi ng problema mo sa akin. Gusto ko mang kausapin ka tungkol sa mga problema mo pero bakit ako magsasalita eh hindi ka nga nagsasabi sa akin?

Hay... Kagabi, may pinagpayuhan ako at kanina, may kausap ako. Ewan ko pero ang alam ko, madaling magpayo pero kapag tayo na ang nasa ganong sitwasyon, di naman natin mapayuhan ang mga sarili natin. Minsan naman, ang hilig nating mamuna, magsalita sa mga bagay na ayaw natin pero naisip ba natin ang sarili natin? Ikaw, ako, tayo? Naisip ba natin na sa bawat salitang binibitawan natin, sa bawat pagpayong ginagawa natin at sa bawat pagpuna na nagagawa natin, eh hindi ba natin nakikita ang sarili natin sa ganong sitwasyon?

Bilis mag shift ng kwento ko no? Kanina lang ikaw ang kausap ko, tapos naibaling ko agad sa mga pangyayaring naganap sa akin kagabi at kanina. Siguro kasi gusto ko lang iparating sayong kung anong nararamdaman mo ngayon dahil sa mga pangyayaring nakapalibot sayo, yan din yung mga nararamdaman ng mga taong mahal mo noong nasa ganong sitwasyon ka din.

Di ba wala silang magawa? Hinayaan ka lang nila kasi doon ka masaya. Mahal ka nila at kahit mahirap para sa kanilang tanggapin yun, alam mong sinubukan nilang tanggapin ang mga bagay na pinagdesisyunan mo dahil alam nilang doon ka masaya.

Naalala ko tuloy yung pangyayaring nangyari sa amin ng Mommy ko. Hindi ako nagpaparamdam sa kanila at sa kapatid ko lang na sumunod sa akin sila nakikibalita. Ng malaman nilang may sakit ako, nag-alala sila ng sobra, pero tiniis nila ang pag-aalala dahil alam nilang ayaw ko silang mag-alala sila sa akin, para “kunwari” wala silang alam at kung wala silang alam, ang alam ko dito, di sila nag-aalala. Pero nung ma-confine si Mommy, wala silang sinabihan ni Daddy, kung di nagtanong ung kapatid ko, di pa magsasalita ang daddy ko. Ayaw din ipasabi sa akin ng Mommy at Daddy ko dahil ayaw nilang mag-alala ako, pero nung malaman ko yun, naramdaman ko kung anong naramdaman nila noong nasa ganong sitwasyon sila.

Nakakarelate ka ba? Alam ko naiintindihan mong lahat at alam ko ring nahihirapan kang i-feed sa isip mo ang lahat ng pangyayari. Pero ganon talaga, bawat tao, may kanya kanyang buhay. May nakaplano. May nakasulat. May sari-sarili tayong buhay. May sari-sariling isip. Walang puedeng kumontrol non kundi tayo lang rin naman.

Tiwala lang sa lahat ng taong mahal mo at sa Diyos. Alam mong hindi NYA tayo pababayaan. Hindi kumplikado ang buhay kung marunong lang tayong humawak at magkontrol nito.

No comments: