Saturday, September 30, 2006

A JAM-PACKED THURSDAY and UNBELIEVABLE FRIDAY!

Thursday...

08.00 am – 01.30 pm : I’m at work!
02.30 pm – 07.00 pm : Washing the clothes
07.45 pm – 11.00 pm : Back to work!
11:00 pm onwards : haha! Everything started in this time.

This is the case. We are invited in 3 Birthday Celebration . My Uncles Birthday in Satwa, my Cousin’s Birthday in Karama and a Double Celebration of Mama and Nanay’s Birthday in Satwa again!

So we scheduled the night with this! Going to Karama, then Satwa, and then Satwa again.

But since I came out from work late, we changed our plans to Satwa, Satwa, Karama.

Arrived in Satwa at 11.30 pm and without wasting our precious time, my uncle started to prepare some food for two of us (G and I). After eating our dinner, my uncle and I had a little conversation with regards to our life and new in the Philippines, when he suddenly gave me something that totally surprised me! Whew!

Afterwards, my uncle told me to go to my friend’s house before the time gets too late.

It’s quarter to 1 am when we got into Mama and Nanay’s place! Most of my household and other sfc friends were still there. The crowd was divided into 4.

1st Crowd: The LOL Crowd!
I called them LOL coz they were laughing out loud when we arrived there.
Anyway, in addition, two of my households were the Captain of that LOL crowd.

2nd Crowd: The Kitchen Crowd!
Most of the Boys were in the kitchen, exchanging their opinions about life.

3rd Crowd: The PC Crowd...
I called them PC Crowd as they were busy in preparing the documents or the program for the next day’s teaching, “The Financial Stewardship”.

4th Crowd: The SH Crowd...
SH for sleepy heads are the right description for the people sitting on the sofa as they were really feeling sleepy!

1.30 am already and yet the Captains still on charge! They were still sailing on the laughing crowd while the other crowds are leaving one by one.

I am sitting with the LOL Crowd but I guess I should be with the SH Crowd as my eyes were falling into sleep!

Finally, at 2.30 am, I get up and asked them if we can leave as I don’t see them already with my condition that time.

We arrived at home at 3 am. I thought I can directly fall as to sleep but hey what is this? Kuya Jonald is in our room and mingling with Ate Carol and Ross! While the other 2 (Roy and Lloyd) sleeping already. Along the conversation, my cousin knocks on the door and asked me. (Related story, click here!)

They finished at around 4.30 am and after 15 minutes more; I slept and awake at 10 am because Itay Del texted us if we can pick him up from the airport. Since, 12 am is still far, I tried to get back on sleep. oke up again in 11 am but I do feel sleepy so I get back and woke up at 12 then we didn’t sleep til 4 pm coz we watched “Full House” .

4pm I get back to sleep again, awake at 5.30 pm. Since, G and I scheduled our Friday to spend outside; I get up and prepare myself to take off! Hehehe...

G and I went first to Karama, where my cousin lives. Then Karama Souq, Bur Dubai, and lastly, Gold Souq.

From Gold Souq, we saw Mommy Jho and Daddy Michael. Separately, we check for our ring. Mommy Jho and Daddy Michael check for a wedding ring and me and G, a wedding bond.

At the end, Mommy Jho and Daddy Michael, didn’t manage to buy one as they have to check all the shops and look for the best wedding ring they can see. And for us, G and I, didn’t manage to have one also as shops doesn’t have my size for the ring. In short, we’re all got tired in looking a right ring for us and end up to nothing.

Past 11 pm when we reached Carry Four, Bur Dubai. We go to Spinneys, Bur Dubai to fetch Ver. Ver is with us and we directly went to the Airport to fetch itay.

To make the long story short, we arrived at 00.15 in the airport and itay goes out at 01.15 am.

We ate outside in Round Table, Al Dhiyafa and dropped itay in Nihal Hotel.

And knock out at past 4 am already.

Tuesday, September 26, 2006

Alas Diyes nanaman!

Alas Diyes na naman! As usual ang aking utak ay muli na namang naglalakbay. Pakiramdam ko tuloy, para akong si Cinderella na pagpatak ng alas dose bumabalik na sa normal ang lahat. Pero syempre, “parang” marikina lang naman ung sinabi ko di ba?! Na ang kaparehas lang eh pag dating sa oras na yon, tila may kung anong kababalaghan nang nangyayari!

Syempre, sa scenario lang ang parehas sa amin, pero ang oras at pangyayari, magkaibang magkaiba na!

Kung si Cinderella eh bumabalik sa normal ang lahat pagdating ng alas dose, ako naman eh tila pagtuntong ng alas diyes eh kailangan nang kumilos ang aking isipan at tumipa ang aking mga daliri.

Di ko alam kung bakit pero may tumatakbo na namang sulatin sa aking isipan. Ewan ko nga lang kung kagaya din ito noong mga nakaraan kong naisulat. Ilang araw na rin kasi akong nagbabalik sa aking nakaraan at tila pakiramdam ko’y may pangyayari akong gustong balikan. Marahil dahil may parte sa aking nakaraan na natapos sa maling pangyayari.

Kagabi sa aking paglalakad, tila akong isang ibong lumilipad sa kalangitan.
Pakanta kanta, pasipol sipol, parang timang sa kalagitnaan ng daan.
Pero paki-alam ba nila, wala silang magagawa kung un ang aking pakiramdam.

Masaya, maaliwas at kahit medyo masama ang aking pakiramdam, di ito naging dahilan para pigilan tuwang inyong masisilayan!
Ngunit sa isang iglap lang, ang lahat ng ito’y bigla na lang nawala.

Monday, September 25, 2006

Kamusta ka na kaya?

Anim na buwan na ang nakaraan noong huli tayong nagkita.
Di ko akalain na pagkatapos ng mahabang panahon ika'y aking maaalala.
Kamusta ka na? Kamusta na rin sya?
Dalangin ko ang patnubayan kayo ng Poong May Kapal.

Alam mo ba, kanina lang, binuksan ko ang huling sulat na iyong pinadala bago ka lumisan.
Liham ng pamamaalam at paghingi ng kapatawaran.
Liham ng isang kaibigang patuloy pa ring nasasaktan.
Ngunit kahit ganon ang iyong liham, alam kong kahit papaano ika’y lumaban.

Gusto ko sanang ikaw ay aking sulatan.
Ngunit mas minabuti kong huwag na lamang.
Iyon ay dahil sa mga huling salitang aking binitawan,
Alam kong kahit papaano ika’y aking nasaktan.

Bakit ba kasi di pa ko nasanay,
Sa ugali mong di ko maintindihan.
Kaya ngayon tuloy di man lang kita matawagan.
Nang sa ganon ika'y aking makamusta man lamang.

Sana nababasa mo ang sulatin kong ito sayo.
Sana naaalala mo ang mga salitang pinangako ko.
Nandito pa rin ako, isang kaibigan mo.
Isang kaibigan mong handa paring tumulong sayo.

Joke Time!

Mula sa TEXTMATES ni Kuya Kukote!

Amo: Inday, titira dito ang biyenan ko ng 3 buwan. Ito ang listahan ng mga favorite nyang pagkain.
Maid: Opo, sir.
Amo: Kapag may niluto ka dyan, lagot ka sa akin!

Kulas: Siopao nga, yung babae.
Waitress: Babae?
Kulas: Oo, yung may papel na sapin, parang napkin.
Waitress: Ah! Lalake ang nandito.
Kulas: Lalake? Waitress: May itlog po!

Prof: Meron bang tanga dito sa klase? Kung meron, tumayo!
(May tumayong estudyante.)
Prof: Tanga ka ba?
Estudyante: Naawa lang ako sa iyo sir. Ikaw lang ang nakatayo eh, samahan na kita.

Minsan, puro ako biro, laging parang nakadrugs, lagi na lang nakatawa. Pero sana, maniwala ka sa akin, nagseseryoso din ako. Ako, ako ang magliligtas sa mundo, maniwala ka pare. =)

May mga lalakeng ok sa malayuan, talo naman sa malapitan. Tawag sa kanila, mga lalakeng uy! ay! “Uy! Ang cute nya! Ay, bading pala! Sapul ba? Toink!”

Fact 1: You cannot touch your lower lip with your tongue.
Fact 2: After reading this, 99/100 idiots would try it. =)

Nanay: Hala, sige, layas! Huwag ka nang bumalik dito sa bahay! Simula ngayon, huwag mo na akong tawaging nanay at hindi na rin kita tatawaging anak, naintindihan mo?
Anak: Sige dude, alis na ako. =)

Girl: Maganda ba ako?
Boy: Oo, kaya lang bumbayin ka.
Girl: Hindi naman ako mukhang bumbay ah. Tisay yata to!
Boy: Tanga! Bumbayin ang amoy mo! Para kang shawarma.

In a petshop, customer talking to a parrot, "Hoy! Can you speak ha? Can you speak? Bobo!"
Parrot: "Yes, I can!! Ikaw? Can you fly, ha? Can you fly? G**o!"

Sa panaginip ko, naglalaro tayo sa tabing dagat, bigla ka na lang tinangay ng malaking alon! Umiyak ako at sumigaw! "Loko kang alon ka ah! Ano bang akala mo sa kaibigan ko? Tae?!"

Higa kita sa kama. Tapos, huhubaran kita. Hahalikan kahit saan. Hahaplusin ko buong katawan mo! Tapos, tatanggalin ko ang Diaper mo. Baby, don't cry ha!

Minsan, sa buhay natin, hindi maiiwasang mabasa ng ulan, maranasan ang bagyo. Pero sa mga pagkakataong ito, tandaan mo kaibigan, payong ang dalhin mo, huwag kapote. Ano ka, Grade 1?

Lovers making love:
Gf: Alam mo love, ikaw lang ang nakapagkama sa akin!
Bf: Swerte ko naman!
Gf: Oo naman! Kasi, yung iba, sa sala, kusina, lababo, kubeta, kulungan, damuhan at marami pa! =)

I miss the TIMES.. and also the PLUS, MINUS, pati na rin DIBAYDIBAY! Hehehe. Ikaw? Miss mo rin ba?

While I was walking alone, something special happened, I can't believe what I saw.. Gems!... Yap! Ang tangkad pala nya noh? Kasama pa nya si Kres!

Life is like a road that we should pass thru till its very end. But if one day, you feel you're tired walking, I will comfort you in my arms sabay sabi, "May jeep naman kasi, bakit nilakad mo?"

American guy named Paul challenged a Filipino: Use my name 4x in a sentence. Pedro: "Paul, be carePaul, you might Paul in the swimming Paul!" Galing ng Pinoy!

Ina: Anak, dumudugo ang daliri mo! Akina't sisipsipin ko, dali! Tsup! Tsup! Ayan, wala na. Saan ka ba nasugatan, anak?
Anak: Wala po akong sugat, pinatay ko lang po ang garapata ni Brownie!

Driver: Hoy, tambay! Aatras ko BMW ko ha, sabihan mo ako kung mabubunggo na!
Tambay: Ok. Sige, atras... Atras pa! Sige, atras pa! Atras pa! BOG! Ok, bunggo na! =)

Bitoy: Dagul, bakit ang pandak mo?
Dagul: Kasi, bata pa lang ako, ulila na ako.
Bitoy: Anong kaugnayan nun sa pagiging pandak mo?
Dagul: Sira pala ulo mo! Wala ngang nagpalaki sa akin!

Tatay: Anak, painumin mo ang kalabaw!
Anak: Opo tay! Anak: Tay, ayaw uminom ng kalabaw eh!
Tatay: Saan mo ba inilagay?
Anak: Sa baso!
Tatay: Aisus! Di nag-iisip na bata! Lagyan mo kasi ng straw!

Sunday, September 24, 2006

Ginulong Mundong Nananahimik!

Pasado alas diyes na ng gabi nang ang aking isipa'y mapunta sa kawalan.
Nakatingin sa malayo at tila wala ng paki-alam sa aking kapaligiran.
Ilang buwan na ang nakalipas at ilang taon na rin ang nagdaan.
Sa di ko malamang dahilan, muli ka na namang nagparamdam!

Bakit ka pa nagbalik sa mundong iyo nang tinalikuran?
Sa anong dahilan para ako'y iyong muling balikan?
Tahimik at payapa ang mundong aking ginagalawan.
Masaya't maayos na ang buhay kong iyong sinayang.

Tama na.
Huli na.
Wag nang magpaliwanag pa.
Wala na rin namang magagawa ang mga salitang sa iyo magmumula.

Mahirap bang intindihing masaya ako sa kanyang piling?
Mahirap bang gawin na ako’y iyo ng patahimikin?
Paki-usap ko lang sayo ako’y wag ng guluhin.
Nang ako’y manubalik sa mundong SYA ang aking kapiling.

Saturday, September 23, 2006

LO BAT lang pala! BOG!

Oo! Tama kayo sa nabasa nyo! LO BAT lang ang mga hibang kaya natahimik na sila noong magsimula ang household namin hanggang matapos dahil kahapon (Friday), sa Cluster Assembly ng SFC sa Traders Hotel, nagpatuloy ang kahibangan nila! But this time, di na sila nag-iingles! Tingin ko, hindi sila fully charged kaya kulang ang kahibangan nila kagabi.

During the programme, ang 3 ay pigil na pigil sa kadahilanang may mga titos at titas at ang isa naman ay kasama ang fiancé kaya kontrolado pa nila ang kanilang mga sarili. Nang matapos ang program, pakiramdam ko kasi maaga pa at talagang gutom na gutom ako, nag-aya akong magbonding ang household namin. Di man kami kumpleto, natuloy pa rin kami sa pagba-bonding.

Mga tauhan:
Daddy Michael and Mommy Jho (Hibang no. 4)
Hibang 1 and Hibang 2 (Ate G at Lei)
G and ako
Hibang 3 (Lee)


1st Sequence:
Location: Sa loob ng sasakyan ni Daddy Michael
Scenario: Interview with Asaran!

Sa kadahilanang ang biglaang pagplaplano naming magbonding ay kasabay pala ng isang okasyon na naging dahilan para magkaron ng tanungan at asaran! (Hindi ko maikwento ng buo dahil baka may mga taong hindi maintindihan ang kwento at mabasa pa nila ito sa maling paraan, kaya sa mga taong kasama ko sa loob ng sasakyan ni Daddy Michael, tayo na lang ang magtawanan at mag-asaran!). Namumuno sa usaping ito, si Hibang No. 1!

2nd Sequence:
Location: Burger King, Al Riqqa
Scenario: Continuation ng asaran!

Habang hinihintay namin si Hibang No. 3 sa nasabing lokasyon, ang dalawang hibang (1 and 2) ay nanahimik muna pansamantala sa kadahilanang silay kumakain! Pero sadya talagang malakas ang epekto ng underlivered kfc kaya kahit kumakain ay patuloy pa rin sa pang-aasar! (Di ko pa rin talaga ma-ikwento sa parehas na dahilan!)

3rd Sequence:
Location: Dunkin Donut – Baskin Robin, Al Riqqa
Scenario: Magbalik tanaw, magplano at Hulaan mo ‘to!

Pagkatapos naming yanigin ang Burger King, Al Riqqa dahil sa kaingayan namin (ay! Nila lang pala dahil hindi naman ako nakikigulo dahil sa ako’y nagko-concentrate sa aking pagkain), napagdesisyunan naming mag-coffee sa lokasyong nabanggit at dito ipagpatuloy ang pag-iingay!

Gaya ng nabanggit na scenario, kami’y nagbalik tanaw tungkol sa mga pangyayari noong SWR, sa Traders at sa Burger King. Matapos ang pagbabalik tanaw, nagsimula kaming pag-usapan ang planong pagpapakasal nila Daddy Michael at Mommy Jho, at ng matapos ang pagpla-plano, muli na naman kaming nagbalik tanaw sa mga nakaraang kalokohan namin na unti unting naging dahilan para mahawa ako ng "konting" kahibangan nila.

Bumangka ang isang hibang (this time, hulaan nyo na lang kung sino sa mga hibang na nasa kwento ko ang tinutukoy ko dahil ayoko ng banggitin kung sinong hibang ito).

Daming kwentong nailabas ni Bangkang Hibang na napag-usapan at kahit ang iba doon ay di na namin alam (Daddy Mike, ako at si G). Pero si Bangkang Hibang, galing magdala! Panay ang kwento at tawa ng malakas hanggang sa isang malakas na BOG na lang ang narinig namin! Si Bangkang Hibang, natahimik! Sa sobrang kagalakan, nauntog pala si Bangkang Hibang sa pader!
Ang akala ng lahat, kahoy lang ang pader pero ng katukin ng isa pang hibang, ang pader, isa pala itong BATO!

Isipin nyo na lang na ang malakas na BOG na narinig namin na nagmula kay Bangkang Hibang ay sa PADER NA BATO pala nagmula! Kaya pala natahimik si Bangkang Hibang sa kadahilanang masakit sakit din ang pagkakauntog nito sa PADER NA BATO!

PERO ALAM NYO BA?!!! Kahit ang Pader na Bato ay di nakapigil kay Bangkang Hibang para manahimik! Nagpatuloy pa rin sa pamamangka si Bangkang Hibang na ikinaingay ng lahat. Hanggang pag-uwi! Bumabangka pa rin si Bangkang Hibang! Natahimik na lang ng makarating na sa bahay at ihimlay ang sarili.

Sana nga, ngayong araw na ito, bumalik na si Bangkang Hibang sa normal.

Ano bang nangyari sa Huwebes ko?

Oo nga! Ano nga ba nangyari sa Huwebes ko? Ang alam ko may Household kami ng 8.30 pm at syempre, 8pm ang out ko sa office plus Over Tawad pa, malamang sa malamang LATE akong makakarating ng Household.

7.30 pa lang may tumatawag na sa akin at eto ang kwento. Matapos ang mahabang pakikipag kulitan sa telepono, at 15 minutes extension sa office, sa wakas! Uuwi na ko.

Dial ng number:

Ako: Nasan kayo? Pauwi na ako. Sa bahay na tayo magkita para sabay sabay na tayo.

Kabilang Linya: Dumerecho ka na dito. Sunduin mo na kami.

Ako: Eh kakain muna ko ng hapunan sa bahay tapos saka ko kayo susunduin.

Kabilang Linya: Wag ka na kumain, dumerecho na kayo dito, may pizza dito.

Ako: Ok. Tawagan ko lang si Dan.

Baba ng fone. Dial ulit ng numero.

Ako: G! Wag ka munang kumain. Don na lang tayo kumain kina Ate Gina. May pizza daw don.

G: Ok. Nasan ka na?

Ako: Pauwi na ko. Sunduin mo na lang ako sa baba para derecho na tayo don.

G: Akyat ka na dito. Di ba sabi mo magpapalit ka muna ng damit?

Ako: Ayos sa lambing ha! Pahirap!

At mahabang kulitan pa...

Nakarating ako sa bahay, nagpahinga ng konti, nagpalit at niyaya na si G pumunta kina Ate Gina. Nasa baba na kami ng tumawag ako kay Lei para bumaba na. Habang naghihintay, patuloy pa rin ako sa pakikipagkulitan kay G ko.

Ng makababa ang mga hinihintay, sa di ko malamang dahilan, tila mga nakahithit ng mothballs ang mga ito o di kaya’y hindi naturukan ng gamot! Panay ang inglesan ng inglesan, kahit magkanda mali mali na ng grammar at pronounciation, sige pa rin sa ingles.

Ang akala ko noong una, ilang minuto lang ang lilipas at mawawala din ang mga kahibangan ng mga ito pero ano to?!?!?!!! Sa mahigit isang oras naming paghahanap ng masasakyan, ang dalawang naka-drugs eh patuloy pa rin sa pag-iingles!

Ako: Ano bang nangyayari sa inyo? Mga nakahithit ba kayo ng mothballs? Kumain naman kayo di ba?

Hibang: (Di ko na alam kung sino sa dalawang hibang ang sumagot basta ang alam ko, hibang ang sumagot sa akin) It is all because of the UNDELIVERED KFC.

Ako: Ano? Ano namang kinalaman ng KFC jan sa pagiging aning nyo?

Ate Gi: The story goes like this...
blah, blah, blah...

Nang matapos ang kwento, sige pa rin kami sa paglakad ang dalawang hibang palakas na ng palakas ang mga boses at nakakaagaw na ng atensyon! Kaya ako, napadasal ako kay Lord:

Lord, hindi po ito ang mga kaibigan ko... Ibalik nyo po sila sa normal na pag-uugali...

Sumagot ang isa “This is our normal, you know!” (si Lei).

Napahalakhak kaming 4 at napadasal ulit ako “Lord, kung yan po ang normal nila, ibalik nyo na lang po sila pagiging abnormal nila o kaya po wag nyo po kaming hayaan ni G ko na mahawa sa mga ito at patuloy nyo po kaming proteksyunan laban sa mga ito...

At malakas na halakhakan ang nakawala sa aming apat! Maya maya, biglang tumahimik... Akala ko, back to normal na ang lahat pero nagkamali ako! May mga kausap pala sa telepono. Ang hindi ko maintindihan, kapag may mga kausap sa mga telepono ang mga hibang, nagtatagalog ang mga ito at napakatinong kausap pero kapag naibababa na ang telepono at wala na ang kausap sa telepono, hala! Nagsisimula na naman ang dalawang hibang!

Napapakamot na lang sa ulo si G ko kapag nagsasalita na ang dalawang hibang. At ako, tinatanong ko ang sarili ko, “mga kaibigan ko nga ba ang mga ito?”.

Nakasakay na kami ng carlift at ang kahibangan ng dalawa ay nagpatuloy pa rin. Biruin nyo, pati driver na indiano natawa sa kakulitan nila lalo na sa kakulitan ni Ate G.

Ate G: Wat do you mean by Jaldi?

Ako: Jaldi sa tagalog, bilis!

Ate G: How about Yala?

Lei: Go!

Ako: Lets Go!

Ate G: Then why they are saying Yala Go?! So they’re saying Lets Go! GO! Why is that!?!

At ang driver, napatawa ng malakas dahil sa kalokohang iyon. Nakarating kami ng Al Baraha, pero ang dalawa, sige pa rin sa pagiging hibang. ORAS na ang nakakalipas pero matindi talaga ang epekto ng undelivered kfc dahil pati ang host ng household namin gayun din ang bunso namin sa household eh nahawa na! Ang bangis!! Bilis makahawa. Muli ko na namang napatunayang mahal ako ni Lord dahil hindi niya ako hinayaang masaniban ng kahibangan nila.

Pasado alas diyes na, ang aming Mommy Jho ay wala pa. At ang 4 na hibang na hindi ko na babanggitin sa mga pangalan nilang Ate Gi, Lei (mga pasimuno sa pagiging hibang), Lee at Thea (na nahawa sa pagiging hibang at ang isay malakas ang pagkahawa dahil nagkaron pa ng British Accent!) ay nagpatuloy sa pagiging hibang habang kumakain. Maya maya ng konti ang aming Mommy Jho ay dumating na!

Sa wakas!!!! May katulong na akong magpatino at magpabalik ng ugali ng 4 na hibang NGUNIT(hindi na pero :D) ano ulit ito??!!!!! Pati ang Mommy Jho, nahawa na!!! Graaabbbeee!!! Lima na silang hibang at ako na lang ang natitirang matino sa kanila! Ay! Meron papala, si Ate Ying! (Sorry ate ying! Muntikan na kitang di masali sa kwento, kasi ba naman, di ka nagsasalita eh pede namang magsalita noong araw na un, o baka di mo na kinakaya ung pagiging hibang nila???). Ang tagal bago mawala ang pagiging hibang ng mga ito. Akala ko nga sa fellowship na babagsak ang household namin dahil sa kahibang nilang lima pero powerful talaga si Lord dahil in last minute, napatino nya ang lima at nakapag simula na kaming pito sa pagha-household.
Nawala an pagiging hibang nila at pasado ala-una na kami nakauwi ng bahay.

Huling sulatin para sa Linggong ito! (17th September – 21st September)

Hay… Huwebes na naman! Ang bilis talaga ng araw! Next week sahuran na! Yahooooo!!! Teka, ano ano bang nangyari sa akin ngayon Linggong ito?

Isip... isip... isip...

Sabado ~ Hmmmm :-? Ano nga bang nangyari sa araw na ito? Wala akong maalala! Ano bang suot kong pamasok nong araw na ito baka sakaling maalala ko... hay.. wala talaga! Ah! Alam ko na! Naka palda pala ako!!! Hmmm... san naman ako nagpunta after work??? Wala. Dumeretso bahay na pala ako dahil gusto kong ipahinga ang katawan ko sa kadahilanang, wala pang 5 oras ang tulog ko mula huwebes hanggang sabado, kung bakit? Wag nyo ng itanong!

Linggo ~ after work, dumeretso na ko sa meeting place namin nila G at Lei. Sa RAK BANK para sabay sabay na kaming pumunta sa practice ng Creative Ministry para sa MEC.

Lunes ~ after work, saan ulit ako pumunta? Wala. Sa bahay lang dahil pagod ako at di pa nakakabawi ng tulog from what happened last Thursday and Friday, tapos nagpagod pa ako ng Sunday, kaya bale wala rin ung pahinga ko noong Saturday.

Martes ~ hayyyyy... pinakamasaklap na araw sa Linggong ito (at sana di na masundan!) after work, dumeretso na ulit kami sa practice pero this time di namin kasama si Lei. During practice, humiwalay ang 5 sa amin para mag-ensayo ng sayaw para sa Cluster ngayong darating na Friday. May tinanggal, may iniba at dinagdag. Marami ng ginawang exhibitions at this time (uli!?!) kasama na ako sa mga nag-exhibition. Sumakit ang katawan ko at alam ko napilayan ako dahil sa maling bagsak ko pero GO PA RIN dahil hindi naman para sa akin itong ginagawa ko eh, para kay Lord.

Habang nagpapahinga, napag-isipan ng namumuno na mag-OPEN FORUM. Kaya ang lola nyo, nagsalita hindi lang para sa sarili ko at pati na rin sa mga taong nagtanong sa akin.

Eto na nagsalita na ang lola nyo... normal lang naman ang lahat sa akin pero pakiramdam ko naiinis na sila at nagagalit na sa akin! Nang matapos ang open forum, isa isang nilapitan ang mga namumuno at nagtanong pero sabi nila hindi daw sila galit.

Pagdating sa bahay, nagdasal, nagreflect at nagdecide.

Miyerkules ~ isa isang tinawagan ang mga alam kong naapektuhan sa mga salitang binitawan ko. Hindi ko alam kung pano ko ipapaintindi sa kanila kung anong gusto kong iparating, basta ang alam ko, kung ano mang binitawan kong salita yesterday night, is NOT for MY OWN good, its for the benefit of all at hindi ako galit dahil normal ko na ang ganong way ng pananalita. Sinasabi ko lang kung anong nararamdaman ko at kung lumabas na nagtaas ng boses, I don’t mean it dahil natural ko na un. Sorry sa mga hindi nakakakilala sa akin pero what I voice out is what I only feel and what people asked me.

This day, I gave my decision to the one who’s handling the group.

Huwebes ~ hahaha!!! Ang lupit ng araw na ito! Dahil narinig ko na naman ang “tunay” at kakaibang halakhak ni ate G. Walang daya! Kakaiba talaga! Bakit? Un ay dahil dito.

Biyernes ~ Bukas, ito ang huling araw na magse-serve ako kay Lord thru dancing. Dubai – Cluster Assembly. 4pm – 8pm sa Traders Hotel.

Happy week - end!!!

21st September 2006

Itong Linggong ito, masasabi kong napaka-emosyon ko. From Saturday till yesterday, Wednesday. Ewan ko, masyadong naging mabigat ang loob ko sa mga araw na nagdaan. Hindi ko alam kung nasa akin ba ang problema o sadyang di lang nila ako kilala...

Kagabi tuloy habang naghihintay ako ng bus papunta sa practice, naisip kong gayahin ang isa sa mga blog ni Ate G. Papalitan ko na lang ung title ng “Bad ba ako?”. Im sure madaming magsasabi sa akin ng “OO, bad ka!”. Hehehe...

Akala ko magtutuloy tuloy ang kalungkutan kong ito at hintayin na lang matapos ang Cluster para makapag simula ng magpahinga. Pero kanina, dahil sa aking munting katanungan, naisipan kong tawagan si Ate G.

Ate G: Hello?

Ako: Ayos ha! Nasa bahay ka talaga?

Ate G: Nawindang nga ako sa sagot ko at hello nga lang ang nasabi ko.

At maraming kwento ng dumaan hanggang sa...

Ako: Ate G, di ako aattend ng household ha. Gusto ko lang ipahinga ung katawan ko, masyado kasing nabugbog sa practice baka kapag di pa ako magpahinga, di na ako makasayaw.

Ate G: Ay! Umattend ka! Bahala ka pag di ka umattend!

Ako: Kailangan ko ngang ikundisyon ang sarili ko kasi wala na akong pahinga baka magcollapse ako.

Ate G: Di naman katawan mo ung gagalaw dun eh! Sige kung gusto mo humiga ka na lang habang nagha-household tayo tapos with matching kandila pa.

Ako: Tapos nakaluhod kayo, nakayuko at nakapalibot sa akin habang nakahiga ako at nakapikit! Ayos! Parang dinadasalan nyo na ko!

Walang humpay na tawanan...

Ate G: Basta umattend ka! Kung hindi, di na kita kakausapin kahit kailan.

Ako: Ay! May ganon! Cge na! Simpleng pag-iistamp nga lang na nafax ko na ung document di ko pa mastamp eh kasi masakit. Di ko madiinan.

Ate G: Sige wag ka ng umattend.

Ako: O sinabi mo yan ha! Sige, salamat! Di na ko aattend.

Ate G: Bahala ka! Pag di ka umattend di ka na namin kakausapin.

Ako: Sige na paalam na kasi may gagawin pa ako at saka tawag na ako ng boss ko.

Ate G: Umattend ka ha.

Ako: Hindi nga ako aattend kasi nga magpapahinga ako! Sige na ba-bye na!

Baba ang fone. Tahimik. Balik sa normal. Maya maya nagring ang telepono.

Ako: Redha Al Ansari, good morning!

Kabilang Linya: Hello! Attend ka mamaya may surprise ako!

Ako: Anong surprise mo? Si Mama? Alam ko ng nandito si Mama!

Kabilang Linya: Hindi! Ano ka ba! Iba!

Ako: Pasalubong ni Mama!

Kabilang Linya: Hahaha!!! Hindi nga, ang kulit!

Ako: Ano yung surprise mo?

Kabilang Linya: Pagsinabi ko, di na surprise un!

Ako: Oo nga naman! Pero tungkol saan naman yan?

Kabilang Linya: Ai! Ang kulit naman nito! Attend ka muna ng household saka ko sasabihin sayo!

Ako: Ayoko nga! Magpapahinga nga ako. Ipadala mo na lang sa bahay yang sorpresa mo!

Kabilang Linya: eeehhh... sumama ka na!

Ako: Ako kapag di nasurprise jan sa sorpresa mong yan, di na kita kakausapin!

Kabilang Linya: Ay! May halong pagbabanta?!

Ako: Eh bina-black mail mo ko eh kaya ibla-black mail din kita!

Kabilang Linya: Actually ung sorpresa ko sayo eh walang sorpresa.

Ako: Ako Ate Gina kapag nag-expect ako ng sorpresa mo at wala kang sorpresa sa akin, di na talaga kita kakausapin! Alam ko naman yun eh sinasabi mo lang na may surprise ka para umattend ako ng household, eh kaso gusto ko ngang magpahinga kasi masakit nga ung katawan ko.

Kabilang Linya: Sige na umattend ka na! Sige ka, ikaw rin!

Ako: Sige ka! Ikaw rin! Kapag ako di nasorpresa jan sa sorpresa mo, di na kita kakausapin. Siguraduhin mong masosorpresa ako!

Kabilang Linya: Ay! Teka. Ano bang pamantayan mo ng sorpresa? Kasi para sa akin, kasorpre-sopresa na sa akin ‘to eh. Pero wag mong expect may lobo, cake at kung ano ano pa, di mo birthday huh!


Patuloy pa rin sa kulitan hanggang una ng nagpaalam ung nasa kabilang linya dahil may i-fa-follow up pa daw sya. Tahimik ulit. Bumalik sa normal ulit. Hanggang dumating ang 7.30 pm. Nagring ang mobile. Sinagot. Naputol. Tumawag.

Kabilang Linya: Aattend ka?

Ako: Hindi.

Kabilang LInya: Ayyyy!! Sige na! Attend ka na! May sorpresa nga ako sayo.

Ako: Eh hindi nga ako aattend kasi magpapahinga nga ako.

Kabilang linya: Attend ka na! Sige na! May sorpresa nga kasi ako sayo.

Ako: Kapag ako di nasorpresa jan sa sorpresa mo di na kita kakausapin.

Kabilang Linya: Kinunsulta ko na kay Lei, kasorpre-sorpresa naman daw. Sige na, attend ka na.

Ako: Ayoko nga.

Kabilang Linya: Sige na sabihin mo na kung aattend ka o hindi.

Ako: May choice?

Kabilang linya: oo

Ako: Doon ako sa hindi aattend!

Kabilang Linya: Ano ba! Sige na attend ka ba o hindi? Kasi kung aattend ka, may sorpresa ka? Kung hindi wala kang sorpresa tapos di ka na naming kakausapin.

Ako: Ay! Talagang may Ganon?

Kabilang Linya: Aattend ka ba?
(person no. 2 – si Lei)

Ako: Oo. Kasama si Dan.

Kabilang LInya: Pupunta sa kabilang bahay si Dan?
(si Lei ulit)

Ako: Oo.

Kabilang Linya: sige, hintay ka naming. Sabay sabay na tayong apat.
(si Lei pa rin)

Ako: Sige

Kabilang Linya: Aattend ka na? Yeheeey!!!
(Si Ate Gina)

Ako: Hindi. Magpapahinga nga ako!

Kabilang Linya: Ewan ko sayo! Bahala ka nga!
(si Ate Gina)

Ako: Talaga

Kabialng Linya: Sige na nga! Babye na.
(si Ate Gina)

Ako: Sige ba-bye!


Hay... habang kwentuhan no? Pero sa gitna ng kwentuhang ito, naglalabasan ang masasarap at genuine na halakhak ni Ate Gi, sarap kasing asarin ni Ate Gi lalo na’t sasagutin ka nya ng may halong paglalambing!

Nakakatanggal ng problema. Parang wala akong iniisip o dinadamdam. Nawawala ung pananakit ng katawan ko.

Alam ko, kilala ako ng mga ka-household ko. Kapag sinabi kong hindi, hindi talaga, kaya ganon na lang ang pilit sa akin ni Ate Gina.

Bakit? Minsan pede ding magbiro lalo na’t si Ate Gina ang kausap mo. At lease naka-isa ako ngayong araw na ito kay Ate Gina! :D

Singles Weekend Retreat!

15th September 2006 / 06:30 am to 5:00 pm

It happened 8 days ago! Galing di ba? Ngayon ko lang na post! It is simply because ngayon lang ako nagkaroon ng time na mag post ng mag post ng blog ulit!

Anywayz, mabilisan lang ‘to dahil di ko na ikwe-kwento kung anong nangyari sa aming 3 basta ang alam ko, kahit ang retreat ay naging recollection (dahil sa 1 araw lang ginanap ang SWR) at bitin ang talk no. 7, naging masaya naman ang kinalabasan nito!

Kapag may pagkakataong maulit ulit ang SWR, this time, di na ako magpupuyat para hindi ako inaantok sa mga reflections namin at di kami tinatanghali ng gising!!!

Monday, September 18, 2006

Start your day with these!!!

“Hiram ko ulit kay Kuya Kukote...”

Count the garden by the flowers, never by the leaves that fall. Count your life with smiles and not the tears that roll. Count the money in your pocket, and then, hati tayo! Wow!

Ang ulan, handa ka man o hindi, bumubuhos. Pero sa tuwing papatak ito, may isang taong handang mabasa kasama mo. Sya yung taong wala ring payong! Of course! =)

Frat leader: Balita ko, gay ka?!
Member: Hindi ako bakla! Chismax lang yun ng mg chuvanes na walang magawa sa mga chenelyn nila! Mga chaka ever! Me, Baklush? Haller?!

GMA: Ano bang hinahanap mo dyan sa 3 in 1 coffee mo at kanina ka pa silip nang silip dyan?
Erap: Hinahanap ko yung libreng asukal! May nakasulat kasi na "Sugarfree." GMA: Bobo! Banda yun!

Husband: Hindi ako makatulog, lagi kong naiisip ang utang ko kay pare na dalawang milyong piso.
Wife: Tawagan mo si pare, sabihin mo, hindi ka makakabayad para sya naman ang hindi makatulog.

Tumabi ako sa iyo at huminga ng malalim. Tinanong mo ako, "Bakit?" Ngumiti ako. Nagtanong ka ulit, "Bakit nga?" Sumagot ako, "Bakit ba? Masama bang huminga?"

Boy: Kukunin ko ang mga bituin at ibibigay ko sa iyo!
Girl: Shut up! Hindi mo nga makuha yang kulangot mo, bituin pa!
Boy: Ay sorry, hindi ko alam na ito pala ang gusto mo!

Ahas1: Makamandag ba tayo?
Ahas2: Ewan, bakit?
Ahas1: Nakagat ko ang dila ko kanina eh, kinakabahan ako.

Mrs: Naniniwala ka ba na ang babae habang tumatanda ay gumaganda?
Mr: Oo naman.
Mrs: Sa tingin mo, gumaganda ba ako?
Mr: Sa tingin ko, hindi ka tumatanda.


Son: Itay, pinagalitan ako ng titser ko!
Dad: Bakit? Son: Hinalikan ko po ang seatmate ko.
Dad: Tong anak ko, manang mana. Hehehe. Eh, masarap ba?
Son: Opo, pogi po sya eh.

Kagabi, nanaginip ako, kumakain daw ako ng cotton candy. Maraming cotton candy. Pagkagising ko, wala na ang unan ko!

Hubby and wife travelling by car, not talking after quarrel. Passing farm of goats, mules and pigs, hubby asked sarcastically, "Relative of yours?" Wife replied, "Yup, in-laws!"

Husband: When I get mad at you, you never fight back. How do you control your anger?
Wife: I clean the toilet bowl.
Husband: How does that help?
Wife: I use your toothbrush.

Read each word reversely. A suomaf rotcod dlot em taht ylno latnem stneitap evah eht tnelat ot daer SMS neve nehw sti nettirw ylesrever. Oh, nabasa mo?

Smmiiillleee!!!! :D

Saturday, September 16, 2006

Pahiram muna Kuya Kukote!

“It is better to be hated for what you are than to be loved for what you are not.” - Andre Gide.

Never let your pride ruin everything. It's better to lose your pride than to lose the love of your life because of your pride.

Don't talk too much when you're mad, you might say things you don't mean to say.

Learn to love with all your heart and accept the unlovable side of others. For anyone can love a rose, but only a great heart can include the thorns.

I wonder... masagot mo kaya ito?

Kanino nanggaling ang linyang ito at saang movie?

"Ang mga pasa at bukol na ito ay ebidensya ng kanyang marubdob na pag-ibig. Kapag hindi nya na ako sinasaktan, ibig sabihin, hindi na nya ako mahal, at yun ang aking ikamamatay."

Kapag nasagot mo ‘to sobrang bilib na ko sayo! Oo sayo! Ikaw na nag-iisang movie addict na kaibigan namin.


Eh eto, kapag nagpapicture ba ang mascot, ngumingiti din ang tao sa loob?

Oo, para sayo din ito! Kasi alam naming kahit wala pang sinasabi o di mo pa nakikita, eh nakakapagbigay ka na ng generalization, conclusion, at sagot.

Thursday, September 14, 2006

Huling Sulatin para sa Linggong ito!

Tama nga bang nasa isip ko? Huwebes na? Huh? Ang bilis ng araw!!! Ilang Linggo na lang, bakasyon ko na! Pero bago yun, sahuran na muna!!! Yun nga lang back to normal nanaman ang sahod ko! Haha! Totoo pala ang katagang “One Day Millionaire!”. Anyway, di ko naman pinagsisisihan ang araw na yun kasi napunta naman sa maayos ung pera.

Ano ano nga bang mga nagawa ko at gagawin ko ngayong Linggong ito?
Saturday – sa umaga, nagpadala ako ng pera kay jologs at sa gabi, nanood ako ng alang kakwenta kwentang sukob! Kala ko pa naman maganda! Di ko kasi sya naappreciate masyado dahil di ako nasindak! Marahil dahil iba ang pagkakainterpret ko sa story at sa sobrang labo ng kopyang pinapanood namin, eh di ko makita (Sus! Ayaw pang amining malabo na talaga ang mata...) Tapos yung ending, ay nako! Pinilit! Dapat di na lang ganon yung ginawang ending! Dami ko kasing tanong!

Sunday – umattend ako ng meeting ng Creative Ministry. As usual, wala pa ring pagbabago, mas matagal pa yung pag-aayos ng mga pangalan ng members kung anong role nila kaysa sa talagang agenda! Sa madaling salita, di parin talaga prepared at doon lang ulit priniprepared.

Monday - ??? nablablangko ako! Ah! Nanood ako ng Elf at Mercury Rising sa MBC 2 ng may tumawag sa akin, pasado alas onse. Si Osong! Ininform lang ako na ililipat daw ako sa Opening at isa sa dalawang pinaglagyan ko eh aalisin nila. Request ko lang sa Infinite Love na lang ako tanggalin kasi gusto kong makasama ung Household ko sa Dinner, kaya lang, parang iniwan ko naman sa ere si G pagnagkataon... hayyyy... pede bang 3 na lang ung sayawan ko?

Tuesday – umabsent ako ng meeting ng Choreographer at Team Leader (ang bait kong Team Leader!) ng Creative Ministry! Ang saya di ba? Pero may dahilan naman, kasi may sakit si G kaya hindi ako umattend. Nagpaalam naman ako kay Osong dahil walang mag babantay kay G.

Wednesday – hmmm... dapat mamamalantsa ako ng gabi kaya lang tinamaan ako ng katam! Tinamad ako at mas minabuti ko pang humiga at manood ng Pretty Woman! Hehehe... ang sipag ko no?

Thursday – tanghali, naglaba ako. Nagpalit ako ng cover ng kama. Nagtiklop ng mga plantsahin. Nag-ayos ng kama, un nga lang may naiwan pa rin akong kalat at labahin kasi papasok pa ako! Si G na magtutuloy ng mga naiwan ko at itutuloy ko ulit pagkatapos ng Technical Workshop namin mamayang gabi.

Friday – may SWR (Single Weekend Retreat, tama ba?) kami sa Jebel Ali. 6 am – 5 pm, pero alam nyo ba kung anong masaya? 6.20 am ang call time naming sa may Pizza Hut Al Riqqa!! Pasaway di ba? Asar???? Syempre dating naming don 7.30 or 8 am na! So ang 6.00 am starting eh magiging 8 am na! Heheheh…

Ayan! Nailathala ko na kung anong mga ginawa at gagawin ko ngayong Linggong ito at asusual, sa Sabado na tayo ulit magkikita kita, wala kasi kaming pasok ng Biyernes at wala din naman akong PC sa bhay at hindi ako lumalabas para lang magrent ng internet so, wala talagang paraan.

O pano, uuwi na ako! Hinihintay na kasi ako ng Habibi ko... Paalam!

Wednesday, September 13, 2006

Heto nanaman ako...

Heto nanaman ako, nagsusulat dahil walang magawa... Daming tumatakbo sa aking isipan at nag-uunahang lumabas para itipa ng aking mga daliri pero dahil sa nag-uunahan nga sila, wala akong masimulan dahil hindi ko alam kung pano ko sisimulan at kung saan ako magsisimula!

Hay... ngayon naman nabla-blangko na ko! Labo talaga! Ang gulooo!!! Di naman ako humithit ng mothballs kanina para magkaganito ako ha. Ano ba!!!

Ewan ko, simula noong may mangyaring di maganda sa akin nitong taong ito, pakiramdam ko, malaki na ang pinagbago ko lalo na sa pakikitungo sayo. Hindi ko alam kung bakit pero lahat na lang napapansin ko at pagdating sayo napaka – overly sensitive ko! Nahawa ba ako?

Minsan tuloy pati ung mga taong mahal ko na wala namang kinalaman sa mga pangyayaring nagaganap sa buhay ko, eh, nadadamay dahil sa maling pag-unawa mo. Dati ang dali mo lang sabihan ng problema pero ngayon, parang ang hirap mo nang kausapin. Hay… 3 is a crowd talaga! Never talaga akong nakapagstay sa 3 o baka kasi may ibang mundo na akong ginagalawan ngayon kaya ganon?

Minsan gusto kitang kausapin pero madalas, di ko na magawa dahil sa di ko alam kung makikipag-usap ka ba o hindi. Dati, madali mo lang sabihin ang problema mo sa akin pero ngayon, iba na ang nagsasabi ng problema mo sa akin. Gusto ko mang kausapin ka tungkol sa mga problema mo pero bakit ako magsasalita eh hindi ka nga nagsasabi sa akin?

Hay... Kagabi, may pinagpayuhan ako at kanina, may kausap ako. Ewan ko pero ang alam ko, madaling magpayo pero kapag tayo na ang nasa ganong sitwasyon, di naman natin mapayuhan ang mga sarili natin. Minsan naman, ang hilig nating mamuna, magsalita sa mga bagay na ayaw natin pero naisip ba natin ang sarili natin? Ikaw, ako, tayo? Naisip ba natin na sa bawat salitang binibitawan natin, sa bawat pagpayong ginagawa natin at sa bawat pagpuna na nagagawa natin, eh hindi ba natin nakikita ang sarili natin sa ganong sitwasyon?

Bilis mag shift ng kwento ko no? Kanina lang ikaw ang kausap ko, tapos naibaling ko agad sa mga pangyayaring naganap sa akin kagabi at kanina. Siguro kasi gusto ko lang iparating sayong kung anong nararamdaman mo ngayon dahil sa mga pangyayaring nakapalibot sayo, yan din yung mga nararamdaman ng mga taong mahal mo noong nasa ganong sitwasyon ka din.

Di ba wala silang magawa? Hinayaan ka lang nila kasi doon ka masaya. Mahal ka nila at kahit mahirap para sa kanilang tanggapin yun, alam mong sinubukan nilang tanggapin ang mga bagay na pinagdesisyunan mo dahil alam nilang doon ka masaya.

Naalala ko tuloy yung pangyayaring nangyari sa amin ng Mommy ko. Hindi ako nagpaparamdam sa kanila at sa kapatid ko lang na sumunod sa akin sila nakikibalita. Ng malaman nilang may sakit ako, nag-alala sila ng sobra, pero tiniis nila ang pag-aalala dahil alam nilang ayaw ko silang mag-alala sila sa akin, para “kunwari” wala silang alam at kung wala silang alam, ang alam ko dito, di sila nag-aalala. Pero nung ma-confine si Mommy, wala silang sinabihan ni Daddy, kung di nagtanong ung kapatid ko, di pa magsasalita ang daddy ko. Ayaw din ipasabi sa akin ng Mommy at Daddy ko dahil ayaw nilang mag-alala ako, pero nung malaman ko yun, naramdaman ko kung anong naramdaman nila noong nasa ganong sitwasyon sila.

Nakakarelate ka ba? Alam ko naiintindihan mong lahat at alam ko ring nahihirapan kang i-feed sa isip mo ang lahat ng pangyayari. Pero ganon talaga, bawat tao, may kanya kanyang buhay. May nakaplano. May nakasulat. May sari-sarili tayong buhay. May sari-sariling isip. Walang puedeng kumontrol non kundi tayo lang rin naman.

Tiwala lang sa lahat ng taong mahal mo at sa Diyos. Alam mong hindi NYA tayo pababayaan. Hindi kumplikado ang buhay kung marunong lang tayong humawak at magkontrol nito.

Ng dahil kay Kukote

Dumalaw ako sa bahay ni kukote dahil may itatanong ako tungkol sa loop ng comment nya... “inggit ako eh” kaya gusto ko ganon din ung maging loop sa comment ko.

Dati rati, kuntento na ako sa “friendster blog”. Basta makapag-blog lang ako, ayos na! Tapos nasundan ng blogdrive na hindi ko naman nilagyan ng kung ano ano, tapos nag register ako sa blogspot na kung saan ginawa kong pangalawang tahanan ko.

Pero ngayon, ng dahil kay Kukote, dami kong gustong gawin sa buhay ko! Mahilig na rin lang naman akong magsulat eh bakit di ko pa gawin dito kahit na ba kami kami lang rin ang nagbabasa di ba?

Gaya ng nasabi ko, dumalaw ako sa bahay ni kukote, at yaman na rin lang nandon na ako at wala akong ginagawa sa kadahilanang wala pa si Amo, nagbasa na rin ako ng mga post nya. At ayun, tinamaan ng kidlat! Muli na naman akong nangarap na ayusin ang blogdrive at blogspot ko.

Di ko alam kung kailan, pero may naisulat kasi si Kukote na pedeng pagkakitaan ang pagblo-blog kaya ayun, simula noon eh pinangarap ko ng ayusin ang blog ko at simulang pagkakitaan kaya lang sa kadahilanang wala akong oras at wala akong sariling pc, napag-kasya ko ang sarili kong magsulat na lang muna ng magsulat!

At ayun nga! Kanina! Nangarap na naman ako nung muli akong dumalaw sa bahay ni kukote.
Kaya lang nga may problem ako di ba? Hindi ko magagawa yung plano kong yon kung wala pa akong computer. Wala pa kasi akong balak bumili dahil nga may pinaghahandaan kami ni G. Pero kung malipat si G ng trabaho at matanggap don sa bago nyang prospect, malamang, bumili na kami ng PC at magpapakabit ako ng adsl para 24/7 ang access ko!

Hayyyy... Sarap mangarap diba! Pero di ako nawawalan ng pag-asa! Makakabili din ako ng PC at habang nandyan pa si Kukote, alam kong maisasakatuparan ko ung mga plano ko! Alam ko namang tutulungan ako ni Kukote kahit na ba di pa kami lubos na magkakilala!

Monday, September 11, 2006

PIKON ni Bb. GMDV

Ang PIKON na inilathala ni Bb. GMDV ay mababasa dito.

Ito ay tungkol sa pangyayaring naganap na sa kanya na di nya malaman kung bakit sya apektado.

Marahil, “napikon” din sya sa pangyayaring yon o sadyang narealize lang nya na malakas na syang makapikon.

Tinanong din nya sa paksang iyon kung ano ano ang mga senyales ng pagiging pikon, ngunit di lahat ng senyales na inihain ni Bb. GMDV ay sadyang di mo malaman kung ayun na nga ang mga tamang senyales ng pagiging pikon.

Gaya ng...
Pananahimik sa twing inaasar sila o umiiwas/iniiba ang paksa ng itinukso sa kanila
Di mo masasabi kung anong nasa utak o isip ng taong nananahimik. Maaaring napipikon na sila o di na lang nila pinapansin ang mga pang-aasar mo dahil para sa kanya, alang kakwenta kwenta ang mga pang-aasar mo.

Pwede ring binibigay nya lang kung anong kaligayahan mo. Kung masaya ka at satisfied ka sa pang-aasar sa kanya, hinahayaan nya na lang na asarin mo sya dahil maaaring para sa kanya, mapapagod ka rin naman sa pang-aasar sa kanya.


kapag ibinabalik ang pang-aasar
Minsan sa mga taong nang-aasar, karamihan mga sa-la sa init at sa-la sa lamig. Kapag nananahimik ang taong inaasar nyo, sasabihin nyo “ay wala ka pala eh! Madali ka palang mapikon!” Kapag nakipag-asaran naman sa inyo, sasabihin nyo naman “Ai di ka naman napipikon nyan?”. Nakahit para sa kanya, di naman sya apektado. Haaayyy...

Eh mga kapatid, saan ba dapat lulugar ang taong inaasar? Bilang taong malakas mang-asar pano nyo sinasabing asar na nga ang isang taong inaasar nyo? Ang hirap di ba?


nagagalit kapag tinutukso sila
Eto, sori sa mga inaasar pero wala na kasi kayong kawala dito. Kapag nagalit na ang taong inaasar, maging sensitive naman sana ung taong nang-aasar! Kasi ibig sabihin asar na yung taong inaasar nyo! Manahimik ka na lang kung nagsalita na ng di maganda yung taong inaasar nyo.

umaalis kapag inaasar / tinutukso sila
Malay nyo, may pupuntahan lang talaga o kaya wiwingwiwi na sya... Case to case kasi yan eh. Tingnan nyo muna kung ano talagang dahilan kung bakit umalis ung taong inaasar nyo.

nagtataas ng boses kapag napag-uusapan ang mga kuwentong pang-asar sa kanila
Asar na nga sya. Sa taong inaasar kasi kapag nagtaas ka na ng boses ibig sabihin apektado ka na sa pang-aasar nila. Kapag ganyan na ang pangyayari, yung mga taong nang-aasar, manahimik ka na.

sumasagot ng ganito kapag sinasabihan na napipikon na: “hindi ‘no… hindi ako pikon / napipikon!!!”
hindi lahat ng taong inaasar na kapag sumagot ng ganyan, eh pikon na. Maaaring nag-eenjoy lang sila sa pang-aasar nyo o kaya, talagang hindi sya pikon, malapit palang mapikon.


Kaya ko naman na bring out ang usapin tungkol sa paksang ito dahil may pangyayari kagabing ako ang pinagkatuwaan nila.

7 kami sa kwarto, 4 sa kanila panay ang pang-aasar at 2 sa kanila, nakikinig lang sa asaran.

Bumili kasi ako noong isang araw ng pangwax (teka, para malinaw sa inyong lahat, ang wax na tinutukoy ko eh yung ginagamit pantangal ng buhok sa underarm, baka kasi isipin nyo yung wax na para sa buhok natin sa ulo, ewan ko rin kung meron ding ganon, yun eh ayon lang naman sa kasama kong ganon ang pagkakaintindi) sa Citicenter. Dahil sa kagustuhan kong makatipid, sa halip na pumunta ako sa salon para magpawax ng kilikili ko, bumili na lang ako noon para sa bahay ko na lang gagawin.

So kagabi, sinabihan ko ang aking kabiyak na tulungan ako sa gagawin ko. Syempre, kapag magbubunot ka ng buhok mo sa kilikili ng maramihan, mas prefer mo yung iba ang hihila non para sayo, kasi kung ikaw ang hihila, makokontrol mo pa ang sarili mong wag masaktan at baka masayang pa o mas lalo kang masaktan sa gagawin mo.

Kagabi, nung makita ng isang kasamahan ko sa kwarto ang gagawin ko, sinimulan na niya ang pang-aasar hanggang sa sinundan na ng lahat ang asaran. Tutal para sa akin, normal na ang mga ganong pangyayari sa bahay dahil wala naman silang ibang inaasar don kundi ako lang, kaya wala ng dating sa akin yung mga pang-aasar nila.

Yung totoo, hindi ako naaasar sa mga pang-aasar nila. Gaya ng sinabi ko, kaligayahan nilang asarin ako, kaya ok lang dahil alam kong mapapagod din sila sa pang-aasar.

At dahil sa may nakikinig sa mga pang-aasar nila, yung isang nakikinig eh di na napigilang magtanong. Sumagot yung isa na kung saan sa tono ng pagkasagot nya eh doon ako naasar!

Para kasi sa akin, pinangungunahan mo ko sa sagot ko eh hindi mo naman pala alam kung bakit.. Parang sasagot sagot ka mali naman ung sagot mo...

Parang ganito:
Si nakikinig: talaga bang mahaba yung buhok mo sa kilikili kase grabe yung mga pang-aasar nila.

Si sumagot: Eh pano pinabayaan kaya humaba ng ganyan yan! (di ko na matandaan kung yan nga ung saktong sinabi nya basta ang alam ko nalalapit sa ganyang salita).

Syempre yung iba, kahit di nila nakita at dahil nagsalita yung isang nakakita, syempre, mas lalong tumaas ang momentum ng asaran.

Habang patuloy sila sa pang-aasar, bilang sagot ko sa taong nagtanong sa akin, sinabi ko na dapat kasi sa salon ako magpapawax at required nila ang mahaba ang buhok sa kilikili para mas madaling makuha o kumapit kaya ko pinahaba dahil kung maiksi ung buhok mo sa kilikili, baka pauwiin ka na lang noong taong magwawax sayo sa salon, na sinigundahan naman nung isa pang taong nakikinig na sa wari ko’y nagpapawax din.

Di nagtagal nawala rin ang asaran. Ewan ko kung pano, bigla na lang kasi silang nanahimik. Wala naman kasi akong paki-alam sa mga pinagsasabi nila eh dahil busy ako sa ginagawa ko!

Realization: Hindi naman masama kung sabihin mo o ilabas mo kung anong nararamdaman mo sa mga pang-aasar na ginagawa sayo, kaya lang minsan, kailangan mo ring kontrolin ang sarili mo dahil baka ikaw naman ang may masaktan. At sa mga taong malakas mang-asar, minsan, kailangan maging sensitibo ka rin naman sa mga binibitawan mong salita, baka kasi mamaya, below the belt ka na sa pang-aasar o kaya maling impormasyon na pala ang nasasabi mo, kung ikaw rin naman siguro ang nasa kalagayan ng inaasar, maiinis o maasar ka rin naman kung aasarin ka na lang, mali pang pang-aasar ang ginagawa sayo.

Sunday, September 10, 2006

Ngayong Linggo!!!

Ngayong hapon na ito, daming pangyayaring naganap sa buhay ko sa ilang oras na igunugol ko sa lupa...

Unang Pangyayari:
Nawala ung celfone ko in less than 15 minutes! Magulo di ba? Naiwan ko kasi sa taxing sinakyan ko kanina ung celfone ko at nalaman kong wala sya sa bulsa ko noong makarating na ako sa office ko.

Pinatawagan ko kay G pero sabi ni G wala daw sumasagot ko. So nag-isip na naman ako kung nasan ung celfone ko pero sigurado ako, sa taxi ko naiwan. Nung ako na ang tumawag using our fax office number (wala kasi akong access sa fone ko para makadial ng zero) sinagot nung driver:

Driver: Hello?
Me: Hello? Is this the driver of Arabian Taxi?
Driver: Why?
Me: I left my mobile in your taxi a while ago around 5 minutes back.
Driver: Location?
Me: I am the passenger who came down in ARBIFT Tower.
Driver: Ah ok. Can you come down to Dubai Municipality? I am near to that building.
Me: Ok. I’ll be there in less than 10 minutes.

Pagkatapos, bumaba ako at nagmamadaling pumunta doon sa lugar na sinabi nya. Ayos! Nung makita nya ako, binuksan nya agad ung window nya at inabot yung celfone ko. Sobrang pasasalamat ko sa kanya at syempre kay Lord kasi kahit “Janno Gibbs” sya, eh may mabuting asal sya.

Pero alam nyo ba pagnagkataon, eto ang pangalawang celfone na mawawala sa akin. Although na demote na nga yung celfone ko ngayon, still, masama pa rin ang loob ko kung sakaling mawala nga iyon.

Biruin mo, ung unang celfone ko na 6670 na nirigalo ko para sa birthday ko eh 3 months pa lang ang nakakalipas eh pinalitan ko agad ng 6630 at wala pang 6 na bwan, nawala ung 6630 ko. May “nagnakaw” dito sa office.

Opo, ninakaw pero ang malupit nito, from outside! Yung mga taong tipong kakatok o bigla na lang papasok sa opisina nyo at magtitinda ng kung ano ano.

Yung indianong yun! Isa syang tindero ng necktie. Tapos kinabukasan, bumalik sya dahil pinababalik daw sya nung isang kasama ko dito sa opisina, pero nung tawagan ko, sabi nya, di naman daw nya pinababalik. Lumabas sya, tapos ng malingat ako ng konti, wala na sa lamesa ko yung 6630 ko! Addict! Ang bilis!

Di ko yun makakalimutan! Importante sa akin yung celfone na yun. Pauwi pa naman ako ng Pilipinas noong panahon na yun at balak ko pang ibigay sa Daddy ko yung 6670 na nirigalo ko sa sarili ko. Grabe! Ewan ko. Ngingiti ngiti lang ako pero sobrang sama ng loob ko non!

Nwei, nalolost track na tayo... to cut that story, di ko na ulit nakuha yung 6630 fone ko. And in related to my story ngayon, parehas silang indiano!

Realization: Hindi lahat ng Indiano magnanakaw, masama (pero karamihan sa kanila, ganon, backfighter, nagmamarunong) pero wala ring pinagkaiba ang mga Indiano sa Pilipino. Hindi lahat ng Pilipino, mababait, may mga gahaman din sa pera, makasarili at walang kinakatakutan. Ibig sabihin, hindi porkit eto ang lahi mo, ganito ka. Bawat tao, may pagkakaiba! Kaya wag nating i-judge ang mga taong hindi pa natin nakikilala ng ayon sa mga alam natin o pagkakaalam natin.


Pangalawang Pangyayari:
Kung dinalaw nyo ang lumang bahay ko, marahil makakarelate kayo sa pangalawang pangyayaring ito.

Kung sa sulatin kong ‘yon eh puro pagkainis ko sa kanya ang naisusulat ko, ngayon naman eh natutuwa ako.

Nagsimula kasi yun noong mag-email ako sa kanya, although hindi na sya nagreply pero naramdaman ko naman kung anong pagbabago sa kanya.

Nakakatuwa kasi, pinipilit nya ung sarili nyang ma-cope up sa lugar na ayaw nya.

Natutuwa ako kasi at least ngayon, alam ko, nagbibigay na sya ng effort para maging komportable. At umaasa akong darating din ang araw na magiging normal na ang takbo ng buhay naming dalawa.

Realization: Kung gugustuhin naman natin, makakakaya natin. Kung bibigyan o pagtutuunan natin ng panahon, sigurado, makakasanayan at magugustuhan na rin natin. Unti untiin lang natin at wag biglain para hindi mahirap sa ating yakapin ang bagay na mahirap para sa atin.


At ang huli...
Tumawag ako sa Pilipinas at nakausap ko ang mga kapatid ko!!! Bigla akong nalungkot dahil sobrang namiss ko sila! Pati ang mommy, daddy at uniko iho ko!

Tutal, araw ng Linggo, Family Day. Lumabas sila at namasyal! And take note! Di lang basta pasyal! Sa sosyaling lugar pa sila nagpunta. Dati rati noong nandon pa ako as Pilipinas, Metropolis, Festival Mall o Southmall lang ang puntahan namin. Kakain kami sa Food Court at combo pa yung order namin! Tipong 2 ulam sa isang kanin tapos extra rice na lang ung iba.
Pero kanina, sabi ng mga kapatid ko, nagpunta sila sa lugar na dati pang masa pero ngayon eh mga sosyal na tao na lang ang pumupunta! At di lang yon! Umabot daw ung bill nila ng 1k!!! Biruin mo? Samantalang dati ung tipong 300 below lang dapat ang magagastos ni Mommy sa amin!
Sayang, ako lang ang kulang doon! Hayyyy... di bale, pag-iipunan ko ang araw na kayo naman ang makakasama ko dito.

Sobrang miss na miss ko na kayo!!!

Realization: Bilis makapanghomesick ang masasayang boses ng mga taong mahal mo sa buhay...

Saturday, September 09, 2006

Sabado Na Naman!!!

Eto ang unang araw ng Linggo dito sa bansang kinalalagyan ko ngayon at unang araw ng Linggo para sa trabaho...

Hayyyyy... Mahaba-habang araw na naman ang aking bibilangin para sa araw ng Huwebes... At mahaba-habang tiisan na naman sa mga pagmumukha ng mga taong nakikita ko dito sa opisina!

Dati sa araw ng Sabado, wala akong paki-alam kung una pa yan sa Linggong dadaan kasi trabaho lang ang aking pinagtutuunan. Pero ngayon, hayyyyy... Unang araw, sira agad dahil sa mga kasamahan mo sa trabaho at magtutuloy tuloy hanggang matapos ang araw ng Huwebes!!!

Cguro nga aning lang ako sa mga pinag-iiisip ko! At kung buntis lang siguro ako, hay... (ulit) baka kamukha na ng mga tao dito ang magiging anak ko! Eeeewwww!!! Kakainis di ba?

Gaya na lang nito HR namin... dati rati naman kapag nakikita kong dumadaan sa harap ko, wala lang! pero ngayon, assssaaarrrr!!! Nagsimula un nung bigla nya akong baligtarin sa gulong nangyari nito bwan ng hunyo! At nagpatuloy dahil sa mga pabalang na utos nya sa akin at pamumuna sa mga kilos ko!!! Kung pede nga lang sagutin, sasagutin ko ‘to eh! Gusto kong sabihin sa kanya na “halllleeeeerrr??? Di mo ko sekretarya! GM lang ang puede sa aking mag-utos ng pabalang! But hey! Kahit nga ung GM namin, laging may pleasekung mag-utos hindi tulad mo! Feeling ka huh!” kaya lang, syempre, mabait akong bata kaya nag-hihimutok na lang akong mag-isa!

Pangalawa, itong OFFICE BOY namin! My gosh! Parang si HR kung mag-utos! Amo?!?!?!!! Kung sya nga hindi ko inuutusan, tapos ako uutusan nya?

Kasalanan ko rin kasi eh, masyado akong mabait! Kaya kahit busy ako, bilang pakikisama, ginagawa ko... (TANGA!) Oo, alam ko! Matagal na! May hangganan din ang lahat! Kung kalian, hindi ko alam. Siguro kapag puno na ako sa mga pag-uugali nila lalong lalo na yang HR na yan na backfighter na, tsismosa pa! AS IN GRRAAABBBEEE!!!! Ikakasal na lang ako, ginagawan pa ako ng tsismis sa trabaho! Adik! Maganda naman sya kaya di nya dapat ako kainggitan pero siguro dahil mas maganda ako sa kanya, bwwwwaaaahahahaha!!!! Ayun, gumagawa ang kwento sa opisina para siraan ako. Di bale! May taning na kayong lahat sa akin!!! :D

Nga pala, matatapos na ang araw ng Sabado... ilang oras na lang uuwi na ako! Bukas Linggo, sana ibang kwento naman ang maisulat ko!

Thursday, September 07, 2006

Naisip ko lang...

Kaninang umaga, habang ako’y naglalakad papasok sa opisina, tila naiwan ang isip ko sa aming tahanan. Iniisip ko kasi kung pano ko matatapos ayusin ang bahay namin. Kalilipat lang kasi namin at para sa akin, marami pang dapat ayusin, marami pang dapat gawin.
- maglinis at ayusin ang kwarto
- magbawas ng abubot
- maglaba
- mamalantsa

hay... ewan ko kung pano ko sisimulan at kung kelan matatapos!

Sa kalibangan ng isip kong mag-isip napansin kong wala ang mga kasabay ko sa hitayan ng bus. Ang pag-iisip ko sa tungkol sa bahay ay nabaling sa pag-iisip ko kung nasan na kaya ang bus?

“Maaga pa, dumaan na agad ung bus?”

Naisip ko lang na di kaya huli na ako o kaya’y maagang dumating ang bus at naiwan ako?

Tiningnan ang celfone, 8 am na, wala pang miscol si Ate Arlene.

“Di kaya nakalimutan ni Ateng i-miscol ako?”

Dahil sa ganong tanong, naisipan kong tawagan na sya.

Ate Arlene: Hello?
Ako: Ate! Nasan ka? Nanjan ka pa ba?
Ate Arlene: Oo, di pa dumadating ung bus. Tingin na traffic kase traffic sa kabila eh.
Ako: Ah ganon ba, sige intay ako dito.
Ate Arlene: Cge miscol kita pag dumating na ang bus.

8.10 am na wala pa rin ang bus. Hala! Kung ano ano na pumapasok sa isip ko!

“Simulan ko na kayang maglakad, pero teka baka biglang magmiscol si Ate maiwan ako ng bus...”

“Eh kung magtaxi na kaya ako, baka malate pa ko lalo nito eh... pero sayang naman yung ipapamasahe ko!”

Naiinip na ako! Baka ma-late ko! Dahil don, muli ko na namang naibaling ang aking isipan sa mga kotseng nagdaraanan sa harap ko...

“mag-aral na kaya ako ng driving tapos kuha ako ng car...”

“dami naming mapupuntahan! Tapos kapag may malayong lakarin, sama sama na lang kami sa isang sasakyan ng mga household ko”

“magkano kaya nagastos ni Tito sa driving? Magsimula na kaya ako next month? Ano ano kaya mga requirements? Kailangan magka-kotse na agad ako para di na ako mahirapan, tapos ika-carlift ko na lng ung mga kasabay ko sa bus! Ok na un! Kumita pa ako!”

Pero sa isang iglap lang, nawala ang lahat... di pa pala pede... kasi magpapakasal kami, kailangan un muna ang unahin! Grrrrr... kainis! Magtiis tiis muna! Hmp!

Ng makarating sa opisina, sinimulan ko na ang mamasyal sa mundo ng blog! Nagsimula na namang mag-isip ang magaling kong utak!

“Gusto kong pagtuunan ng pansin ang pagbla-blog dahil gusto kong gayahin si Kukote na kumikita ng dahil sa pagblo-blog!”

Pero pano ko magagawa ang lahat ng iyon kung sa opisina ko ginagawa ang lahat? Di kaya kakapalan na kung gagamitin ko ang IC ng opisina para lang sa sarili kong kita? Kaya naisip kong sa halip na celfone ang bibilhin ko, PC na lang! Tapos, magpapakabit ako ng IC sa bahay at tsaaraaann!!! Pede ko ng ayusin ang blog ko sa bahay... PERRROOO... Saan ko ipwe-pwesto ang PC!!!!!!!!!! Masikip na sa bago naming bahay at walang lugar sa kwarto na pedeng paglagyan ng PC! Solusyon, LAPTOP! Pero halleerrr???!!! Di na praktikal huh! Palalagyan ko lang virus at kung anik anik, pasisira ko pa LAPTOP! Di siguro! At saka mahal!!! Sa DHS 2,500 makakabili na ako ng brand new PC at puede ko pang i-upgrade ng i-upgrade, pero ang LAPTOP, sus! Dami ng lumabas na bago, ikaw, nasa luma pa rin! Kasi nga, di pedeng i-upgrade! At least ang PC pede mong palitan ang mga spareparts hindi ba? Pero may pero ulit eh... Kase nga ikakasal ako kaya di pa rin pede! Kainis talaga!!! GGGrrrrrr...

Pero alam nyo ba may naisip ulit ako, hehehe... para matupad lahat, tanggalin ang dahilan! Eh di WAG MUNANG MAGPAKASAL!!! Hehhehe...

PERO di pa rin pede kasi DESIDIDO na talaga kami kaya wala kaming ibang gagawin kundi maghintay tapos saka na lang gawin lahat ng naisip ko :D (pero syempre ung paglalaba, paglilinis at pamamalantsa, di pedeng saka na kasi mawawalan na kami ng isusuot nya!)

Saglit lang!

Katatapos ka ulit mamasyal sa mundo ng blog at marami rami rin naman akong napuntahan! Ung iba, paulit ulit ko lang dinadalaw at nag-iiwan ng marka, naghahanap ng bagong basahin at mapagkakalibangan sa kadahilanang wala pa rin si Amo.

Sa dami ng blog na aking nadalaw, sumakit ang ulo ko sa ibat ibang klaseng trip nila.
 blog = ORGANIZER
 blog = DIARY
 blog = ONLINE BOOKSTORE
 blog = QUOTES
 blog = JOKES
 blog = USAPANG LOVELIFE

meron ding iba’t ibang klaseng blog skin!
 black background, rainbow fonts
 black background, neon fonts
 CSS background, gray fonts
 cutoms background by blog drive or bloggers

Para kang nanonood ng TV na hindi mo malaman kung anong palabas ang panonoorin mo kaya palipat lipat ka ng channel... Nakakahilo!

But to be fair with the other blogs na dinalaw ko, ang galing! Talagang nagtuon ako ng oras para basahin ang mga un! Lalo na sa bago kong tuklas na si PAM na dumalaw rin sa aking bahay na umaalog alog! (Neng, kahit nagkandaduling duling ako sa blogsite mo, panalo ang mga sinulat mo! Isang apir sayo!).

Kay KUKOTE (pakitingnan na lang sa ka-blogster) na thumbs up talaga ako basta tungkol sa pagpapaganda at pagkakakitaan ang usapin tungkol sa blog, the best ito!

Kay CIDIE (pakitingnana na lang sa ka-blogster) na kahit wala pang update ngayon, still, napapangiti pa rin ako sa mga kakulitang pinagsusulat mo.

At sa iba na dinalaw ko, di ko man kayo nabanggit, panalo pa rin kayo. Gaya ng nasabi ko, trip trip lang ‘to!

Tuesday, September 05, 2006

Si Lukin

Dahil wala si Amo, napag–isipan kong mamasyal sa mundo ng blog... at dinalaw isa isa ang blog ng mga kakilala... Nahinto ako sa pamamasyal ng makita kong naka-link kay cidie ang bagong bukang bibig ni Elie. Si Lukin...

Dati, si Cidie ang punot dulo ng kwentuhan namin dahil sa mga kakatwang usaping nakakapagtanggal ng stress namin dito sa trabaho... Sumunod si Kukote dahil sa mga kakaiba nyang tuklas sa larangan ng pagpapaganda ng blog! At ang huli, na ngayon ko lang nadalaw, si Lukin na nakuha ang aking loob sa mga kwentong inilalathala nya sa kanya blog.

Gaya ng kay Cidie at Kukote, sayang saya ako at aliw na aliw rin sa mga sinulat ni Lukin. Para bang gusto kong halukayin ang simula ng blog ni Lukin pero hallleeerrr??? Hindi kaya pede dahil ako’y di hamak na dial up user lamang.. How sad... Oo, dial up user lang ako! Hmp!

Pero balik tayo kay Lukin... Lam nyo ba kung anong naramdaman ko? Tila nahawa na ata ako kay Ate Gina?!?!! Nagkaron agad ako ng inggit sa katawan! Opo! Inggit! Inggit sa kadahilanang naikumpara ko ang blog ko sa blog ni Lukin.

Kaya ko bang magsulat ng mga bagay na pedeng maging katulad ng pagsusulat ni Lukin na kahit nagsesenti na eh interesado pa ring basahin at may sense...

Hay,.. Lungkot, lumbay, hignapis...

Pero para sayo Lukin, abante ako!!! Este, Saludo ko sayo!

P.S. Pareng Cidie at Kukote, wag tampo ha... Gagawan ko rin kayo ng blog, intay lang kayo... hehehe...

Taong Simbahan

Hhmmmm, wala lang, naisip ko lang talakayin ang mga taong pumapaligid sa simbahan.

Ngunit bago ko ituloy ang paksang ito, ako'y humihingi na ng paumanhin kung may masabi man akong against sa inyong kalooban. Mangyari ang lahat ng ito'y ayon lamang sa obserbasyon at pangyayaring naganap sa akin.

Bata pa lang ako'y malaki na ang respeto ko sa mga taong naglilingkod sa simbahan. Marahil, lagi kong nakikita ang lolo at lola kong naglilingkod. At kahit ano pa mang ipinapakitang masamang ugali ng mga taong simbahan sa tv o sa pelikula, di ko iyon pinaniniwalaan sa kadahilanang di ko nakikita sa mga lolo at lola ko ang ganong pag-uugali. Kahit sa mga kaibigan ng lolo at lola ko, wala sa kanilang nagtataglay ng ganong karakter. At dahil don, pinangarap ko ring sana pagdating ng araw maging katulad din ako ng aking lolo at lola, ang makapaglingkod sa simbahan at sa Poong Maykapal.

Lumipas ang maraming taon at ang respeto kong iyon at pangarap ay nagpatuloy pa rin. Hanggang noong nakaraang taon, may kaibigan akong naghahanap ng kadamay sa buhay. Napag-uusap namin ang pagsali sa isang programang hinahawakan ng simbahan.

Una, sumali ako don dahil kailangan ko ng isang lugar na kung saan makakalimutan ko ang tunay na sitwasyon na meron ako.

Di nagtagal, unti unti ko na na-a-appreciate ang mga bagay na pumapaloob dito. Unti unti ko ng nararamdaman ang paglilingkod ko sa “KANYA” at unti unti ko na ring nayayakap ang pagiging tagapaglingkod hanggang sa dumating ang taon na ito.

Nawala ang lahat... nawala ang respetong bumabalot sa king isipan... nawala ang interes kong maglingkod at maging aktibo sa paglilingkod.

Bakit? Dahil sa isang taon kong paglilingkod, kasabay rin nito ang unti unting pagkamulat ng aking mga mata sa realidad... sa katotohanan... Ngunit malaki ang tanong sa aking isipan... Bakit di ko nakita sa lolo at lola ko at sa mga kaibigan nila ang nakikita ko?

At dahil don, ang respetong bumabalot sa aking isipan ay unti unting napapalitan ng pait at pagkamuhi sa mga taong malaki ang respeto ko. Kasabay din non, nawala ang tiwala ko sa mga taong dati’y madalas kong mapagsabihan ng kung anong hinaing ko sa mundo. At ang masakit pa dito, di kalaunan, unti – unti ko na ring nakikita ang sarili kong nagiging isa na rin sa kanila!!!

HINDI!!! AYOOOKKOOO!!!! HINDI AKO ITO!!! Dahil kahit kailan, di ko nagawang pag-usapan at panghimasukan ang buhay ng may buhay!!!

Pero ano ‘to? Kasama ko ang isang kumpol ng kabataan at nakikinig sa kanilang pinag-uusapan.

MALI!!! MALI ANG GANITO!!! Kung may problema ka sa isang tao, kausapin mo at sabihin mo ang hinanaing mo, hindi ung sa iba mo pa sasabihin na makakapagbibigay ng maling impression sa iba.

Ang sakit... Nakakalungkot... ang magandang paniniwala ko’t respeto sa mga taong ito’y unti unting nawawala.

Di mo naman kailangang pangaralan ang isang tao kung ikaw mismo eh ginagawa mo. Ikaw ang nakakataas, ikaw ang maging isang magandang halimbawa ng mabuting tagapaglingkod.

Di mo rin naman kailangang pag-usapan ang buhay ng isang tao, at kalkalin ito, lalo na’t alam mong maling landas na ang tinatahak nya. Di ba dapat, ikaw, ikaw na nakakaalam, sa halip na pag-usapan nyo pa, bakit di nyo na lang tulungan ang isang taong nawawala sa tamang landas.

At di mo kailangang sabihin pa sa iba ang mga sekreto sinabi sayo. Pinagkatiwalaan ka ng taong nagsabi sayo ng hinanaing nya sa mundo. Bilang respeto sa taong nagtitiwala sayo, hindi ba’t dapat kung ano mang nasabi sayo’y itago mo na lang at di na sabihin sa iba?

Alam ko, tao lang tayo, nagkakamali... Naiintindihan ko. Ang masakit lang, nagkamali na nga tayo, ginagawa pa rin natin. Minsan tuloy di mo alam kung sakit na ba talaga ng mga taong simabahan ang ganito klase ng sitwasyon.

Tayo’y tagapaglingkod... Hindi reporter o isa sa mga host ng The Buzz o Startalk!

Ang layunin natin ay mang hikayat ng mga kabataang naliligaw nang landas at maglingkod sa Simbahan at sa Poong May Kapal, hindi ang palayuin at turuang maging ganap na isang reporter at host ng The Buzz o Startalk.

Gusto ko lang iparating sa inyo na ang bawat tao ay may kanya kanyang pribadong buhay. Kung wala tayong magawa sa mga buhay natin, wag na nating paki-alaman ang buhay ng iba. Kung magulo na, wag na nating dagdagan pa. Matanda na tayo, alam na natin kung saan tayo dapat lumugar. Nandito tayo para damayan at tulungan ang bawat isa hindi para siraan at lalo pang pababain ang buhay ng iba...

Bilang pagtatapos ng paksang ito, sa kabila ng lahat, may mabubuting tao pa rin sa loob ng community na ginagalawan ko na syang nagiging dahilan para magpatuloy ako sa paglilingkod at maging aktibo sa Komunidad na kinagiliwan ko, Simbahan at sa Poong Maykapal.

Monday, September 04, 2006

Song Reflection

Kahapon ko pa gustong gumawa ng reflection regarding sa mga kantang naalala ko... Mga kantang minsan na ring nakapaghayag ng eksaktong nararamdaman ko, noon at magpahanggang ngayon.

Sa mga kantang nagiging daan ng paghahayag ng mga salitang di ko maihayag, mga salitang nilalaman ng puso ko at mga salitang nagkapagbibigay ng eksaktong description ng kung anong nararamdaman ko.

Minsan sa mga araw na ito, mararamdaman nyo na lamang ang mga emosyon ko ng dahil sa mga kantang ilalathala ko.

Saturday, September 02, 2006

Afraid of Falling

There was a time in my life I became afraid to fall in love. Because everytime I fell in love, I got hurt. I thought maybe that's why it's called "falling" in love. I would give my all, loving deeply and wholeheartedly. It would be a truly emotional, extremely euphoric experience. I would be dreaming about the object of my affection all day and all night, imagining good times together, thinking of what I can do or buy for him to show how much I care. I would feel light as a feather, energized and excited, literally blooming with the joy I feel inside.

Then somehow things would go wrong and my whole world would crash.
Disappointment. Resentment. Anger. Pain. Why? Can we not love without feeling pain? Is it really a price to pay for all the happiness we feel when we are in love? Should we just accept that because we love, we risk getting hurt? It was only after many years of soul-searching and reading inspirational writings that I realized that we can love without getting hurt. Only recently did I understand what unconditional love is all about.

Love is one of the most powerful forces in the universe. It is the fire that burns inside, the essence of being. Love is the source of all our comfort and contentment. It is a precious gift that defines our purpose in life. If we keep in mind that we can indeed preserve its true meaning, we can love to the fullest and be happy the rest of our lives.

Accept that other people express love differently. How do you express love? You say "I love you" three times a day, kiss and embrace as often as you can, you never forget anniversaries, you always prepare his favorite dishes. How does he express his love? He rarely says “Iloveyou", he seldom kisses you, he forgets your birthday, and he doesn't know how to cook. But he worked overtime, walks the dog, takes out the garbage, takes you to movies, and calls you “honey". He probably loves you more than you can imagine, he just shows it differently. If you can accept that then you will have a healthier perspective of your relationship. Derive happiness from giving love. When you love, do it because you want to. There is an indescribable joy in loving. Just give it. And cherish satisfaction in having given someone something of yourself. It's like giving a gift. Whether it is appreciated or not, find joy in simply giving. Love without expecting anything in return. This is where pain comes in... when you demand something in return for the love you give. You are setting yourself up for disappointment because love cannot always be reciprocal.

Love between two people can never be of the same intensity at the same time and place. No matter how much your partner loves you, she will never be able to fill all your needs all the time. And you will be in the worst situation if you believe you should love only when you are sure to receive equal love in return. You will be waiting in misery forever.

Love now. The past is gone and the future is just a dream. All of yesterday's aches and pains, as well as the loves and laughter, are mere memories. Let them go. Fantasies and worries are for a future that may never come. Don't dwell on them. Live now. Give love now. Do it now and enjoy it now. That is the secret of genuine contentment. Throw away those destructive habits. When you insist upon yourself that you always have to be in control, that you always have to be right, that others must always please you, you put yourself in a very tight spot. Loving relationships are flexible, dynamic, and evolving.

Leave room for change and interaction. Allow for new behavior and learning experiences. When we welcome these into our lives, we open ourselves to sharing more love and affection and less frustration and pain. Yes, you will say that unconditional love is easier said than done. I agree. Especially when we have always believed that love is give and take. But try believing that love is simply giving. And you will be surprised that a lot of it, even more, actually comes back to you.


“In life, love is never planned nor does it happen for a reason. But when the love is real, it becomes your plan for life and your reason for living."

Follow The Rules in your daily life but have the wisdom and the humility to recognize a gift from the heavens when it is given to you. I call true love a gift because of its rarity. It does not happen everyday. If you pass it up the first time, try not to be too arrogant to look away when it comes by the second time. You may ask "how will I know if this is my true love?" The answer to that is this: true love is that strong, awesome feeling that scares the hell out of you but always makes you unbearably happy. It doesn't go away, no matter how much you will it to. More than anything else, you'll know in your heart when you meet him that he is the one. He doesn't become the one the same way that soul mates do not become soul mates later in life. With him, you are damn certain that you are not settling. With him, you know that you will be sixty years old and never wondering about the one that got away because he never did. He's right there holding your hand....

A NEW HOME!!!

Gaya ng nasabi ko sa FRIENDSTER BLOG KO, dito nyo matutunghayan ang mga bago kong sulatin, kuro kuro, opinion at kung ano ano pa. Eto ang panibagong yugto ng pagiging ako...

Ang lipat blog ko ay para ring lipat bahay sa tunay na buhay. Daming preparasyon na ginagawa, at sa paglipat mo ng bagong tahanan, mangangapa ka pa. Hindi mo naman kasi kaagad alam ang mga bagay sa paligid mo kapag bago ka sa bagong bahay, hindi ba?

Simula ka ulit sa wala, sa umpisa. Magulong bahay, di organisado at puedeng di ka pa komportable. Parang ngayon, kasalukuyang nangangapa pa rin ako sa bago kong bahay, pinag-aaralan mabuti ang bawat sulok ng monitor ko, at inaalam ang dapat alamin ng saganon eh makakilos ako ng komportable. Wala namang mawawala kung isa isahin mong alamin, pag-aralan at ayusin ang mga bagay na nakakaapekto sayo sa bago mong bahay di ba? Pero syempre, may mga bagay ka rin namang dapat ikonsidera, gaya ng mga bagay na wala sa luma o dati mong bahay. Mahirap kasi kung hahanapin natin sa bagong bahay natin ang wala. Minsan naman, kailangan may maiwan din sa dating tahanan.

Pero ganon pa man, there’s no place like home... Iba pa rin kapag nandoon ka sa lugar na kung saan ka na lumaki, sa kung saan ka nakabuo ng magagandang alaala at sa kung saan nakita ng dati mong tananan ang mga pagbabago sa buhay mo...

Sa panibagong bahay na ito, eto lang ang masasbi ko, dala ko pa rin ang kung anong alaala meron ako sa dati kong tahanan... at dito ko itutuloy ang panibagong yugto ng aking buhay...