Tuesday, September 05, 2006

Taong Simbahan

Hhmmmm, wala lang, naisip ko lang talakayin ang mga taong pumapaligid sa simbahan.

Ngunit bago ko ituloy ang paksang ito, ako'y humihingi na ng paumanhin kung may masabi man akong against sa inyong kalooban. Mangyari ang lahat ng ito'y ayon lamang sa obserbasyon at pangyayaring naganap sa akin.

Bata pa lang ako'y malaki na ang respeto ko sa mga taong naglilingkod sa simbahan. Marahil, lagi kong nakikita ang lolo at lola kong naglilingkod. At kahit ano pa mang ipinapakitang masamang ugali ng mga taong simbahan sa tv o sa pelikula, di ko iyon pinaniniwalaan sa kadahilanang di ko nakikita sa mga lolo at lola ko ang ganong pag-uugali. Kahit sa mga kaibigan ng lolo at lola ko, wala sa kanilang nagtataglay ng ganong karakter. At dahil don, pinangarap ko ring sana pagdating ng araw maging katulad din ako ng aking lolo at lola, ang makapaglingkod sa simbahan at sa Poong Maykapal.

Lumipas ang maraming taon at ang respeto kong iyon at pangarap ay nagpatuloy pa rin. Hanggang noong nakaraang taon, may kaibigan akong naghahanap ng kadamay sa buhay. Napag-uusap namin ang pagsali sa isang programang hinahawakan ng simbahan.

Una, sumali ako don dahil kailangan ko ng isang lugar na kung saan makakalimutan ko ang tunay na sitwasyon na meron ako.

Di nagtagal, unti unti ko na na-a-appreciate ang mga bagay na pumapaloob dito. Unti unti ko ng nararamdaman ang paglilingkod ko sa “KANYA” at unti unti ko na ring nayayakap ang pagiging tagapaglingkod hanggang sa dumating ang taon na ito.

Nawala ang lahat... nawala ang respetong bumabalot sa king isipan... nawala ang interes kong maglingkod at maging aktibo sa paglilingkod.

Bakit? Dahil sa isang taon kong paglilingkod, kasabay rin nito ang unti unting pagkamulat ng aking mga mata sa realidad... sa katotohanan... Ngunit malaki ang tanong sa aking isipan... Bakit di ko nakita sa lolo at lola ko at sa mga kaibigan nila ang nakikita ko?

At dahil don, ang respetong bumabalot sa aking isipan ay unti unting napapalitan ng pait at pagkamuhi sa mga taong malaki ang respeto ko. Kasabay din non, nawala ang tiwala ko sa mga taong dati’y madalas kong mapagsabihan ng kung anong hinaing ko sa mundo. At ang masakit pa dito, di kalaunan, unti – unti ko na ring nakikita ang sarili kong nagiging isa na rin sa kanila!!!

HINDI!!! AYOOOKKOOO!!!! HINDI AKO ITO!!! Dahil kahit kailan, di ko nagawang pag-usapan at panghimasukan ang buhay ng may buhay!!!

Pero ano ‘to? Kasama ko ang isang kumpol ng kabataan at nakikinig sa kanilang pinag-uusapan.

MALI!!! MALI ANG GANITO!!! Kung may problema ka sa isang tao, kausapin mo at sabihin mo ang hinanaing mo, hindi ung sa iba mo pa sasabihin na makakapagbibigay ng maling impression sa iba.

Ang sakit... Nakakalungkot... ang magandang paniniwala ko’t respeto sa mga taong ito’y unti unting nawawala.

Di mo naman kailangang pangaralan ang isang tao kung ikaw mismo eh ginagawa mo. Ikaw ang nakakataas, ikaw ang maging isang magandang halimbawa ng mabuting tagapaglingkod.

Di mo rin naman kailangang pag-usapan ang buhay ng isang tao, at kalkalin ito, lalo na’t alam mong maling landas na ang tinatahak nya. Di ba dapat, ikaw, ikaw na nakakaalam, sa halip na pag-usapan nyo pa, bakit di nyo na lang tulungan ang isang taong nawawala sa tamang landas.

At di mo kailangang sabihin pa sa iba ang mga sekreto sinabi sayo. Pinagkatiwalaan ka ng taong nagsabi sayo ng hinanaing nya sa mundo. Bilang respeto sa taong nagtitiwala sayo, hindi ba’t dapat kung ano mang nasabi sayo’y itago mo na lang at di na sabihin sa iba?

Alam ko, tao lang tayo, nagkakamali... Naiintindihan ko. Ang masakit lang, nagkamali na nga tayo, ginagawa pa rin natin. Minsan tuloy di mo alam kung sakit na ba talaga ng mga taong simabahan ang ganito klase ng sitwasyon.

Tayo’y tagapaglingkod... Hindi reporter o isa sa mga host ng The Buzz o Startalk!

Ang layunin natin ay mang hikayat ng mga kabataang naliligaw nang landas at maglingkod sa Simbahan at sa Poong May Kapal, hindi ang palayuin at turuang maging ganap na isang reporter at host ng The Buzz o Startalk.

Gusto ko lang iparating sa inyo na ang bawat tao ay may kanya kanyang pribadong buhay. Kung wala tayong magawa sa mga buhay natin, wag na nating paki-alaman ang buhay ng iba. Kung magulo na, wag na nating dagdagan pa. Matanda na tayo, alam na natin kung saan tayo dapat lumugar. Nandito tayo para damayan at tulungan ang bawat isa hindi para siraan at lalo pang pababain ang buhay ng iba...

Bilang pagtatapos ng paksang ito, sa kabila ng lahat, may mabubuting tao pa rin sa loob ng community na ginagalawan ko na syang nagiging dahilan para magpatuloy ako sa paglilingkod at maging aktibo sa Komunidad na kinagiliwan ko, Simbahan at sa Poong Maykapal.

No comments: