Thursday, September 07, 2006

Naisip ko lang...

Kaninang umaga, habang ako’y naglalakad papasok sa opisina, tila naiwan ang isip ko sa aming tahanan. Iniisip ko kasi kung pano ko matatapos ayusin ang bahay namin. Kalilipat lang kasi namin at para sa akin, marami pang dapat ayusin, marami pang dapat gawin.
- maglinis at ayusin ang kwarto
- magbawas ng abubot
- maglaba
- mamalantsa

hay... ewan ko kung pano ko sisimulan at kung kelan matatapos!

Sa kalibangan ng isip kong mag-isip napansin kong wala ang mga kasabay ko sa hitayan ng bus. Ang pag-iisip ko sa tungkol sa bahay ay nabaling sa pag-iisip ko kung nasan na kaya ang bus?

“Maaga pa, dumaan na agad ung bus?”

Naisip ko lang na di kaya huli na ako o kaya’y maagang dumating ang bus at naiwan ako?

Tiningnan ang celfone, 8 am na, wala pang miscol si Ate Arlene.

“Di kaya nakalimutan ni Ateng i-miscol ako?”

Dahil sa ganong tanong, naisipan kong tawagan na sya.

Ate Arlene: Hello?
Ako: Ate! Nasan ka? Nanjan ka pa ba?
Ate Arlene: Oo, di pa dumadating ung bus. Tingin na traffic kase traffic sa kabila eh.
Ako: Ah ganon ba, sige intay ako dito.
Ate Arlene: Cge miscol kita pag dumating na ang bus.

8.10 am na wala pa rin ang bus. Hala! Kung ano ano na pumapasok sa isip ko!

“Simulan ko na kayang maglakad, pero teka baka biglang magmiscol si Ate maiwan ako ng bus...”

“Eh kung magtaxi na kaya ako, baka malate pa ko lalo nito eh... pero sayang naman yung ipapamasahe ko!”

Naiinip na ako! Baka ma-late ko! Dahil don, muli ko na namang naibaling ang aking isipan sa mga kotseng nagdaraanan sa harap ko...

“mag-aral na kaya ako ng driving tapos kuha ako ng car...”

“dami naming mapupuntahan! Tapos kapag may malayong lakarin, sama sama na lang kami sa isang sasakyan ng mga household ko”

“magkano kaya nagastos ni Tito sa driving? Magsimula na kaya ako next month? Ano ano kaya mga requirements? Kailangan magka-kotse na agad ako para di na ako mahirapan, tapos ika-carlift ko na lng ung mga kasabay ko sa bus! Ok na un! Kumita pa ako!”

Pero sa isang iglap lang, nawala ang lahat... di pa pala pede... kasi magpapakasal kami, kailangan un muna ang unahin! Grrrrr... kainis! Magtiis tiis muna! Hmp!

Ng makarating sa opisina, sinimulan ko na ang mamasyal sa mundo ng blog! Nagsimula na namang mag-isip ang magaling kong utak!

“Gusto kong pagtuunan ng pansin ang pagbla-blog dahil gusto kong gayahin si Kukote na kumikita ng dahil sa pagblo-blog!”

Pero pano ko magagawa ang lahat ng iyon kung sa opisina ko ginagawa ang lahat? Di kaya kakapalan na kung gagamitin ko ang IC ng opisina para lang sa sarili kong kita? Kaya naisip kong sa halip na celfone ang bibilhin ko, PC na lang! Tapos, magpapakabit ako ng IC sa bahay at tsaaraaann!!! Pede ko ng ayusin ang blog ko sa bahay... PERRROOO... Saan ko ipwe-pwesto ang PC!!!!!!!!!! Masikip na sa bago naming bahay at walang lugar sa kwarto na pedeng paglagyan ng PC! Solusyon, LAPTOP! Pero halleerrr???!!! Di na praktikal huh! Palalagyan ko lang virus at kung anik anik, pasisira ko pa LAPTOP! Di siguro! At saka mahal!!! Sa DHS 2,500 makakabili na ako ng brand new PC at puede ko pang i-upgrade ng i-upgrade, pero ang LAPTOP, sus! Dami ng lumabas na bago, ikaw, nasa luma pa rin! Kasi nga, di pedeng i-upgrade! At least ang PC pede mong palitan ang mga spareparts hindi ba? Pero may pero ulit eh... Kase nga ikakasal ako kaya di pa rin pede! Kainis talaga!!! GGGrrrrrr...

Pero alam nyo ba may naisip ulit ako, hehehe... para matupad lahat, tanggalin ang dahilan! Eh di WAG MUNANG MAGPAKASAL!!! Hehhehe...

PERO di pa rin pede kasi DESIDIDO na talaga kami kaya wala kaming ibang gagawin kundi maghintay tapos saka na lang gawin lahat ng naisip ko :D (pero syempre ung paglalaba, paglilinis at pamamalantsa, di pedeng saka na kasi mawawalan na kami ng isusuot nya!)

No comments: